Kabanata 29
Kabanata 29
Nakatanaw ako sa mga sasakyan na nakaparada sa parking habang hinihintay sila Ila. Ala sais na at madilim na, kinukuha na lang nila yung gamit ko sa locker room.
Dapat kasi ako ang kukuha nun, kaso nag presinta sila na sila na lang at maupo muna ako. Kaya nandito ako ngayon.
Napangiti ako ng makita ko si Ariel sa salamin ng office niya, nakatayo siya at may kausap na babae, kilala ko iyon e. Siya yung manager na pinakilala nung nakaraan. Mukhang busy talaga ngayon.. In demand daw kasi yung kornik ngayon sabi ni Virgie, kaya pala nag uumapaw yung mga gawa ngayon.
Ininat ko yung paa ko. "Haay..sarap.." hindi mapigilan na sabi ko ng maginhawaan ang paa ko. Maayos na nakadaloy ang dugo..
Ang buong akala ko ay hindi ko matatapos ang nasa lamesa ko dahil sa sobrang dami, pero natapos ko bago mag six pm! Imagine, ako lang mag isa! Natapos ko 'yon.. Ni-pat ko yung shoulder ko. "Good job!" sabi ko sa sarili ko.
Well..deserved ko no! I did well today.
Naligaw ulit ang tingin ko sa office ni Ariel, ngayon naman ay nakita ko na siyang nakatingin sa akin..
Napangiti ako ng kinawayan niya ako. Gumanti naman ako ng kaway.
"Hello!" sabi ko kahit pa malabo niya akong marinig dahil malayo kami sa isa't isa.
Nakita kong luampit pa siya sa bintana. Inangat pa nga niya yung blinds nito tsaka kumaway ulit.
Ngumiti ako. Nag senyas naman siya na pumunta ako don..pero umiling ako.. kahit pa gusto ko siyang makausap ay mas gusto ko na lang munang irelax ang paa ko na na-stress buong mag hapon. Nag kunwari naman siyang napalabi, kaya natawa ulit ako at umiling..
Ilang segundo lang amg lumipas ay nakita kong papaunta na siya sa sa pwesto ko.
"Hi," aniya pagkalapit. At umupo sa tabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Malamok dito."
"Wala naman, hinhintay ko lang sila Ila." sagot ko.
"Ah.. Sahod niyo na ah? Manlilibre ka ba?"
"Ha? Maliit lang naman ang sweldo namin e, ikaw dapat manlibre dahil ikaw ang boss.."
"Damot naman nito," aniya at inirapan pa ako..
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya kaya nahampas ko siya nang natawa ako. Siraulo to..nang iirap!
"Minsan lang naman ako mag request," aniya pa ulit. "Kahit isang mami lang diyan sa may tapat, limang piso lang naman yun,"
Napatigil ako sa pagtawa. Limang piso na mami? But then i realized nasa ibang panahon nga pala ako. Kung sa panahon ko, 65.00 na ang isang mangko ng mami, dito limang piso lang.
"Hmmm..sige, pero mamaya na ha? Kasi hindi ko pa naman nakukuha yung sweldo ko."
"Willing to wait."
Inilingan ko siya at pinagpatuloy na lang yung ginagawa kong pag stretching sa paa ko. Grabe talaga ang sacrifice ng paa ko ngayong araw, hindi biro yung nakatayo ka lang mag hapon. Pakiramdam ko, umiiyak na yung mga ugat ugat ko sa paa.
"Masakit?" maya maya'y tanong ni Ariel.
Tumango ako. "Hmm! Nangangawit," sagot ko. "Pero okay lang naman, kasama naman 'to sa trabaho."
Nakita ko naman sa mukha niya na nag alala siya. "Gusto mo munang pumunta sa office? Maupo ka muna doon, mas komportable."
"Hindi na." iling ko. "Okay lang. Hihintayin ko na lang sila Ila, ikaw.. Bumalik ka na sa office mo, naiistorbo na ata kita."
"Haay!" buga niya. Napangiti naman ako, ang lalim kasi ng hugot niya. "Meron nga, nakaka stress nga, malapit na naman kasi ang december kaya natayambak na naman ang trabaho ko, lalo pa ngayon at aalis na rin si dad. Sa akin maiiwan lahat.."
"Bakit parang ayaw mo?" tanong ko.
"Hindi naman sa ayaw. Hindi lang siguro ako handa. Hindi ko naman inexpect na mapapaaga yung pag reretire ni dad. I thought, aabutin pa ng mga 4 or 5 years ganon, ang dami ko pa kasing plano.. At ang pag handle ng buissiness namin ay hindi kasali don." ngiti niya.
But then..kahit pa ngumiti siya ay iba naman ang nararamdaman ko.
"Akala ko kasi makaka-pagturo pa ako e,"
"Teacher ka?"
"Oo.. I love teaching..Actually, 3 years na akong nagtuturo. Kaso, sabi ni dad, wala daw pera doon. At ito na nga, napunta na ako dito." natatawa niyang sabi. "Hindi ko alam na mabilis na matatapos yung pagtuturo ko, kung alam ko lang na mapapaaga ang pagreretire ni dad, ginawa ko na sana yung gusto ko."
"Ano bang gusto mo?"
