Kabanata 5
Kabanata 5
Day 2 na.
Ayan ang una kong sinulat sa aking notebook. Hindi ko maalala na may dala akong gamit.. Pero nagulat na lang ako ng makita na dala dala ni Gema yung bag ko kagabi. Napulot daw nila ito sa tabi ng balon kahapon, kung saan nila ako nakita. Tinago lang nila at ngayon at nakalimutan ibigay, at ngayon lang nila naalala na ibigay sa akin.
Mabuti at hindi ito naiwan ng umalis kami kagabi.
Halos maglumpasay ako sa sobrang saya ng iabot nila ito sa akin kagabi.
Lalo na nung nakita ko ang journal ko at ballpen. Palagi ko kasing bitbitbit 'yon. Dun ko lahat binubuhos ang mga sama ng loob ko sa tao sa school. Lahat ng hindi ko masabi, sinusulat ko.
Hindi ko naman kasi sila pwedeng bugbugin lahat, baka magkaroon na ako ng record genius Record as student na perfect ang attendance sa Deans office. Kaya sa journal ko na lang sila minimura.
Halos mapunit rin ang bibig ko sa pag ngiti ng makita ko ang cellphone ko.. pero agad din nawala iyon ng makitang hindi naman 'yon gumagana. Wala siyang signal! Maliban lang sa camera ay wala naman itong silbi!
"Ano ang hawak mo ate?" si Gallardo na lumapit sa akin. Inayos pa niya ang katsa niyang short. Naalala ko iyon, yung tela ng short niya ay yung balot ng mga harina.
Nasa labas kasi ako nakaupo at daladala ang bag ko. Iniikot ko pa yung cellphone ko sa aking kamay.
"Ito?" sabi ko at tinigil ang pag ikot sa cellphone. "Cellphone."
Kumunot naman ang noo niya. "Ano po ulit?"
Nangiti ako. "Cellphone. Ay wait!" sabi ko. Nilagay ko sa camera iyon. "Picture tayo pwede?"
"Ano po?"
"Ngiti ka na lang Gallardo.." sabi ko at itinutok na sa amin iyon, inakbayan ko siya. Natawa pa nga ako ng makita ang kinalabasan ng picture. Ang kulot niyang buhok ang magulo, at ang lito niyang mukha, ang cute!
Ako nakangiti, si Gallardo naman imbes na ngumiti ay nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin sa cellphone.
Isinave ko na lang iyon. Cute naman ako doon.
"Ang galing naman ng bagay na iyan ate! Nakita ko ang sarili ko!" aniya.
Hinaplos ko naman ang noo niya. "Ang gwapo mo no?"
"Kay galing!" aniya. "Isa pa po!"
"Ate pinapatawag ka po ni aling Edna!" napalingon naman ako kay Gema na kagagaling lang sa loob.
"Sige.." sabi ko at tumayo na.
"Gamitin mo ulit ang bagay na iyan sa akin ate mamaya!" si Gallardo na hinabol pa ako.
"Oo mamaya. Tayong tatlo nila Gema." sagot ko.
"Anong nilalaro ninyo ni ate?" narinig ko pang tanong ni Gema kay Gallardo bago ako pumasok sa loob.
Dumiretso ako sa kusina pagkapasok dahil doon ko naririnig ang mga boses. At hindi ako nagkamali, nandoon nga sila. Siguro mga apat sila doon. Nagulat pa nga ako ng makitang may lalaki doon. Hindi ko siya nakita kahapon, kaya medyo nabigla ako na may ibang tao.
"Nandirito na si Chippy." si Aling nora ng makita ako sa hamba ng pinto. Napatingin naman sa akin ang lahat.
"Tawag ninyo daw po ako.."
Lumpit sa akin ni aling Edna. Hinawakan pa ako nito sa braso.
"Pwede ba kitang makisuyuan Chippy? Naabala ba kita?"
"Ah..hindi naman po, ayos lang. Ano po ba 'yon iuutos ninyo?"
"Hihilingin ko sanang ikuha mo ako ng mgs bato at mga kahoy na gagamitin para makapag saing."
"Saan po ako kukuha?" tanong ko.
"Sa gubat. Huwag kang mag alala, sasamahan ka naman ni Artemio." sabi ni Aling Edna at kasabay non ay ang pagharap ng isang binata.
May hawak pa ito ng tasang kahoy ng kape. Habang ang isang kamay naman ay may bitbit na sumbrerong abaka. Habang nasa likod nito ang mahabang lagayan ng sandata niya.
