December
September 15, 2012
"Babalik ako, December. Huwag ka na umiyak," sabi ko habang yakap-yakap ang best friend ko na si December.
"Bakit kasi kailangan sa Amerika ka pa mag-college? Pwede naman kasi dito na lang," sabi niya.
"Eh, ewan ko rin kay mama at papa. Basta hintayin mo ko ah," sabi ko na unti-unting kumakawala sa yakapan namin.
"Ano pa nga ba? Kapag nakahanap ka talaga ng ibang best friend doon, lagot ka sakin!"
"Opo. Oh, sige na," sabi ko bago sumakay sa kotse namin.
"Ay, saglit!" sabi niya bago ko isara yung pinto ng kotse. Tumakbo siya papasok sa bahay niya at 'di rin naman nagtagal lumabas siya bitbit ang reindeer plushie niya. "Oh, ayan! Alam mong favorite ko 'yan kaya ingatan mo."
Kinuha ko yung plushie na inaabot niya. "Bakit ibibigay mo sakin kung favorite mo 'to?"
"Para ibalik mo! Hindi ako papayag na hindi mo 'yan ibabalik."
"Ahh... para umuwi ako at ibalik sayo, tama ba?" Tanong ko at tumango siya. Tinitigan ko ulit yung laruan.
"Sige na. Mamimiss kita, August. Ingatan mo si Ralphy ah!" sabi niya. Medyo natawa pa ako kasi ang cute ng pangalan ng favorite plushie niya.
"Mamimiss din kita, December," sabi ko na yinakap siyang muli. Matapos namin bitawan ang isa't-isa, isinara na niya ang pintuan ng kotse namin at umandar na ito. Nakita ko pa siyang kumukaway habang unti-unti na siyang naglalaho sa paningin ko.
Huwag ka mag-alala, December. Babalikan kita kahit ano pa ang mangyari.
August 26, 2019
"August, ikaw na ba talaga iyan?" Tanong sakin ng tita ko na si Tita Analyn nang makalapit ako sa kanya. Nasa airport kami ngayon.
Yes, pitong taon na ang nakakalipas magmula nang umalis ako ng Pilipinas at nag-aral sa ibang bansa. Bukod sa nakapagtapos na ako, marami na rin ang nagbago. Hindi ko na iisa-isahin lahat 'yun kasi magiging isang nobela na ang kwentong ito kapag nilahad ko pa lahat ng 'yun.
"Ang gwapo naman ng alaga ko. Dati pinapaliguan pa lang kita kapag wala ang mommy mo tapos umiiyak ka pa kapag hindi ako ang mag-aalaga sayo," sabi naman ni Tita Angie na nagpatawa samin.
"Ako na bahala sa bagahe mo, Kuya," sabi naman ng pinsan ko na si Adriel. First year college na daw siya ngayon. Nakakagulat kasi nung umalis ako grade 6 pa lang siya.
"Siguro may girlfriend ka na, noh?" sabi ni Tita Angie.
"Nako, wala pa po. Wala sa plano," sagot ko.
"Wala sa plano o baka naman kasi wala kang magustuhan dahil nandito yung gusto mo," pang-aasar ni Tita Angie.
"Si doktora ba yun, ate?" Tanong naman ni Tita Analyn kay Tita Angie.
"Si Ate December, Kuya August?" Tanong naman ni Adriel sakin.
"Pano ba yan, Adriel? Mukhang hindi na talaga kayo pwede ni Ate December, noh?" Pang-aasar ni Tita Analyn kay Adriel.
"Ma! Ang kulit mo! Hindi ko na nga crush si Ate December!" sagot ni Adriel.
"Natapos na pala ni December ang pag-memed niya?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi pa pero malapit na. Tawag na nga namin sa kanya doktora para mas lalong mamotivate," sabi ni Tita Angie.
"Crush mo si Ate December, Kuya?" tanong ni Adriel sakin.
"Ikaw? Crush mo si Ate December?" balik tanong ko sa kanya.
"Hindi na. May nililigawan na kasi akong iba," sabi niya at napa-apir ako sa kanya.
"Maganda?"
"Syempre, Kuya. Mas maganda pa kay Ate December."
"Imposible," sabi ko at tinitigan niya ako na parang nang-aasar. "Ikaw talaga! Sumakay ka na nga dun!" sabi ko na tinulak siya papunta sa sasakyan nila Tita. Napailing-iling na lang ako bago sumakay na rin.
