Kabanata 50

WAAAAAHHHHH!!! charot! Nasa last chapter na tayo guyssss.. anyways! Salamat sa pag abot dito. Hindi ko alam kung may nagbabasa nito pero keri lang! Salamat in advance! Nakagawa na naman ako ng istorya na hindi ko akalain na magagawa ko, kaya proud ako sayo self! Keep going!

Kabanata 50

"Francis!" hiyaw ko ulit.

Paulit-ulit na, kanina ko pa hinahanap si Francis pero wala siya, hindi ko pa rin makita! Nung una akala ko ay tinataguan lang niya ako pero mag iilang oras na ako dito kakainkot wala pa rin, hindi ko pa rin siya makita! Naiiyak na ko!

"Francis! Nasaan ka ba?"

"Francis!"

Masyadong tahimik ang kakahuyan na to, kaya bawat salita ko nag eecho.. Hindi ko alam kung paano pero.. Maliwanag ang kakahuyan dahil sa ilaw ng buwan.. Pero nakakaramdam pa rin ako ng takot dahil mag isa lang ako dito. Hindi ko alam baka mamaya may mga baboy ramo dito at tigre..hindi ko alam, baka makatapak ako ng ahas..

"Francis!"

"Francis, nasaan ka b-- ahh!!"

Tang ina! May biglang humarang sa akin, hindi ko alam kung sino!

Tatlong lalaki na may mga pintura ang mukha na kulay itim na halos mata na lang ang kita..

"Aahh!!" hiyaw ko at sinubukang lumayo sa kanila pero may mga nakaabang pa rin pala sa likod ko. Dalawang lalaki naman, ganun din ang hitsura.. Pakiramdam ko maiihi na ako sa takot.

May mga hawak pa silang patalim at sa mga beywang nila ay meron din.

"Tulong!!" naiiyak na sigaw ko.

"Kakaiba ang kaniyang anyo at pananamit." rinig kong bulong nung sa likod ko, nilingon ang nasa harap ko, pinapalibutan na nila ako..paano ako makakalayo!

"Marahil ay kaisa siya ng ating mga kalaban, isa yan sa kanilang taktika!"

"Wala po, hindi ako kalaban!" sagot ko na kaagad. "Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo!"

"Kailangan na natin siyang paslangin upang magkaroon tayo ng karagdagang oras."

Nanlaki ang mata ko .. "No po! Please, hindi! Huwag!" nanlambot na ang tuhod ko at hindi na kinaya ang takot sa dibdib.. Hindi ko na alam.. Hindi ko na kaya..

"No, please.."

"Kato, ikaw na ang gumawa. Paslangin mo ng mabilis para makabalik na tayo sa lungga natin."

"No.. Please..huwag naman.." nakaluhod na ako at umiiyak sa harapan nila.. Nag mamakaawa habang basa na ang mukha bg luha.

"Ayoko, please.."

"Kato gawin mo na!" kasabay ng sigaw na ayuna ay ang pagtanggap ko sa sarili na hanggang dito na lang ako.

Wala..

"Hindi siya kasali sa paligsahan." sabi nung isang boses. Patuloy lang akong nakayuko.

Wala ng lakas..

"Isang Hyanis!" hiyaw nila at may narinig pa akong kumalansing siguro ay yung mga patalim nila.

"Bughaw.." rinig ko kaboses niya yung nag utos kanina napasalangin ako.

"Huwag ninyo siyang idamay, hindi natin siya kauri, hayaan ninyo siyang makaalis."

Inangat ko ang ulo ko, nakita ko yung bagong dating, nandoon siya sa may medyo malayo, kalamado lang na naktayo pero nakakatakot pa rin. Wala siyang pintura sa mukha tulad ng sa mga lalaki kanina. Maayos ang mukha niya, yun nga lang ay mahaba ang buhok nito at kulay dilaw ang mga mata. Mata ng tigre.

"Hindi mo kami mga utusan." Sagot nung nag utos na patayin ako.

"Hindi ako nag uutos, Itan. Nasa sa inyo yun, kung papalayain ninyo ang bihag niyo, o magkakaubusan tayo agad."

Napalunok ako. Tiningala ko ang lalaking nasa gilid ko. Kahit kulay itim ang mukha nila, halata sa mukha nila ang kaba. Samantalang yung lalaking may mahabang buhok ay kalamado lang.

Dumaan ang mahabang katahimikan, nagkakatitigan lang sila.. Hindi ko maintindihan pero pakiramadam ko natatakot yung lalaking pintura sa lalaking may mahabang buhok.

