Kabanta 9

Kabanata 9

Papunta na ako ngayon sa dati naming kubo para kunin yung bagpack ko. Well.. Hindi ako nag iisa talaga, kasama ko si Gema, tapos si Artemio. Wala e, ayaw akong payagan ni Aling edna na umalis mag isa. Masyado daw delikado at baka daw may makasalubong akong dayuhan pag punta doon. Kaya mabuti na daw na may kasama ako, at isa pa hindi rin naman kasi ako masyadong pamilyar sa lugar na 'to. Maliligaw lang ako kaya hindi na rin ako tumanggi.

"Ate Chippy, makukuha na ba natin yung gamit mo na..ano nga ulit iyon? Yung nakikita ko ang sarili ko!"

"Cellphone." tipid na sabi ko at patuloy lang na naglakad. Actually, si Gema lang ang nagsasalita dito. Ako kasi ay hindi, tapos si Artemio naman panay lang ang tingin sa akin. Hindi naman sa nagmamaganda o assuming ako pero, nakikita ko kasi sa gilid ko yung mga tingin niya. Obvious na obvious. Tapos pag titingin ako, iiwas naman siya.

"Opo! Ayun nga.. Ang ganda ng kagamitan mo na 'yon ate,"

Ngumiti ako at hinaplos ang ulo niya.

"Pwede ko ba 'yon na hawakan ulit?"

"Oo naman. Ipapahiram ko sa iyo yun mamaya pag nakuha na natin." sagot ko sa kanya. At laking pasalamat ko din ng sa haba ng paglalakbay namin ay natatanaw ko na ngayon yung kubo. Nakahinga na ako ng maluwag kahit na hinhingal na.  Pero mas binilisan ko pa yung lakad ko, dahil na eexcite na akong mahawakan ulit yung mga gamit ko. At isa pa, lapot na rin yung mukha ko. Kahit liptint lang, Lord!

"Ano bang ginagawa mo?" sabi ko ng bigla na lang humarang si Artemio sa daan.

"Tumabi ka nga diyan!" sabi ko pa at tinulak pa siya. Napaka epal nito. Palibhasa kasi walang pumapansin. Maging si Gema kasi ay ako lang din ang kinakausap.

"Chippy, mayroong tao sa loob ng kubo!" bulong niya na nagpatigil sa akin.

"Ano?"

Hinila niya kami ni Gema sa may gilid ng puno na malakk.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Tignan mo, may usok, malamang ay susunugin na nila ang kubo." seryoso sagot naman niya. Nanlaki ang mata ko ng tignan ko ay totoo ngang umuusok ito.

"Kuya, may tao po.." turo ni Gema banda sa pintuan ng kubo.

Kumabog naman ang dibdib ko ng makita ko nga na may dayuhan. Putangina!

"O my gosh, anong gagawin natin?"

"Huwag kayong aalis sa likod ko. Chippy, maging alerto ka." utos ni Artemio. Hindi naman ako sumagot at tumango na lang.

Nakita kong kinuha pa niya yung isang riffle s likod niya. Bahagya siyang lumuhod at pinong itinutok ang baril sa kung nasaan ang dayuhan.

Gosh, anong gagawin niya? Babarilin niya?

Kasabay ng pagtakip ng bibig ko ang paghiyaw ko dahil sa gulat. Isang beses niya iyon na pinaputok at nakita kong natumba ang dayuhan.

"Jusko po! Jusko po! Jusko po!" nanginginig na sabi ko. Lord, o my gosh! Ito ang kauna unahang pagkakataon na nakita kong may binaril.

Nakita kong may dalawa pang lalaki ang lumabas sa pinto palingon lingon kung saan. Siguro ay hinahanap kung sino ang bumaril sa kasamahan nila.

Na si Artemio.

Wala pang ilang segundo ay mabilis na bumagsak ang dalawa katulad nung kasamahan nila. Napalingon pa nga sa pwesto namin ang isa kaya mabilis na tumalikod si Artemio.

"Kuya, kailangan na ba natin bumalik sa ating kubo?" tanong ni Gema.

"Maghintay pa tayo ng ilang sandali," ani ni Artmeio at hindi pinansin si Gema. Tumingin ito sa akin. "Higpitan mo sng hawak kay Gema,"

"Okay.." sabi ko at mahigpit na hinawakan si Gema sa kaliwang kamay.

"Mabilis mong kunin ang mga kagamitan mo, magbabantay ako sa labas. Siguraduhin mong wala ka ng makakalimutan."

Tumango ako. Tumayo naman siya at nauna ng maglakad. Nilagay niya lang kami sa likod niya. Nang makasigurado si Artemio sa wala ng dayuhan sa loob ay pinapasok na niya kami. Ako naman ay dumiretso na dati kong kwarto. Mabilis kong nahanap ang bag ko, hinila ko na agad si Gema paalis doon pagkakuha ko.

"Chippy, kailangan na natin magmadali!" hiyaw ni Artemio mula sa labas.

"Nandiyan na!" hiyaw ko ng nakasalubong ko siya na nakatanaw sa   amin.  Isinabit ko na sa likod ko ang bagpack ko at yung shoulder bag.

Pinauna na niya akong lumabas.  Naglalakad lang kami ng bigla na lang..

"Punyeta! May mga dayuhan!" hiyaw ni Artemio kaya napatakbo kami.

"Chippy bilisan ninyo!"

Hindi na nga ako humihinga at nag fofocus na lang sa pagtakbo ng makita ko si Gema ay nakita kong nahihirapan na siya kaya pansamantala akong tumigil at binuhat na lang siya.

"Chippy, huwag na kayong lumingon!"

"Oo na nga! Putang ina!"

Inanto! Mas lalo akong kinakabahan dahil sa mga sinasabi niya.

Napahiyaw ako ng may narinig akong nagpaputok ng baril. Putsa, huwag mong sabihin na may humahabol sa amin?!

"Diretso lang ang takbo, Chippy!"

Nanlaki ang mata ko ng nakita kong tumigil siya at nagpaputok din ng baril.

"Huy, anong ginagawa mo?! Bakit ka ba tumigil?!"

"Magtungo ka na sa kuta natin!"

"Pero paano ka?!"

"Ako na an-"

"Kuya Artemio, may dayuhan!" hiyaw ni Gem ngunit huli na..

Nabaril na si Artmeio..

"Kuya!"

Kahit na nasa lupa na ay nakipagpalitan pa rin ng putok si Artemio, natamaan niya ito sa leeg kaya mabilis itong natumba.

Ako naman ay dali dali kong binaba si Gema at inalalayan si Artemio para makatayo. Mabuti na lang at sa balikat lang ang tama niya.

Kahit pa asar ako sa kanya ay hindi naman kaya ng konsensya ko ang iwanan siya dito.

Laking pasalamat ko din dahil malapit nalang ang nilakad namin para makapunta sa kuta.

"Ano ang nangyari?!" salubong ni aling edna sa amin ng makita na nakaakbay sa akin si Artemio na duguan.

"May nakasagupa si Kuya Artemio na dayuhan." si Gema ang sumagot.

"Diyos ko po! Ipasok na niyo siya, Iling! Maghanda kayo ng maligamgam na tubig!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top