Kabanata 46

Kabanata 46

"Ano'ng meron bakit ka gustong isama ng Prinsipe?" tanong sa akin ni Mona. Sinundan niya kasi ako pagkatapos kong magbihis ay tsaka siya pumasok.

Nagkibit balikat ako. Dahil sa totoo lang wala rin naman akong kaide-ideya sa kung anong gagwin niya. Malay ko ba kung nangtitrip lang siya. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari o kung saan man niya ako isasama, as in wala akong ideya!

"Paanong ganiyan?" aniya at nagkibit balikat din. "Hindi sinabi sayo?"

"Hindi nga po. Pag akyat ko doon sa kwarto niya ay magbibihis na lang siya tapos ayun, isasama na daw ako.

Mabilis kong inayos ang suot kong itim na t-shirt na vneck plain lang at pantalon. Naka rubber na rin ako ng puti. At dinala ko lang ang paborito ko na tote bag. Simple lang 'yon, gawa sa katsa. Binigay sa akin ni Oli. Nagulat nga ako ng makita ko 'yon sa maliit kong bag. But at the same time, masaya rin dahil may remembrance ako mula sa kanila.

"Wala ka naman ginawang kasalanan?" kulit pa niya.

"Sa tingin mo ba may gagawin akong hindi maganda?"

"Oo, maldita ka e!" aniya. Napanguso ako. "Kaya nga kita tinatanong, dahil kung meron, itatakas na kita para hindi ka masaktan!"

"Hay nako Mona! Tumigil ka na nga, pupuntahan ko na doon si Kamahalan, at baka magka ugat na yun doon."

"Isa pa yan! Chippy yung bunganga mo, ipreno mo yan! Huwag ka mag salita ng kalye sa harap ng prinsipe!"

Mabilis na akong lumabas. Dahil jusko, kung sasagot pa ako kay Mona, wala na, hindi na ako makakaalis!

Nakita ko naman na naghihintay si Pepe sa may pasilyo. Malalim ang iniisip.

Mahina ko siyang binangga para makapag paalam,

"Huy! Aalis na ako ah.. Babye!" kaway ko pero laking gulat ko ng hawakan niya yung kaway ko na kumaway at binaba ito. Seryoso ang mukha niya.

"Bakit ba?"

"Saan kayo pupunta?" tanong niya. Napairap ko sa hangin.

"Hindi ko nga alam, Okay? Baka magpapasama lang yun mag shopping or...ewan ko! Basta! Kalma ka." Sabi ko at mabilis na binawi ang kamay ko.

"Bumalik ka mamaya, mahal kita Chippy."

Ewan ko ba. Iniwan ko na lang siya doon, ang weird e, ano bang meron?

Alam ko na! Natatakot ba silang jowain ko yung prinsipe nila? Jusko! As if naman, kahit factory worker lang si Romulo, hinding hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino!

Nakaabang na at nakasandal sa sasakyan niya si Francis, feeling pogi.

Well, pogi naman talaga. Kaso hindi ako fan ng mestizo. Kung papapiliin man ako sa dalawang Francis, mas pipiliin ko yung Francis na Pepe, mas ka uri ko kasi 'yon, kaysa sa francis na prinsipe, masyadong mataas.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko nsng nssa sasakyan na kami. Nasa tabi niya ako habag siya ay nag mamaneho. Toyota corolla na kulay itim. Alam ko 'to dahil naka display ito sa may sa amin, ganito yung sasakyan na nasa picture ni Lolo.

Tumingin siya sa akin bago nag salita. "Kahit saan. Gusto ko lang mamasyal, Chippy."

"Pero bakit po ako ang isinama ninyo?   Dapat po ang sinama niyo ay yung mga kawal niyo, hindi ko po kasi kayang ipagtanggol kayo. If ever man na may masamang loob ang umatake sa inyo."

Natawa siya ng bahagya. "What are you talking about? Sinama kita ngayon dahil gusto ko mag enjoy period. At gusto ko kaedad ko lang din para naman makarelate kami sa isa't-isa. At tungkol naman sa huli mong sinabi, don't worry, ako ang bahala sayo."

Tumingin na lang ako sa harap.

Napaka mischievous nang dating niya. Yung tipong prinsipe na boss nang mga adik sa kanto. Ganon siya.

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko pero mabilis din ibinalik iyon ng ma realize ko na wala naman akong pag gagamitan.

Iba pala ang buhay ngayong 1980. Naalala ko yung naging buhay ko nung 1960's.

Masaya at magaan. Tuwing umaga ay nag lalakad parang ehersisyo na rin. Malinis ang hangin, pwede mo pang langhapin, maganda ang buhay.