♡・♡・♡
"Kuya, may surprise ako sayo," sabi ni Adriel nang buksan niya ang pintuan ng kwarto na tinutuluyan ko.
"Ano naman 'yun?" Tanong ko habang umuupo mula sa pagkakahiga.
"Halika," sabi niya sabay labas. Napakunot naman ang noo ko at sinundan siya.
"Ate doktora!" Tawag ni Adriel sa babaeng nakatalikod sa amin ngayon. Busy siya sa pagkausap kay Tita Analyn na mukhang marami na ang naikwento.
Lumapit sa kanya si Adriel at nginitian siya nito. "Ano bang meron? Bakit pinapunta mo ko ha?" tanong niya at nginitian siya ni Adriel.
"Harap ka sa likod," sagot ni Adriel sa tanong niya. Unti-unti siyang umikot patalikod at parehong nanlaki ang mata namin ng makita namin ang isa't-isa.
"August!" sigaw niya sabay takbo papunta sa akin at yumakap. Lahat sila nakatitig sa amin. Si Adriel, Tita Analyn, Tita Angie na lumabas pa talaga ng kusina, Tito Ryan na kararating lang, at si Tito Carlos na nagising mula sa pagkakahimbing.
Hindi nagtagal ay kumalas sa pagkakayakap si December at tinignan ako. Nakita niyang nakatingin ako sa likuran niya kaya humarap siya doon at nakita niya ang buong angkan ko na nakatingin samin. "Sorry po. Nadala," paumanhin niya sa kanila sabay hila sakin palabas. "Nagtatampo ako sayo, alam mo ba yun!?" sabi niya at natawa ako.
"Pero niyakap mo pa rin ako," bulong ko at tinitigan niya ako ng masama.
"Seven years, August. Seven years! Namuti na ang buhok ko kakahintay sayo!"
"Miss na miss pala talaga ako ni doktora," sabi ko na tinusok-tusok ang gilid niya. Naiinis siya kapag ginagawa ko sa kanya yun dati at hanggang ngayon inis pa rin siya kasi layo siya ng layo at tanggal siya ng tanggal ng daliri ko.
"Eh, ikaw, Architect? Miss mo ba ako?" tanong niya na mukha pang nang-aasar.
"Hindi," sabi ko at napanganga siya.
"Ang sama mo!" sigaw niya at tinawanan ko lang siya.
"Wala ka bang pasok? Monday ngayon ah," pag-iiba ko ng usapan.
"Wala pero paalis na ako. Napadaan lang talaga ako kasi tinext ako ni Adriel. Surprise daw eh kaya pumunta agad ako. Akala ko may regalo para sakin yun pala ikaw lang yun," reklamo niya.
"Aba! Ang sama mo rin," sabi ko at natawa siya. "Hatid na kita sa inyo," sabi ko at tumango siya.
Nagsimula na kami maglakad papunta sa kanila. Sa kabilang kanto yung bahay nila. Bago kami umalis dati, hiniling ko talaga kay Tito Carlos na dumaan muna sa kanila kasi alam kong magtatampo ng sobra 'to kapag hindi napuntahan.
"Kailan ka ulit uuwi?" tanong ko.
"Mamimiss mo na naman ako noh? Aminiiinnnn!!" pang-aasar niya.
"Tinanong ka lang kung kailan ka uuwi ulit."
"Sa Sunday pero ayun, kapag namiss mo ako nang sobra, mga isang sakay lang naman ng UV tsaka isang sakay ng jeep papunta sa dorm ko."
"Kalokohan talaga neto. Sige na! Sa Sunday labas tayo."
"Hindi ka magpapakita kila papa?" tanong niya at umiling ako.
"Sa Sunday kapag ipagpapaalam kita," sabi ko at kumunot yung noo niya.
"Hindi ko naman alam na pamamanhikan na pala," bulong niya habang dahan-dahang naglalakad paalis.
"Ano yun?" tanong ko, nagpapanggap na hindi ko narinig.
"Wala! Sabi ko, sige, sa Sunday na lang," pagpapalusot niya.
"Okay, sige," sabi ko bago ko siya kinawayan at naglakad pabalik sa amin.
September 1, 2019
"Nakauwi ka na?" tanong ko nang sagutin ni December ang tawag.
