Christmas Memories
This is my official entry to Jom's WriCon Challenge with the theme: Ang Paskong Hindi Ko Malilimutan.
Word count: 498
˚₊· ͟͟͞͞➳❥
Makulay. Masaya. Mahiwaga.
Tatlong salita na mailalarawan ko ang aking masayang alaala tuwing sasapit ang pasko.
Ang handaan na umaapaw sa dami at 'kay sarap na mga putahe.
Ang mga kamag-anak, mga kasamahan, mga kapit-bahay at mga kaibigan ay nagtitipon para icelebrate ang pasko ng sama-sama.
Ang mga tugtugan na 'kay lalakas na tila napa-patalbugan ko sino ang may magandang sound system.
Ang mga aguinaldo na natatanggap ko galing sa mga Ninong at Ninang.
Naalala ko tuwing sasapit na ang Nobyembre, simula na para mag-ayos ng mga Christmas decorations sa bahay.
Makukulay na Christmas lights, garlands, Christmas balls at hindi mawawala ang Christmas star na nakalagay sa tuktok ng Christmas tree.
Naalala ko na gumawa pa ako ng sulat noon para kay Santa Claus, sinulat ko ang mga kahilingan ko at mga gusto ko sabihin sa kanya.
Naalala ko ang excitement ko nung bata pa ako kapag may nakalagay na gift sa ilalim na christmas tree. Hinuhulaan at kinakapa kung anong laman nun. Pinagsasabihan kami na wag buksan at hintayin namin ito kapag sumapit na ang araw ng pasko.
Labis ang kasiyahan ko nun kapag oras na para buksan na ang mga regalo. Bawat pagpunit ko sa gift wrapper ay parang nakakakiliti sa pandinig ko at nakakilig hanggang sa mabuksan ko na ito.
Labis ako natutuwa at nagpapasalamat sa mga regalo natanggap ko. Masaya dahil ang iba ay matagal ko na hinihiling na magkaroon ako.
Naalala ko nung na nangangaroling pa kami ng mga kaibigan ko. Todo bigay pa kami sa pag-awit ng mga Christmas songs. Pag malakas ang pag-awit, mas malaki ang commission namin.
Naalala ko na tuwing sasapit ang hating-gabi ng araw ng pasko, nagkalat ang mga makukulay na fireworks sa kalangitan na parati kong inaabangan. Dahil sa may mahika ito sa paningin ko.
Simple ang lahat pero masaya.
Paglipas ng taon, nararamdaman ko na unting unti nawawala na ang ganung tradisyon na nakasanayan ko noon. Hanggang sa napalitan na ang bagong henerasyon ngayon. Lahat na ay nakatutok sa mga gadget, iba na ang paraan ng pag ce-celebrate nila ng pasko at iba ay tila na walang respeto o dedma lang ang kung ano ba ang kahalagahan ng pasko.
Ngayong nasa 20's na ako, ramdam ko na tila normal na araw nalang ang mga ito. Is it just me o tumatanda na talaga ako. Baka ganon nga yun, nagiiba ang pananaw mo.
But at some point, narealize ko na pwede ko ituro ko sa iba kung paano at ano ba ang kahalagahan ng pasko.
Narealize ko din, na dating naranasan ko ay may kakayahan na ako iparanas sa iba ang diwa ng pasko sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo, mga aguinaldo at iba pa.
Narealize ko din na mabilis ang panahon. Maraming nagbabago. Hindi mo na maibabalik ang panahon kaya pahalagahan ang bawat alaala ng nakaraan. Make good memories while you can. Dahil yun na lang ang panghahawakan mo hanggang sa huli.
Kaya kapag nagka-pamilya ako, ituturo ko sa kanila that Christmas is all about unity, generosity, happiness and love.
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top