Kabanata 8
Kabanata 8.
Napairap ako. Imbes na nag papahinga lang ako sa loob ng kubo ay hindi! wala rin akong nagawa , napasama pa rin ako dito sa chismosang lalaking 'to.
At ang masama pa doon, kaming dalawa na lang ulit ang magkasama. Si Gema kasi ay inutusan din ni Aling edna. Ewan ko ba, king minamalas ka nga naman talaga.
Inirapan ko ulit siya. Nakakaasar kasi e, kanina pa aiya tingin ng tingin. Tapos mangingiti pa, ano ibig sabihin nun? Hindi ba nang-aasar?!
"Tila yata, hindi ka nagsasalita." aniya habang diretso pa rin ang lakad.
Pinagpatuloy ko lang ang pagdampot ng mga sanga at hindi na siya pinansin. Jusko, makasama nga lang siya ngayon ay talagang nanginginig na yung kalamnan ko tapos kakausapin ko pa siya? Baka manakit na lang ako.
"Mukha yatang masama ang umpisa ng araw ng dalaga,"
Mabilis akong umupo ng makita yung malaking sanga sa unahan ko. Nilagay ko iyon sa katsa na dala ko. Sa napapansin ko lang-
"Parang hangin lamang ang kasama ko."
Mas maraming sanga dito kaysa doon sa dating tirahan nila. Mas madali makahanap dito ng sanga kaysa sa dati na nakakapunta pa kami ng dulo ng ilog para lang makapuno ng isang bag ng katsa.
"May ahas!!"
Dali dali akong napasigaw sa pinaghalong takot at gulat. Nilingon ko ang gilid ko at tinignan kung may ahas nga. Napatigil ako ng wala akong akong nakita pero nilingon ko pa ulit yung sa kaliwa ko, pero wala rin akong nakita.. Unti unting lumukot ang mukha ko. Parang alam ko na to a.. Mabilis kong nilingon si Artemio.
"Tingin mo nakakatawa ka?" sabi ko at pinalo siya ng sanga na hawak ko. Umilag siya pero hindi pa rin ako tumigil at pinalo pa siya ng isang beses.
"Alam mo bang pang tanga 'yang ginagawa mo?"
"Patawarin mo na ako. Gusto ko lamang kasing pansinin mo ako, kanina pa kasi ako nagsasalita ngunit hindi ka naman sumasagot." aniya at lumapit sa akin kaunti. Umurong naman ako.
"Sinasadya ko yun! Pag hindi ka na pinapansin sa unang beses, huwag mo nang ulitin, dahil ibig sabihin nun ayaw kang kausap ng tao! At para sabihin ko sayo, ayaw talaga kitang makausap! Kung gusto mo ng kausap, kausapin mo yung mga sanga, tanga!"
Mabilis akong umalis sa harap niya at babalik na lang sa kubo. Hay nako! Tingin ba niya mawawala yung inis ko sa kanya? Sus! Never. Kahit pa nga ata bumalik ako sa kasalukuyan ay hindi mawawal ito. Ang pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay yung May sinasabi sa akin patalikod. Sigurado naman akong may iba pa siyang sinabi no. Malamang may dagdag yung nalaman ni aling edna.
"Oh Chippy, nariyan ka na pala, nasaan ang kasama mo? Nasaan si Artemio?" salunong ni Aling Nora ng makita niya akong pabalik sa kubo, mag isa.
Binaba ko muna yung dala kong katsa sa gilid bago sumagot. "Ah, kasunod ko lang po yun. Si..siguro po ay may dinaanan pang iba." sabi ko na lang. Well.. Bahala na. Besides, mas alam naman niya ang pasikot sikot dito sa gubat. Hello! Taga dito siya diba.
"Ah, ganoon ba? O sige, mag pahinga ka na at nagluluto na kami ng hapunan."
"Sige po." sabi ko at pumunta sa silid namin ni Gema.
Walang tao sa kwarto at laking pasalamat ko dun. Meaning makakapag pahinga ako.
Grabe! Na drain ata yung energy ko dun! Gosh!
Gusto ko mag re touch pero wala e.
Hindi ko dala ang lipstick at eyeliner ko. Yung bag ko kasi ay naiwan doon sa kabilang kubo. Biglaan lang kasi ang alis namin doon walang handa. Kaya medtoo marami rin ang mga gamit na nsiwan doon. Nagmamadali na kasi kami at isa yun sa mga nakalimutan ko.
Babalikan ko 'yon pag may time ako. Gosh, nakaka haggard dito!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top