"Tanong agad? Wala bang hello muna? Tapos sasagutin ko ng, "August? Ikaw ba yan?". Tsaka paano mo nalaman number ko?" sunod-sunod na tanong niya.
"Tinanong ko kay Adriel. So nakauwi ka na nga?" tanong ko ulit.
"Nope kasi malapit lang dito sa dorm yung pupuntahan natin kaya pupuntahan mo ako dito."
"At sino nagsabing pwede ka mamili ng pupuntahan?"
"Seven years mo ako pinaghintay kaya magtiis ka!"
"Tss... san ba yan?"
"Itetext ko na lang sayo," sabi niya bago ibaba ang linya. Bastos talaga yung batang 'yun kahit kailan!
Hindi nagtagal ay natanggap ko na rin yung text message niya. Binigyan naman niya ako ng directions papunta kaya hindi ako nahirapan. Matapos ang halos isang oras din na byahe natunton ko na ang dorm niya. Sino ba kasing nagsabi mag-aral siya sa Manila gayong taga-Novaliches kami? Napakalayo tsaka ang traffic pa.
"Pinahirapan mo ako!" bungad ko sa kanya.
"Ang dali na nga lang nun! Isang sakay lang naman ng UV papunta tapos sakay ka jeep para matunton mo 'to. Traffic nga lang. Hehe!" sagot niya at tinignan ko lang siya ng masama.
"Saan ba tayo?" tanong ko at nginitian niya ako.
"Sa Dapitan! Christmas decor shopping para sa dorm ko," sabi niya na pumalakpak-palakpak pa.
"Ahh... nagcecelebrate pa nga pala ng pasko dito."
"Bakit? Hindi ka na ba nagcecelebrate? Nag-iba ka na ng religion?"
"Hindi. Wala na kasing rason para i-celebrate tsaka napaka-overrated na ng pasko," sabi ko at tinignan niya ako na parang nawiweirduhan.
"Gash! Anong ginawa ng Amerika sayo?" sabi niya at sasagot pa ako pero naglakad na siya paalis.
"Talagang isasama mo ako ah!" sabi ko nang mahabol ko siya.
"Syempre para sumaya naman buhay mo! Kailangan maniwala ka ulit sa pasko kasi favorite holiday natin 'yun!" sabi niya na ipinapaalala sa akin yung mga tradisyon namin dati.
Pasko kasi kami unang nagkakilala nung mga bata pa kami at mula nun, gumawa na kami ng iba't-ibang tradisyon para macelebrate yung friendship anniversary namin.
Nang makarating na kami sa Dapitan, nagsimula na siyang mamili at syempre, since hindi naman ako bibili, ako ang kanyang dakilang tagabuhat.
"Alam mo para sumaya-saya buhay mo, bibilhan na lang kita ng Christmas figurine," sabi niya na tinawanan ko lang. "Sama mo talaga!" sabi niya bago lumakad sa isang tindahan at tinanong presyo nung mga snow globe at figurine.
"Ang cute kaya nito! Oh! Tignan mo!" sigaw ng isang babae na nasa likod namin. Mukhang nagtatalo sila ng kasama niya. Ang weird lang kasing-ingay siya ni December at dahil dun, mukhang nakuha rin nito yung atensyon ni December.
"Ang pamilyar nung boses niya," sabi sakin ni December bago nilapitan ang babae. Tinapik niya ito at parehong nanlaki ang mga mata nila nang makita ang isa't-isa.
"Ate December!" sigaw nung babae.
"Tin!" sigaw rin ni December bago nila niyakap ang isa't-isa.
"Ang tagal kitang hindi nakita," sabi ni December nang unti-unti silang kumawala sa yakap ng isa't-isa.
"Hindi na kasi kami nakakauwi eh!" sagot naman nung babae na Tin ang pangalan.
"Kami rin. Kamusta na kaya sila dun?" sabi naman ni December.
"Ayy, Ate! Si Clement, boyfriend ko," pagpapakilala niya sa lalaking kasama niya.
"Ang daya nito! Inunahan mo ako pero nice to meet you, Clement. Magkapangalan kayo at bagay pa. Yieee!!!" pang-aasar ni December sa kanila. "Etong asungot kong kasama. August pangalan niyan," pagpapakilala naman sakin nitong babaitang 'to.
