Kabanata 32

Kabanata 32

"Anong oras ka nakauwi?" tanong ni Virgie sa akin habang nag aalmusal kami. Napansin ko pa nga na medyo antok antok pa yung mata niya. Puyat ata.

"Mga alas otso na.." sagot ko at nag sandok ulit ng kanin.

"Bakit ka ba ginabi? Saan ka nag punta?"

"Sinamahan ko lang yung kaibigan ko .."

Hindi ko na sinubukan pa na dugtungan ang sinabi ko dahil nasa harapan ko lang si Ila. Alam ko na may iniisip na naman siya..at baka magtanong pa.

Hindi ko na alam isasagot ko dahil baka magisa pa ako. Kagabi nga pagdating ko ay halos magtago na ako sa kumot para lang makaiwas kay Ila.

Sila'ng dalawa ni Oli, ang nagbukas sa akin nang pinto. Talagang hinintay nila ko na makauwi.

Kinumusta ako ni Oli, pero si Ila, ay halos sabunutan na ako gamit yung mata niya. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng takot kay Ila. Para siyang talaga si Mamita.

Siguro kasi nag sinungalaing ako at hindi ko sinabi yung totoo kung saan ako galing.

Ano nga tawag doon? Guilt.

Paano ba naman kasi! Pwede ko ba na sabihin sa kanila na galing ako sa bahay nila Romulo? Kung sinabi ko 'yon malamang napagalitan na ako! Wala naman akong pwedeng irason dun! Pwede ba na sabihin ko na, akala ko kasi ang jojoke lang si Romulo na uuwi, kaya sumama ako..

Syempre hindi sila maniniwala! medyo may pag conservative pa naman si Ila, so.. It's a NO talaga.

"E, ikaw Virgie, saan ka galing kagabi?"

Napatigil ako sa pagsubo at napatingin kay Ila.. Ano'ng ibig niya'ng sabihin? Umalis din ba si Virgie kagabi? Napabaling ako kay Virgie. Napainom siya ng tubig.

Napansin ko na namula ang mukha niya.. hindi rin siya makatingin ng diretso kay Ila..

Napabaling ulit ako kay Ila,

"Si Chippy, Alas ostso umuwi. Ikaw naman ay alas diyes na nang hating gabi. Saan kayo nag punta ni sir Ariel.." ani Ila.

Nanlaki ang mata ko.. Napabaling ako kay Virgie, umiinom ulit ng tubig.

Paano sila magkasama ni Ariel, eh pinauwi nga 'yon ni Romulo kagabi..

Naagaw naman ang atensyon ko doon sa kamay niyang nakahawak sa baso..

May singsing 'yon at may diamante..

"Virgie.." ani ko.. Sheba.. Tama ba itong nasa utak ko? Totoo ba na sing sing 'yon? O pang display lang?

"Don't tell me.. galing 'yan kay Ariel?"

"Ha?" aniya na nagulat din sa tanong ko. Tinignan niya rin ang daliri niya.

"Hi..ndi.." sagot niya. Sabay tinago ang daliri sa ilalim ng lamesa. Pero mukha siyang kinakabagan.

"Kung hindi kay Ariel, kanino galing 'yan?" segunda naman ni Ila.

"Kay...ano.." mukhang nahihiirapan siyang mag isip nang isasagot niya. Nakakaawa naman, nakakaintimidate naman kasi si Ila, teacher lang ang datingan. Parang recitation, alam ko yung feeling ng ganon.. Kaya tumayo ako.

"Ano.. 5:45 na oh? Kailangan na natin umalis, mahuhuli na tayo sa trabaho natin.." sabi ko.

Mukhang nagulat din si Virgie doon kaya nakanganga lang siya sa akin.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata at sinenyasan na tumayo na. Dahil kung hindi.. magiging fried chicken kami'ng dalawa.

"Ay! Tama ka.."

"Oo nga. Hindi natin namalayan ang oras. " dagdag pa ni Oli, tinignan naman siya ng masama ni Ila.

