kabanata 42
Kabanat 42
"Ikaw, huwag mo masyadong sinusungitan si Pepe.." sabi sa akin ni Mona, isang araw na sabay kami nag aalmusal.
Binaba ko yung kutsara ko. "Pwes, sabihin mo rin sa kanya na huwag akong pakielaman."
"Concern lang yung tao sayo Chippy, masama ba yun?"
"Oo masama. Dahil nakakairita na siya."
"Basta bawasan mo yang kasungitan mo, mahal ka nung tao kaya ganun,"
"Ano'ng sabi mo?" tanong ko sa kanya. Tama ba yung narinig ko? Ako? Mahal? ni Pepe?
Eh, punyemas kakarating ko lang dito, ialng araw pa lang, mahal na agad?
"Nagjojoke ka ba? Mahal agad? Samantalang, kakakilala pa lang namain." sabi ko.
"Talagang pinaninidigan mo 'yang kwento mo.na 'yan ah? Pwes, para sabihin ko sayo, 21 anyos pa lang yan si Pepe, ikaw na ang gusto niyan! Hanggang ngayon na 28 na siya, walang pinagbago, ikaw pa rin! Tapos ang dali lang sayo, na sabihan siyang epal, ano Chippy, walang pakiramdam?"
"Nako, martyr yan si Pepe sayo, ilang taon ng basted, ayaw ka pa rin palitan."
"Oh ano? Bakit hindi ka mag salita diyan?"
Uminom ako ng tubig. Dahil hindi ko alam gagawin ko..
Paano ko ieexplain sa kanila na hindi ko nga sila kilala, hindi ko din alam na may ganyan na palang feelings itong si Pepe, paano yun? For sure pag sinabi ko ito, hindi naman sila maninawala.
Bigla kong naalala yung lungkot sa mukha niya nung isang araw na kinompronta niya ako, ngayon ko naiinyindihan yung tingin niya.
Tingin niya na nagtatanong at nalilito.
"May kailangan pa po akong gawin," paalam ko kay Mona bago umalis.
Malalim akong ang iisip habang naglalakad sa kung saan..
Ibig sabihin, may nasasaktan ako dito ng hindi ko alam? Nakakasakit na ako ng damdamin...
Nasaan ba si Pepe?
Kanina lang ay nakita ko sa kusina 'yon, ngayon wala na naman. Napakalaki naman kasi ng bahay na 'to! Pahirap!
"Tilde!" nakita ko kasi siyang pakalat kalat habang may hawak na puting basahan sa kamay.
"Oh, Chippy.. Bakit narito ka?" tanong niya. Dapat kasi ay nasa kusina lang at nag huhugas ng plato, dun kasi ako nakatoka si Tilde naman ay dito sa labas.
"Nakita mo ba si Pepe?" tanong ko. "Nasa kusina lang siya kanina, ngayon hindi ko na makita."
"Hindi ko napansin e, siguro ay nandiyan lang siya sa paligid, o maiwan na kita ha, marami pa kasi akong gagawin.." aniya.
Napairap ako sa kanya. Napaka sipag nitong babae na 'to, akala mo naman papamanahan siya ng amo niya sa ginagawa niya. If i know, for sure hindi nila alam ang pangalan ni Tilde.
Dumiretso ako sa likod ng kusina sa tambakan, baka kasi nandoon siya pero pagpunta ko doon ay wala siya.
Iba ang naabutan ko doon..
Ibang Francis..
Naka longsleeve na kulay green at itim na slack. Kumikinang din ang relos niyang puno ng diamante. Miski yung leeg niyang namumutaktak sa ginto.
Si Prinsipe Francis.. nakaupo sa kahoy na upuan at tahimik na nagtatabako..
Shit..mali..
Tumalikod na ako at aalis na sana kaya lang..
"Stay."
Patay! Ako ba yung sinasabihan niya? Stay daw?
Pero wala namang ibang tao dito ah?
Dahan dahan akong lumingon baka kasi may iuutos lang siya.
"Po?"
Binaba niya ang tabaco niya at ngumiti. "Im sorry, ang sabi ko, dito ka muna, mag kwentuhan tayo."
Nagdadalawang isip pa ako kung lalapit ba ako o hindi.. Pero.. Siya naman yung prinsipe e, utos niya, so..
Mabagal akong lumapit. Nakita ko pa nga siyang tumayo saglit at pumunta doonbsa kung saan, pagbalik niya ay may dala na siyang monoblack na puti.
"Maupo ka," aniya at nilagay sa likod ko yung monoblock na upuan. Tsaka siya bumalik sa upuan niya.
"Salamat. Salamat po.."
"Walang anuman, so Chippy right?" tanong niya.
Tumango ako. "Opo.."
Huminga ako ng malalim. Ewan ko ba, naalala kaya niya yung nangyari nung may handaan? Malamang! Naalala niya yung pangalan mo e! Pero ano naman kaya ang dahilan niya ngayon? Bakit niya ako kinkausap?
"Kumusta naman?" tanong niya.
"Ayos naman po ako," ngiti ko. Hindi ko na rin kasi alam ang kasunod na sasabihin ko. Wala ako maisip na topic,
"May hinahanap ka ba, kaya ka nag punta rito?"
"Hmm..opo. si Pepe po," sagot ko at lumingon pa kunwari sa likod ko.
Hindi ko na alam kung saan papunta itong usapan namin. Ang awkward kasi..
"Si Pepe?" nangingiting sabi niya. "Nobyo mo?"
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Huy, hindi ah!" mabilis na sagot ko. "May gusto akong iba.. Kaya lang.. Nasayang e," wala na akong preno, bahala na.
"Paanong nasayang?"
Nagkibit balikat ako, "You know.. Right love at the wrong time.. namalayan ko na lang na wala na.."
"Really?" kunot noong tanong niya.
"Well.. Ako rin naman kasi yung may mali..naging masyado akong relax, and comfortable sa status namin. Hindi ko inisip na pwede pa lang mag bago ang lahat sa isang iglap."
"What do you mean?"
"He's my first love, sa kanya unang tumibok ang puso ko.. Wait nga! Ang chessy ko na!" pigil ko sa sarili ko.
Bigla kasi akong kinilabutan Sa pagiging madrama ko. Ewan ko ba, tapos ngayon, nag oopen naman ako sa isang prinsipe, as if naman na maiinitindihan niya.
"No..it's fine. Ipagpatuloy mo na.."
Nag isip pa ako ng ilang saglit.. Wala namang mawawala kung sasabihin ko sa kanya.
"Yun nga.. I like him and found out that he likes me back, but then.. shit happened. Bigla na lang nawala."
"What kind of shit, you mean?"
"Shit. Shit. Shit." ngumiti pa ako.
Siya rin ay hindi na napigilan ang pag ngiti.
Natagpuan na lang namin ang sarili namin na parehas na tumatawa..
"You're funny.." aniya. "Pero tama ka naman. Shit. Shit. shit. No explanation needed."
"Pasensya na, natatamad na kasi mag explain.."
"No, ayos lang."
"Kasi naman an-"
"Chippy!!"
Parehas kaming napalingon..
Sumisigaw kasi si Mona sa loob.
Tuamyo na ako. "Alis na po ako, hinahanap na ako ni Mona."
Tumayo rin siya.
"Okay. Salamat sa time." aniya.
Ngitian ko siya.
"Pasok na po ako.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top