"Ang ganda ng pagpapakilala niya sa kasama niya tapos sakin hindi!" reklamo ko.
"Eh, hindi naman kita boyfriend!" sagot niya. Napasipol naman si Tin at yung boyfriend niyang si Clement.
"Tapos na ba kayo mamili, Ate?" tanong ni Tin para mabawasan ang awkwardness sa kapaligiran.
"Uhmm... tapos na actually. Kayo?"
"Tapos na rin. Tara, kain tayo!" sabi ni Tin at hinila na niya si December. Sinundan naman namin sila ni Clement.
♡・♡・♡
"Magmula nang iwan kami ni papa, medyo malungkot na rin sa amin at hindi na rin kami nakakauwi kasi wala naman na si papa," kwento ni Tin kay December.
"Hindi na rin namin matunton si Tito eh pero uwi pa rin kayo. Uuwi daw kami ngayong New Year sabi ni papa after ng ilang taon," sabi ni December.
"Sige, Ate. Tatanong ko si mama pero sasama ko si Clement ah!"
"Syempre, okay lang! Pinsan-in-law ko 'yan eh!" masiglang sabi ni December at natawa sila.
"Future pinsan-in-law ko rin ba si Kuya August?" tanong ni Tin and as if on cue, nag-ring yung telepono ko.
"Excuse me," sabi ko at naglakad palayo ng kaunti.
Kinausap ko ang may-ari ng idedesign kong structure. Yun talaga ang main reason kung bakit ako umuwi. After the project, babalik ako sa States.
Habang nakikipag-usap, nakita kong tumayo si December at Clement para siguro kunin yung inorder namin. Nakabalik na rin naman ako agad matapos kausapin ang may-ari.
"Kuya August, Christmas hater ka na daw sabi ni Ate December," bungad sakin ni Tin.
"Binabackstab ako ng Ate December mo," sabi ko at natawa siya.
"Okay lang na Christmas hater ka. Ako nga love hater, eh! Lupet, 'di ba?"
"Love hater? Eh, may boyfriend ka."
"Dati kasi. Patapusin mo muna ako. So ayun, napabago ako ni Clement. Si papa kasi eh napakasakit ng ginawa! Pero ikaw, Kuya, hindi ko man alam kung anong nangyari at bakit hindi ka na naniniwala sa pasko pero please, hayaan mong baguhin ni Ate December ang pananaw mo," litanya niya bago dumating si December at Clement bitbit ang pagkain namin.
♡・♡・♡
"Ikaw, December ah!" sabi ko na tinabig ang balikat niya. Naglalakad na kami ngayon papunta sa bahay nila.
"Ano na naman?" inis na saad niya.
"Binabackstab mo ako! Napakasama!" sabi ko at tinawanan ako ng loka-loka.
"Christmas hater ka naman talaga, 'di ba?" sabi niya at tinignan ko siya ng masama. "Huwag ka mag-alala, August. Hindi ka babalik ng US nang hindi ka naniniwala ulit sa pasko," sabi niya bago nagpaalam at pumasok sa loob ng bahay nila.
November 1, 2019
Alam kong ang laki ng talon ng date. Nagkasama naman kami ni December nitong mga nakalipas na buwan. Every Sunday or Monday nga lang kasi yun lang yung time na umuuwi siya galing school. Tinatrabaho ko rin kasi yung construction nung structure na dinesign ko kaya wala nang importante dun at oo, kung ano-anong Christmas activities ang ginagawa namin ni December para manumbalik daw ang Holiday spirit ko.
Yes, November 1st. Magkasama kami ngayon ni December sa sementeryo. Isa pa sa dahilan kung bakit malakas ang bond namin ni December ay dahil magkatabi ang puntod ng mga lolo't lola namin.
"Anong gusto mong gawin sa Sunday?" tanong niya sakin.
"First time mo ako tinanong kung anong gusto kong gawin ah!"
"Naisip ko kasi na ako lagi nagdedecide eh since andito ka lang hanggang sa matapos yung structure na ginagawa niyo, baka may mga gusto ka rin gawin dito na hindi mo pa magawa dahil ako palagi nagdedesisyon."
"Wala naman kaya ikaw na ulit magdecide kung saan tayo pupunta."
"Okay, sabi mo 'yan ah!" sabi niya na tinanguan ko. "Nga pala, August."
"Ano yun?"
