kabanata 31
Kabanata 31
"Kumakain ka ba nang gulay?" tanong niya ng nasa lamesa na kami. Yung mama naman niya yung nag aasikaso ng pagkain. Tutulungan nga sana namin siya kaso nagalit at sinabi na bisita daw ako kaya siya na lang daw.
Nakapag bihis na rin siya ng pangbahay. Isang simpleng gray na t-shirt lang at malambot na short. Na-stress ako. Kailangan ba pag nakapangbahay, hot pa din? Napanguso ako.
Tumango ako. "Basta huwag lang okra."
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman? Masarap ang okra."
"Hindi ako nasasarapan.." sabi ko. Nilingon ko siya at nakitang kakaiba ang titig sa akin.
"Saan ka hindi nasasarapan?" tanong niya.
Nanlaki ang mata ko. Hinampas ko siya ng malakas. "Ang bastos mo talaga!"
"Ano bang sinasabi mo?" aniya at hinagod yung braso niyang hinampas hampas ko. Kahit pa malaki ang biceps niya ay alam kong nasaktan ko siya sa suntok ko.
"Ang bastos talaga niyang bibig mo!"
"Ano na naman ba kasi ang laman ng utak mo? Pinag uusapan pa lang natin yung okra, ang layo na ng imagination mo,"
"Heh! Ako pa 'tong ginawa mong manyak!"
"Sino ba?" tanong niya.
Sinimangutan ko siya at nag iwas na lang ng tingin. Gosh! Ano ba kasing meron sa word na 'Sarap' at everytime na naririnig ko 'yon ay kung ano ano ang pumapasok sa utak ko! Ang dumi dumi mo Chippy!
Mabilis akong lumingon sa kanya ng marinig ko ang tawa niya.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" hiyaw ko sa kanya.
"Wala." aniya at tumigil saglit sa pagtawa pero tumawa ulit. This time tumatawa na talaga siya.
Sa inis ko sinuntok ko siya sa hita niya! Paulit ulit!
"Wala ka diyan, pero tuamatawa ka pa rin!"
"Aray.. Chippy masakit na.." natatawang sabi niya habang sinasalo na yung mga suntok ko sa hita niya. Lumayo pa siya ng kaunti sa akin habang umiilag.
"Talagang masasaktan ka! Huwag kang sumabay sa gutom ko Romulo!"
"Ano ba 'yon? Wala naman akong ginagawa sayo.." nakatawa pa rin niyang sabi.
Napatingin naman ako dun sa upo na parang kalahati na lang ng pwet niya yung nakaupo. Sana nga malaglag na siya sa kinauupuan niya!
Pero hindi ko napigilan mapatingin doon sa 'Attention seeker thing'. Ang siraulong to, bakit kasi ganyan?!
"Okra yung topic natin, Chippy, pinapaalala ko lang." aniya at tumayo tsaka pumasok dun sa kusina.
Napairap ako. At bumalik sa ayos ng upo, "Okra.. Okra ba yung ganon?"
"Kumakain ka ba ng gulay, Chippy?"
Mabilis akong napaayos ako at ngumiti.
"Piniritong okra kasi itong niluto ko," ani ulit ni Tita Yvette. At may dalang pahabang mangko. Tumayo ako, sakto naman na lumabas din si Romulo, nakangiti pa rin ng nakakaloko kaya inirapan ko siya tsaka ngumiti ulit kay Tita.
"Hindi siya kumakain ng okra ma,"
"Ay? Hindi ba, okay lang..nag prito naman ako kaninang tanghali ng galunggong.."
"Hindi po Tita, ayos lang po.." nahihiyang sabi ko. "Kakainin ko po yan.."
"Kumakain ka ba ng Okra?" tanong ulit ni Romulo nasa tabi ko na siya at nilapag na ang plato ng kanin at ang palto na may laman na isda. "Ang akala ko, torta yung gusto mo." umupo pa siya ng matiwasay.
"Anong torta??" kunot noong tanong ko."Wala naman akong sinasabi!"
"Kumain na tayo, Chippy.." aniya at nilagyan na ng kanin yung plato ko.
Naligaw ang tingin ko kay Tita, nakita kong nakangiti siya at biglang sumbo ng kanin nung tumingin ako.