Mabilis ko'ng hinila si Virgie palabas ng bahay. Ramdam ko ang presensya nila Ila sa likod, samantalang si Virgie naman ay ang lakas ng kabog ng dibdib.

Muntik na kaming ma-korner doon ni Virgie, pasalamat na lang ako sa oras dahil kapos na talaga at kailangan ng pumasok, dahil kung hindi, para kaming chapsuey, gisado.

Lalo naman itong si Virgie, "Hoy, huwag kang lilingon sa likod ah, nandiyan lang si Ila, ngayon sabihin mo sa akin kung saan galing 'yang sing sing sa kamay mo, at tsaka bakit kayo mag kasama ni Sir Ariel kagabi ha?" mahina ko pa siyang pinalo sa kamay. "Huwag ka'ng mag sisinungaling sa akin, Virgie!"

"Paano ko ba kasi, sasabihin!" aniya at nangamot pa sa ulo. Halatang tensyonado pa rin siya kahit hindi na namin katapat si Ila.

"Mahabang kwento kasi-"

"Mahaba rin ang lakarin natin, kaya umpisahan mo na."

"Hindi ko talaga alam e, basta kagabi palabas ako ng palikuran noon, pagkatapos ay bigla na lang niya akong hinila at sinakay sa sasakyan niya."

Napahinto ako. "Ano?! Hindi ka man lang ba nag pumiglas?!

"Ay! Ano ba Chippy, bakit ka huminto?!"

"Ay, sorry naman.." ani ko at mabilos ulit nag lakad. "Paano yun? Bakit daw?"

"Nagpumiglas ako syempre, Kaso..nung nakita ko na siya pala..nagpatianod na lang ako..at isa pa, Hindi ko naa nga alam, naguluhan din ako. Pagkatapos noon, ay namalayan ko na lang na kaharap na namin yung Tatay niya.. Hindi ko alam, Chippy..lalo pa at sinuot niya 'tong singsing sa akin, Diyos ko! Baka mawalan ako ng trabaho!"

"At bakit ka naman mawawalan ng trabaho, aber?" tanong ko.

"Isa pa, si Ariel naman ang nag pasok sa'yo diyan sa problemang 'yan.. Ano daw ba'ng balak niya? At tsaka bakit may singsing?"

"Hindi ko alam. Pagkatapos kasi'ng magalit ng papa niya ay hinatid na niya ulit ako sa pabrika."

"Ano? Sa pq3abrika talaga? Hindi man lang dito sa bahay?"

Umiling naman siya. "Hindi. Nagalit pa nga siya sa akin e. Ang Stupida ko daw kumilos."

"Sira pala ang ulo nun!" hiyaw ko " Pagsasabihan ko siya pag nag kita kami."

"Hala, ano ka ba! Huwag na no! Baka mas lalong magalit 'yon sa akin." nag aalala niyang sabi. "At isa pa, hindi ko alam, baka tanggalin niya ako sa trabaho.. pag nalaman niyang sinabi ko 'to sayo. Mahirap pa naman makahanap ng trabaho ngayon."

Tumigil ako ulit at tinignan siya. Napatingin ako kay Ila ng sabay siya'ng tumigil sa harapan namin. Nasa harap na kasi kami ng pabrika. Hinila ko sa tabi ko si Virgie,

"Mauna na po kayo, susunod na lang kami ni Virgie," sabi ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "At bakit hindi pa tayo mag sabay? Ano ba ang pag uusapan ninyo?"

"Ano lang po.. May itatanong lang ako.." palusot ko. Hinanap ko si Oli at nang makita ko ay sinensyasan ko siya tungkol kay Ila,

"Ila, tara na.. Baka mahuli na tayo, susunod naman 'yang sila Chippy." ani Oli at inakbayan si Ila,

Napalunok ako ng tanggalin ni Ila ang kamay ni Oli, "Mauna ka na."