"Hindi ko alam kung okay lang sayo pag-usapan pero nalaman ko yung nangyari sa parents mo at kay April. Condolence."
"Limang taong late 'yang condolence mo."
"At least, nagsabi, 'di ba?" biro niya at natawa na lang ako habang pailing-iling. "Pero anong nangyari?"
"Ayun. Magbabakasyon dapat kami sa Leavenworth sa Washington kaso naaksidente kami. Since nasa harap nakaupo sila mama at papa, sila ang mas napuruhan kaya binawian agad sila ng buhay. Si April naman inoperahan dahil ang daming bubog na bumaon sa katawan niya kaso hindi niya rin kinaya kaya binawian na rin siya ng buhay three days after mamatay ni mama at papa. Ako lang ang nakasurvive sa amin," malungkot kong paliwanag.
"Paano ka? Sino nagpa-aral sayo?"
"Yung doktor sa ospital na nagsabi sa akin na patay na si April. Alam niyang wala na akong pupuntahan kaya sinabi niyang siya na ang magpapa-aral sa akin. Doon pa rin ako sa bahay namin nakatira at may dumadating na pera sa akin every month pero malungkot pa rin. Mag-isa na lang ako," sabi ko na yumuko dahil naalala ko ang mga masasakit na nangyari. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko.
"Ikaw naman kasi! Ni isang tawag sa akin, wala. Hindi ka sana mag-iisa kung sinabi mo lang sana pero huwag ka mag-alala, August andito na ang pamilya mo," pagpapagaan niya sa loob ko. "Nakikita mo sila," tinuro niya sila Tito at Tita. "Andyan sila para magsilbing mga magulang mo at tandaan mo, andito lang ako palagi para sayo."
November 30,2019
Nasa Baguio kami ni December ngayon. Nakakagulat, noh? Gusto niya daw kasi yung malamig na feeling na parang magsosnow. Pansamantala kasing isinara ang Star City dahil sa nangyaring sunog. Gusto pa naman daw sana niyang mag-Snow World.
Andito kami ngayon sa Burnham Park nakasakay sa boat. Feel na feel ni December ang moment niya at ito ako hirap na hirap magsagwan.
"Feeling ko ako si Agnes sa Forevermore," sabi niya at tinawanan ko siya. "Makatawa ka dyan! Akala mo talaga kilala sila."
"Kung ikaw si Agnes, sino naman si Xander?" tanong ko at ngumiti siya.
"Omaygash! Hindi mo naman sinabi na nanonood ka pala sa TFC!"
"Pero sino nga Xander mo?"
"Gusto mo ikaw? Yieeeee!!!"
"Sige."
"Eto talaga! Crush na crush mo lang talaga ako noh!"
"Baka ikaw ang may crush sa akin!"
Inirapan niya ako. "In your dreams," maarteng sabi niya at hindi ko alam kung bakit medyo nahurt ako dun.
"Pero may tanong ako."
"Ano yun?"
"May chance ba na magkagusto ka sa best friend mo?"
"Hmm..." nag-isip siya na nakatingin pa sa itaas. "Oo, magugustuhan kita kung hindi ka na Christmas hater!"
"Crush mo talaga ako eh, noh! Hindi ko naman sinabing ako!"
"Bakit? Sino lang ba best friend ko?" sabi niya at hindi ko alam kung bakit parang nag-iinit yung mukha ko. "Nagbablush ka, bes! Crush mo talaga ako!"
"Mainit lang!" pagpapalusot ko.
"Nasa Baguio ka po," sabi niya habang itinataas-baba ang kilay niya. Napailing-iling na lang ako at natawa siya. "Huwag ka mag-alala, August. Sabihin mo lang kapag crush mo ako, ika-crushback naman kita," pang-aasar niya at hindi ko na lang siya pinansin. Ang daldal kasi!
Baka kapag umamin ako sayo, matahimik ka diyan.
December 16, 2019
"Kuya August?" tawag sakin ni Adriel nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ko. Ilang araw na ang nakalipas magmula nang maggaling kami ni December sa Baguio. Hindi pa kami nagkikita ulit dahil marami siyang inasikaso sa pag-aaral niya pero sa pagkakaalam ko, nagsimula na semestral break nila ngayon.
"Bakit, Adriel?" tanong ko sa kanya.
"Andyan si Ate December, Kuya. Hinihintay ka sa labas," sabi niya sa akin at napabangon ako.