Nakanguso akong umupo.
Tinignan ko ulit ng masama si Romulo..
Palihim ko siyang sinipa at nang halos maibuga niya ang kinakain niya ay tsaka lang ako lumayo sa kanya.
Hmm! Sino'ng padadaig?
Nginitian ko si Tita Yvette.
"Salamat po sa food, Tita.." sabi ko ng matapos na kaming kumain. Nasa sala na kami ngayon at nakikinig ng radyo. "Nabusog po ako."
Gumanti rin siya ng ngiti. Ang ganda ni Tita pag nakangiti. Ang dami niyang dimples.. Yung parang kay mikee cojuangco. "Walang anuman, Chippy. At pasensya na kung galunggong lang ang naihanda ko sa'yo. Ito naman kasing anak ko ay hindi nag sabi na magdadala ng bisita dito, tapos ikaw pa ang dinala.." aniya. "Kung alam ko lamang na ikaw pala ang dadalhin niya ay sana ay nag handa ako.."
"Ay, nako, Tita keri lang- i mean..okay lang po noh, isa pa po.. Paborito ko rin kasi yung galunggong.."
"Akala ko okra paborito mo?"
Singit nung epal sa tabi ko. Hindi ko siya pinansin at nag focus na lang kay Tita.
"Ganon ba? Bumisita ka rito ulit bukas at paghahandaan kita ng masasarap, lalo pa at alam kong masaya ang anak ko na nandit-"
"Ma.." ani ni Romulo.
"Ano po 'yon tita?" tanong ko dahil mukhang nabitin yung sasabihin ni tita dahil sa pag singit ni Romulo.
"Kailangan nang matulog ni Mama, Chippy.."
"May sinasabi kasi si tita, pinutol mo lang e!"
Nilingon ko ulit si tita, nakita kong nakamasid na siya sa amin ni Romulo at may kakaibang ngiti.
"Wala lang yun. Ma, hatid na kita sa kwarto mo.." ani nito at inalalayan si Tita sa pagtayo at sinamahan sa pagpasok sa pinto. "Sandali lang, Chippy."
Inirapan ko siya kahit hindi niya kita. Ganon ako kabwisit sa kanya.
Umupo ako na lang ako ulit sa may upuan na kahoy nila.
Ang tahimik ng paligid. Ganito masarap mag chill e. Sumandal ako at pinikit ko ang mga mata ko. Sarap ng ganito.. Yung tama lang, yung magmumuni muni ka, tapos sakto pa na may background ng instrumental mula sa radyo nila. Nakakarelax ng isip.
"Haaay..."
"Pagod ka na ba?"
Mabilis akong napadilat doon. Nakita kong nakaupo an rin si Romulo sa katapat na upuan ko.
"Kanina ka pa?" tanong ko at umayos na ng upo.
"Napapagod ka na ba? Lumalalim na rin ang gabi, baka hinahanap ka na nila, Ila." aniya.
"Hindi naman. Tsaka nag paalam naman ako sa kanila. Itetext ko na lang sila mamaya.." wala sa sariling sabi ko.
"Anong sinabi mo? Anong itetext?" tanong niya.
Sheba! Muntik ko ng makagat ang dila ko. Bobo ko talaga! Nakalimutan ko na nasa 1960's nga pala ako..wala pa atang cellphone dito..
"Hindi.. ano.. wala yun. Joke lang." sabi ko. "Uy! Ang ganda nun oh!" turo ko doon sa portrait na mukha ni Tita. Tumayo ako at nilapitan iyon. Nakasabit kasi iyon sa dingding nila sa amy itaas ng radyo. "Sinong gumawa? O binili niyo lang?"
Ang ganda talaga nun..kuhang kuha yung mukha ni Tita Yvette. Maging ang mga biloy, perfect ang pagkakaguhit.
"Ako ang nag guhit." sagot niya. Haharap sana ako sa kanya at aasarin ngunit nasa likod ko na pala siya kaya napaurong ako kaunti.
"Sus! Romulo.. don't me nga.."
