Kabanata 30

Kabanata 30

Tinignan ko ng masama si Romulo pagkaalis ni Ariel. Ang grabe niya lang, hindi ko akalain na magagawa niya yun kay Ariel. Imbes na kausapin ay dinaan niya sa sapilitan! mano ba naman na dapat ay tinawag na muma niya si Ariel tapos ay silang ndalawa na lang muna yung nag usap para magkaintindihan sila. Hindi yung bastos niyang kinausap tapos pinahiya pa niya. Ginit niya pa yung pagiging kuya niya.

Speaking! Omy God! Nabigla ako dun ng marinig ko yun. Mag kapatid pala sila.. Pero paano? i mean.. nung nagpa meeting dito si Mr. Tang ay si Ariel lang ang pinakilala niyang anak niya. King hindi ako nag kakamali ay narinig ko pang pinangalanan pa niyang "Unico ijo" si Ariel.

"Ano pa ang ginagawa mo dito? Hindi ba at kanina pa ang labasan ng mga empleyado," baling naman niya sa akin. Hindi pa rin nagbabago ang hitsura niya. Mukha pa rin siyang galit, pero this time.. mukha na rin siyang stress..

Gusto ko sana siyang awayin kaso lang.. Para hindi na dapat. Feeling ko walang magiging epekto ang awayin ko pa siya, dahil ngayon pa lang ay mukhang problemado na talaga siya.

"Ayos ka lang?" tanong ko at hindi pinansin ang una niyang tanong. Well.. obvious naman na hindi siya okay, sa hitsura pa lang, kaya nakakapag alala.

Napalunok siya habang nakatingin sa akin. "Umuwi ka na." sabi niya lang at tumalikod na..

"Wait lang!" pigil ko sa kanya. "Ano.. Kasi..gusto mo muna kumain?" tanong ko.

"Busog pa ako." aniya. "Hinihintay ka na nila Ila sa may gate." nag umpisa na siyang umalis.

"Hatid mo ako sa bahay! Hihintayin kita sa may gate, Kukuhanin ko lang yung bag ko!" hiyaw ko sa kanya at mabilis na akong tumakbo papunta sa locker room.

Kukuhanin ko lang yung gamiy ko kila Ila, pero papaunahin ko na silang umuwi. Magdadahilan na lang ako.

Hindi ko maintindihan kumg bakit, oo galit ako kay Romulo kanina, pero ngayon hindi ko maiwasan na isipin siya. Oo, galit ako sa kanya, pero gusto ko siyang samahan. Hindi ko din maintindihan e, mukha siyang okay pero nag aalala pa rin ako. May nararamdaman ako sa kanya..

"Sigurado ka?" tanong ni Oli sa akin ng sabihin kong mauna na sila. Inabot niya sa akin yung bag ko at yung sobre na may laman ng sahod ko. Kakaiba pa nga yung tingin ni Ila sa akin. Alam ko naman na sa kanilang tatlo ay si Ila ang dapat kong pagka ingatan, dahil kakaiba kasi siya. Hindi siya tulad ni Virgie na mabilis kausap. Alam kong hindi siya naniniwala ng sabihin ko na may gagawin lang ako na mahalaga. Kaya nga kay Oli na lang ako nakatingin dahil baka pag tumingin ako kay Ila, ay mapa uwi ako ng wala sa oras.

"Oo. Ah..nasaan nga pala si Virgie?" tanong ko na lang para tapos na yung usapan sa akin. Ipasa ko na lang kay Virgie na wala dito.

Napatingin ako kay Ila at agad din na tumingin kay Oli. Hindi ko kaya.

"Hindi ko nga alam, samantalang nasa likod lamang namin siya kanina, bigla na lang nawala." sagot ni Oli.

Bigla akong may naisip. "Oh, baka may lakad din siya.. Ayaw niyo nun, masosolo niyo ang isa't- isa? ayieee!" ngiti ko at kinurot ko pa kunwari yung tagiliran ni Oli.

"Masaya ba yun?" biglang sabi ni Ila sa gilid. Napatingin ako sa kanya. Nalunok ko bigla ang laway ko. Mukhang namali pa ata ako dun.

"Ahm.." wala akong masabi. Ewan ko ba, nakakatakot kasi si Ila. Para siyang batang version ni mamita pero mas msungit.

Napayuko na lang ako.

"Halika na Ila, umuwi na tayo dumidilim na.." ani ni Oli.

Napaangat ako ng ulo. Sa wakas!

"Sigurado ka ba, Chippy?mauuna na kami."

"Opo. babye po! Ingat!" kumaway pa ako.

Nag umpisa na silang mag lakad pero yung tingin ni Ila, ay nasa akin pa rin.