Alas otso na ng gabi kaya nakapagtataka na pupunta pa dito si December eh medyo delikado na sa daan kapag naglakad pa siya mag-isa.
"December, bakit naman naglakad ka dito nang mag-isa?! Alam mo namang delikado kahit pa nasa kabilang kanto lang kayo!" bungad ko sa kanya.
"Kumalma ka nga! Buhay pa ako, 'di ba? OA lang sa pag-aalala," sabi niya.
"Paano kung may nangyari sayo, ha? Edi nawala ka na ng tuluyan sa akin!" wala sa sariling nasambit ko. Nanlaki ang mata ni December at may narinig kaming sumipol sa likod. Humarap ako doon at nakita ko si Adriel na nakatayo. "Kanina ka pa dyan?"
"Medyo, Kuya. Hehe! Hahatid lang talaga kita sana papunta sa gate kaso hindi ako nakaalis agad. Parang nanonood kasi ako ng teleserye," sabi niya at natawa si December.
"Lumayas ka na nga dyan," pagtataboy ko sa kanya at nagsalute pa siya bago umalis.
"Ang kulit ng pinsan mo. Parang hindi college kung umasta eh," sabi ni December na natatawa pa. "Tara! Simbang gabi tayo," sabi niya na hinila ang kamay ko.
"Ayoko," sabi ko na hinigit ang kamay ko.
"Bakit? Dati ikaw pa nag-aaya sakin tapos ngayon ayaw mo na."
"Wala na kasing saysay ang pagsisimba. Hindi naman Niya naririnig lahat ng mga problema natin. Dinadagdagan Niya pa."
Kumunot ang noo niya. "Ano bang pinagsasabi mo diyan?"
"Magsimba ka mag-isa mo kasi hindi ako sasama," sabi ko na unti-unti nang tumalikod.
"August, saglit! Hindi kita maintindihan, eh!" sabi niya na tumakbo papunta sa harapan ko.
"Iyang Diyos na 'yan. Kung magaling talaga Siya, bakit pinatay Niya ang pamilya ko. Wala na Siyang ginawa kung hindi bigyan ako ng pasakit! Limang taon akong nag-iisa at ni minsan, hindi man lang Niya ako dinamayan! Hindi man lang Niya ako inalala. Halos mamatay ako sa lungkot at hirap at kahit isang beses, hindi ko naramdang andyan Siya!"
"August, nagkakamali ka. Binigyan ka niya ng mga problema para patatagin ka at hi–"
"Patatagin? Nakakatawa naman. Mas lalo pa nga akong nanghina. Wala Siyang kwenta! Sa inyong lahat, big deal ang pasko. Kaarawan ng Anak Niya. Pati rin Anak Niya, eh! Wala Silang kwenta!"
"Augustus!" sigaw niya.
"Ayaw mong ginaganyan ko yung Diyos mo? Yung walang kwenta mong Diyos!"
"Tama na, August!"
"Wala siyang ginawa kung hindi–"
"TAMA NA!" sigaw niya bago siya napabagsak sa lupa at umiyak. Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig at saka ko lang narealize lahat ng mga sinabi ko.
"December?" tawag ko sa kanya nang makaluhod ako.
"Akala ko nabago na kita. Akala ko nabalik ko na yung dating August, yung August na mahal na mahal ko," sabi niya at nanlaki ang mga mata ko. "Akala ko lang pala yun. Please, ibalik mo na ang best friend ko. Yung best friend ko na favorite holiday ang Christmas. Yung best friend ko na malakas ang pananampalataya at mahal ang religion niya. Yung best friend ko na napa-ibig ako nang hindi ko namamalayan. Hindi ko na kasi best friend yung nakikita ko, eh. Isang lalaki lang siya na galit na galit sa mundo at hindi naniniwala sa kakayahan ng Diyos. I'm sorry pero hindi ko kayang mahalin ang isang tao na hindi naman kayang magtiwala sa Tagapaglikha niya," sabi niya bago tumayo at iniwan niya akong nakaluhod.
Sa pagkakataong iyon, nagsisi ako. Pinagsisihan ko ang lahat ng sinabi ko. Alam ko na kung bakit nangyari ang lahat ng ito at hanggang ngayon buhay pa ako kasi babalikan ko pa si December, ang babaeng hindi ko namalayang naibigan ko.