"Napakamahal kung magpapagawa ka ng portrait sa isang artist, at isa pa wala kaming salapi para doon. Maniwala ka at sa hindi ako ang nag guhit niyan." aniya at kinuha ang portrait. Inabot niya sa akin iyon kaya nalaman ko na nasa papel lang pala siya na dinikit sa kapirasong kahoy at nilagyan lang ng sabitan sa likod. Pero kahit ganun pa man, hindi naging kabawasan iyon sa ganda ng bagay na to.
"Ineregalo ko sa kanya 'yan nung kaarawan niya.. At masaya ako na nagustuhan niya ito."
"Ow..so Artist ka pala?" tanong ko at binalik na sa kanya yung litrato. Muli. niyang sinabit iyon sa dingding. "Nag dradrawing ka pa rin until now?"
Bumalik ako sa upuan ko.
"Hindi na." sagot niya at umupo na rin. "Hindi na ngayon.."
"Eh, bakit?"
"Wala akong oras."
Napalabi ako. Naalala ko naman yung naging karanasan ko sa drawing. Kasi nag dradrawing din ako dati. Kaso tinigil ko dahil.. Ewan ko.. Bigla na lang kasing nawala yung interest ko sa drawing. Hidni ko alam kung bakit.
"Alam mo sa amin, nag dradrawing din ako." sabi ko. "Nag papadrawing sa akin yung kapitbahay namin, tapos binabayaran ako ng 150 to 200 pesos ganon."
Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Bakit?" tanong ko. May nasabi na naman ba akong mali?
"Alam mo ba na ang halaga ng isang portrait dito ay libo libo? Masyadong mababa ang presyo na binanggit mo para sa pagod ng isang artist." aniya. "Kung malalaman ng mga tao ngayon na ganyan ka kababa mag pabayad para sa isang guhit, siguradong pipilahan ka nila ngayon."
"Bakit naman?"
"Dahil para kang nagpabayad ng isang itlog kapalit ay ginto."
Napalunok ako.
"Ahmm.." sabi ko na lang dahil hindi ako makaimik sa sinabi niya. "Pero hindi naman ako ganon kagaling mag guhit. Hobby ko lang naman siya, tsaka hindi naman ako professional na artist.."
"Still. Pinag hirapan mo pa rin. "
"Ay nako! Hayaan na nga yan! Pero totoo talaga? Ikaw nag drawing nun? Ang galing mo ha?"
"Salamat." aniya.
"Drawing mo nga ako." sabi ko at nag pose agad. Nilagay ko muna yung bag ko sa lapag tsaka nag pose. Nakalagay ang kanang kamay sa ulo at nasa gitna ng mga hita ang kamay. Ganon kasi yung madalas kong nakikita na pose sa mga magazine.
"Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong niya.
"Nag popose! Sige na, drawing mo na ako!"
Muli kong pinagmasdan yung mga guhit niya sa may dingding. Wala kasi siya e, pumunta siya sa kwarto nila dahil napilit ko siyang idrawing ako, kaya ayun, kukuhanin niya lang daw yung mga tools niya.
Excited na ako. First time ko kasing maeexperience yung ganito, yung mukha ko mismo yung ido-drawing. Nakaka kaba pala, pero nakaka excite rin.
Madalas kasi ako yung nag dradrawing ng mukha ng iba. Naging sideline ko kasi 'yon talaga dati. Mga kalapit bahay lang naman namin ang mga customer ko.
Dahil sa bahay ay hindi naman ako nag memake up ng dark at Sa school ko lang 'yon ginagawa. Defense mechanism ko kasi 'yon, para makaya ko makipag salamuha sa labas ng bahay, sa ibang tao. Feeling ko kasi ang ganda ko pag naka eyeliner ako. pero ang ending dumami yung bashers ko dahil don. Dahil lang sa laging dilaw at itim ang kulay ng suot ko at may liner ay weird na para sa kanila yun.
Pero medyo nakatulong din 'yon sa akin, dahil iniiwasan ako ng tao, atleast hindi ko na kailangan makipag usap sa kanila.. Ako lang mag isa. Hindi ko na rin kailangan makipag plastican sa mga girls sa school. Peace.
"Ayan na yun?" tanong ko ng makabalik na siya at may dala lang siyang isang maliit na tela tapos ay isang malapad na sketchbook. Napatayo ako.
