kabanata 43

Kabanata 43

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, oras na para sa meryenda! "

Salubong sa akin ni Mona ng makita niya ako. Nakapa meywang pa siya. Imbes na kabahan ay natawa na lang ko sa boses at tono niya. Ang galing kasi, kaya niyang gayahin ang tono ng babae.

"Bakit ka natatawa diyan?"

Umiling. "Wala. Relax ka  nga lang, Mona. Masyado kang galit."

"Aba syempre! Magagalit si Aling Yunis sa atin pag nag kataon! Hala sige, dalhin mo na 'yan sa may hardin. Doon daw gusto kumain ng mahal na prinsesa. At pag napansin mo si tilde at Lili, papuntahin mo dito dahil kailangan din sila." ani nito at binigay na sa akin yung cart na amy food.



Habang naglalakad sa makintab na pasilyo ng palasyo ay biglang may bumalik sa alaala ko, bigla kong naalala si Artemio. Artemio Villanuevo, tapos si Romulo Gueverra,   pilit ko kasing inaalala ang mga pangalan nila, dahil kung sakali man na, magising na ako sa panaginip na 'to, pwede ko silang hanapin sa internet o kung saan man pwede. Alam kong mahihirapan ako sa paghahanap kay Artemio dahil 1903 ko siya nakilala tapos, hindi ko pa alam kung ilan taon na siya. Pero bahala na, wala naman imposible.

"Uy!" tawag ko kay Lili, yung isang kasamahan namin dito. Hindi kami masyadong close nito dahil sobrang sungit niya. Hindi ko alam kung anong meron, pero palagi niya kamkng sinusungitan ni Tilde.

Maliit lang siya, morena at medyo chubby. Panay din may kulay na silver yung nails niya. Medyo kulot ang hanggang balikat na buhok at palaging may lipstick na pula.


"Bakit?" taas na kilay tanong niya. Gusto ko sana siyang irapan kaso, pinigilan ko na lang. Naalala ko yung sinabi ni Ila sa akin dati, 'Huwag nang  pansinin ang mga papansin.'

Papansin kasi feeling ko, papansin itong si Lili, wala naman kasi kaming ginagawa ni Tilde pero lagi siyang galit. Papansin. Lalo na pag kaharap namin si Aling Yunis.

"Sabi ni Mona, pumunta ka daw sa pantry, may iuutos yata siya sayo." sagot ko.

Nakita kong lalong tumaas yung kilay niya. "Bakit ako? Nandoon ka na hindi ka inutusan?"

"May nautos na kasi sa akin, ako ang mag sisilbi sa prinsesa ngayong meryenda. Ngayon, kung ayaw mo naman ayos lang, sabihin mo na lang kay Aling Yunis." sabi ko at umalis na. Hindi ko na siya hinintay na amg salita. Dahil alam ko naman na may masasabi pa rin siya.


"Is that my food?" tanong nung prinsesa pagkapasok ko pa lang sa may hardin. Napakaganda..

Akala mo may photoshoot na mangyayari.. Buhay na buahy ang mga bulaklak at berdeng berde ang mga dahon..

Ang mga bulaklak na violet at puti ang nakakaangat, iilan lang ng kulay pula at dilaw.

"Opo " sagot ko sa kanya at maingat na nilapag 'yon sa harapan niya. Tinanggal ko ang takio nun, at nakita ko na ginataang bilo bilo lang pala 'yon.

Susko naman..pinaka ingat ingat ko pa yung pagtulak sa cart ginataan lang pala.. Pero keri na rin, nakalagay naman kasi sa mahahaling bowl. Kulay medyo pink ang kulay ng bowl at silver naman ang kutsara at tinidor. Hindi ko maintindihan kung bakit may tinidor.


"Finally. Gutom na kasi ako, this is my first meal of the day,"

Nginitian ko siya. Medyo nahiya. Samantalang ako nakailang mangkok na na kanin ngayong araw, tapos siya una pa lang. Tapos ginataan pa.

Medyo makapal ang mukha ko sa part na, mas busog pa ako keysa sa amo.


"Astrid."

Napalingon kaming dalawa ng prinsesa sa nag salita sa likod.

Si Prinsipe Francis na kakapasok lang sa hardin.

"Francis!" ani Astrid. "Ang akala ko ay pupunta ka ng rancho?"

"Hindi na. Pumunta na sila Tatay doon kasama ni lolo." sagot naman nito at umupo na sa harap na upuan ni Astrid.

"Bigyan mo rin si Francis ng meryenda," baling nito sa akin.

"Ah..okay po.." sabi ko at mabilis na kumuha ng mangko sa ilalim

"Hindi n Chippy," pigil nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Francis.." rinig ko naman na mahinang sabi ni Astrid. "first name basis?"

"Shut up, Astrid." si Francis.

Siguro naman alam nila na naririnig ko sila ano? Medyo malayo sa lamesa ang pwesto ko, pero tama lang para amrinig ang pinag uusapan nila.

Dinala ko ang inumin ng prinsesa sa lamesa.

"So.. Chippy pala name mo.." nakangising sabi ni Prinsesa. "Maganda ka.. Ilang taon ka na?"

Huminga ako ng malalim. "21 po."

"Ooh.. Pwede na Francis!"

"Astrid.." ani Francis, pero parang warning na..

"What? Nakikipag kwentuhan lang ako. Anyway.. Friends ba kayo?"

Agad akong umiling. "Hindi po."

"Ooh.. hindi pa." aniya. "Anyways.. Mag ingat ka ha, marami ng napaiyak yan si Francis."

"Just eat your food, Astrid. Kung ano-ano ang sinasabi mo," bumaling siya sa akin.


Ngumiti lang ako at nag iwas ng tingin.

Haay..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top