Pinanlakihan ko ng mata si Oli, para isama na niya si Ila, pero umiling lang siya. Wala na rin'g magawa sa katigasan ng ulo ni Ila,

Matikas pa rin ang tingin ni Ila sa amin ni Virgie.

Kinurot ko na lang ang daliri ko habang si Virgie naman ay nakatungo.

"Ila, mahuhuli na tayo.." ani Oli,

"Tara na nga Virgie, pasok na tayo." sabay hila ko kay Virgie papasok.

"Sa palikuran na lang tayo, mag usap." bulong din niya.

"Yun nga talaga ang mangyayari," sagot ko.

Tigas ng ulo ni Ila, 4 na taon lang naman ang tanda niya sa amin, ngunit kung umasta siya para siyang 64!

Nakasimangot ako nang liningon si Ila, pero nang makita ko na nakataas ang kilay niya ay ngumiti na lang ako..

Galit pa rin siya..

Nandito ako ngayon sa canteen mag isa'ng kumakain dahil nag iiwasan pa rin kami nila Ila. Si Virgie naman ay nowhere to be found. Nakakainis nga e, dahil ang usapan namin ay aabay kami kakain dahil itutuloy na namin yung pinag uusapan namin kanina, tapos ayun, hindi naman nag pakita. Matatapos na lamang yung lunch break ay wala pa rin siya. Kanina nga ay naisipan ko na naman na itext siya, pero naalala ko na wala pala sila'ng cellphone sa oanahon ngayon. At isa pa hindi ko rin sure, kung may telepono na sa panahon ngayon.

"Pwedeng makiupo?"

Napaangat ang ulo ko sa nag salita. Si Romulo.

Tinitigan ko lang siya at hindi sumagot. Hindi na rin naman niya hinintay yung sagot ko e, nilapag na niya agad ang tray na hawak niya.

Himala yata, at nandito siya sa canteen.

"Ano'ng meron?" tanong ko. Dahil sa tagal ko dito sa pabrika ay ngayon ko lang siya nakita dito sa canteen. Himala nga!

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?" Balik na tanong niya. Nag uumpisa na niya'ng kainin ang dala niya'ng chapsuey at kanin.

"Bakit nandito ka? May nangyari ba?"

"Ano'ng nangyari? Saan?"

Uminom muna ako ng tubig bago umiling sa kanya. Hindi ko na alng ipipilit, alam ko naman na kahita nong tanong ko ay itatanggi niya na my nangyari.

"Nakapag usap na kayo ni Ariel?" tanong ko. Nakita ko naman na tukoy tuloy kang ang kain niya at parang wala ako'ng sinabi. Hindi siya affected or nag papanggap lang?

"Nakita ko na kausap mo siya kanina." dagdag ko. Kanina kasi nung papunta ako ng cr para i meet si Virgie ay naabutan ko silang nag uusap sa may labas ng office ni Ariel. Gusto ko sana'ng lumapit kaso, hinayaan ko na lang at tumuloy na sa cr.

"Wala yun." sagot niya at tumayo na agad.

"Huy! Teka lang! Tapos ka na ba'ng kumain?" ani ko. Naabutan ko siya ns nilagay na niya yung dilaw na tray sa lababo s loob ng canteen. At tuloy tuloy na lumabas.

Bakit parang ang weird ng mga tao ngayon? Okay naman lahat kagabi. Bakit iba na.

Kahit hindi pa tapos ang oras ng lunch break ay umalis na ako sa canteen. Gusto ko sanang kumain pa, kaso nawalan naman ako nang gana.

Habang nag lalakad ay naalala ko naman yung sinabi ni Virgie. Kanina pa talaga ako nacu-curious kung ano ba talaga ang nangyari tapos napansin ko pa na may iniinda siyang masakit sa may beywang niya, tapos nung tinanong ko kung masakit ba yung beywang niya, umiling lang siya tapos sinabi'ng 'Bule.' na hindi ko naman alam ang meaning. Maybe visaya? Or hindi ko alam.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko'ng biglang tumilapon si Ariel out of nowhere. Sa gitna ng mga palitada at kahon.

