Kabanata 4
Kabanata 4
"Ate kumain ka muna."
Napatingin ako kay Gema ng lumapit ito sa akin. May dala dala siyang dahon ng saging na may laman na dalawang piraso ng kamote. May hawak din siyang kamote sa kabilang kamay.
Nasa gilid kasi ako ngayon at hindi nakikihalubilo sa kanila. Nakakatakot sila. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot Lalo pa nung inambaan nila ako ng bolo. Hindi ko ineexpect 'yon. Akala ko katapusan ko na talaga kanina, pero buti na lang nandon si Gema. Hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung nasaan talaga ako. Bakit? Tsaka paano ako nakapunta dito? Samantalang naglilinis lang naman ako ng mga alikabok kanina.
Nakakatakot yung mga tingin nila sa akin ngayon. Parang anytime sasaksakin nila ako dito pag may ikinilos ako na hindi nila gusto. Nakaka kaba.
Kanina lang nasa school ako, naglilinis. Natatandaan ko pa na tinitignan ko yung locker na nakabukas. At kinuha ko lang yung nakita kong wallet doon..
Tapos may liwanag na lumabas don.. Tapos.. tapos.. nandito na ako pag dilat ko? Paano naman 'yon?
Sinasabi nila na 1903 ang taon ngayon.. pero sa pagkakaalala ko nasa 2020 na ako! At ayaw ko man maniwala na nag sasabi sila ng totoo pero kasi.. yung nangyayari sa paligid dito ang siya'ng nagpapatunay.
Ang mga putok ng baril at mga pagsabog ang nagpapaniwala sa akin. Idagdag mo pa yung mga kasuotan nila. Sobrang makaluma. Wala na akong nakiitang nag susuot noon, katunayan sa libro ko lang ito nakikita.
Pero hindi ko pa rin mahugot sa utak ko yung sagot na kung paano ako napunta dito?
"Ate.. Kailangan mong kumain para magkalaman ang tiyan mo." sabi ni Gema na mas lalomg inilapit sa akin yung kamote. "May hinanda sina tiya na gamot para inumin mo.."
Kinuha ko iyong binibigay niya tsaka ko siya inalalayan para makaupo sa tabi ko. Itinabi ko muna yung kamote sa gilid.
"Nasaang lugar ba tayo?" bulong ko sa kanya. Iniingatan ko lang na hindi ako marinig ng iba. Dahil baka masurpresana naman ako, may bolo na naman malapit sa mata ko, balak ata nila akong bulagin.
"Nasa guinobatan po tayo." sagot niya.
Kumunot ang noo ko. Guinobatan? Bicol?
"Guinobatan albay?" tanong ko pa ulit
Tumango naman siya. Hindi ko naman mapigilan na hindi mapalingon sa mga nanay na nakatingin sa amin.
"Pero bakit kayo nagtatago?"
"Sinasakop po kasi ng mga Amerikano ang Albay At hindi po sang ayon doon ang ilang kasamahan natin kaya po, patuloy silang lumalaban.. Maging kami po ay hindi sang ayon kaya po nagtatago kami, upang maging ligtas sa bala. Katatapos lamang po tayong sakupin ng mga kastila,"
"Sorry ha.. ang alam ko kasi.. tapos na tayong sakupin ng ibang lahi. Maniwala ka at sa hindi pero..galing ako ng present 2020-"
"Hindi ko po makuha ang sinasabu ninyo ate." sabi niya sa litong lito na mukha. Nag kamot pa siya sa ilong niya.
Bumagsak ang balikat ko. Sumuko na lang sa pagpapaliwanag. Narealize ko na kahit anong paliwanag ay hindi talaga kami mag kakaintindihan. "Ako rin e, hindi ko maintindihan."
"Nga pala, bakit walang lalaki dito? Nasaan ang tatay mo?" tanong ko ng mapansin na puro sila babae. May lalaki man kaso puro bata ito.
"Ang tatay ko po ay wala na. Natamaan po siya ng bala sa ulo. Pero po yung itay ni Gallardo ay kasama po sa grupo ni General Ola, na patuloy pinaglalaban ang kalayaan ng Pilinas."
"General Ola? parang wala naman akong kilala na naging general na Ola ang pangalan.." bulong ko. Tingin ko hindi ko rin nabasa sa libro ang pangalan niya. Hindi pamilyar. O baka kasi hindi lang ako nagbabasa talaga.
"Opo. General Ola. Ang magiting natin na heneral. Mahusay siya manay.. Ilang taon na rin siyang tinutugis ng mga dayuhan ngunit hindi siya mahuli huli ng mga Amerikano. Ang husay po niya!"
Tumango at ngumiti ako. "Talaga? Mukha nga."
