Kabanata 6

Kabanata 6

Ikatlong araw ko na rito. May kaunti na akong naiinitindihan sa mga nangyayari pero mayroon pa rin sa akin na ang hirap paniwalaan ang lahat. Biruin mo nasa 2020's na ako, tapos babalik ako dito sa 1903 kung saan hindi pa maayos ang Pilipinas at kasalukuyan itong sinasakop. Ang hirap i-absorb lahat! Palagay ko naman panaginip lng lahat ito dahil napaka imposible naman kung totoo ito.

"Manay gusto mo po ba ng saging?"

Napabaling naman ako kay Gallardo. Katabi nito si Gema at iniaabot sa akin ang kalahati ng saging na  nasa kanyang maliit na kamay.

Ngumiti ako at umiling. Naghahanapunan kasi kaming lahat ngayon, at tulad nung unang araw ko rito, palagi akong sinsamahan ng mga batang 'to. Ewan ko ba kung bakit nila ako sinasamahan, siguro kasi wala silang makalaro. May mga bata kasi dito pero mga sanggol pa. May dalawa pang bata na iba pero palaging nakadikit pa sa mga nanay nila. Mabuti na lang at hindi sila takot.

"Hindi na busog na si ate, kainin mo na lang 'yan." sabi ko at hinaplos ko pa ang baba niya.

Ito rin ang unang pagkakataon na may bata na kumausap sa akin. Palagi kasi silang natatakot sa akin, hindi ko alam kung bakit. Kahit gustong gusto ko ng mga baby, bata, sila naman tong may ayaw sa akin.

"Sigurado ka po?"

"Oo busog na talaga ako.." madalas kasing kamote ang kinakain ko ngayon, kaya madalas din akong naglalabas ng masamang hangin.

"Chippy."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Aling Edna..

Tumayo ako. "Bakit po?"

"Pwede ba kitang makausap?"

Kinabahan naman agad ako.. Bakit gusto niya akong kausapin? May nagawa ba ako? Wala naman akong matandaan.

Hindi naman sinasadyang napatingin ako sa nakaupo sa may gilid..

Si Artemio na nakamasid sa amin. Ngunit ng napatingin ako sa kanya ay nag iwas ng tingin.

PUCHA.

Nakumpirma ko na.

Grabe! ang daldal! Ang chismoso pa niya!

Walang salita na salita na na lang akong sumunod kay Aling Edna. Alam ko na ang kalalabasan nito.

Mas mabuti pa pala na kina Gema ako nag kukwento, mas ligtas. Kaysa sa taong may isip nga, wala naman utak. Diyos ko Lord!

Nang makapasok kami sa kwarto ay sa sahig kami umupo. May sapin lamg iyon na maliit na kumot.

Walang ibang gamit sa loob kung hindi ang iilang piraso ng damit, at iilang pana at patalim.

Napahinga ako ng malalim.

Baka palayasin na ako?

"Ano p..ong pagku..kwentuhan natin?" Sabi ko na.

Ngumiti naman siya sa akin kaya lalo akong kinabahan. May feeling kasi akong baka palayasin na nila ako dito at papuntahin nga sa mga amerikano. Dahil una pa lang naman ay iyon na ang ting9in nila sa ain, kalaban.

Grabe naman kasi si Artemio! Nakipag kwentuhan lang naman ako sa kanya! Bakit kailangan pa niyang ikwento sa iba?

"Nais ko lang naman malaman kung ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Nanliit naman ang mata ko. "Ahm.. maayos na ho. Kahapon po kasi ay binigyan ako ng inumin ni aling nora. Medyo umayos na po ang pakiramdam ko.." naalala ko na naman yung lasa ng pinainum sa akin ni aling nora. Napaka pait nun! Sobra. Hindi ko nga maubos iyon pero okay lang daw sabi niya, dahil kahit papaano daw ay may nainum na ako.

"Mabuti naman kung ganon." ngiti niya.

Ginantihan ko rin siya ng ngiti. Hindi ko kasi alam isasagot ko dun. Isa pa, wala na rin kasi akong masabi.

"Sigurado naman akong hindi ka kaaway Chippy, ngunit malaking palaisipan sa akin kung sino ka talaga. Nang sinabi sa akin ni Gallardo na nakita ka nila sa may tabi ng balon, ay nakakapgtaka kung paano ka napunta dun."