Kaya ngapawi ang ngiti ko. Ibang klasi yung tingin niya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Panigirado, pagka uwi ko nito mamaya ay lagot ako. Nang makalayo sila ay tsaka ko lang binalik ang tingin ko sa gate.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong naghihintay dito sa waiting shed. Pero may nag lalabasan pa naman na tao sa gate. Pero kakaunti na lang..

Lumapit ako sa amy banda sa guard.

"Kuya, tanong ko lang po.. Lumabas na po ba si Rom- imean.. si sir Romulo?"

Tinitigan niya muna ako. Walang tiwala. Akala niya siguro kung sino ako. Nang makita niyang naka damit ako ng uniform ng pabrika ay tsaka niya lang ako sinagot.

"Nasa loob pa," simpleng sagot niya.

"Ahm..k."

Bumalik ako sa pwesto ko dati at nag hintay na lang ulit. Sinilip ko sa bag ko yung cellphone ko para tignan ang oras. 7:01 na pala.. Mag iisang oras na pala akong nag hihintay dito.

Bakit ang tagal niya? Ano bang ginagawa niya sa loob? Siya ba ang mag sasara nitong pabrika? Grabe naman ang dedikasyon niya rito sa trabaho. Walang paawat, parang ayaw mag pahinga.

Nanlaki ang mata ko ng mahagip ng tingin ko yung lapad ng balikat niya.

"Uy!" mabilis akong lumapit sa kanya.

Napalingon naman siya sa akin at kunot noo akong tinignan.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na," aniya.

"Eh diba, kasi.. sabi ko sayo hihintayin kita, ililibre kita ng mami!" ngiti ko.

"Nag hapunan na ako."

"Eh, ako hindi pa!" napapadyak na sabi ko. "Sabi ko naman sayo kanina hihintayin kita diba?"

"Hindi ko na problema yun. Umuwi ka na." aniya at hindi na ako pinansin. Nag lakad na siya palayo..

"Grabe talaga siya oh.." iling ko. Hindi ko ba alam kung bakit ko to ginagawa. Pwede naman akong umuwi na lang para makapag pahinga na. Pero nandito pa rin ako hinihintay siya para lang masamahan siya, tapos hindi naman pala niya maappreciate.

Sinundan ko na lang siya.

"Uy, ano ba?" habol ko sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya.

"Umuwi ka na Chippy." aniya. Natuwa naman ako dahil this time hindi na niya tinanggal ang pag kakahawak ko sa kanya.

"Ayoko nga. Saan ka ba pupunta? Sama na lang ako sayo.." sabi ko.

"Uuwi na ako."

Uuwi daw. Akala naman niya uto uto ako. "Okay sige. Sasama na lang ako sa bahay niyo." sabi ko. Dahil alam ko naman na nilalayo niya lang ako para tigilan ko na siya.

"Uuwi na nga ako Chippy, hindi ka pwedeng sumama sa bahay."

"Eh, bakit naman hindi?"

"Basta hindi pwede,"

"Bahala ka, basta sasama ako. Sige na lakad ka na.."

Napatingin na lang siya sa akin at napahinga ng malalim. Mukhang suko na ata siya. Nag smile ako.

Umiling siya. Pero nag umpisa na siyang maglakad.

Tahimik lang kaming nag lalakad. Walang nag sasalita. Tanging dilim lang ng gabi ang kasama ko. May iilang akong nakikita na naglalakad din. Paminsan minsan may dumadaan na jeep. Natuwa naman ako dahil ngayon ko lang ang ganitong klaseng jeep. Ito yung ninuno ng mga jeep sa panahon ko. Kakaiba. Sa libro ko lang to nakikita dati e.

Binagalan ko kaunti yung lakad ko at dahan dahan na nilabas ang cellphone ko. Mabilis kong nilagay iyon sa camera.

Tumigil ako at kinuhanan siya ng picture.  Nakailang pictute pa nga ako dahil masyado siyang mabilis maglakad. Mabilis naman akong nag pose ng peace at kinuhanan ang sarili habang ang background ko ay ang gabi at ang gwapo niyang likod. Napailing ako habang tinitignan ang na capture ko.. hindi ako magaling mag picture pero.. ang ganda nito.. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko.

"Kahit likod lang, ang gwapo pa rin.." iling ko. 

"Ay.." nawala ang ngiti ko ng makita ang pangalawang picture. "Blurred naman!"

Sheba! Nakakadissapoint naman yung sarili ko! Ang ganda sana kaso yung mukha ko lang yung kita at malinaw, tapos pagdating sa likod niya blurred! Jusko! Likod na nga lang e!

"Anong ginagawa mo?"

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na siya.

"Wala. May tiningnan lang.." sagot ko at nilagay sa bulsa ang cellphone. inaya ko na ulit siya maglakad.

Pag nandon na kaya kami sa carinderia picturan ko kaya siya ulit? Papayag kaya siya? Sa sungit niya.. Nakikinita ko na agad yung simangot niya.

