Kabanata 36
Kabanata 36
"Chippy.. Lumbas ka na diyan, kailangan mong kumain." tawag sa akin ni Mona mula sa labas.
Pinunasan ko ang luha na hindi pa maubos ubos..
Hindi ko siya pinansin.
Kahapon pa ako hindi kumakain nung isang araw pa, pero ayaw ko pa rin kumain ngayon. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin, tutal ay pakiramdam ko naman ay namatay na rin ako.
"Chippy, kumain ka na!"
Hindi mawala sa isip ko si Romulo, Sana pala sinabinio na sa kanya ang lahat nung may pagkakataon pa ako. Dapat pala hindi na ako naghintay ng tamang pagkakataon, dapat nung gabi palang na 'yon ay sinabi ko na lahat. Ang dami kong sinayang na oras. Ngayon nag sisisi ako..
"Ang tanga tanga tanga ko.."
"Ang dami ko pa kasing artihan.. Ngayon, wala na.. wala na siya."
"Chippy, natatakot na ako ah? Ano ba ang problema mo? Pwede mo naman sabihin sa akin..kaibigan mo ako!"
Napairap ako.. kaibigan? Eh, ngayon ko nga lang siya nakita..ni hindi ko nga siya kilala, paano niya nasabi na kaibigan ko siya?
Humikbi ako para pigilan ang pag iyak ko, pero narealize ko na, wala naman nakakakita sa akin ngayon. Wala na rin akong pake kung ano ba, masakit ang nararamdaman ko.. At kahit sino, walang makakaintindi non.
Inaasahan ko naman na mangyayari ito, na hindi ko na makikita pa sina Romulo..
Ang hindi ko lang inaasahan ay ang naging pagtatapos namin.. hindi ganito ang gusto ko. Napaka walang kwenta ko!!
"Ikaw nga.. subukan mo kausapin, nag aalala na kasi ako, tatlong araw ng nagkukulong sa kwarto e." rinig kong sabinki Mona sa may pinto. Kumunot naman ang noo ko.
Sino kausap niya?
"Ano ba ang nangyari? Nag away ba kayo?" tanong naman nung boses na lalaki.
"Kahit naman mag away kami niyan, hindi naman iiyak 'yan ng ganyan." si Mona. "Pero kasi ngayon, umiiyak talaga siya, nag aalala na ako, baka may nangyari na hindi natin alam. Kuya pepe nag aalala na ako.."
Napatingin ako sa may pintuan, suminghot ako at pinunasan ang luha ko. "Ano 'yon? Bakit may pepe?" bulong ko.
"Chippy! Nandito si Kuya pepe, gusto ka niyang makausap!" si Mona.
"Hindi ko nga kayo kilala! Huwag ninyo na akong guluhin!" hiyaw ko at umupo na lang ulit sa may papag.
"Ano ang sinasabi mo na hindi kilala? Pinsan mo ako, ako to si Pepe."
Napairap ko. "Ano ba namang klaseng pangalan yan?"
"Wala akong kilala na.. na.. basta hindi kita kilala!" hiyaw ko. "Ano ba? Hayaan ninyo na lang ako! Matutulog ako!"
"Chippy! Tatlong araw ka ng natutulog!"
"Alam ko! Marunong ako mag bilang!"
"Kuya pepe, pasukin mo na ang bata na yan! Mahahambalos ko 'yan!"
Nanlaki ang mata ko. "Isa! Huwag nga kasi!"
Papunta na ako sana sa may pintuan para harangan 'yon, kasi wala na, nahuli na ako at bumukas na 'yon! Tumambad na sa akin ang nakasimangot na si Mona, at yung kulot na lalaking kasama niya.
Matangkad 'yong lalaki. Medyo maputi at fit yung body. Napansin ko rin na medyo malaki ang mata niya, yung feeling na nangangain. At huli kong napansin yung tenga niya. Medyo malaki at litaw.
"Sinabi ko na huwag kayong papasok hindi ba?!" ani ko.
"Bakit? Magpapakamatay ka ba?" balik na hiyaw ni Mona.
"Oo bakit! Pake mo?!"
"Kung mag papakamatay ka, huwag ka rito sa bahay ko! Doon ka sa kalsada, madaming truck dun! tambay ka lang sa gitna ng kalsada, sigurado wala pa isang minuto patay ka na. Kaysa dito, matagal pa! Tatlong araw na buhay ka pa rin!"
"Mona, tama na.." ani nung lalaki.
"Eh 'yan e! Napaka papansin! Kala mo kung sino'ng maganda!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh, bakit? Maganda naman talaga ako, mas maganda ako sayo!"
"Aba! Puta kang babae ka, nakaka offend ka na ah!" ani nito at susugod na sana kung hindi lang pinigilan nung lalaki.
"Mona, tigil na." ani nito bago bumaling sa akin. "Ikaw. Ayusin mo na 'yan sarili mo. Namumugto na ang mata mo. Lumabas ka na rito, at sumunod ka sa amin sa may hapag."