"Maging ako po ay nagatataka rin. Siguro po ay...natangay lang si..guro a..ko." sabi ko na lang. Hindi ko na sasabihin na galing akong present dahil alam kong hindi rin naman sila maniniwala. Maaakysaya lang ang laway ko. Tama na nakila Gallardo ko lamang nasabi ang totoo. Dahil kahit naman bata sila, bukas ang isipan nila sa lahat ng bagay at posibilidad. Hindi tulad ng may mga edad na, limitado na lang ang tinatanggap ng isip, kung ano ang alam nila, yun lang ang paniniwalaan nila. Naka program na kumbaga.

"Siguro nga. Ngunit nais ko lang malaman mo na, nandirito lang kami. At kung nais mong manatili sa amin ay ayos lang sa amin. Maluwag ka namin na tatanggapin." sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko.

"Salamat po.."

Pagkalabas ko ng kwarto ni Aling Edna ay tsaka palang ako nakahinga ng maluwag.

Laking pasasalamat ko na nga lang dahil natapos na.

Nakita ko si Gema at Artemio na magkalaro sa labas. Bigla agad sumama ang mukha ko. Nakakagalit talaga siya. Naaasar ako sa pagmumukha niya. Kalalaking tao, napaka chismoso!

"Ate!" tawag sa akin ni Gema ng makita ako.

Ngumiti ako sa kanya at umupo sa kahoy na nakahiga doon sa malapit sa pwesto nila. Ayokong lumapit sa chismosong 'yon! Baka masapak ko lang siya.

"Ate, sali ka sa amin ni ni Kuya, Artemio Nagkukwentuhan kami.." ani ni Gema. Hindi mapigilan na umikot yung mata ko.

"Hindi na lang. Baka kasi yung ikukwento ko sa inyo, malalaman na ng buong Pilipinas bukas! You know.."

Ha! Ewan ko na lang ah! Sinadya kong iparinig talaga sa kanya. Naaasar naman kasi ako! Maganda yung hangarin ko nung nakipag kwentuhan ako sa kanya kanina, tapos isusumbong lang niya sa kay Aling Edna.. Edi magaling, siya na reporter.

Kumunot naman ang noo ni Gema. Para bang alien yung ginamit kong lenguwahe. "Hindi ko po kayo maintindihan, Ate. Paano po malalaman ng buong Pilipinas?"

"Wala huwag mo na lang pansinin si Ate." haplos ko sa mukha niya.

"Tama siya, Gema. Huwag mo na lamang siyang pansinin. Marahil ay epekto pa rin iyan ng kanyang sinapit, kaya siguro.. Kung ano ano ang lumalabas sa bibig niya, dahil naalog ito." ani nung lalaki na nakatayo at inaayos yung sumbrero niya.

Tinignan ko siya ng masama. Really? Talaga nga naman..

Napatayo ako.

"Anong pinagsasasabi mo diyan?! Kapal mo!" sabi ko at inirapan siya.

Natawa lang siya sa reaksyon ko kaya mas lalo akong nainis.

Anong nakakatawa don? Baliw na siya!

"Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ka kumikilos ng ganyan. May galit ka ba sa akin?"

"Tingin mo?" tanong ko at lumapit pa sa kanya lalo. Nahagip naman ng mata ko na palipat lipat sa amin ang tingin ni Gema. "Kung alam ko lang na chismoso ka, edi sana hindi na lang ako nakipag kwentuhan sayo. Jusko! Ang bilis mong magreport!"

"Hindi ko naiintindihan lahat ng sinasabi mo, ngunit..nararamdaman kong tungkol ito sa, napag usapan niyo ni Hermana Edna."

Tinignan ko pa rin siya ng masama.

"Wala akong nakausap simula ng bumalik tayo rito sa kubo. Kaya kung ano man ikinagagalit mo, wala akong kasalanan sayo. Marahil ay epekto 'yan ng kamote? Kailangan mo ng mailabas ang mga hangin.. Umaapaw na kasi.. napupunta na sa iyong utak." aniya at nakakaasar na nakangiting umalis.

Bwiset siya!

"Bwiset ka!!" hiyaw ko pa rin kahit wala na siya. "Nako! Sarap niyang bugbugin!"

"Ate, subukan po ninyong kumalma.." ani ni Gema.

Napangiti ako. "Kalmado ako, Gema.. Kalmado talaga ako.."

Kalmado ka, Chippy diba!

Kalmado ka!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top