"Uy nasaan na tayo?" tanong ko sa kanya. Medyo malayo na rin kasi ang nilalakad namin tapos nakakaramdam na rin ako ng gutom. Idagdag pa yung sobrang tahimik niya na hindi man lang nag sasalita, kaya inaantok ako.

"Nagugutom na ako.." liningon ko pa yung paligid habang nakahawak sa tiyan ko, pero wala naman akong makitang nag titinda dito. Kahit man lang mga calamares or kwek kwek.

"Ah..ouch!" ani ko ng bumangga ako sa kanya. Hindi ko naman alam na tumigil pala siya sa paglalakad kaya tumama ako sa may siko niya. "Ang sakit naman!"

"Hindi ba sinabi ko sa'yo kanina na uuwi ako ng bahay ko, pero nag pumilit ka pa rin na sumama," aniya.

Tiningala ko siya. "Eh malay ko ba kung inuuto mo lang ako para hindi ako sumama sayo! Malay ko ba na totoo yun!" irap ko. "Okay, sige uuwi na ako!"

Padabog akong umalis sa harap niya at naglakad palayo. Nakakagutom naman! Tapos ang nakakdissapoint pa dito, hidni man lang niya ako pinigilan! Ang galing! Napaka gentleman niya talaga!

Tumigil ako sa paglalakad at huminga ng malalim bago humarap ulit sa kanya. Nakita ko lang siyang nakatayo dun habang nakatingin sa akin.

"Ano? Talagang hindi mo man lang ako pipigilan?!"

Nakita kong yumuko siya saglit at pagtapos ay tinignan ako ulit.

"Halika na. Dun ka na sa bahay kumain." aniya at nag umpisa ng maglakad.

Nakasimangot akong tumakbo humabol papunta sa kanya. Ano pa nga bang gagawin ko? Gabi na tapos hidni rin naman ako pamilyar dito sa lugar. Inubusan ko ng choices yung sarili ko. Isa pa, ako rin naman yung nag pumilit na sumama dito.

"Malayo pa ba yung bahay niyo?" tanong ko sa kanya ng mahabol ko siya. Ang lalaki naman kasi ng hakbang nito.

Umiling siya. "Konti pa."

"Gaano kakunti? Nagugutom na kasi talaga ako, Romulo! Sana naman pagdating natin sa bahay niyo, may pagkain no.."

"Nagprito si mama ng galunggong." sagot niya.

"Talaga?" biglang ng laway yung bagang ko. Naiimagine ko na na yung piniritong galunggong tapos malutong siya, tapos may toyo sa harapan na may kalamansi at kaunting sili. Omygosh!

Isama mo pa yung mainit na kanin na sasabawan mo ng toyo.. Biglang kumalam yung sikmura ko sa naii-

"Nandito na tayo." sabi niya kaya napatigil ako sa imagination ko.

Nilingon ko yung tinigilan namin n bahay.

Simple lang siya.

Ganito yung typical na bahay na nakikita ko sa mga picture sa magazine nung panahon nang 1960's.

Isang palapag lang siya at pianghalong brown at puti ang bahay. May mga nakasabit pang mga halaman sa mga bakal na nakakabit sa bintana mag kabilaan.

May upuan din sa labas nun at bilog na kulay puting lamesa. Napangiti ako, ganyan yung lamesa namin e na madalas pag kape-han ni lolo.

Napatingin namaan ako sa gate nila. Hanggang balikat ko lang yung gate nila at sa gilid nun ay may steel mating na naka alalay.

"Dito na?" tanong ko.

Tumango siya at binuksan na ang gate.

"Salamat." sabi ko ng paunahin niya akong pumasok.

"Mulong.."

Liningon ko yung nagtawag sa kanya. Nasa may pintuan. Isang magandang babae na naka daster. Nalaugay lang ang maikli niyang buhok at naka abaka na tsinelas na kulay pink at dilaw.

"Magandang gabi po.." bati ko sa kanya at ngumiti.

"Ma.." ani ni Romulo at nilapitan ang mama niya. Pinanood ko lang sila. Napangiti nga ako ng makita kong hinalikan ni Romulo sa may bandang tenga yung mama niya.

"Ginabi ka yata? Alas siyete na anak," tanong ng mama niya.

"Marami lang akong tinapos na trabaho, Ma," sagot naman ni Romulo.

Trabaho?

Napatingin sa akin ang mama niya kaya ngumiti ako.

"Sino siya?"

"Si Chippy po, katrabaho ko."

"Ah! Ikaw ba si Chippy?" masayang tanong niya. At lumapit pa ito sa akin, kaya naglakad din ako papalapit

Tumango ako. "Opo.."

"Ikaw pala yu-"

"Chippy sumunod ka na lang sa loob!" masungit na sabi ni Romulo at nagmamadali siyang inalalayan na ang mama niya papasok ng bahay.

Nawala ang ngiti ko. Kahit kailan talaga to si Romulo.. Napaka!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top