CHRISTMAS CAROLS


"JINGLE BELLS~!
Jingle bells~! Jingle all the way! Oh what fun it is to ride on a one-horse open sleigh... hey!"

Napabuntong hininga na lang ako at isinara ang librong binabasa. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Bumunot ako ng bente pesos sa wallet at binigay sa mga batang nangangaroling.

"Thank you! Thank you! Ang babait ninyo, God bless!"

Pagkatapos nilang kantahin yun ay naglakad na sila papaalis ng bahay namin. Napailing na lang ako at isinara ang pinto. Akmang babalik ako sa pwesto ko nang may nagsalita.

"Nagbigay ka na naman?"

"Ay mani ni Juana!"

Napahawak ako sa bandang dibdib ko dahil sa gulat. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung may biglang magsalita sa likuran mo na may sobrang puting mukha?

Sinamaan ako ng tingin ni mama at inilock ang pinto. "'Di ba sabi ko sa 'yo 'wag ka ng magbigay? Babalik at babalik sila tsaka baka kung ano pang gawin sayo kapag bumalik sila at wala kang binigay!" Pagpaparangal ni mama.

Napanguso na lang ako at tumango, "Opo."

- • - • -

Napahikab ako at isinara ang librong binabasa ko. Napatingin ako sa wall clock namin at nakitang maga-alas diez na. Masyado akong nahook sa binabasa ko at hindi ko na namalayan ang oras.

Papunta na sana ako sa kwarto ko nang may narinig akong kumakanta sa malayo.

Oo, naririnig ko. Malakas ata pandinig ko pagdating sa nga nangangaroling.

"Silent night, holy night~ All is calm, all is bright~ Round yon Virgin, Mother, Mother and Child~"


Silent Night? Madalang lang akong makarinig ng mga carolers na gan'on ang kinakanta. Napagpasyahan kong maghintay na muna hanggang sa makarating sila sa bahay namin.

Mukhang malayo pa naman sila, mga limang bahay pa siguro ang layo sa amin.

"Sleep in heavenly~ Sleep in heavenly peace~!"

Nang matapos silang kumanta ay biglang tumahimik. Napakunot ang noo ko at tumayo. Akmang bubuksan ko ang pinto nang may humawak sa balikat ko.

"Huwag."

Napatingin ako kay mama na nasa likuran ko na pala. Seryoso lang siyang nakatingin sa pinto.

Kinandado niya ang pinto gamit ang pad lock na hawak niya at pinatay ang ilaw.

"Umakyat ka na sa kwarto mo at huwag lumabas. Isara mo ng maayos yung bintana mo," bulong niya at kahit naguguluhan ay tumango na lang ako.

Habang papunta sa kwarto ko ay pilit akong binabalubag ng mga katanungan. Bakit kaya gan'on umakto si mama?

- • - • -

"Isang pamilya sinalakay ng mga hindi kilalang salarin. Apat sa kanila ay patay at ang isa naman ay nasa ospital habang kritikal ang kondisyon. Mga pulis, ini-imbestigahan pa rin ang tunay na nangyari."

Napailing na lang ako sa napanood na balita at pinatay ang telebisyon.

"Felicia, may pupuntahan ako kasama yung mga ka-trabaho ko. May team building kami kaya maiiwan kang mag-isa," sabi ni mama habang inaayos ang mga gamit niya. Tumango na lang ako.

"And always lock the doors, double or triple lock. Hangga't maaari, patayin mo rin yung ilaw at magtabi ng mga gamit na makakapagprotekta sa 'yo. Meron pa namag umiikot na mamamatay tao rito sa atin ngayon."

Napatingin ako sa kaniya ngayon na nakatingin din sa akin ng seryoso. "O-opo."

"Sige, kung nagugutom ka may pagkain sa ref. Iinit mo na lang sa microwave. Good bye, anak."

Habang papaalis niya ay may naguudyok sa aking habulin siya at sumama sa kaniya. Pero hindi ko na ginawa.

- • - • -

"Yah!"

Naalimpungatan ako at napahikab. Napatingin ako sa orasan namin at nakita kong pasado alas diez na ng gabi.

At dito pa ako nakatulog sa sala namin. Napahawak ako sa sentido ko at akmang papunta na ng kwarto nang biglang may kumanta.

"Silent night, holy night~ All is calm, all is bright~ Round yon Virgin, Mother, Mother and Child~ Holy infant so tender and mild~"

Silent Night? Sila na naman ulit yung kahapon?

"Tawad!" sigaw ko pero nagpatuloy lang sila sa pagkanta.

"Sleep in heavenly~ Sleep in heavenly peace~!"

Napailing nalang ako at napahawak sa ulo ko. Padabog akong pumunta sa pinto at binuksan ito. Kumuha ako ng isang daan at inabot yun sa kanila.

"Oh ayan, kunin niyo na! Umalis na nga kayo, nambubulahaw pa kayo!"

- • - • -

"Hmm," pagkanta niya habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay niya.

"Sabi ko naman sa inyo eh, umalis na kayo. Pero matigas ulo niyo."

Unti-unti siyang lumapit sa tatlong batang walang tigil sa pag-iyak. Pilit silang kumakawala sa pagkakagapos, ngunit sadyang mahigpit ang pagkakalagay ni Felicia.

"Hindi na kayo nadala sa ginawa ko sa kaibigan niyo at sa pamilya niya. Hah mga bata talaga, matitigas ang ulo."

Lumapit siya sa isang bata at tinanggal ang duct tape sa bibig nito. Akmang sisigaw ang bata nang takpan niya ang bibig nito sinaksak sa lalamunan kaya't tumalsik sa kaniyang mukha ang dugo na nagmumula sa lalamunan niya.

"Jingle bells," pagkanta niya kasabay ng dahan-dahang pagbaba ng saksak mula sa lalamunan hanggang sa dibdib nito. Lumuwa ang laman ng bata at mas lalong lumakas ang pag-agos ng dugo mula rito.

"Jingle bells," pagpapatuloy niya at madiing sinaksak ito kung saan naroon ang kaniyang puso. Binitawan na rin niya ang bibig ng bata dahil alam niyang hindi na ito makakasigaw pa.

"Jingle all the way." Mariin niya ulit 'tong sinaksak at gumawa ng butas sa dibdib nito. Dahil sa ginawa niyang butas ay sumisilip ang puso nitong dahan-dahan na lang ang pagtibok, na may kasamang dugo.

"Oh what fun." Kinuha niya ang puso nito gamit ang kabilang kamay at piniga ito kaya't mas lalong lumabas ang dugo mula rito.

"It is to kill." Iminuwestra niya ang kaniyang kutsilyo sa puso at ngumisi. Dahan-dahan niya yung hinati sa gitna at saka binitawan.

"Some naughty little kids." Kasabay nang pagkanta niyan n'on ay ang pagpugot niya rin sa ulo ng kawawang bata.

Pagkatapos ay tumawa siya nang mala-demonyo.

"Merry Christmas."

_*_*_ E N D _*_*_

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top