Kabanata 27
Kabanata 27
"Bakit hindi ka pumunta sa office?"
Napalundag ako doon. Bigla na lang may nagsalita sa gilid ko.
si Ariel na nakataas ang kilay.
"Uy!" Sabi ko at umurong kaunti. Nandito kasi ako ngayon sa may malapit sa guard house. Break time namin ngayon para sa meryenda. At hindi na ako sumama kina Ila, dahil alam ko naman na hahanapin ako ni Romulo sa kanila. Isipin nun pinagtataguan ko siya which is totoo naman. Jusko! Napaka adik niya sa trabaho samantalang madami naman na ang nabalot ko kanina.
"Bakit nga hindi ka pumunta sa office?" ulit pa niya.
"Hindi kasi ako pinayagan ni Romulo, mag lunch break kanina.."
"What?!" aniya na gulat na gulat. Nakanguso akong tumango. Parang bata man pero who cares? Ginutom ako ng lalaking yun kanina, kaya dapat lang na isumbong siya sa boss!
Pinalungkot ko pa lalo yung mukha ko. "Sobra nga yung gutom ko kanina e! Kape lang laman ng tiyan ko, mabuti nga at binigyan ako ni Virgie ng tinapay kaya nakakain ako kahit papaano.."
"Bakit daw?" taas na kilay na sabi niya. Ayan na..mukha na siyang naiinis kay Romulo. Tama yan dahil hindi naman tama ang ginawa sa akin ng empleyado niya.
"Tambak daw kasi yung lamesa ko at kailangan ko daw yun tapusin ngayong araw.."
"Eventhough.." bulong niya. "Now..go to cafiteria, kumain ka.."
"Wait saan ka pupunta?" natarantang sabi ko ng tumayo siya.
"Kakausapin ko si Mulong." sagot niya.
"B..akit?"
"Mali yung ginawa niya sayo. Now, ako nang bahala, kakausapin ko siya."
"Uy wait lang!" hiyaw ng umalis na siya agad..
God! Ano ba 'tong ginawa ko? Tama ba 'to? Anong gagawin niya kay Romulo? Mukha siyang nagalit sa mga sinabi ko..
Napasobra ata yung pagpapaawa ko..
Napatakbo ako ng wala sa oras para sundan si Ariel. Kahit kumakalam ang tiyan ko ay wala na akong pakielam, mamaya na yung gutom! Sheba! Baka mamaya tanggalin niya si Romulo sa trabaho.
"Ariel, wait!" habol ko pa rin.. Punyemas bakit kasi ang lalaki ng hakbang niya!
"Ariel!" hiyaw ko ng makapasok sa opisina ni Romulo.
"Bakit ginawa mo 'yon kay Chippy?" rinig kong tanong na ni Ariel pagkapasok ko.
"Ginawa ang ano?" gulong tanong ni Romulo. Napatingin nga siya sa akin mg sumulpot ako mula sa likod ni Ariel.
"Hindi mo siya pinag lunch break. Hindi mo dapat ginagawa iyon sa kahit kaninong empleyado natin. It's part of their rights as employee, mulong!"
"Can you calm down?" kalmado na sabi ni Romulo bago tumingin ulit sa akin. "Ikaw bumalik ka na sa lamesa mo,"
"Break time pa nila-"
"Tapos na, 3:36 na. Bumalik ka na sa lamesa mo, Chippy,"
"O..okay.." sabi ko at wala nang nagawa..
Tinitigan ko sila habang nag tititigan. Napalunok ako habang palabas sa office.
Mukhang inis kasi talaga ang hitsura ni Ariel. Habang si Romulo naman ay chill lang habang bibabasa yung hawak niyang folder.
Ano kayang mangyayari sa kanila? Baka mag away sila.. Sana naman huwag sisantihin ni Ariel si Romulo.
Tulala ako ng makabalik sa lamesa. Nibhindi ko nga alam kung paano ako nakarating dito sa lamesa ko, ang alam ko lang ay naiwan ko yung utak ko sa office ni Mulong. Hindi mawala sa isip ko na baka kung ano na ang mangyari sa kanila. Friend naman sila diba?