"Huwag kang mag alala, alam ni Artemio ang pasikot sikot sa gubat kaya madali lang kayong makakalikom ng mga bato."
"Okay..po." sabi ko na lang at pilit na inalis ang tingin doon.
Tahimik naman akong sumunod. Wala naman magagawa e, nakikitira lang ako dito, tapos konting pabor lang, tatanggihan ko pa ba.
"Ano ang pangalan mo?" tanong niya nang nasa kagubatan na kami.
Kanina pa kami magkasama pero ngayon lang niya ako kinausap. Well..hindi ko rin naman kasi alam kung dapat ko ba siyang kausapin o ano.. hindi ko naman kasi siya kilala.
Saglit akong umupo para kuhanin ang sanga'ng kahoy na nakita ko.
"Chippy po." sagot ko sa kanya tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Napahinga ako ng malalim bigla. Hindi ko alam kung bakit. Pagod siguro.
Napalingon ako sa kanya. Mariing siyang nakatitig sa akin. "Saan ka nanggaling? Ngayon lamang kita nakita."
Iniisip ko kung kailangan ko bang sabihin na sa present ako nag mula? Alam ko naman kasing hindi siya maniniwala pag sinabi ko. At hindi rin naman niya maiintindihan.
Umiling ako. "Hindi ko po alam. Nakita lang po ko ni Gema sa may tabi ng balon, kahapon."
Kumunot naman ang noo niya. "Hindi mo alam kung saan ka nagmula?" tanong ulit niya.
Umiling naman ako.
"Kataka taka naman 'yon."
Napahinga ako ng malalim. "Alam ko po ang iniisip ninyo. Na..baka po isa akong amerikano, pero mali po kayo. Pilipino po ako!"
"Naiintindihan ko. Sa tingin ko rin hindi ka naman hahayaan ni manay na makisama sa amin kung alam niyang delikado." sabi niya at ngitian ako.
Hindi ko naman sinuklian 'yon. Pero atleast nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko na kaialngan mag alala na baka saksakin na lang niya ako bigla dito.
"Ako naman si Artemio." aniya. "Dalawangput limang taong gulang."
"Ako po, 21 years old." wala sa sariling sabi ko. "Ibig kong sabihin ay.. Dalawangpung taong gulang."
Palpak talaga ko lagi pagdating sa kwentuhan. Well, wala naman kasi akong kaibigan na pwedeng makausap or makwentuhan kaya siguro ganito rin ako. Mas sanay kasi akong kausap yung sarili ko. Kaya ganito ako ka awkward sa iba. Pagkatapos ng isang salita, hindi na alam ang susunod na sasabihin.
Nilakasan ko na lang ang loob ko para makapagtanong. Para kahit papaano naman may kakilala ako dito bukod kay Gema at Gallardo.
"Pwede pong magtanong?" tanong ko ng may maalala.
"Ano iyon?"
"Bakit po tayo nagtatago pa? Narinig ko kasi kanina sila aling nora na nag uusap. Ang sabi po nila, sumuko na daw po ang ibang kababayan natin, bakit pa rin po tayo nagtatago?"
Nginitian niya ako bago aumagot.
"Hindi ibig sabihin na sumuko ang iba, ay susuko ka na rin." yun lang ang sinabi niya at nag lakad muli.
Napalunok naman ako sa sinabi niya.
"Wala po akong ibig sabihin na masama doon ha.." habol ko sa kanya. "Pero hindi po ba kayo natatakot na baka po mas maraming masaktan pag hindi pa po tayo sumuko?"
"Ang masaktan ay kasama sa buhay. Ngayon, kung palagi mong paiiralin ang takot, wala kang mapapala. Isa pa.." aniya at tumigil sa paglalakad at hinarap ako. "Kung gusto mong sumuko, wala namang pumipigil sayo. Kung ayaw mong nahihirapan sa buhay at gustong palagi lang pasarap ang maranasan.. Pwedeng pwede ka namang umalis na. Walang pipigil sayo, pumunta ka na sa lugar kung nasaan ang mga amerikano, para hindi ka na mahirapan pa."
"Wala na-man po akong si-nasabi na susuko ako. Nakikipag kwentuhan lang po ako, huwag po kayong magalit."
"Hindi rin naman ako nagagalit. Nagsasabi lang." sabi niya at umangat ang dulo ng labi. "Sa tingin ko sapat na itong nakuha natin. Bumalik na tayo sa kubo."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top