"Well..gusto ko mag tayo ng school. Gustong gusto ko talaga ang mag share ng knowledge, kahit pa sabihin ni dad na walang pera doon, atleast i get to share my knowledge to other people, and i want to share it for free."
"I didn't know na may side ka palang ganyan. I mean.. Ang buong akala ko buissiness na talaga yung gusto mo, naisip ko nga dati na, napaka swerte mo, you're living somebody's dream, ganon. Diba kasi ang daming nang hahangad na malagay sa posisiyon mo. Ang sarap ng buhay, walang problema sa pera at ayan, nakahain na ang mgandang kinabukasan mo. Hindi mo na kailangan pang mag hirap para lang maging komportable ang buhay mo in the future."
"But i think, mali pala yung akala ko..talaga nga namang you are living sombody's dream. Dream ng dad mo, hindi yung dream mo."
"But you know what, masaya pa rin naman ako kung nasaan man ako. Walang nakakaalam nito, even my dad, but Atleast diba, na experience kong gawin yung passion ko, yung teaching. Atleast naranasan ko siya, atleast alam ko yung feeling nung habang nagtuturo ako. Yung saya habang nag tuturo, lalo pa pag may natutunan yung estudyante. Kahit pa nakakalungkot na hindi ko na siya magagawa ngayon, thankful pa rin ako dahil binigyan ako ni dad ng chance na maranasan yun. But for now, it's payback time!" ngiti niya. "Time ko naman para tulungan si dad."
"Sandali nga, ang drama ko na ata." aniya.
"Uy, hindi! Ayos lang! Diba nga sabi mo, mag kaibigan tayo?" sabi ko at hinagod ko pa yung balikat niya. "At tsaka may secrets din ako. Secrets na baka pag nalaman ay pagtawanan mo ako."
"Why?" aniya. "Dark secrets?"
Napaisip ako. " Well, hindi naman siya ganon ka dark. Pero kasi baka after kong sabihin sayo 'to, baka isipin mo na nababaliw na ako."
Hindi ko na nga mabilang kung ilang araw na kaming magkakasama nila Ila, pero hindi ko pa ron magawamg sabihin sa kanila ang totoong ako. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro kasi natatakot lang ako na isipin nilang baliw ako. Nang sabihin ko kay Gema na ang totoo ay hindi ako nag alangan, dahil alam ko naman na bata pa si Gema, at alam kong hindi niya ako huhusgahan.
Kaso lang ngayon ay iba na. Hindi na bata ang kasama ko, may kanya kanya ng isip. Kaya hindi ako komportable na sabihin aa kanila, pero ngayon..hindi ko alam kung anong pumasok sa akin, ngunit gusto kong ilabas ito ngayon. Gusto kong sabihin sa isang tao yung pinagdadaanan ko. Kung ano man ang dahilan ko ngayon ay hindi ko alam. Kung dahil man ito sa pagod, ay bahala na.
"Then try me."
Nagkibit balikat ako at huminga mina ng malalim. Nababakas na kasi sa mukha niya na curious na rin siya sa kung ano man ang sasabihin ko.
"Pero if magbago man ang tingin mo sa akin after kong sabihin 'to, maiintindihan ko naman. Dahil mismo ako ay hindi makapaniwalang nangyari sa akin to."
"Sabihin mo na lang sa akin, Chippy,"
Napangiti ako ng maringgan ko ng pagkainip ang boses niya.
"Ganito kas-" napatigil ako sa pag sasalita ng may tumayo sa harap namin. Napatingin ako doon.
Si Romulo.
"Ariel, tumawag sa akin ang daddy mo, pinapauwi ka na." ani nito ng napaka seryoso. Bumalik na naman yung galim ng tingin niya. Nakapaghasa na siguro.
"Now?" tanong ni Ariel at tumayo. "Marami pa akong hindi napipirmahan,"
"Oo ngayon. Ang sabi lang sa akin ay may dinner daw kayo With Mr. Sy."
Habang nakaupo ay nakita kong napapikit si Ariel sa sinabi ni Romulo. Mukhang may naalala siya na ankalimutan niya.
"Fuck.." mahinang mura niya. "Ayaw pa rin talaga ako tantanan. Chippy,"
Napatayo ako.
"Doon na lang tayo sa office mag usap." ani ni Ariel.
Nagtaka ako. "Pe..ro.."
"Ngayon ka pinapatawag, Ariel." sabi ulit ni Romulo.
"Mag uusap muna kami ni Chippy-"
"Pumumta ka na ngayon, dahil ngayon ka pinapapunta."
Eto naman si Romulo! Nakalimutan yatang boss ang kausap niya! Ayan tuloy at Seryosong napatingin sa kanya si Ariel.
"Inuutusan mo ba ako?" tanong ni Ariel. At lumapit pa kay Romulo.
Ang buong akala ko ay aatras si Romulo, ngunit kabaligtaran ang ginawa niya, mas lalo pa siyang lumapit kay Ariel.
"Oo."
"At sa tingin mo bakit naman kita susundin?"
"Dahil inuutusan kita bilang kuya mo, hindi bilang empleyado."
Nanlaki ang mata ko.. "O my God.."
"Kaya Oo, Inuutusan kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top