Nagiguilty naman ako.. Kahit pa naasar naman ako kay Romulo ay nag aalala pa rin ako na baka tanggalin siya ni Ariel.. Pero hindi naman siguro no? Kasi mag kaibigan naman sila tapos matagal ng mag kakilala, hindi naman niya tatanggalin ang magaling niyang empleyado dahil lang sa akin..
"Saan ka galing? Overbreak ka na." sabi ni Aling buena nang pumumta siya sa lamesa kom
"Sorry po.." sabi ko na lang. Aminado naman.
"Mag pepenalty ka na naman niyan, Iha.."
Pagkaalis niya ay sinubukan kong gawin ulita ng trabaho ko. Tutal ay ilang oras na lang naman ay makakauwi na ako at makakapag pahinga. Iisnabin ko na lang muna ang sumasakit kong braso.
Napangiti ako kahot papaano, kung kanina ay gabundok ang nasa lamesa ko, ngayon maliit na lang siya. Nakikita ko na ang kapaligiran ko.
Nakapag balot na rin ako ng bundle at tinabi iyon gilid.
Kasalukuyan akong nag babalot ng kornik ng makita ko si Romulo na papunta sa direksyon ko.
"Ayan na siya.." bulong ko. Hinahanda ko na ang sarili ko para sa mangyayaring sakuna e. Ineexpect ko na to.
"Hindi mo pa rin natatapos 'to?" aniya na parang okay lang. I mean..diba kanina sila ni Ariel... Wala bang nangyari?
"Ahm.. malapit na rin naman po.." sagot at hindi tumitingin sa kanya.
Ayan! Kasi, dahil sa kaartihan mo, may trabaho pa na napahamak! Ano ngayon, nagiguilty ka tuloy!
"After mo matapos 'yang nasa lamesa mo. Pumunta ka sa office ko." yun lang ang sinabi niya bago tumalikod at umalis.
Natikom ko ang bibig ko. Okay lang naman siya diba? Mukha naman siyang hindi galit e. Mukha naman siyang okay. So ibig sabihin okay yung pag uusap nila kanina? Hindi nakaapekto yung pag iinarte ko kanina.. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.
Tinignan ko ang malaking bilog na orasan na naka dikit sa pader sa itaas.
Quarter to six na. Hindi ko alam bakit ko iniisip yung sinabi ni Mulong. Pinag iisipan ko kasi kung pupunta pa ba ako o hindi? Nakakapag taka kasi na mukha siyang okay, samantalang kitang kita ko yung asar sa mukha ni Ariel. Ano iyon? Nadaan sa mabuting usapan? Well..siguro nga.. At tsaka bakit ba kasi ako kinakabahan?
"Tara na Chippy, mag out na tayo!" aya ni Virgie sa akin. Napakunot ang noo ko at mabilis na napatingin sa orasan.
Sheba, 6:09 na hindi ko namalayan!
May iilan pa akong kornik sa lamesa at palagay ko ay hindi ko matatapos iyon ngunit salamat na lang at tinulungan ako ni Virgie. Sinulyapan ko ang lamesa niya.
Napalabi ako ng makitang malinis iyon. Tinignan ko pa ang ibang lamesa at parehas lang ng kay Virgie, ay malilinis na ang mga iyon.
"Hintayin ka namin sa labas," sabi ni Ila ng nakapili na kami sa paglabas.
"Ah..Ila, mauna na lang kayo umuwi."
"Ha? Bakit?" nagtataka niyang tanong.
"Ah..kasi, pianpatawag ako ni Romulo sa office niya, hindi ko alam kung para saan at bakit pero.. Mauna na lang kayo sa bahay."
"Siguro ay dahil sa tambak palagi ang lamesa mo Chippy.." aniya na parang ayun talaga ang dahilan.
"Siguro.."
"O sige, mauuna na kami. Alam mo naman na ang daan, hindi ba?"
"Opo.."
"Okay sige.."
Bitbit ko ang bag pack ko habang mabagal na nag lalakad papunta sa office ni mulong. May part nga sa akin na nag aalangan pero.. Hindi naman kasia ko duwag kaya pupuntahan ko na.
