Kabanata 45
Kabanata 45
"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Pepe, kakatapos lang kasi ng trabaho ko ngayon.
Nag pulot ako ng mga tuyong halaman doon sa labas. Ako lang mag isa, nilibot ko ang buong mansion o palasyo man ang tawag dito, basta lahat nilibot ko, pinagpupulot ko lahat ng makita ko na tuyong dahon. Kaya ngayon ang sakit ng likod at batok ko kakayuko kanina.
"Hindi pa. Hinihintay kita," sagot niya.
Umupo na ako doon sa lamesa, "Ano ba niluto mo today?" tanong ko. Kinuha ko na ang plato at nilagyan na rin ng tubig yung baso. Saglit ko pang hinaplos ang buhok ko medyo gumulo ito kanina dahil sa hangin.
"Nag luto ako ng sinigang na hipon at menudo."
"Ah, sige penye ako."
Nakita ko naman na may iniihaw na talong doon sa may labas. Nagkibit balikat na lang ako, ang dami kasi nun. Dor sure hindi na naman mauubos 'yan. Like ngayon, yung menudo at sinigang, marami ata yung naluto ni Pepe, kaya may natira pa sa amin.
Unang subo ko pa lang ay parang gusto ko ng humiga sa sobrang sarap ng menudo na 'to. Pinaghalo ko naman ang sinigang at menudo sa may kanin ko.
Ang sarap ng lasa nun! Pinaghalong sarsa at asim!
"Ang sarap nito ah!" puri ko sa kanya. Nginitian naman niya ako at ang pasalamat.
Okay na kasi kami e, nakapag usap na ng maayos. Tsaka okay rin naman pala siya, hindi naman pala masungit. Mas masungit pa talaga si Romulo,
Nahagip kasi ng mata ko yung okra na nakasabit sa may pantry kaya bigla kong naala si Romulo.
Kumusta na kaya siya? Si Mama niya, kumusta na kaya.. Lalo na sila Ila at Oli, bati na kaya sila? sino nga kaya yung kasama ni Virgie, nakauwi na kaya siya?
Bigla alng pumasok sa isip ko, paano kaya kung ansabi ko kay Romulo ang tunay kong nararamadaman? Magiging kami kaya?
Hinahanao hanao ko na yung thick and sexy lips niya, wala talaga 'yon katulad.
Nakakapanghinayang yung mga bagay na ganon, paano kaya kung nasabi ko, maging kami kaya?
Nakakapanghina yung mga regrets ko. Sa dami nila, nilalamon nila ako.
"Ayos ka lang?" tanong niya at umupo sa harap ko.
"Hmm?" tanong ko rin dahil hindi ko naman agad naintindihan ang sinabi niya.
"Ang lalim ng iniisip mo, ayos ka lang?"
"Oo. Ayos lang ako,"
"Ano ba ang iniisip mo? May problema ka b-"
"Chippy, pinatatawag ka ni Prince Francis. Ngayon na."
Napalingon kami doon.
Si Lili, nasa may pintuan nakatayo at nakasimangot.
"Ako po?" turo ko sa sarili ko. " Bakit daw po?"
"Aba, wala kang karapatang na kwestiyunin ang sinasabi ng prinsipe, alila ka lang, nakalimutan mo?" irap niya sa akin bago umalis.
Napanguso naman ako. Kungs siguro dati pa rin ang ugali ko nasapak ko na sk Lili, pero sa hidni ko maipaliwanag na dahilan, nabawasan bigla ang pagiging matapang ko. Pinipili ko na lang ang mga papatulan ko.
Bumalik ang tingin ko kay Pepe,
"Huwag mo na lamang pansinin, ganiyan talaga si Lili,"
"Kaya nga hindi na ako nag salita diba?" natatawa kong sabi. "At tsaka kaya lang naman ako sinusungitan nun ay dahil sayo. Sabi ni Tilde, gusto ka raw ni Lili. Yun ang dahilan kung bakit niya ako pinag iinitan."
"Anong sinasabi mo? At naniwala ka naman kay Tilde?" tanggi pa niya. Medyo nakasimangot na nga siya e. Napipikon!
"Yieee! Kinikilig!"
"Hindi ako kinikilig,"
"Asus? Itatanggi pa!"
"Hindi talaga. Kung ikaw pa ang may gusto sa akin, kikiligin ako, baka nga maiyak pa."
Ahmm.. Anong nangyari? Bakit bigla naging awkward? Bakit naman kasi kailangan niyang bumanat ng ganon!