Ngayon naman maganda pa rin naman. Pansin ko na makulay na ang pananamit nila, masayahin din ang mga tao. Tumingin ako sa gilid ko. Masasabi ko na, para akong nasa magazine.. ang gaganda ng pananamit nila. Palagay ko, puro Ralph Lauren yung mga damit nila. Ang ganda. 


Dito na yata nagu-umpisang gumanda ang ekonomiya? Hindi ko sure.

May nadaanan kaming pamilya na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nakasampa pa ang maliit na anak sa may batok ng ama. Napangiti ako, ang peaceful..


Ang sarap mabuhay sa ganitong panahon. Tahimik at masaya lang. Wala masyadong issue at masaya lang. Hindi tulad sa 2020, nakakabaliw. Lahat ng tao may masasabi sayo, lahat sila dapat may say sa buhay mo. Lahat sila idya-judge ka based sa nakikita nila.

Kung may pagkakataon akong mamili, gusto ko ipanganak ako sa taong ganito. 1980's or 1960's. Magaan lang, oo medyo mahirap, pero hindi ganun kahirap tulad ng 2020. Kahit pa sabihin na malaya na ang taon 2020, at nag upgrade na ang buhay ng tao. Hindi na masyadong hirap sa pamumuhay kumpara sa mga nagdaang panahon. Pero kung ako ang tatanungin.. Mas gugustugmhin kong tumira sa nakaraan kaysa kasalukuyan.


Malaya man ang bansa mula sa mga nananakop, ngunit hindi naman malaya sa sariling mamamayan nito. Nakakatawa kung iisipin.. mas nakaramdam ako ng kalayaan sa panahon na sinasakop pa ang bansa, kaysa sa panahon na malaya na ito.


Huminga ako ng malalim, hindi ko man maintindihan nung una kung bakit ako nilagay sa iba't-ibang panahon, pero ipinapasalamat ko na iyon ngayon. Salamat dahil kahit papaano ay narasanan ko ang bagay na kahit kailan ay hindi ko mararanasan sa panahon ko.


Ang malinis na hangin,
Yung tipong kaya pang langhapin ang simoy ng hangin,
Maluwag na kapaligiran,
Maraming puno,
Maingay ngunit masayang paligid,
Mababait ang mga tao hindi dahil sa may kailangan sila sayo, mabait sila dahil likas sa kanila 'yon,
Walang mangingielam kung anong gusto mong ayos, as long as hindi naman sila ang nagpapakain sayo,
Panahon na totoo pa ang kasiyahan tao,
Panahon na kanya kanya pa, pero may pag ibig at malasakit pa rin,
Panahon na malayang nasasabi ng isa ang saloobin niya, at hindi kokontra-hin ng isa.
At ang mga bilihin na 4.00 lang! Ang pechay na 1.00 lamang ang kilo!
Nakakatuwa lang na naranasan ko 'to,
Panahon na totoong masagana.



Panahon ng 1900', 1960's at 1980's,
At ang 2020 na sana ay matapos na.



In fact, hindi ko nga alam kung pang ilang araw ko na rito, hindi ko na binilang. Tutal naman ay wala na rin halaga 'yon.

"Nandito na tayo,"

Tsaka lang ako napatingin sa kanya pag kasabi niya noon.

Tumigil kami sa isang parke.

Mabilis na sumilay ang ngiti sa akin. Ang daming puno!

"Nasaan tayo? Nasa maynila pa rin ba?" tanong ko habang masayang tinatanaw ang kapaligiran.

"Oo nasa maynila pa rin." sagot niya. Habang nag lalakad pa rin kami.

"Talaga? Saang parte? Ang ganda ng lugar na 'to."

"Sa totoo lang hindi ko alam ang pangalan ng parke na 'to, aksidente ko lang 'tong nadiskurbe isang araw. At nagustuhan ko na, isa pa kakaunti pa lang ang tao na pumupunta dito."

"Ganun.. ang galing.." maganda itong parke na to.

Hindi nga ako pamilyar.

Matataas ang puno at malinis ang damo sa lapag.

May iilan din na kahoy na nakakalat at yun na ang inuupuan ng iilan na andirito.

"Dito tayo maupo," aniya at tinuro ang lapag na malinis ngunit ma green na dahon.

Umupo ako doon tsaka tumingala. "Ang ganda ng place at ts- ay hala!" napatayo ako sa nakita ko. "-Rizal park to e!" sabay turo ko doon sa may mataas na rebulto ni Dr. Jose Rizal,

"Yeah. Nasa kabila ang rizal park, nasa pinakalikod tayo." kalmado niyang sabi.

Napanguso ako, akala ko pa naman kung nasaan na kami. Akala ko may natuklasan na akong lugar..

Okay lang..

Pero infairness.. Sobrang ganda ng Rizal park pala. Wala pang yung photo bumber!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top