Baka mamaya ako pala yung matanggal e no, tapos iniisip ko pa na si Mulong.
Kumatok ako ng apat na beses bago buksan ang pinto ng opisina niya.
Huminga muna ako ng malalim bago itinapak ang paa ko.
Naabutan ko siyang nagliligpit ng gamit at nakasuot na ang bag niya sa kanyang balikat.
"Sir," sabi ko pero tinitigan niya lang ako at nagpatuloy sa pag aayos ng gamit.
Parang wala naman siyang nakita. Pinalakpak ko na lang ang kaliwang paa ko sa lupa at tinignan din siya.
Bakit siya ang liligpit ng gamit? Eh diba mag uusap pa kami?
"Sumunod ka sa akin." utos niya at lumabas ng pintuan.
Sumunod naman ako.
"Wait lang! Akala ko ba sa office mo?" habol ko pa rin sa kanya. Pero hindi niya ako kinakausap.
"Sir!" hiyaw ko ulit. May iilan pa ngang napapatingin sa akin dahil sa pag sunod ko kay Romulo. Mabuti na nga lang at iilan na lang ang nandito at nakauwi na ang iba, kung hindi baka pag usapan na naman ako bukas.
Nang makalabas kami sa guard house ay tsaka lang ako tumigil.
"Saan ba tayo pupunta?" hinihingal na ako. At 70% na nabubuwisit na. Para kong tanga na nakasunod sa kanya.
Nanlaki ang mata ko dahil himala na tumigil siya. Hinarap niya ako. "Mag uusap tayo."
"Oo nga! Pero bakit tayo lumabas? Bakit hindi na lang sa opisina mo?"
"Pag sa opisina ko, makakahanap ka ng kakampi mo."
"Ano?"
"Mag uusap tayo dun sa lugar na walang kakampi sayo."
Kanina pa ako nakatingin lang kay Romulo habang kumakain siya. Nilibot ko ulit ang paningin ko sa karinderya na pinagdalhan niya sa akin.
Kanina kasi ang sabi niya sa akin ay mag uusap kami ng kami lang. Tapos dito naman niya ako dinala sa karinderya. Magkaharap kami habang nasa gitna namin yung mga pagkain na inorder niya.
Adobo at menudo. Tapos may tatlong cup ng rice baso ng tubig.
"Akala ko ba mag uusap tayo?" tanong ko na. Sarap na sarap kasi siya kumain e, samantalang kanina pa ako nag hihintay dito para sa sasabihin niya.
"Kuamin ka muna." aniya "Hindi ba at hindi ka nag tanghalian kanina? Paniguradong gutom ka na ngayon."
Inirapan ko naman siya. "Oh, mabuti naman at alam mo no? Ang sama ng ugali."
"Hindi lang naman ikaw ang nagutom, Chippy.. Parehas tayong hindi kumain ng tanghalian hindi ba? Kaya kumain ka na.."
Ngumuso ako. Tinignan ko ang ulam.. Parang wala akong gana.. Nalipasan na kasi.. Uminom muna ako ng tubig.
"Ayaw mo ng ulam?" bigla niyang tanong. Siguro ay napansin niya yung mukha ko na ayaw ng nakikita.
"Hindi naman sa ayaw.." sagot ko.
"Kumain ka na. Huwag kang mapili, maraming tao ang nagugutom ngayon."
Sinumangutan ko siya. "Hindi ko naman kasalanan na may nagugutom eh!"
"Katwiran mo baluktot. Kainin mo kung anong nakahain, huwag kang mag inarte."
"Hindi nga.. meron ba silang Chicken curry?" tanong ko ng biglang pumasok sa isip ko yung amoy ng chicken curry. Shit! Bigla kong naimagine yung alat at anghang nun! Samahan mo pa ng mainit na kanin, sheba! Biglang naglaway ako.
"Bakit?"
"Gusto ko nun.."
"Edi bumili ka.."
Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Ang akala ko pa naman ililibre niya ako.
Wala akong pero dito ni misking pisong duling! Sila Ila lang yung bumibili ng pagkain ko.