"Ewan ko sayo, Pepe.. Ahm..puntahan si Prinsipe Francis." paalam ko at tumayo na.
Iniwan ko siya doon na nakatingin lang sa akin. Dumiretso na ako sa garden baka kasi nandon sila, kaso nga lang sabi nakasalubong ko si Tilde, sinabihan ako na nasa kwarto daw niya ito. Kaya doon ako dumiretso. Alam ko ang papunta doon dahil isang beses ay sinamahan ko si Tilde.
Napakalaki nun at kulay brown ang kulay sa loob, hinaluan lang ng kaunting itim. Palagay ko nga ay dalawang beses ang laki nun sa sala namin sa bahay.
Kumatok ako ng tatlong beses pagkarating ko sa harap ng pintuan.
"Come in!" sigaw sa loob.
Maingat ko ng pinihit ang mahabang door knob.
Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin si Francis na naglalakad na nakasuot ng sando habang tuwalya lang ang suot pang ibaba.
Napalunok ako. Kahit nakasando ay sumisilip ang mga buhok niya sa dibdib.. Yung mga braso niya na payat pero may laman. Napansin ko rin na may tattoo pala siya sa may bandang dibdib. Baybayin ang pagkakasulat nun, Madasigan.. Marasigan! Napailing ako ng makuha ko. Nakakalito kasi talaga ang Da/ra sa baybayin, kaya hindi ako matuto-tuto. Hanggang ngayon nga ay iilan pa lang ang naiintindihan ko.
"Ahm.. ano..Kamahalan, pinapatawag niyo daw po ako.." ani ko habang inaayos ang laylayan ng akong uniform na blue.
"Yeah.. Magpapasama sana ako sayo, may pupuntahan kasi ako." sabi niya habang ng hahanap ng damit doon sa napakalaki niyang aparador.
"Po? Saan po?" isasama niya ako? Pero bakit ako? May mga tagabantay naman siya.
"Bakit po ako? I mean..kasi..may gagawin pa po kasi ako sir, tutulong pa po ako sa kusina."
"Really?" aniya at pumasok sa may hindi ko alam. Cr ata, pero ilang minto lang ay lumabas na siya na nakabihis na. Naka polo siya ng puti na may konting pula sa manggas at khaki shorts, na tinernuhan niya ng brown na closed leather sandals na may 'D' sa unahan.
"Nakita mo si Mrs. Yunis?" tanong niya pagtapos niyang hagurin ang buhok niya sa unahan.
"Ahm..nasa baba po." sagot ko naman.
Hindi siya nagsalita nun, dieetso lang siyang lumabas kaya ako naman ay hinabol siya.
"Ipapalinis niyo po yung room niyo, Sir?" habol ko sa kanya sa may hagdanan. Pero hindi naman niya ako pinapansin at patuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa makarating kami sa may pasilyo papuntang kusina ay nasa likod pa rin niya ako. Habang siya ay parang model lang na naglalakad..
"Nasaan si Mrs. Yunis?" tanong niya doon sa isang babae na nag lilinis ng mga estatwa sa gilid.
"Nasa kusina po kamahalan." pagkasabi nito ay nag lakad na ulit si Francis. Ako din.
"Sir naman.."
Hindi ko na alam gagawin ko, para akong tuta dito na hinahabol yung amo.
"Mrs. Yunis, there you are!" hiyaw niya ng makita na sa huli si Aling Yunis. Nakaupo ito at inaayos ang placemat
"Kamahalan!" gulat naman nito at tumayo.
"May itatanong lang ako," sabi nito.
Napalingon ako ng sabay na pumasok si Mona at Pepe, nginitian ko lang sila.
"Ano ho iyon?"
Halos lahat nakatingin sa amin. Nakikinig. Samantalang ako dito, nasa likod pa rin ng prinsipe.
"May gagawin ba ngayong araw si Chipy?"
"Si chippy po?" gulat na tanong ni Aling yunis.
"Yeah. Gusto ko kasing magpasama sa kanya, may event akong pupuntahan."
"Si Chippy? Mayroon naman po na iba-"
"Si Chippy ang gusto kong isama, now.. May gagawin ba siya o wala?"
"Wala po kamahalan." mabilis na sagot ni Aling Yunis.
"Great!" ani nito. At tsaka ako binalingan. "Now, mag ayos ka na, aali s tayo in a minute. Hihintayin kita sa labas."
Yun lang at umalis na ito. Naiwan kaming lahat na nakatunganga.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top