Kabanata 38

Kabanata 38

"Oh ano, maayos naman ba yung mga gawa mo doon?" salubong sa akin ni Mona pagkabalik ko ng quarters. Naabutan ko sila doon na nag hihiwa ng mga lulutuin. Napag-alaman ko rin na isa palang chef dito si Mona. Kaya pala masarap yung mga pagkain na binibigay niya sa akin nung panahon na nagkukulong ako sa kwarto.

"Oo naman. Sinunod ko lang naman kung ano yung sinasabi ni Tilde." sagot ko at umupo doon sa isang pahabang kahoy na nasa likod ng pinto.

"Mabuti naman. O, siya, sige, huwag kang hihiwalay kay Tilde. Sumama ka lang sa kanya para pag may kailangan gawin, hindi ka mahirap hanapin."

Inirapan ko siya. "Pwede bang mamaya na? Alas dos na oh, hindi pa rin ako kumakain, nagugutom na ako!" reklamo ko. Pinanlakihan naman niya ako ng mata.

"Huwag kang mag reklamo! Pare-prehas lang tayo dito na nagugutom na,"

"Kaya nga dapat kumain naman muna tayo. Nahihilo na ako sa gutom. Mas lalong wala akong magagawa pag ganito na gutom ako!"

"Aba't talagang sumas-"

"Tama na 'yan, Mona. Hayaan mo na siyang kumain."

Napalingon ako doon sa nag salita.

Nandoon siya sa may harap ng kawali na umaapoy. May hairnet sa ulo at naka uniform na pang chef.

Si Pepe. Sigurado ako. Siyang siya yun, hinding hindi ko makakalimutan yung mukha niya, binuhat ba naman ako niyan.

"Pero marami pang kailangan gawin sa labas!" sagot ni Mona.

"Eh, nagugutom na nga ako, Mona! Nahihilo na ako!" napapadyak pa ako dahil sobrang nakukulitan na ako sa kanya. "Kahit isang subo lang, pwede ba?"

Nabaling naman ang tingin ko ng lumapit si Pepe, may dala siyang plato. Nilapag niya 'yon sa may gilid ko, sa may ibaba nung drawer ng mga gulay.

Napalunok ako ng makita 'yon.

Pansit bihon. Lalo pa akong naglaway ng makita kong ang daming shrimp na nakaibabaw doon. Litaw na litaw din ang mga gulay doon.

Umuusok pa..

"Kumain ka na.." ani ni Pepe,

Tinignan ko siya.

"Akin 'yan?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya. "Nasa harap mo, ibig sabihin sayo."

"Okay, thank you." sabi ko. Mabilis kong nilapitan 'yon. Ngunit napatigil ng walang makita na tinidor. Nilingon ko ulit si Pepe, "Pwedeng pasuyo ng tinidor?"

"Tsaka, may kalamansi ba diyan?"

"Chippy!" hiyaw ni Mona.

Nilingon ko lang siya at hindi pinansin. Hindi ko maintindihan bakit siya hiyaw nang hiyaw.

"Salamat." sabi ko kay Pepe.

Mabilis kong sinunggaban 'yong pansit, at napapikit ako sa sobrang sarap ng lasa nun. Pakiramdam ko lumipad ako sa mula sa langit.

Napakasarap nun! Lalo pa at mainit, wala akong masabi na problema sa pansit na 'to, napakasarap at masarap talaga.

Ngayon lang ata ako nakatikim ng ganitong kasarap na pansit sa buong buhay ko.

"Nakita niyo ho ba si Chippy?"

Narinig kong sabi nung tao na bagong pasok. Napatigil ako sa pagsubo sa pansit para tignan 'yon, si Tilde. Tinaas ko ng kamay ko para makita niya ako.

"Tilde!"

Nang mahanap ng mata ako ay dumiretso siya papunta sa akin.

"Bakit mo ako hinahanap?" tanong ko sa kanya.

"Ah, mag papatulong lang sana ako sayo, kailangan ko kasi ng katulong para sa pagkakabit nitong mga laso." aniya.

"Ah, ganon ba? Wait, kumain ka na ba?" tanong ko.

Umiling naman siya. Napatingin ako kay Mona na nagluluto. So..ibig sabihin ako palang talaga yung kumakain?

Ang kapal ng mukha ko..

Tinignan ko yung pansit. "K..kain ka muna, Tilde."

Napatingin naman siya sa pansit. Nakita kong napalunok siya pero umiling pa rin.

Alam kong nahihiya lang siya kaya hinila ko siya paupo, para natatakpan kami ng drawer, tsaka ko siya sinubuan ng pansit.

"Ayoko, Chippy.." iling niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Tumigil ka, may pagkain kaya kumain ka. Masamang tinatanggihan ang grasya." sabi ko at sinubuan siya. This time ay kainin na niya 'yon.

Nang maubos namin 'yon ay tsaka ko lang siya pinatayo. Nakita ko naman na pinunasan niya ang bibig niya na nagmamantika pa.

Hinila ko na siya palabas.

"Saan ba tayo mag kakabit?" tanong ko habang naglalakad na kami.