Pinagmasdan ko siyang maganang kumakain sa harap ko. Alam mo yung feeling ng tinitigan mo yung tao, tapos maiiisip mo na lang na yung sama ng ugali niya, ay may mas isasama pa pala..
Si Romulo yun..
Grabe..hanggang anong level kaya ang kasamaan ng isamg to?
Bigla kong naalala si Artemio.. Panigurado kung siya alnga ng kasama ko ay kanina pa niya ako binili ng gusto ko. Nanguso ako, bigla kong namiss ang pagiging gentleman ni Artemio. Walang wala ang isang to.
Walang wala.
Inirapan ko siya kahit hindi niya nakikita at yumuko na lang ako sa lamesa para hindi ko na makita yung nakakabuwisit niyang mukha
Natulala ako dun sa magjowang nagyayakapan sa katabing lamesa namin.
Bigla akong natawa. Ang wholesome nila mag yakapan. Yung yakapan ng magjowa na hindi nakakainis. Nakakatuwa.
So.. Ganito pala ang lovelife ng nasa 1960's.. Ang wholesome. Nakakatuwa.
Bigla ko tuloy naisip kung paano nagligawan sina mamita at lolo? Sa sungit ni Lolo, malamang nakaka curious iyon kung paano sila nagtagpo.
Yun yung bagay na naisip ko ngayon kahit kailan ay hindi ko naisipan na itanong kay mamita.
Napaangat ako ng ulo ko ng biglang may humaplos dito..
Naabutan kong nakataas pa ang kamay ni Romulo..
"Ano yun?" tanong ko.
"Kain na.." sabi niya.
"Ayoko nga-" napatigil ako ng makita ang medyo kulay dilaw na ulam sa lamesa. Nanlaki ang mata ko.. "Nag order ka?!"
"Kumain ka na." sabi niya lang at bumalik na sa pagkain.
Napangiti ako..
Hindi naman pala ganon kasama..
"Saan ka ba nakatira?" tanong niya pagkalabas namin ng karinderya. Kakatapos lang namin kumain at swear! Napakasarap ng currey nila dito! Ang dami kong nakain!
"Hindi ko alam yung tawag sa lugar nila Ila, e." sagot ko. Ngayon na tinanong niya, oo nga no.. Narealize ko wala akong alam sa address na tintirhan ko.
"Alam ko ang lugar na 'yon. Ihahatid na kita."
"Uy, huwag na no! Okay lang naman ako, kahot papaano ay kabisado ko yung daan pauwi."
Nagsasalita pa lang ako ay nag umpisa na siyang maglakad palayo.. Inirapan ko siya..haay nako!
"Sure ka okay lang? Baka ikaw naman ang gabihin niyan?" pangungulit ko sa ko pa. Baka kasi nakaka istorbo na pala ako. Magkasabay na kaming naglalakad.
"Ilang taon ka na?" bigla niyang tanong.
"20..ikaw?" sagot ko naman.
"20 ka na, ngunit para ka pa rin'g bata. Paulit ulit."
"Inaalala ko lang naman ikaw,"
Parang wala talagang damdamin 'tong isang to. Ang bilis magbago ng emosyon. Kanina lang ay okay siya, tapos ngayon balik na naman siya sa pagiging masungit niya.
Sa school ko, kilala ako bilang weird at masungit. Kaya nga, nilalayuan at walang kuamkausap sa akin sa school dahil doon. Pero ngayon, habang kasama ko si Romulo, yung pagiging masungit ko noon, wala pa ata sa kalingkingan ng pagiging masungit nitong lalaking to. Daig pa niya yung tumandang binata.
"Anong pinag usapan ninyo ni Ariel?" napataas ng kilay ko sa tanong niya.
"Ha?"
"Bakit ka niya inanyayahan na mag tanghalian?"
"Ewan ko." kibit balikat ko. "Nakikipag kaibigan siya e, ang cool nga niya.. Ang sarap niyang kausap, makulit."
"Mas masarap ako-"
Mabilis ko siyang sinutok sa braso niya. "Ayan ka na naman sa word na masarap ha!"