"At bakit naman kita, susundin?" taas na kilay na tanong ko.
"Tignan mo 'yang babae na 'yan? Ay ewan! Ikaw na ang bahala diyan, Pepe! Nauubos na ang ganda ko!"
"Saan banda?" bulong ko. Well, pinarinig ko talaga doon sa babae na yun na boses lalaki.
Palabas na sana siya ngunit dahil sa parinig ko ay bumalik siya. "Kung hindi ka lang talaga babae, nakatikim ka na ng sapak sa akin." ani nito at umalis na ng mabilis.
"Ano ba ang nangyari? Bakit ka ganyan?" napalingon naman ako dito sa lalaking 'to.
Nandito pa pala..
"Umalis ka na dito. Magpapahinga na ako.." ani ko at tinalikuran na siya..
Ngunit malakas akong napatili ng walang ano-ano'y binuhat niya ako na parang isang sakong bigas.
"Hoy, ano ba! Ibaba mo nga ako, gago ka! Ibaba mo ako!"
"Pinapakiusapan ka ng maayos, pero ayaw mo sumunod. Ngayon, paspasan ang gagawin ko, ayoko sa lahat bastos."
"Bwisit ka! Ikaw nga 'tong bastos!"
"Uy! Ano 'yan, pepe?" rinig ko na sabi ni Mona.
Hindi naman nagtagal ay nilapag niya na rin ako.
Sa harap ng lamesa.
"Hayan, at kumain ka." ani nito at nilagyan ako ng plato sa harapan.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Bwisit ka."
Tumango naman siya at parang wala lang 'yong sinabi ko. Nilagyan pa niya ako ng kanin sa plato.
"Alam ko. Kumain ka na."
"Bumalik ka sa trabaho kapag kaya mo na." sabi nung Pepe sa akin. Inirapan ko lang siya.
Ang langsa ng pangalan niya. hindi ba siya love ng mama niya, kaya ganyan ang binigay na pangalan? Ang rare huh.
Tsaka isa pa, ano ang sinasabi niyang trabaho? Ako? Magtatrabaho?
Eh bakit pa? Eh, hindi ba mag lalaho din naman ako, kaya bakit ko pa papagurin ang sarili ko? Been there, done that. At ayoko nang bumalik.
"Okay na 'yan, ako na ang bahala kay, Chippy. Mag ingat sa pag uwi.." sabi nung Mona.
Nilingon ko yung bintana sa may labas. Nasa tabi kasi ako ng bintana nakaupo at palihim silang minumura sa isip ko.
Dahil totoo lang, naasar ako sa kanila, mga masyadong pakielamera.
"Okay, sige. Basta puntahan mo ako kapag may kailangan ka."
"Oo sige salamat ulit, Pepe." ani nito at sinara na yung pinto.
"Oh ano na, Inday?" tanong niya sa akin. Inirapan ko nga.
"Aba, aba! Pinapaikot mo pa ang mata mo, kala mo ikinaganda mo 'yan? Hindi! Mukha kang sinasaniban!"
Sino ba ang may pake? Wala naman may pake sa sinasabi niya.
"Tapatin mo nga ako," sabi niya at umupo sa tabi ko. "Ano ang nangyari? Nahanginan ka ba sa utak, at ganyan ka umasta ngayon?"
"Wala ka na doon." sagot ko.
"Malamang! Nandito ako e,"
Pairap ko siyang nilingon. "Tatawa na ako?"
"Hindi.." kalmado niyang sabi. "Gusto ko sabihin mo problema mo.."
Napaisip ako. Well..
Wala naman ng mawawala sa akin kumg sasabihin ko sa kanya ang lahat. Nawala naman ang lahat, kaya ayos na kahit sabihan pa niya ako ng baliw.
"Ayos lang kahit sabihan mo ako ng baliw.." umpisa ko. Pero wala pa man ay kumunot na ang noo niya.
"Yun na nga ang tingin ko sayo, kaya bilisan mo ang pag kukwento, at naiinip na ako!"
Inirapan ko siya at huming ng malalim. "Well.. Hindi ko kayo kilala. Bago lang ko rito, at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko rito."
"Ano'ng sinasabi mo?" aniya. Pero hindi ko muna siya sinagot.
"Nakarating na ako ng taon n 1900's , 1960's at ngayon naman sa panahon niyo. Hindi ko alam kung nananginip ba ako o ano, pero kada ika labing pito ng araw, ay nalilipat ako ng taon. At pangatlo na ang taon ninyo, na narating ko."
"Okay. Kunwari nanininwala ako." aniya at ngumiti pa.
Expected naman na hindi siya maniniwala e,
"Sabi ko nga, nasa sa'yo kung maniniwala ka o hindi. Atleast, nag sabi na ako sayo sa kung ano'ng pinag dadaanan ko." sabi ko.
"Alam mo.. Pakiramadam ko, pinaparusahan ako ng tadhana, kung saan saan lang niya ako tinatapon. Parang wala lang halaga kung masasaktan ba ako o hindi."