Tumango naman siya kinuha ang isang bangko na kahoy doon sa kusina at nilagay sa tapat ko. Inurong pa niya yung square na kahoy sa gilid at doon niya nilapag yung tela. Siguro ayun yung lagayan niya ng mga lapis.
At hindi nga ako nagkamali ng nilapag niya 'yon doon at binuksan..may laman 'yon na cutter at iilan na lapis. Umupo siya sa may upuan at inumpisahan na tasahan yung lapis.
Ang seryoso ng mukha niya habang nag tatasa ng lapis gamit yung cutter.
Hindi ko maipigilan na titigan siya..
Ang sarap niyang pagmasdan...
Yung mga mata niya na seryosong nakafocus sa ginagawa niya.. Yung ilong niyang display.. At yung labi niya na firm at punong puno..
Maging ang mga braso niya na nilalabasan ng ugat tuwing tinatasahan ang lapis..
Sa ganitong pagkakataon, hindi ko alam kung paano pero.. Napapasaya niya ang puso sa simpleng kilos..Kahit wala siyang sinasabi ay naririnig ko siya.. Kahit pagtatasa lang ng lapis ay hinahangaan ko na siya.. Lalo siyang gumagwapo habang ginagawa niya ito..
Wala ako sa dagat pero, nakakalunod..
Hindi ko akalain na ganito kalakas ang mararamdaman ko habang tinititigan ko siya..
Hindi ko ma-explain itong nararamdaman ko..Ang weird kasi, hindi ko alam kung ano 'tong nafi-feel ko.. Kung ano ba ang tawag dito..
Yung wala naman'g nag iigib dito, ngunit may kung ano'ng napupuno sa akin..
Gusto ko'ng hawakan ang pisngi niya.
Nakakamangha ang isang tulad niya.. Hindi ko maexplain kung paano, ngunit.. Komportable at malaya'ng kumakabog ang puso ko para sa kanya..
"Maupo ka na."
"Ha?" napaayos ako bigla ng tayo.
"Umupo ka na," ulit niya.
"Oh..Okay.." napalunok ako..Shet.. masyado akong nalunod dun.
Umupo ako ng maayos. Nakita ko naman na nakatingin siya sa akin ng kakaiba, ano? Alien na naman ba ang tingin niya sa akin?
Sheba! Bakit ba siya nakatingin? Nakakailang naman to..
Pinilit ko'ng nginitian siya kahit nakakakaba..
Pero na freeze iyon ng biglang kumunot ang noo niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Ganyan ba ang gusto mong pustora na iguhit kita?" tanong niya
Biglang bumalik sa akin lahat. "Oo nga pala! Hehe..drawing pala 'to.." umayos ako ulit ng upo at hinawi ang buhok ko.
"Sabagay.. Kahit ano namang anggulo ay maganda ka."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Biglang naman uminit ang pisngi ko..
Napangiti ako.. Nilagay ko ang aking buhok sa likod ng aking tenga.
"Alam ko.." sagot ko.
Naningkit ang mata niya at napailing na ngumiti..
Tinikom ko ang labi ko para mapigilan ang pag ngiti. Huminga pa ako ng malalim dahil napapangiti na ako. At parang lalabas na 'yon.. Sheba!
Sheba! Ano ba? Naglalandian kami! Ngayon lang!
"Ready ka na?"
Naka compose na ang mukha niya.
Sheba! Paano niya ginawa? Samantalang ako, nag iinit pa rin ang mga pisngi ko!
"Okay na ba 'to?" tanong ko ng nilagay ko ang kamay ko sa baba.
Kinakabahan ako..hindi ko kasi alam kung paano.
Ilang sandali niya akong tinitigan.. Yung titig na nanunuot.
Ano kayang sasabihin niya? Pakiramdam ko mukha na akong tanga dito.
"Ngumiti ka lang, okay na."
"Ahm! Hoo! Okay.."
Nilapag niya ng patayo sa kanyang hita ang malapad niyang sketch pad tsaka nag umpisa.
Gwapo.