December 22, 2019
"Tita, ano po iyon?" tanong ko kay Tita Analyn nang makapasok siya sa kwarto ko.
"Mag-rorosaryo kasi ako eh bago matulog kaso naisip kita kaya dito ako mag-rorosaryo. Samahan mo ako," sabi niya at umupo sa kama ko.
"Tita ano kasi–" naputol ang sasabihin ko nang iabot niya sa akin ang kulay blue na rosary.
"Narinig ko ang pagtatalo niyo ni December. Anak, ang Diyos ay laging nandyan lang para sa iyo at hindi ka naman niya pinahirapan ng sobra. Hindi ba't nakapagtapos ka pa rin? Nakauwi ka dito ng maayos at may uuwian ka pa. May pamilya ka pa. Kami ng pinsan at mga Tito't Tita mo at tsaka si December. Parte na rin siya ng pamilya, Anak. May dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari at may dahilan kung bakit nanatili kang nakatayo," paliwanag niya.
"Pasensiya na, Tita. Nadala kasi ako ng kalungkutan at galit ko."
"Okay lang yun, August. Kaya magdasal ka. Humingi ka ng tawad at pasalamatan mo siya dahil buhay ka pa," sabi niya at doon ko narealize na tama nga si Tita. May rason pa kung bakit ako nandito at ngayon ay alam ko na iyon.
December 25, 2019
"Anong ginagawa mo rito?" bungad na tanong sa akin ni December nang palabasin siya ng papa niya.
"Baka kasi namiss mo na 'to," sabi ko na inabot ang paborito niyang plushie na si Ralphy. "Merry Christmas, December."
"Ralphy!" usal niya bago hablutin sa kamay ko ang laruan.
"I'm sorry, December," sabi ko habang nakayuko.
Bumuntong-hininga siya. "Hindi ka sakin dapat mag-sorry, but oh, well..," nagkibit-balikat siya.
"Nakapag-isip-isip na ako. Mali na sinisi ko ang lahat sa Diyos. May purpose pala kasi ang lahat ng nangyari sa akin."
"At anong purpose sa tingin mo yun?"
"Narealize ko na sa kabila ng lahat, buhay pa ako dahil sa isang rason at ang rason na yun ay may kailangan akong balikan dahil nawalan man ako ng pamilya, nagkaroon naman ako ng isa pa at iyon ay walang iba kung hindi si December Abalunan," sabi ko at nakita kong napangiti ko siya dahil doon.
"Hindi naman ako prepared sa lahat ng yun! Pwede naman sigurong ininform mo muna ako," sabi niya na tinatakpan ang namumula niyang pisngi.
"Ang cute mo po, Doktora," sabi ko.
"Ang cute mo rin po, Architect," sabi niya at pareho kaming natawa. Matapos nun ay yinakap ko siya at hindi naman ako nadisappoint kasi yumakap siya pabalik.
"Mahal kita, December at hindi as a friend," sabi ko at natawa siya.
"Mahal rin kita, Augustus," sabi niya at tinignan ko siya ng masama.
"Augustus talaga? Ang haba-haba ng pangalan ko, eh!" reklamo ko bago niya pinisil yung pisngi ko.
"Cute kaya ng pangalan mo! Augustus Pangilinan. Ang sosyal pakinggan!"
"Tandaan mo na 'yang apelyido na 'yan kasi magiging apelyido mo rin 'yan sa future," sabi ko at umirap siya.
"Hindi mo pa nga ako inaayang maging girlfriend, kasal agad nasa isip mo!"
"Edi, Doktora December Abalunan, you have made me a better person and a God-fearing man. It will be a pleasure if you choose to be my girlfriend."
"Ano pa nga ba? Nanosebleed na ako, eh. Ganun pala mag-tanong ang mga Amerikano," sabi niya at pareho kaming natawa. Nagkatitigan kami ng saglit bago niya ako niyakap ulit.
Nakakatawang isipin na maari pa palang magbago ang mga hopeless case na katulad ko. Nasobrahan na sa galit ang puso ko kaya alam ko nang hindi na talaga ako babalik sa dati pero iisang tao lang pala ang kailangan para manumbalik ang kabusilakan sa aking puso. Kaya sobra ang pasasalamat ko kay December dahil sa kanya ay naging mabuti akong tao.
The End...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top