Ngumiti siya kaya nakita ko yung bungi niyang ipin sa harap. "Kainin mo na po yung kamote habang mainit pa."
Tumango naman ako at binalatan na ang kamote.
Kahit hindi naman ako makapaniwala ay wala naman na akong magagawa dahil nandito na rin naman ako. Ayoko naman lumabas, baka pagkaapak ko pa lang sa labas ay matamaan agad ako ng ligaw na bala.
Nang magdilim na ay hindi ko na rin mapigilan ang matulog. Pansin ko kasi na hindi natutulog ang ibang kababaihan doon. Sila Gema at mga bata ay kanina pa tulog. Siguro binabantayan nila ako, baka may gawin ako sa kanila kaya nagpasiya na rin akong matulog. Para matahimik na rin sila.
Hindi ko alam kung gaano na katagal pero nagising na lang ako ng may yumuyogyog sa akin.
"Hmm.."
"Ate, kailangan na nating umalis!"
"Ate!"
Mabilis akong napabangon ng makitang nagkakagulo na ang mga tao. Lalo na nung nakita ko yung nag aalala na mukha ni Gema na nakatunghay sa akin.
Napabangon ako ng mabilis.
"Iwanan na ninyo ng gamit na makakaabala sa paglikas natin!" rinig kong hiyaw ng isang babae.
"Anong nangyayari?" tanong ko.
"Natagpuan na po itong lugar natin ng isang dayuhan. Napaslang lang po ito ni Tiya, ngunit kailangan pa rin nating umalis!"
"Gema! Halika na!" hiyaw ng nanay niya dito. Mabilis naman na tumayo si Gema at hawak hawak na niya ang kamay ko.
Wala ng tanong tanong na sumunod ako kay Gema.
Kahit madilim ay sinuong namin ang madilim na puso ng kweba. Ang maliit na lampara ang nagsisilbi naming ilaw.
Nilibot ko ang paningin ko. Ramdam na ramdam ko ang takot nila pero at the same time bakas sa mukha nila ang tapang at dedikasyon.
Bigla silang huminto kaya napahinto na rin ako.
"Kailangan natin lumusong sa tubig para makatawid sa kabilang nayon." sabi nung babae na nagsisilbing leader nila. May katandaan na rin itong tignan. "May inihanda na akong lubid na pwede ninyong pagkapitan. May kalaliman ang tubig kaya kailangan mag ingat."
Mabilis na lumingon sa amin ang mama ni Gema. Karga karga pa nito ang nakababatang kapiatid ni Gema.
"Gema kumapit ka sa akin." ani nito.
"Nora, masyado ka ng mabibigatan pag nagkataon." sabi nung leader nila. "Ipagkatiwala mo na lamang siya sa kasama niyang dalaga." sabi nito at tumingin sa akin. "Marunong ka bang lumangoy? Kaya mo bang pangalagaan si Gema?"
Napalunok ako. "O..po." kinakabahan na sabi ko. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam.
Oo marunong akong lumangoy pero kasi..ang dilim ng lugar na ito. Wala halos makita, ni hindi ko rin alam kung gaano kalalim ang tubig dito. Wala akong ideya kung ano man ang susuungin ko kung sakali.
Hinawakan ako ng mama ni Gema.
"Ingatan mo si Gema, iha.." ani ni aling Nora.
"Opo.." tinignan ko yung mga nauna nang tumawid ng lubid. Napalunok ako. Tinignan ko si Aling nora bago ngumiti.
"Nora, ikaw naman ang tumawid."
"Mahuhuli na ako Edna, kailangan kong masiguro na ligtas silang makakatawid-"
"Dala dala mo ang iyong sanggol, isipin mo. Ako na ang bahala kay Gema at sa dalaga."
Pagkatapos nun ay hindi naman na sila nag usap pa at tumawid na si aling Nora sa tubig. Nang kami na ang tatawid ay tsaka ako tinablan ng kaba.
Ilang beses pa muna akong napalunok. Iniisip ko kung kakayanin ko ba talaga..
kaya ko ba? kaya ko ata.
Napatingin ako kay Gema ng hilahin niya ang parte ng dress ko.
"Ate Kung natatakot ka, ako na lamang ang bahala." sabi niya.
napatulala ako sa kanya.
Bata ba talaga si Gema? Parang katawan iya lang ang bata, pero kung mag salita ito ay parang mas matanda pa sa akin.
Umiling ako. "No.. Nag promise ako sa mama mo." sabi ko at walang sabi na kinarga siya paharap sa akin. "Kumapit kang mabuti sa akin."
"Papa God ikaw na pong bahala." bulong ako bago lumusong sa tubig.
Halos manginig ako sa lamig ng tubig ng una itong dumampi sa katawan ko.
Napatingin ako sa kanya ng mag salita siya.