Mabilis akong lumapit at inalalayan siyang makatayo.

"Huy! Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko.

"Tumabi ka, Chippy."

Napaangat naman ang tingin ko sa nag salita.

Si Romulo.

"Ano yun.. Bakit? Ikaw ba ang may gawa nito?" tanong ko. Tumayo si Ariel kaya tumayo din ako.

"Lumayo ka." sabi pa niya.

"Bakit ba kasi kayo nag aaway?" tanong ko. Tinignan ko si Ariel na pinupunasan yung damit niya. May konting dugo na rin siya sa may ilong niya.

"Masama ang makipag away! Tapos magkapatid pa k-"

"Chippy!" hiyaw ni Ariel kaya nagulat ako. "Pwede ba'ng umalis ka muna, hayaan mo muna kami. Romulo, sumunod ka sa akin sa office." ani nito bago tumalikod.

Hindi mawala yung kaba ko dahil sa sigaw ni Ariel. Sheba..

"Bumalik ka na sa pwesto mo." sabi ni Romulo. Liningon ko siya.

"Bakit kayo nag away?" tanong ko.

Umiling siya. "Bumalik ka na sa pwesto mo, mamaya ko na ipapaliwanag." aniya at mabilis akong hinalikan sa ulo.

Nanlaki ang mata ko. Kung gawin niya 'yon ay parang sanay na siya.
At tsaka bakit? Sisistahin ko sana siya kaso..

Wala na akong nagawa nang umalis na siya at naglakad na papunta sa office.

Anong nangyari?

Tulad ng sinabi ko kanina, ang weird nang araw na 'to.

-

Uwian na at nandito ako ngayon sa may waiting shed. Hinihintay ko si Virgie. Kanina kasi ay sinenyasan ko siya, wish ko naman na sana na gets niya 'yon. Pasalamat na nga lang ako at nakausap ko nang madali si Ila kanina at hindi na siya nagtanong pa ng kung ano. Hindi ko alam kung praning lang ako or ano, pero parang hindi sila nagpapansinan ni Oli, kanina. Yung mukha kasi ni Oli, ay hindi warm, i mean, ang cold nang aura niya kanina. Nakakapanibago.

"Huy!" hiyaw ko pagkakita ko kay Virgie. Tulala siya nakatingin sa baba.

"Napaano ka?" tanong ko pagkalapit. Mukha pa nga siyang nahulat sa presensya ko. "Tsaka bakit ngayon ka lang? Kanina pa ang labasan a?"

Pero imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nakatingin lang siya sa akin, mukhang wala talaga sa wisyo. "Huy!" inalog ko pa siya ng bahagya para magising. Magkasingtangkad lang kasi nito kaya madali lang para sa akin.

"Ano 'yun?" tanong niya din.

"Napaano ka ba? Bakit parang wala ka sa sarili mo?" nilingon ko pa ang pabrika baka may makita, "Tara na, umuwi na tayo." aya ko sa kanya. Hinawakan ko pa siya sa kamay para sabay kaming maglakad pero napatigil ako nang hindi naman siya kumilos.

"Huy, ano.."

"Pwede'ng mauna ka na Chippy?" aniya.

"Ano? Bakit naman? Hinihtay nga kita para sabay tayo'ng umuwi e!"

"May..may gagawin kasi ako.." palusot niya pero hindi naman ako naniniwala. Nagamit ko na din ang linya'ng yan.

"May tinatago ka sa akin no?" taas na kilay ko'ng tanong. "Pati ba sa akin, mag lilihim ka? Magkakampi tayo diba?"

"Chippy.." aniya ilang saglit ang nakalipas. "May..may gagawin lang talaga ako sa loob, lalabas na yun si Romulo, sa kanya ka na lang sumabay." aniya at mabilis na pumasok sa loob.