Napalingon ako sa kanya nung umubo siya. Lumayo pa nga ako, sa tono kasi nh ubo niya, mukhang mailalabas na rin niya yung baga niya.
"Ano ba 'yan?" sabi ko.
"Punyemas ka ang arte mo!" aniya at hinampas ako. "Nasamid lang ako! Makaarte ka diyan!"
"Anyways.." aniya at hinawi pa ang buhok sa kanyang balikat.
Bigla naman akong naguluhan. Hindi ko alam kung epekto ba ito ng pagiging malungkot o ano.. Pero, may kakaiba sa kanya..
Boses lalaki talaga siya.. pero mukha naman siyang babae, may dibdib pa nga. Pero may something talaga.. Hindi ko naman alam if pwede ko itanong o hindi. Baka kasi pag nag tanong ako, ma offend siya.
"Pwede ba akong mag tanong?"
"-hindi naman natin mas- ano?" tigil niya. Hindi ko napansin na may sinasabi pala siya.
"Ano ba itatanong mo?"
"Huwag ka mao-offend ha?" pauna ko. "May kakaiba kasi sayo.. mukha kang babae pero-"
"Hep!" tigil niya at nilagay pa ang hintuturo sa labi ko.
Mabilis ko naman inalis 'yon. "Kadiri ka!"
"Alam ko n sasabihin mo gaga ka! Tinatanong mo pa 'yan? Samantalang alam mo naman na bakla ako diba?"
Nanlaki ang mata ko.. Omy!
Nakakabigla naman.. Hindi ko agad napansin 'yon. Dahil ang ganda niya kasi.. Hindi halata na isa siyang lalaki. Halos perfect na nga siya.
Nakakapag duda lang talaga yung boses niya. Malaki kasi 'yon.
"Hin..di ko alam.."
"Bruha ka, matagal na tayon-"
"Sinabi ko naman na sayo lahat diba? Hindi ko kayo kilala nung lalaki kanina. Ngayon ko lang kayo nameet. Mahirap paniwalaan pero, totoo lahat 'yon."
--
"Bumangon ka na diyan, mahuhuli na tayo!" nakapikit pa ako pero naririnig ko na ang boses lalaki na si Mona. Ang laki kasi ng boses niya at medyo paos rin, kaya mahirap hindi marinig. Nakakaasar, gusto ko pang mag pahinga..
"Magagalit na naman sa atin si Mayordoma!" aniya at hinila pa ang paa ko.
Padabog akong bumangon. "Oo na nga! Istorbo ka!"
"Hoy! Yung bunganga mo kay aga-aga, ang baho! Hala, sige, maligo na don. Hihintayin kita sa labas!" sabi niya, at salamat sa Diyos, ay lumabas na rin.
"Kaasar! Inaantok pa ako e," hinawi ko ang buhok ko.
Gosh! Alam ko na 'to. Trabaho na naman sa pabrika. Napapagod lang ako ng walang katuturan! After nito ano? Mapapadpad na naman ako sa kung saan lupalop ng mundo?
Nakakaasar! Bakit kailangan
pa mag trabaho? Mag lalaho lang din naman ako dito.
Pagkatapos kong mag bihis ay lumabas na ako ng kwarto, dala dala ang itim ko na shoulder bag. Nakasuot lang ako ng kulay abo na t-shirt, at isang loose na maong. Kay Mona ito, pinahiram sa akin.
Nakita ko na nandoon si Mona sa may sofa, nakaupo at nag gugupit ng kuko niya. Napansin ko rin sa gilid niya ang dalawang kahon na hindi ko alam ang laman.
"Ano laman niyan?" tanong ko pagka lapit ko. Umupo ako sa tabi niya sa sofa.
Tumigil siya at tinignan ako bago tinago ang nail cutter na hawak. "Mga damit natin 'yan." sagot
"Damit? Bakit? Saan ba tayo pupunta?"
"Sa trabaho natin. Hindi ba at sinabi ko na 'yon sayo?" aniya at tumayo na. Kinuha niya yung kahon at inayos din ang bag niya sa may balikat. "Halika na. Nandiyan na ang sundo natin."
"Bakit ano ba ang trabaho natin?" tanong ko pagkalabas ng pinto.
Binalingan naman niya ako ng nakataas ang kilay. "Seryoso ka? Hindi mo alam?"
"Itatanong ko ba kung alam ko?"
"Haay!! Ewan ko ba, kung ano nngyayari sayong bata ka!" hiyaw niya. "Mga katulong tayo, okay? Katulong tayo ng mga maharlika! Kaya huwag ka ng mag patagal diyan alila ka lang!" aniya tsaka nag martsa papunta sa truck.
Truck na may nakasulat na 'MARASIGAN' sa gilid.
"Marasigan.."
"Hoy! Chippy, ano ba?! Maiiwan na tayo!" hiyaw ni Mona.
"Nandiyan na!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top