"Doon pa rin, kaso mga laso naman ang ikakabit natin. Pagkatapos nun ay ayos na. Pwede na tayong mag pahinga. Mamaya na kasing ala sais mag uumpisa ang celebrasyon nila."

"Hmmm...itong celebration ba na 'to, ay... dahil sa uuwi yung prinsipe?" tanong ko.

Magarbo kasi. Dati naman ako nakakapunta sa mga handaan, tuwing isinasama ako nila mamita sa pinupuntahan nila. Pero yung mga yun, magarbo man, pero hindi ganito kagarbo. Kung ikukumpara ko nga, parang kasing laki ito ng san juan arena. Nakakapagod magpalakad lakad at pabalik balik sa pag kabit ng mga laso.

Medyo naniniwala na nga ako na mga maharlika nga sila. Tingin ko kasi napakalaking pera ang ngastos nila dito, imagine.. Sino'ng tao ang gagastos ng napakalaking halaga para lang sa ilang oras na handaan? Syempre wala! Tanging mga maharlika lang.

Inangat ko yung gintong kupita sa na nsa ibabaw ng lamesa.

Tulad nito, kung ibebenta ko 'tong gintong kupita na 'to, siguro pwede na akong mamuhay ng 5 taon kahit hindi ako mag trabaho, busog pa ako.

"Huy, bakit mo pa tinanggal sa pag kakaayos 'yan?" sita sa akin ni Tilde. Naabutan niya kasi akong hawak yung kupita.

"Tinignan ko lang." sabi ko sabay balik sa kung saan 'yon nakalagay kanina.

"Mukhang mahal." bulong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. "Mahal talaga 'yan. Nakita mo yung mga lamesa at upuan? Lahat 'yon mga pilak."

"Talaga?" nanlalaking mata na tanong ko. Napatingin naman ako sa upuan at mga lamesa. May mga takip ng mga puting tela 'yon dahil may disenyo na 'yon, pero umupo pa rin ako at bahagyang tinaas 'yon para lang makita yung sinasabi niyang pilak.

"Omygosh..." totoo ngang pilak ito.. Kumikinang ang ialng bahagi nun dahil sa liwanag. Muli akong humarap sa kanya.

"Totoo nga.."

"Totoong totoo." natatawang sagot niya. "Ayaw nila sa mga parakale."

"Halika na! Kailangan na natin mag bihis, mag uumpisa na ang party." aniya at hinila na ako paalis doon.

Medyo papalubog na ang araw, kaya ang lahat ay aligaga na sa paparating na handaan. Salubungan ang bawat tao na dumdaan sa isang magarbong pasilyo.

Habang kami naman nila Tilde at ng iba pa na magiging waiter ngayong gabi ay nakabihis na. Isang kulay ulap na damit ang pinasuot sa amin. Umabot 'yon hanggang ibabaw ng tuhod, at may nakalagay din sa aming mga buhok na puting laso.

Pantay na nakahilera sa may pintuan habang binabati ang mga pumapasok ng ngiti na nakadikit na sa labi.

Ang gaganda at ang gaharbo ng mga suot ng mga pumapasok. Malolobong telang kasuotan sa mga babae, sa lalaki naman ay mga tuxedo na puti ngunit karamihan ay itim.

Kanina pa ako nangangalay kakangiti pero kasi bawal ang hindi ngumiti. Lalo pa at nakabantay ngayon yung mayordoma. Nakilala ko na siya kanina. Si maam Yunis. Medyo bata bata pa siya. Kaedad lang ata ni Mona, mga nasa mid 30's siguro.

Napakasungit at napaka arte. Ang daming gusto, napaka perfectionist.

"Yung ngiti mo.." bulong ni Tilde ng nakangiti pa rin. Medyo nawala kasi yung ngiti. May bagang pa naman ako, pero naipon na ata yung laway ko.. Nilunok ko lang muna.

"Maligayang pagdating po." patuloy n sabi ko sa mga dumadating.

"Mag handa! Nandiyan na ang prinsipe!" hiyaw nung tao sa kung saan. Bigla naman naging firm ang lahat.

Mabilis na umayos ang mga sundalo nasa hulihan ng pila.

Sabay sabay nilang itinaas ang mga mahahabang baton may  mga sinabi pa nga sila pero hindi ko naman maintindihan dahil nakafocus ako doon sa lalaking naka kulay dilaw na tuxedo at puting laso.

Lalaking matangkad, moreno at makisig. Naka clean cut din ang buhok niya, at habang naglalakad siya ay kumikinang ang kung ano sa dibdib niya.

Kwintas ata.


Nakakawala din ang dalawnag una na butones niya kaya nahahagip ng mata ko yung ilang bahagi ng dibdib niya.

Ang gwapo.. pero hindi kasing gwapo ni Romulo.

Moreno siya, pilipinong pilipino ang kutis.


Makinis ang mukha, matangos ang ilong at mapula ang labi.

Ang mata niya, parang may hindi magandamg gagawin. Almond shape ang mata niya.. Ibig sabihin, napaka gwapo ng prinsipe!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top