"Virgie!" tawag ko pa sa kanya pero wala naman na siyang narinig. Bumagsak naman ang balikat ko.

"Ang tagal ko'ng hinintay tapos, iiwan din pala ako.."

Napailing na lang ako. Pabalik na sana ako sa waiting shed para maupo ulit kaso my tumawag ulit sa akin.

"Chippy,"

Nang nilingon ko ay si Romulo pala.

"Uy, ano nang nangyari?" tanong ko kaagad sa kanya.

Umiling naman siya. Mukha siyang stressed. "Okay ka lang?" tanong ko. Pero hindi naman siya sumagot at tinitigan lang din ako.

"Kumain ka na ba?" tanong ko pa. Nakakapag alala naman ang hitsura niya ngayon. Pagod na pagod ang hitsura niya at sobrang drain. I wonder kung ano'ng nangyari sa kanila sa loob ng office ni Ariel.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at hinawakan ko na lang ang kamay niya at sinabay sa paglakad. At hindi naman siya tumanggi.

Tahimik lang kami'ng naglalakad, kahit gaano ko kagusto magtanong ay pinigilan ko na lang, irerespeto ko na lang ang pananahimik niya. Panay panay ko parin siyang tinitignan.

Ano kaya talaga ang nangyari? Si Virgie rin ay weird ang kinikilos. Silang tatlo actually, Ariel, Virgie at Romulo. Pakiramadam ko sasabog ang ulo ko kakaisip sa kanila. Ang hirap nang wala ka'ng alam.

Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko nang naramdaman ko na hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Normal na hawak lang kasi ang hinawa ko sa kamay niya.

Tinignan ko siya at nakita ko'ng diretso lang ang tingin niya habang naglalakad. Napalunok ako.

Ang maluwag at simpleng hawak lang ng kamay ay ginawa niya'ng mahigpit na parang lock. Sobrang higpit kaya hinawakan ko 'yon para sana tanggalin.

"Romulo.." tawag ko sa kanya.

"Kailangan ko lang ng lakas Chippy, hayaan mo muna ako."

Ilang sandali ako'ng napatitig sa kanya dahil sa sinabi niya pero nakaahon din kalaunan.
"Okay.."

Napatuloy na lang ako at hinayaan siya.

Hanggang sa nakarating kami sa canteen na pingkakainan namin ay tahimik pa rin siya. Well..tahimik naman siya palagi, pero this time.. Nakakalungkot yung pagiging tahimik niya, hindi nakakapogi sa paningin. Kaya mas lalo ako'ng nag aalala.

"Ano gusto mo'ng kainin? Ililibre kita." sabi ko at tumitingin na sa estante ng mga ulam. May menudo doon at pinirito na tilapia, may adobo'ng kangkong din at ginataang kalabasa.

"Gusto mo nang gulay diba? Ito'ng kalabasa gusto mo?" tano'ng ko sa kanya pero mariin lang siya'ng nakatingin sa akin.

"Huy, ano'ng gusto mo?" tapik ko sa braso niya. "May vegies oh! Ayaw mo ba?"

Umiling naman siya.

Napanguso ako. "Eh ano gusto mo'ng kainin? Ayaw mo ba dito?" hininaan ko lang yung huli ko'ng sinabi dahil nakatingin sa amin yung isang waitress na may dilaw na apron.

"Gusto ko sayo." aniya

"Ha?" tanong ko ng hindi ko nagets ang sinabi niya. Pero hindi naman niya ako sinagot bagkos hinila niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko nang kanina pa kami nag lalakad at hila hila ako. Medyo masakit na rin kasi yung paa ko. Ang tagal na namin naglalakad. Humihinto lang kami kanina nung bumili siya ng tinapay sa panaderya, tapos lakad ulit.

"Huy, masakit na yung paa ko.." reklamo ko pa. Hinila ko na yung longsleeve niya'ng puti para lingunin niya ako.

"Malapit na." sagot niya lang. "Ano ba gusto mo'ng kainin?"

