kabanata 48
Kabanata 48
"Buti naman may sisig na.." bulong ko ng ilagay sa harap namin yung inorder.
May fried chicken na hiniwa hiwa at may dalawang order ng kanin. May pienapple juice sa gilid niya sa akin naman ay tubig lang ang gusto ko. Pero mas masaya ako sa sisig!
Grabe kasi, pakiramdam ko sampung taon na akong hindi nakakakain ng sisig! Isa ito sa mga namimiss ko. Sa panahon kasi ni Artemio, madalas gulay at kamote ang nakakain ko. Sa panahon naman ni Romulo, mga isda at gulay, may kunting karne pero kasi isang karinderya lang naman ang nakainan namin, kaya hindi ko sure kung may sisig na ba nun or hindi ko lang natiyempuhan.
At finally! Nasa harap ko na ang sisig! Sisig at Calamares ang mga pagkain na namimiss ko.
"Paborito mo ang sisig?" tanong niya.
Masaya naman akong tumango habang hawak ang kutsara't tinidor. Hindi ko na kasi mabitawan dahil nga excited na akong kumain. Maagap na akong nag sandok ng sisig sa sisig plate at nilagay iyon sa rattan na plato namay plastic lang sa ibabaw.
Nang matikman ko ang alat at anghang nun ay napapikit ako sa sarap ng lasa nito..
Hindi pa siya lasang betchin pero ang sarap!
"Masarap?" aniya.
"Masarap!"
"Si Pepe, masarap magluto 'yon ng sisig."
"Talaga?" hindi ko kasi alam 'yon. Kala mga high class lang na pagkain ang niluluto niya. Yun bang mga gourmet..
"Oo. Sa tuwing nagwa-wine si Lolo, ay palagi niya 'yong pinapaluto kay Pepe."
"Hindi ko alam e.."
"Ngayon na alam mo na, pwede ka nang magpaluto sa kanya ng sisig with love." tawa pa niya.
Siya lang naman natawa sa biro niya.
Nagpatuloy na langa ko sa pagkain.
"Muntik ko ng makalimutan, mabalik tayo doon sa inyo ni Pepe," sabi niya pagkatapos uminom ng pineapple juice.
"Kailan mo ba siya balak sagutin?"
"Hindi ko siya gusto." sagot ko.
"Sino ba ang gusto mo? Ako?" pacute niyang sabi. Napairap ako.
"Alam mo Francis, ang kapal ng mukha mo! Hindi ka ba nahihiya niyan?" tanong ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Nagbabakasakali lang naman.."
"Pwes! Hindi. May gusto akong iba, yun nga lang.. Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita."
"Bakit mo pa ginugusto yung malayo sayo? May nagmamahal sayo sa malapit tinatanggihan mo."
"Malayo o malapit man, kapag mahal mo ang isang tao, mahal mo, Period. Hindi mo kailangan gumawa ng imaginary choices, para lang mapawi yung kalandian. Mahal mo, period. Walang malayo, malapit."
"At isa pa committed na ang puso ko sa kanya, hindi ko na kaialngan ng iba."
"The qustion is..siya ba committed sayo?" aniya. "Nagpapaka loyal ka without knowing kung loyal ba siya sayo."
Nagkibit balikat ako. "Basta loyal ako sa kanya. Yun naman ang importante, atleast i know that i did my part, walang pagsisisihan at walang panghihinayang."
"Ikaw kasi iba yata yung pananaw mo," sabi ko pa. "Siguro tama yung sinabi ni Astrid no.. na dapat ngang mag ingat ang mga babae sayo."
"Oh Jesus! Huwag kang maniwala sa kanya. Sinabi niya lang yun-"
"Hindi niya sasabihin yun kung walang basehan, maybe.. She has seen you already doing some nasty things, that's why."
Nanlaki ang mata niya. "What?! Ofcourse not!"
"Para kang babae kung mag deny." wala sa sariling sabi ko.
Sobrang halata na kasi na guilty siya pero kung ano ano pa rin ang sinasabi niya.
"Chippy.."
"Oo na! Oo na! Hindi na nga.. Kumain ka na lang.."
----
Mga ala siyete na kami nakauwi ng araw na 'yon. Pagkarating nga namin ay dumiretso muna ako sa kusina. Hindi na ako nag abala na magbihis. Alam ko naman na maraming trabaho ang nag hihintay sa akin.
"Kakauwi mo lang?" tanong ni Tilde ng makasalubong ko siya papuntang kusina. May dala dala siyang mga palcemat.
"Oo," maikling sagot ko. "Nasaan sila Mona?"
"Nagpapahinga na sila." aniya at inayos ang mga palcemat.
Nilingon ko ang kusina. Tahimik nga at wala nang tao.
"Ganito kaaga?"
"Oo. Wala naman kasi tayong pag sisilbihan ngayon maliban kay Francis. Wala kasi ang mag anak na Marasigan, nag bakasyon sa ibang bansa."
