kabanata 35
Kabanata 35
Hindi tulad ng mga nakaraan na mga araw, mahirap para sa akin ag buamangon sa umaga, ngunit ngayon ay excited akong bumangon. Excited ako na pumasok sa pabrika. Excited akong mag trabaho.
Maganda kasi ang naging tulog ko kagabi. Excited ako para mamaya.. excited ako na mag trabaho, pero mas excited ako na umuwi mamaya. Dahil mamaya ko na sasabihin kay Romulo ng lahat. Mamaya ko na aaminin ang nararamdaman ko.
Ito ang unang pag kakataon na aamin ako ng feelings ko.
Nag praktis pa ako kagabi ng mga sasabihin ko sa kanya. Ewan ko lang kung umipektib 'yon. Baka kasi mamaya ay kabahan ako tapos makalimutan ko lahat ng mga nasaulo ko.
Pwede ko naman sabihin na sa kanya ang lahat kagabi. Kaso nga lang naisip ka na.. Ngayon na lang. Mas mahaba ang oras. Pagnakalabas na ako ng pabrika ay didiretso na ako sa manila bay, para walang masayang na oras. Lahat lahat talaga sasabihin ko. At kung pwede rin.. gusto ko makiss yung lips niya.
Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Sheba! Wala pa siya sa harapan ko, kinikilig na ako, paano pa kaya mamaya? Na imagine ko na naman yung lips niya..
Yung thick lips niya. Kung papayag siya na mag kiss kami mamaya, malalaman ko na kung gaano ba kalambot 'yon.
Pero sa ugalo ni Romulo, baka mamaya pag nag attempt ako, ay pagalitan niya lang ako. Pero bahala na! Didiskarte na lang ako.
Kaya sana lang maging maganda ang outcome nun. First time ko mag kagusto sa tao na gusto rin ako.
Pagka bangon ko sa higaan, ay akiramdam ko umikot bigla ang paligid kaya napapikit ako.
Shet. siguro dahil ito sa sobrang pag iisip kanina.. umiling ako para mawala iyon.
Ngunit ng dumilat ako ay biglang ang iba ang paligid.
Nawala ang kurtina ni Virgie, at biglang nag iba ang ayos ng silid.
May mga teddy bear na nakasabit sa dingding,
Ngunit... wala namang ganitong gamit sina Ila,
Nanlaki ang mata ko... parang may ideya na ako sa kung ano ang ibig sabihin nito.. ngunit..
Seventeen days akong namalagi sa panahon nila Artemio, ngunit ngayon.. Sa pag kakaalala ko ay..nakaka fifteen pa lang ako, hindi maaari ito!
Napatingin ako sa bag ko na nakasabit sa akin.. hindi ko alam kung bakit, pero biglang pumatak ang luha ko.
"Hindi pwede..." bulong ko. "Nasaan na naman ba ako?"
Mabilis akong lumabas ng kwarto..
Kahit nanghihina na sa nakikita ay tumuloy pa rin ako sa kusina.. at mas lalo akong nanghina ng makita ang gasul bilang lutuan at hindi na ang kalan.
Mabilis kong pinunasanan ang pisngi ko. "Hind pwede.. kailangan ko pa si Ila.."
"..si Romulo.. Hindi pwede.. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko.. Hindi.."
"Bakit ka umiiyak?" napatingin ako sa babae na kapapasok lang. Nakita niya akong nakaupo habang umiiyak.
Nilapitan niya ako at hinawakan ako sa balikat.
"Ano ang nangyari? Bakit ka lumuluha?"
"Hindi pwede.." iling ko.
"Ang alin ang hindi pwede?" nag aalala na niyang tanong. "Mag salita ka, Chippy.. para alam ko ang maitutulong ko."
Pinunasan ko ang pisngi ko.. Hindi ko maintindihan ang nangyayari.. Bakit nasa ibang lugar na naman ako? Hindi pa ako tapos sa kina Romulo, hindi ko pa alam kung nasaan si Virgie, hindi ko alam kung ano na ang nangyari kina Ila, at higit sa lahat..
Higit sa lahat.. hindi pa ako tapos kay Romulo..
Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin..
"Chippy.." tawag ulit nito. "Ano ang problema mo? May nangyari ba?"
Inangat ko ang ulo ko at mabilis na pinunasan ang pisngi ko. "Ano'ng taon ngayon?"
Halatang naguluhan siya sa tanong ko ngunit sinagot niya rin naman. "1981."
Nanlaki ang mata ko.. "Ano 'yon?" nanghihina na sabi ko. Anong taon iyon? at bakit ako nandito?
Pinunasan ko ang luha ko. "Nasaan ba ako?"
"Nasa maynila ka." sagot niya. "Bakit mo naman naitanong 'yan? hindi mo pa rin ba kabisado?"
"Nasaan sila, Ila?" tanong ko sa kanya.
Alam kong hindi niya kilala si Ila, ngunit kailangan ko sumubok. Ano ang magagawa ko?
Paano ba makakaalis sa lintek.na taon na 'to!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top