Kahit hindi ko pa nakikita ang gawa niya ay alam kong magiging maganda na 'yon.. Sa gaan pa lang ng kamay niya tuwing sinasayaw ang lapis ay sigurado na ako.
Ako yung dinodrawing niya, pero..sa hitsura niya ngayon, ay parang gusto ko rin siyang iguhit.. Sa simpleng tshirt na gray ay lumilitaw ang pagiging makisig niya. Sa ganda ng postura at ayos niya, ang tahimik na paligid at ang kulay dilaw na bumbilya ay parang gusto kong matulog sa braso niya..
Ay! Ay, ano ba 'yan? Bakit naman ako napunta don!
"Huwag ka'ng masyadong gumalaw, Chippy." sita niya.
"Hm..sorry.." sabi ko at pinilit na mag stay sa pwesto. Baka mamaya ay pumanget ako doon sa gawa niya..
Pinagmasdan ko ulit siya.. Well, ayun lang kasi talaga ang magagawa ko e, wala naman ako'ng pwedeng kausapin, hindi naman ako pwedeng tumambling dito.
Mabuti na lang at gwapo yung tanawin.
"Ilang taon ka na, Romulo?"
"26." sagot niya habang patukoy pa rin sa pagguhit.
Napanguso ako. "Nagka girlfriend ka na?"
"Oo."
"Ilan?"
"Hindi ko gawain mag bilang nang naging girlfriend." masungit niyang sabi.
"Nagtatanong lang naman e, sorry.."
Inirapan ko siya kahit hindi siya nakatingin ng hindi niya pansinin yung tanong ko. Kanina pa kasi ako nag sasalita dito.. Pero ayun! Nasa ibang planeta na ata siya at parang hindi niya ako nakikita.
"Sige na, ano nga?"
"Bakit ba kasi ang kulit mo? At isa pa, huwag ka nga'ng lumikot," sa wakas ay nag salita na din!
"Edi kasi, sagutin mo na yung tanong ko, para tapos na. Crush mo ba ako o hindi?" tanong ko.
Napanguso ako nang hindi niya ako sinagot na naman! Kanina pa 'yan! Hindi ako pinapansin. Salita ako ng salita dito pero para'ng wala lang ako dito!
"Huy! Ano nga? Oo o hindi lang naman ang sagot e.."
"Tumigil ka, Chippy.. Magugulo 'tong ginagawa ko," sagot niya pero Hindi pa din tumitingin sa akin. Seryoso pa rin siya'ng gumuguhit. Kumukunot kunot pa nga yung noo.
"Sus! Anyway, sabi mo nga kanina, maganda ako kahit anong anggulo. So crush mo na ako?" napangiti ako. Kinikilig sa sariling imahinasyon.
"Tell me, paano ako naging maganda? Ano bang hitsura ko?"
Nanlaki ang mata ko ng makita ko na huminto siya. Mukhang anging effective ang pagiging makulit ko.
Omygosh.. Sasagot na siya?
Kumabog ang dibdib ko.. Ano kaya isasagot niya?
"Inihahambing kita sa isang tuta." aniya.
Nanlaki yung mata ko.. Mabilis kong binato sa kanya yung bag ko. "Bwisit ka!"
"Sa dinami dami naman bakit tuta? Mukha ba akong tuta?" hiyaw ko. Swear! Nag pipigil na lang talaga yung kamay ko! Gusto ko siyang sapakin, napipikon ako!
"Bakit ba?" aniya at tumigil siya para tumingin sa akin. Dinampot niya yung bag ko at nilagay 'yon sa ibabaw ng lamesa. "Wala naman ako'ng sinabi na mukha ka'ng tuta,"
"Pero kakasabi mo lang!"
"Wala naman ako'ng sinasabi na mukha ka'ng tuta-"
"Meron nga! Narinig ko!"
"Hindi mo kailangan sumigaw. Natutulog na si mama, hinaan mo yung boses mo." aniya.
Natikom ako bigla. "Ay, sorry naman.." medyo tinamaan ako ng hiya. Grabe naman ang nerves, ayaw kumalma? Chippy, tandaan mo, hindi mo 'to bahay ha!
"Unang una, ang sinabi ko ay inihahambing kita sa isang tuta, hindi ko sinabi na mukha kang tuta." paliwanag pa niya.