"Gusto ko may kanin."

Sa tagal tagal ng nilakad namin ay tumigil kami sa may tabi ng seaside, sa may tabi ng nagtitinda ng balot.

"Nasaan tayo?" tanong ko at nilingon ang paligid. Hindi ako pamilyar dito. Napag alaman ko kasi na ansa maynila pala ako napadpad kaya nakikilala ko na ang ibang lugar. Ngunit ito'ng lugar na ito ay hindi ko nakikilala. Maganda at malinis dito..  Ang sarap pa sa pakiramdam nang simoy ng hangin.

"Nasa manila bay." aniya. Mabilis akong napalingon sa kanya.

"Manila bay?!" di makapaniwalang hiyaw ko. Muli ko'ng nilingon ang paligid. Hindi nga??

Nasa manila bay ako? Grabe.. Sobrang ganda dito! Para nga ako'ng nasa singapore sa linis e! Manila bay to?

Ang ganda!

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ngayon ka lang ba nakapunta dito?"

"Ha? Oo.. ngayon lang.." sagot ko dahil kahit ilang beses na akong nakapunta at kahit dinaan-daanan ang manila bay, ay hindi ko pa kailanman nakita na ganito 'yon. Maaliwalas at malinis..

Kaya oo, ngayon lang ako nakapunta sa ganito'ng kaganda na manila bay.

Nalipat ang atensyon ko nang kuhanin niya ang pagkain na hawak ko. Inuna niyang nilapag ang dala niya'ng supot tsaka ako tinulungan na makaangat para makaupo sa patag na bato.

Medyo uminit pa nga yung pisngi ko ng maglapit yung mukha namin. Jusko, hindi naman ako prepared doon. Medyo nakakahiya sa labi niyang puno'ng puno, tinatawag ako pero hindi ko pinansin.  Sheba! Nakakaloka talaga yung labi niya.

Hindi ko alam na sobrang nakaka weak pala sa pakiramdam habang tinitignan lang yung labi niya. Tinignan ko siya habang inaangat niya yung sarili niya para makaupo din sa tabi ko.

Naalala ko nung unang makita ko siya, labi niya rin ang makaakit sa paningin ko. Dati ang prefer ko ay yung nababasa ko sa libro na thin and pink lips. Mas masarap daw humalik yung ganon. Pero ngayon na nasa harapan ko si Romulo, hindi ko alam pero..mas nakaakit pala ang thick and red lips. Yung labi na puno'ng puno.. Tapos pag ngumingiti pa siya nagiging heart shape yung lips niya. Hindi ko alam na ganito ako mamangha sa labi ng isang lalaki.

Well..kahit kasi hindi ako nagkaka-crush sa school, meron ako na katangian na gusto sa isang lalaki. Yun yung kulay moreno.

Hindi ko mapigilan mapangiti, gosh! Bakit ba ganito ang iniisip ko? Para naman ako'ng sira! Talaga lang Chippy? Pinagpapantasyahan mo si Romulo? Na walang kaalam-alam sa mga iniimagine mo! Really?!

"Ayos ka lang ba?"

Mabilis ako'ng napalingon sa kanya. Nakatunghay lang siya sa akin at mukhang nagtataka.

"Ha?"

"Tanong ko ay, kung ayos ka lang ba?" tanong niya ulit.

Tumango ako. "O..oo naman.. ano.. na..uuhaw lang ako."

Kinuha naman niya yung mineral water na binili namin kanina at binuksan iyon bago inabot sa akin.

"Salamat." sabi ko at uminom na kaagad. Nakakauhaw nga.. Munti ko pa siya'ng nilingon at nang makita na pinapanood niya ako'ng uminom ay halos mabulunan ako..

"Chippy..dahan dahan," aniya at kinuha sa akin ang tubig.

Mabilis ko'ng binuksan yung supot at kumuha ng isang tinapay. Mabilis kong kinagat 'yon.

"Kain na lang tayo..nakakagutom e.."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top