"Talaga?" gulat na tanong ko. Dahil wala naman akong nababalitaan na aalis sila. Tapos si Francis nandito pa. Hindi siya isinama.
"Oo. Kanina lang sila umalis, ialng saglit lang pag alis ninyo ni Francis."
Napatango ako.
"Pero bukas naman.. Marami ulit trabaho, dahil si Francis ay may paparty."
"Party'ng ano?"
"Ewan ko. Basta party, kasama ata ng mga kaibigan niya galing abroad."
Tumango at napahinga ng malalim. Bigla na lang akong nakaramdam ng pagod. Naiimagine ko na kasi bukas yung mga magiging trabaho ko.
Pagtapos nun ay nag paalam na si Tilde na magpapahinga. Ako naman ay umupo muna. Pagod ako pero hindi ako inaantok.
Nakakailang araw na ba ako sa panahon na 'to? Hindi ko na alam, hindi na rin ako nag aabalang bilangin pa, dahil alam ko naman na madidissapoint lang ako. Madaya ang panaginip, ipapakilala ang taong kailanman hindi magiging sa'yo.
Hindi na lang ako mag eexpect. Gustong gusto ko bumalik sa panahon na kasama ko si Romulo.. Sobrang bitin kasi.. ni hindi man lang ako nakapag sabi sa kanya ng gusto kong sabihin. Paulit paulit akong nanghihinayang dahil doon. Ata palagay ko hinding-hindi mawawala sa systema ko ang pag sisisi na yun. Panghihinayang na dapat pala nung una ko pa alng naramdaman na gusto ko siya ay dapat sinunggaban ko na. Ngayon tuloy, wala akong napala. Pag sisisi at panghihinayang na sa tingin ko, habang buhay ko mararamdaman.
Mabikis na kumunot ang noo ko ng mapansin na may gumalaw doon sa may tamabakan.
"May tao ba diyan?!" tumayo ako at dahan dahan na pumunta doon.
Hindi kaya si Pepe?
Si Pepe lang naman ang alam ko na tumatambay sa tambakan.
"Pepe ikaw ba 'yan?" tanong ko. Kasabay nun ay ang pagkakita ko sa kanya. Nakatayo pa nga siya kaya sobrang gulat ang naramdaman ko.
Pakiramdam ko nahulog yung baga at puso ko sa gulat. "Pepe naman!"
"Bakit ka ba nakatayo ng ganyan?! nakakagulat ka ah! Anong trip mo?"
Paano ba naman kasi..yung pagkakatayo niya, yung tayong pang horror. Sakto pa yung ilaw sa likod niya kaya hindi masyadong kita ang hitsura niya, para siyang anino na nakatayo.
Napaatras ako ng humakbang siya ng dalawang beses.
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Sabihin mo Chippy, sinagot mo na ba si Francis?"
"Ano?!" kunot noong tanong ko. "Ano'ng sinasabi mo?"
"Kayo na ba? Nobyo mo na ba siya?"
"Wait nga, paano ko siya magiging nobyo? Wala naman siyang gusto sa akin, at isa pa, mayaman siya, poor lang ako!"
"Kung hindi kayo, sabihin mo mahal mo ba ako?"
Hindi ako makapaniwala sa inaasal sa akin ngayon ni Pepe, maging ang mga tanong niya nabibigla ako.
"Ano.. Bakit mo ba-"
"Sagutin mo ako, Chippy! Mahal mo ba ako?!"
"Hindi kita mahal!" balik na sigaw ko.
"Ano ba nangyayari sayo? Hindi ba nasabi ko naman na sayo na may mahal akong iba, akala ko ba nagkaintindihan na tayo?"
"Pero wala siya dito-"
"Nandito man o wala, mahal ko siya, Pepe. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?"
"Sinabi ko naman sayo na kaibigan kang ang maibibigay ko diba?"
"Si Francis."
"Ano?" patuloy na pagkunot ng noo ko. Bakit napasok si Francis?0
"Siguro kung si Francis ang may gusto sayo, gugustuhin mo siya pabalik." mariing sabi niya. Para siyang siguradong sigurado sa mga salita niya.
Tinitigan ko siya. Si Pepe ba talaga itong kausap ko? Bakit parang iba tao na.. Hindi ko akalain na masasabi niya 'to..
"Ano nangyayari sa 'yo? Walang kinalaman si Francis dito, huwag mo siyang idamay. Huwag mong idamay yung taong nananahimik sa kakitidan ng utak mo!"
"Isa pa, walang kinalaman ang pagiging mahirap mo at pagiging maharlika ni Francis dito. Pareho ngang Francis ang pangalan ninyo, pero magkaibang-magkaiba ang ugali ninyo."
Aalis na sana ako kaso may nakalimutan pa akong sabihin kaya muli ko siyang hinarap.
"At isa pa pala.. alam mo kaibigan ang turing sayo ni Francis, tinuturing ka niyang kapatid. Pero ikaw kakompetensya ang tingin mo sa kanya. At para sabihin ko sayo, wala akong gusto sa inyo ni Francis, wala."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top