Kabanata 41
Kabanata 41
"Mona.. gusto ko na umalis dito, dun na lang ako sa bahay pwede?"
Kulit ko kay Mona isang umaga. Hindi ko din alam.. Nawawalan na kasi talaga ako ng gana sa lahat ng bagay e, nanghihina na ako.. tingin ko hindi ko na kaya pang mag patuloy.
"Bakit naman? May nararamdaman ka na naman ba?" tanong niya. At sabay hinalo ang niluluto niya.
Umiling ako. "Diba sinabi ko naman na sayo yung totoo? hindi nga ako taga rito, galing ako sa 2019!"
Naningkit ang mata niya. "Pwede ba? Tumigil ka, Chippy? Ikaw ang hahaluin ko, makita mo! Maraming trabaho, wala akong oras makipag biruan sayo!"
"Mona!" hiyaw ko.
"Ano ba? Hi-"
"Chippy.."
Sabay kaming napalingon kay Pepe, ng sumulpot siya.
"Anong pinagtatalunan ninyo?" tanong niya. Inirapan ko nga.
Pansin ko lang palagi siyang epal.. i mean.. Lagi na kang siyang sumasabat at nangingielam sa mga usapan namin ni Mona.
"Wala ka na don." sagot ko sabay inirapan pa siya.
"Chippy nga!" saway ni Mona, "Yung bibig mo ha, bitchesa ka!"
Binalingan ko si Mona. "Eh bakit ba? Sa tuwing nag uusap tayo palagi na lang siyang sumasabat, palaging epal! Wala ka bang gagawin? Wala ka bang lulutuin? Umalis ka, nag uusap kami ni Mona."
"Chippy!"
"Ano?! Chippy ka nang Chippy! Huwag mo akong sawayin, totoo naman 'yong sinabi ko na epal siya!" inirapan ko ulit si Pepe na panay ang titig sa akin. Oh ano? Galit na siya? Pake ko naman. "So ano na nga ang sagot mo? Pumapayag ka na ba, Mona?" hinawakan ko pa ang kamay ni Mona.
Swear! Ayoko dito! Kahapon ay nagandahan ako sa lugar at palasyong ito, pero ngayon..ayoko. hindi ko kaya! Na hohomesick ako.
"Bastos pala 'yang bunganga mo." ani ni Pepe. Tinaasan ko siya ng kilay.
Nilingon ko ang paligid ko, apat lang naman kami na nandito, si Mona, Pepe, ako at yung isnag nag dedeliver ng gulay.
"Ako ba kausap mo?" tanong ko.
"Sa tingin mo?" seryoso niyang sabi.
"Tingin ko hindi. Ayaw kitang kausap so.. Huwag mo akong kausapin."
Bumaling ulit ako kay Mona para makiusap pero bigla na lang humwak sa akin si Pepe,
"Ano?!" singhal ko sa kanya. "Bakit ba? Nag uusap kami ni Mona, hindi mo ba nakikita?"
Tinignan niya lang ako at bumaling kay Mona, "Ipagpatuloy mo na lang ang pag luluto mo, mag uusap lang kami sa labas." sabi nito at hinila ako.
"Mabuti pa nga, Pepe hi-"
Buong lakas akong kumawala sa hawak niya. "Sino may sabi sayong makikipag usap ako sa 'yo?"
"Chippy, sige na sumama ka na kay Pepe. Naiistorbo mo na kasi ako sa ginagawa ko."
"Mona! ano ba bitiwan mo nga ako!"
Mabilis akong hinila ni Pepe palabas ng kusina. Pilit ako nag pupumiglas at sinisipa siya pero iniinda niya lang 'yun.. Nanggigil talaga ako sa mukha nitong lalaki na 'to, sarap lamusukin at kalmutin!
"Ano ba?!" hiyaw ko ng binitiwan na niya ako sa may likod at tambakan ng mga sirang appliances. "Epal mo talaga e!"
"Ano ba ang kinagagalit mo?" kalmado niyang tanong pero galit na.
So tingin naman niya natatakot ako sa mga tingin niyang ganyan? Huh! Walang wala yan sa tingin mamita, tang ina, muntik na nga akong mabaril nung nasa oanahon ako nila Artemio, tapos tingin niya manginginig ako sa masamang titig?
"Ang epal mo kasi! Palagi ka na lang umeepal, wala ka bang sariling buhay? Palagi ka na lang nangigielam!"
Tumango naman siya. Hindi ko maintindihan kung bakit, para saan 'yon? Baliw na ata.
"Huwag ka na ulit eepal!" sabi ko bago tumalikod. Mauubos lang oras ko dito..
"Sawi ka sa pag ibig, kaya ka ganyan."
Napatigil ako sa pag lalakad.
Paano niya nalaman?
"Hindi dahilan ang pagiging sawi sa pag ibig, para maging bastos ang pag uugali." sabi pa niya.
Taas ang kilay na mabilis ko siyang nilingon. "Grabe no? Ang akala ko, epal ka lang.. Hindi ko akalain na mabilis ka palang mag upgrade, from epal to chismoso naman? Wow!"
"Hindi ko din akalain na ganyan ka kabastos,"
"Bastos ako, kasi binabastos mo ako!" Hiyaw ko. "At wala kang karapatan sabihin at ungkatin ang mga personal na bagay sa akin, hindi kita kaano-ano, huwag kang mapapel!"
Mabilis akong nag martsa paalis doon.
Ang sarap niyang saktan! Bugbugin!
"Oh bakit ganyan ang mukha mo?" salubong ni Tilde sa akin pag pasok ko sa quarters.
Tinignan ko siya..hindi kaya..
"Sinabi mo ba kay Pepe, ang mga sinabi ko sayo kagabi?"
Halatang nagulat naman siya sa biglaan kong tanong. "Ano?"
"Sinabi mo ba?"
"Hindi. Hindi pa nga kami nagkikita ni Kuya pepe, bakit?"
"Eh paano niya nalaman na broken hearted ako?!"
"Hindi ko alam. Siguro kasi, bakas iyon sa mga kilos at mukha mo.." aniya.
"Ano?"
"Mukha ka kasing stressed Chippy, palagi ka pang nakasimangot at palaging may malalim na iniisip. Ang mga ganyan lang kumilos ay 'yong mga walang pera, o kaya naman sawi sa pag ibig. At ikaw nga 'yong panghuli."
Bigla naman akong natauhan. Ganon na ba ako kumilos?
"Nag sasabi ka ba ng totoo? Wala ka talagang pinag sabihan?" paninigurado ko.
"Wala. Isang karangalan para sa akin ang sabihan ng isang sekreto, sa akin mo sinabi, kaya wala akong karapatan sabihin sa iba 'yon." ngiti niya. "Ano ba kasing nangyari? Teka, nananghalian ka na ba?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top