kabanata 40

Kabanata 40

Kabanata

"Chippy, ibigay mo na 'tong inumin sa kanila, tapos na yata ang dessert." nagmamadaling utos ni Aing Yunis.

Napairap ako habang kinukuha 'yon. Nakaka bwisit kasi, utos siya ng utos, bakit kaya hindi siya ang gumawa? Kanina pa kami rito ni Tilde na hindi magkandaugaga pabalik balik doon sa loob mapagsilbihan lang ang pamilyan yun, tapos siya dito nakatayo lang namn mando ng mando.

Halos nananakit na nga ang mga paa ko kakalakad tapos susungitan pa niya, akala ba niya nakakatulong 'yon?

Kanina ko pa talaga gusto umalis dito, tapos itong si Tilde naman, wala! Ayun, magana pa rin pinag sisilbihan ang pamilyang Royalties. Jusko, hindi ko n keri 'to, si Tilde kasi parang sanay na sanay na siya.

Eh paano ako? Napapasod na ako agad.

"Kailan ba matatapos 'to?" bulong ko kay Tilde ng makalabas ng kusina.

Nilingon naman niya ako na nakangiti.

"Pagod ka na ba? sandali na lang 'to, mukhang pagod na ang hari." sagot niya.

"Buti naman."

"Ano 'yon, Chippy?"

Mabilis akong umiling. "Wala."

Mag aalas dose na siguro nang matapos ang party nila, may iilan ng bisita ang umuwe, at may iilan pa rin na nag stay. Pero ang ipinagpapasalamat ko ay ang natapos na ang trabaho namin.

Tumigil na kami sa pag seserve sa kanila at hindi na nananakita ng likod ko kakapabalik-balik sa mga lamesa.

"Salamat naman uy!!" hindi mapigilan hiyaw ko ng malapag ko ang huling plato sa lababo. "Thanks God, natapos din!! Grabe 'yon.."

"Excuse me.."

Mabilis akong napalingon ng may nag salita sa may likod ko.

Nanlaki ang mata ko.. Shete.. Yung prinsipe!

Narinig niya ba ako?

"Uy! Nandiyan ka pala..hehe," napalunok ako.

Saglit na kumunot ang noo niya, kasabay nun ay ang pagkinang ng kwintas niya.

"Ano ang pangalan mo?" tanong niya pagkatapos akong titigan.

"Ah..ako po si Chippy.." sagot ko at agad na umayos ng tayo.

"May kailangan ka po ba?"

"Wala..wala naman.." iling niya. "Bago ka dito?"

"Hmm..opo."

"That's why." tango niya. "So..Chippy, right?"

"Opo.."

"Goodnight." sabi niya at walang sabing umalis.

"Yun na yun?" tanong ko.. Hindi niya ba ko uutusan?

Yun lang yun?


----

"Oh ano? Pagod?" tanong sa kin ni Tilde habang nag aayos kami ng higaan. Magkatabi kasi kaming matutulog. Si Mona kasi ay sa mga quarters naman ng boys.

Pinagpagan ko muna yung unan ko bago maupo sa tabi niya.

"Sobra.. pakiramdam ko nga, may pasan akong ref, sa sobrang bigat.."

Natawa naman siya at inayos ang suot niyang puting bestida bilang pantulog. Same kami ng damit bestidang puti.

"Galing ka kasi sa sakit kaya ganyanga ng pakiramdam mo, masasanay ka rin, chippy." aniya. "Matulog na tayo, maaga pa tayo mamaya."

Napairap ako. Yun yung nakakaasar na part, imagine.. 12 pm na..tapos ang sabi ni Tilde, dapat daw 4 am naka ready na para mag handa at mag silbi sa mga Marasigan.

Galing! Anemic aabutin ko sa taon na 'to!

"Ang likot mo naman, Chippy.." natatawang sita sa akin ni Tilde.

Tinignan ko siya. Sinubukan kong mahiga pero kahit anong gawin ko ay hindi talaga ako makatulog. Pagod ako pero hindi ako madalaw ng antok.

Bumabalik kasi sa isip ko si Romulo.

Hindi ko matanggal sa loob loob ko yung panghihinayang at galit. Idagdag mo pa sila Ila, hindi ko alam kung nagka bati na ba sila ni Oli, maging si Virgie, wala akong ideya kung ano na ang nangyari sa kaniya!

Hindi ko na napigilan umupo na ako.

"May problema ka ba?" tanong ni Tilde at umupo na rin.

Ngayon ko lang napansin na mestiza pala si Tilde. Mukha siyang amerikana. Siguro may lahi siya?


"Huy, may problema ka ba kako?" tanong niya ulit.

Huminga ako ng malalim. "Hindi lang kasi ako makatulog.." sagot ko.

"Bakit nga? Ano bang iniisip mo?"


Iniisip ko kung sasabihin ko ba sa kanya.. pero tingin ko naman pwede, dahil mukha naman siyang mabait. Mukha siyang mapagkakatiwalaan.

"Nobyo mo ba?" bigla niyang hula.

Malungkot akong napangiti.. Sana.. kung hindi lang ako naging duwag..

Kung sana ay pinahalagahan ko ang bawat araw na kasama siya, at tinuring kong espesyal ang bawat araw at kung sana sinabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko at hindi na nag hintay pa sa tamang panahon.

Sana nga naging nobyo ko siya..

"Almost." sagot ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nalilito na tanong niya. "Bakit almost lang? Ano ba ang nangyari?"

Tinitigan ko lang siya. Dahil sa totoo lang..hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko alam kung paano..

"Ikwento mo na.." aniya ng nakangiti. "Nawala na rin naman ang antok ko, mag kwentuhan na lang tayo."

Nginitian ko siya at ikinuwento na nga ang lahat.

Pero hindi ko sinama yung part na galing ako sa present. Alam ko naman kasing hindi rin siya maniniwala. Dahil sa totoo lang, hindi naman 'yon kapani-paniwala. Kwentong baliw, ika nga.

"Ayun.." naluluhang sabi ko ng mabalikan ko lahat ng nangyari sa amin ni Romulo.

Lahat ng masasayang pangyayari, at yung pinaka masakit ay ikinuwento ko na sa kanya.

"Bakit kasi ipinagpa bukas mo pa ang pagtatapat?" aniya.

"Dahil hindi ko naman inakala na aalis siya." aalis ako. Kung alam ko lang, sana ay hindi na ako pumayag na ihatid niy pauwi.

"Nakakapanghinayang naman ang kwentong pag ibig ninyo."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top