"Ate huwag mong sabayan ang agos ng tubig dahil madadala ka nito, bagkos ay labanan mo ito." bulong sa kin ni Gema. Napapansin niya ata na tumitigil at nadadala ako ng agos.
Malakas kasi ang agos nito. Isa pa ang lamig nito ay dumadagdag para manghina ang katawan ko. Pakiramdam ko nasa drum ako na puno ng tube ice sa sobrang lamig nito.
"Okay.." sagot ko sa nanginginig na boses.
Ang kamay na nakahawak sa lubid ay hinawakan din ni Gema.
"Kaunti na lamang. Natatanaw ko na po ang liwanag ng lampara na dala nila.."
Napangiti naman ako kahit nahihirapan. Tama siya.
malapit na.
May kaunti na rin akong liwanag na natatanaw.
Kahit mabigat ay pinilit ko pa rin umabante sa tubig. Wala na rin akong natatapakan na bato kaya lalong mahirap.
Nang may nahawakan akong matulis na sa lubid ay napasigaw ako at napabitaw ang isa kong kamay sa lubid.
"Ate!" hiyaw ni Gema sa akin at mahigpit na ipinulupot ang kanyang binti sa katawan ko habang mahigpit din na kumapit sa lubid ang maliliit niyang kamay.
"Gema! Kumapit kang mabuti!" hiyaw ni aling Edna. Tsaka ako may narinig na mabilis na tunog ng tubig.
Pilit ko pa ring inaabot ang lubid ngunit masyado ng mabigat ang katawan ko, masakit na rin ang braso ko para gawin pa iyon..
Tinignan ko si Gema na halata na rin na nahihirapan na.. "Bitaw na bhe!" sabi ko sa kanya.. Hindi ko na ata kaya..
Napapikit na ako at handa nang malaglag sa malalim na tubig nang biglang may humawak sa sa beywamg ko at inangat ko pataas.
Si Aling Edna.
"Kumapit ka na sa lubid mabilis!" sabi niya.
"Gema mauna ka na.. Malapit naman na ang labasan, huwag ka lamang lalayo."
"Opo.."
Nang iangat ako ni Aling Edna ay parang hindi ko n maramdaman ang sarili ko. Nakahawak ako sa lubid ngunit siya na itong humihila sa akin dahil mahina na ang katawan ko.
Nang makarating na kami sa pangpang ay agad akong binuhat ni aling Edna. Sinalubong naman kami ng iba pang nauna na.
Napahiga na lang ako. At hinabol ang hininga.. Hindi ko akalain na kakayanin ko pala iyong ganon.
"Ate, ayos ka lamang ba?" salubong sa akin ni Gema at Gallardo.
"Oo ayos lang si ate.." sagot ko at agad na umupo. Pagod na pagod na yung katawan ko. Unang araw pa lang pero pakiramdam ko sampong taon na ako dito..
"Kailangan na nating umalis!" si aling Edna. Tumayo naman ako at tumulong na sa pagbubuhat ng iba nilang gamit.
Paglabas namin sa kweba ay nagtungo naman kami sa isang kubo sa. Nasa isa siyang tago na lugar.
"Ano ang pangalan mo?" tanong sa akin ni Aling Nora ng makatuloy na kami sa bahay.
"Chippy po, ang pangalan ko."
"Chippy.. kay gandang pangalan." aniya. "Gusto ko lang sana magpa salamat sa pagtawid mo kay Gema kanina."
"Wala po 'yon. Dapat nga ako pa ang magpasalamat sa kanya.."
"Patawad din sa inasal namin sa iyo noong una nating pagtatagpo. Talagang nag iingat lamang kami."
"Naiintindihan ko po yon.. Siguro po kung nasa kalagayan ninyo ako, ganun din abg iaasta ko."
"Inay," dating ni Gema. "Pinapatawag ka po ni aling Edna."
Nagpasalamat pa sa akin ng isang beses si aling nora bago umalis.
Pagkaalis ni Aling nora ay si Gema naman ang pumalit.
"Nagugutom ka na po ba? Hindi mo po naubos ang kamote kanina hindi ba?"
Napangiti ako. Talagang hindi niya nakalimutan ang kamote. Hinaplos ko siya sa kanyang buhok.
"Ayos lang ako. Hindi pa ako gutom. Ikaw?"
"Marami po akong nakain na saging kanina." sabi niya at tumayo na. "lalabas po muna ako, makikipaglaro muna ko kina Gallardo.."
Tumango naman ako at ngumiti.
Laro..
Bata nga talaga siya..
[General Simeon Ola, ay totoong tao na naging pinakamatagal na naging heneral. Isa siya sa ating mga bayani na lumaban nung Philippine-American war. "Ang huling heneral. "]
[THE REST AY KATHANG ISIP KO NA. OKAY!]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top