Tinignan niya rin kong nakakunot ang noo. Nagulat sa suntok ko. "Ano ba 'yon? Hindi pa kasi ako tapos mag salita, iba na agad nakapasok diyan sa utak mo."
Inirapan ko siya. Hmp! Eh anong magagawa ko? Hindi ko din alam kung bakit everytime na maririnig ko yung word na "masarap" ay "ayun" agad ang pumapasok sa utak ko.
Napalabi ako.
"Ang gusto ko lang naman sabihin ay, masarap din naman akong kausap. Basta huwag ka lang mag susungit,"
Mabilis akong naptingin sa kanya. "Ano'ng ako? Ikaw 'tong masungit sa akin palagi! Laging nakabusangot yang mukha mo, tapos ang talim pa lagi ng tingin mo! Sino sa atin ang masungit ngayon?"
Tumigil siya sa paglalakad kaya natigil din ako.
"Hindi kita sinusungitan, tinatama ko lang yung mali na ginagawa mo sa trabaho. Dahil kung hindi ko gagawin sayo yun, hindi ka matuto, mananatili ka lang na walang alam sa trabaho."
Tiningala ko siya. "Eh, syempre! bago pa lang ako sa trabaho at hindi ko gaanong gamay ang mga bagay bagay!"
"Kaya nga tinatama kita.."
"Tinatama ba yun? Eh pinapahirap mo yung trabaho ko!"
"May madali bang trabaho?"
"Ahm.." pinanlakihan ko na lang siya ng mata dahil wala na akong masagot. Nakakaasar pero, tama naman siya!
"Kahit pa! Mali pa rin yung hindi mo ako pinag lunch kanina!"
"Anong gusto mo? Hindi ka mag lunch ng isang araw o mawala ka sa trabaho? Marami nang supervisor ang nakakapansin na daig mo pa sila kung magpahinga. Ni hindi mo natatapos ang kalahati ng lamesa sa loob ng tatlong araw, anong suswelduhin mo nun? Wala. Masyadong mababa ang gawa mo, Chippy."
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Kaninis! Tama nanaman siya!
Napansin ko lang, ang cool din pala niya. Ang galing niya mag explain. Naiintindihan ko kahit papaano. Isa pa, ang dami niyang alam. Which is nakakatuwa dahil nalalaman ko yung mga hindi ko pa alam.
Nilingon ko siya.
Una ko na namang napansin yung labi niyang malusog. Ang sexy tignan nun, tapos may hiwa pa sa ibabang labi.
I really really findi it sexy lalo na pag may hiwa yung ibabang labi. Ewan ko, ang sexy kasi talaga tignan. Tapos isama mo pa yung pagiging moreno niya..
Hindi ako nag kaka crush dati dahil alam ko naman na walang magkakagusto sa akin sa school..weird nga kasi ang bansag sa akin, witch, at alien. Kaya wala talagang nagkakagusto sa akin. Okay lang naman sa akin yun.. Okay lang.
Pero ngayon.. Parang nagiging crush ko na si Romulo..
Mabilis kong iniwas ang tingin ko ng bigla siyang lumingon.
Sheba! Umabot ata yung mga sinasabi ko sa utak ko sa kanya..
Narinig kong ngumisi siya pero hindi ko na liningon.
"Nandito na tayo." aniya
"Ha?" takang tanong ko. Saan daw?
"Sa bahay ninyo nila Ila,"
Nilingon ko yung tinitignan niya..Oo nga.. Nandito na kami. Nahlakad na ako papunta sa maliit na gate ng apartment. Papasok na sana ako ngunit naalala ko bigla si Romulo kaya nilingon ko siya.
Nanatili pa rin siyang nakatayo at nakatanaw sa akin.
"Salamat sa paghatid! Huwag mo na akong susungitan bukas ha?!" kaway ko.
"Susubukan ko." balik na sagot niya at ngumiti.
Nanlaki ang mata ko, ito ang unang pagkakataon na ngumiti siya!
Kaya kahit anong pigil ko ay hindi ko naman napigilan ay napangiti rin ako.
"Okay.. Salamat ulit.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top