Inirapan ko siya. Wala naman na kasi ako'ng masasabi. Na realize ko na mali ako talaga at nagkamali ako ng rinig.
Sa loob loob ko ay gusto ko nang umalis dahil nakakahiya yung pag sabog ko kanina, sumigaw pa ako. But.. At the same time, gusto ko mag stay, dahil ang ganda makita na kalmado pa rin siya, kalmado niya akong kinakausap. Samantalang sumisigaw ako.
Nasanay kasi ako na ang mga lalaki ay magulo at palagi'ng nakasigaw, nangungutya at hindi naman gwapo.
Samantalang siya..
Kalmado, gentle at mabait, tapos may bonus pa.
Bukod kasi kay Lolo, ay siya lang ang nag iisang lalaki na maayos akong kinakausap. Yung hindi ako pinagtatawanan at sinisigawan.
Kaya masaya ako na naeexperience ko ito. Kahit pa madalas ay nakakapikon siya.
"Inihahambing lang kita sa tuta dahil parehas kayo na matapang ngunit masarap pa rin'g alagaan."
Ahmm.. Hindi ako nakaimik.
"Umayos ka na ulit ng upo mo, patapos na 'to."
"Okay.." bumalik ako ulit sa pwesto ko kanina. At hindi na ulit nag salita.
Hindi ko alam.. Gusto ko nang katahimikan yun ba'ng malaya ka'ng makakapag muni-muni, yung wala'ng manggugulo. Pero ngayon na sobrang tahimik..nabibingi ako.
Ang sakit sa tenga ng ganitong katahimikan. Hindi na ako sanay..
Mag mula ng mapunta ako sa kanila Artemio, ay hindi na ako nasanay sa katahimikan.
Hindi naman kasi tulad ni Romulo si Artemio na makwento. Na halos buong history ng pilipinas ay ikukukwento.
Gusto ko rin mag kwento sa akin si Romulo.
"Romulo.." tawag ko sa kanya ng hindi na ako nakatiis. Tahimik akong tao pero.. Kanina ko pa gusto mag salita dahil may gusto ako'ng itanong sa kanya.
"Hmm.." busy niyang sagot.
Napalabi ako. "Magtatanong ako, okay lang?"
"Sige." sagot niya
"Okay.." kanina ko pa ito pinag iisipan e. Yung narinig ko kanina sa pabrika. Hindi ko lang alam if tama ba na itanong ko sa kanya ito, pero itatanong ko pa rin. "Yung nangyari kanina sa Pabrika.. May sinabi ka kasi doon kanina-"
"Oo, Kapatid ko si Ariel, kung 'yan ang itatanong mo." putol niya sa akin. Patuloy pa rin siya sa pag guhit na para bang wala lang yung tinanong ko.
Ako naman ay nabigla. "Ah..paano? i mean.."
Binaba niya yung hawak niyang lapis.
"Kami yung first family ni Tatay, pero hindi si mama yung pinakasalan, kaya kami na ngayon ang 2nd family."
"Ahm..pwede ko ba'ng itanong kung bakit? Ano'ng nangyari?"
"Filipina si mama, that's what happened." sabi niya at binigyan pa ako ng ngiti at nag drawing ulit.
Nanlumo naman ang mata ko sa nalaman. Hindi ako makahagilap ng salita. Kaya hindi ako nakaimik agad..
Grabe naman yun.. From 1st..naging 2nd na lang..
Pinagmasdan ko siya habang pinagpapatuloy ang ginagawa.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang siya igalang nang mga tao sa pabrika, kahit pa na supervisor lang siya.
At kaya rin ganon siya makipag usap kay Ariel, hindi dahil sa magkaibigan sila, kung hindi dahil pala kuya siya nito.
Can't imagine kung gaano kasakit 'yon.. Na yung tatay mo ay naging tatay nang iba.. At hindi na bumalik aa pagiging tatay sayo.
Hindi na niya kailangan pa na iexplain ang nangyari. I think na gets ko naman ang rason kung bakit hindi si mama niya ang pinakasalan.
Nakakalungkot lang.. Dahil lang sa pagkakaiba ng lahi, hindi sila nagakatuluyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top