"Kato," basag sa katahimikan noong may lalaking pintura sa mukha. "Bumalik na kayo sa lungga."

Hindi naman siya nag dalawang salita pa, mabilis na nag sialisan ang mga kasama niya. Nilingon ko ito, para silang hangin na nawala.

Naiwan siyang mag isa na lang na nakikipaglaban pa rin ng titigan sa lalaki.

Dahan dahan akong tumayo.. walang ingay. Tanging kabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

"Pinagbigyan kita ngayon, hindi dahil sa natatakot ako. Naisip kong sayang ang oras, kung makikipag usap pa ako sayo" ani nung may pintura sa mukha.

Ngumiti naman ang kausap. Ngiti na mapang asar.

Nagulat na lang ako ng biglang huamngin at nawala na yung huling may pintura sa mukha.

Nilibot ko ang paningin ko.. Wala na siya sa paligid.

"Ay!" hiyaw ko ng makitang nasa harapan ko na ang gwapo ng lalaki na may mahabang buhok.

"Ah..salamat s-"

"Hindi ka Uri ng Cyanis, magtapat ka anong nilalang ka?" ani nito.

"Ah.. Ano, tao ako..sa mundo ng ta-"

"Taga siyudad ka, paano ka napadpad dito?" tanong niya.

Alam niya yung siyudad?

Umiling ako. "Hindi ko rin alam kung paano e, may kasama nga ako kanina kaso biglang nawala, hindi ko talaga alam!"

"Tsaka alam mo yung siyudad? Alam mo ba kung paano pumunta don? Pwede bang ihatid mo ako doon, gustong gusto ko na kasing umuwi dahil matagal na akong nawawala sa pamilya ko. Samahan mo naman ako pwede? Sige na-"

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinugot ang patalim mula sa beywang niya.

Nanlaki ang mata ko, "Uy! Ano yan?! Bakit mo nilabas?"

"May parating na Syanilay." aniya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Halika na, kaialngan mo ng umalis." ani nito at hinatak na ako.

Kahit naka gown ay tumatakbo ako kasabay niya..

Hindi ko man alam kung saan niya ako dadalhin, ni hindi nga ako sigurado kung yung siyudad na tinutukoy niya ay yung siyudad na nasa isip ko, pero bahala na.

Huminto kami sa tapat ng napakalaking puno. Sa tapat nun ay nakita ko ang building ng school namin..

Halos maiyak ako sa sobrang tuwa!

Naiiyak na ako!

"Umalis ka na ng mabilis."

Hinarap ko siya.

"Salamat! Salamat talaga.." nayakap ko pa nga ng wala sa oras dahil sa sobrang saya ko.

Ang init ng katawan niya.

Nakalimutan ko na naka topless nga pala siya.. Kaya pala mainit..

Hindi ko akalain na ang tulad pa niya ang makakatulong para makauwi ako.

"Thank you."

"Umalis ka na, hihintayin ko na makalabas ka ng  Cyanis." aniya.

Tumango naman ako at hindi na nagpatumpik tumpik pa, kahit medyo mabigat ang gown ay tumakbo talaga ako.. Sa wakas!

Habang tumatakbo ay nilingon ko si.. si..

Bughaw!

Tumigil ako saglit at humarap..
"Salamat, Bughaw!" kaway ko.

Napangiti ako ng makita kong kumaway rin siya habang seryoso ang mukha.

Mabilis na akong nagpatuloy sa pagtakbo.. Wala na akong pakialam sa lahat..

Lalo ng makalabas ako ng kakahuyan.. Sobrang saya ko!

"Sa wakas!!" sigaw ko ng nasa loob na ako ng school.

Nilibot ko pa ang paningin ko para makasigurado na totoo ito! Totoong nakabalik na ako.

At totoo nga!!

Salamat kay Bughaw.

Nilingon ko ang pinanggalingan ko.

Pero nagulat ako ng pader na ang tumambad sa akin.

Wala nang kakahuyan, wala na rin si Bughaw.

Napatulala ako saglit..

Nasaan na?

"Chippy!"

Mabilis akong napalingon doon sa tumawag.

Si Kuya Roldan.

"Ano bang ginagawa mo, Chippy? Mag uumpisa na ang klase niyo nandito ka pa rin. Hinahanap ka na ng Lola mo sa akin," ani nito.

"Ahmm..sige po."

"Ano ba nangyari sayo? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong pa niya.

Umiling ako.

"Wala po. Susunod na po ako."

"Oh sige.."

Nang makaalis ito ay napaluhod ako..

Nakabalik na ako?

"Nakabalik na ako!"






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top