Kabanata 26

Kabanata 26

Maaga pa ay bumangon na ako para makasabay kina Ila sa pag pasok. Nang makarating nga kami sa pabrika ay iilan pa lang ang naroon dahil madilim pa naman at alas singko pa ang umpisa ng trabaho. Kaya ng paalam muna ako kina Virgie na pupunta muna ng canteen para makainom ng kape.

May iilan akong mga nakakasalubong pero wala namang usap na naganap. Masyadong seryoso ang mga hitsura nila. Nararamdaman ko sa kanila yung vibes ni mamita. Vibes ng lola.

Bumili ako ng kape tsaka umupo doon may pinaka dulo. Yung hindi natatamaan ng elektrikfan. May dalawa kasing elektrikfan dito. Yung may nasa malapit na pintuan at yung isa naman ay nasa gitna. Malaki. Iyon. At isa pa din, may mga nakaupo na doon sa may mga hangin.

Ganito pala sa pabrika. Syempre nga dahil student pa lang naman ako, ay hindi ko alam ang feeling ng nagtatrabaho. Ang alam ko lang mahirap, pero hindi ko pa niintindihan. At ngayon na nararanasan ko na, masasabi ko na mahirap talaga.

Mahirap pero, worth it naman.

Kahit pa na minsan ay inaabot ako ng katamaran ko ay ayos lang, pinagpapatuloy ko pa rin naman. Ngayon ko naiintindihan yung palaging sermon ni mamita sa akin nung hig school ako. Madalas kasi akong umaabsent nun, kung hindi naman ay nagka cutting. Wala lang, mas enjoy ko kasi yun, ang ginagawa ko lang naman tuwing magka cutting ako ay pupunta lang sa ecopark at doon maghapon ko lang tititigan yung mga puno at magagandang halaman.

Nakakarelax kasi.

"May i?"

Napalingon ako doon sa ang salita. Nakita ko na si Ariel pala, may hawak din siyang kape.

"Oo naman..upo ka," sabi ko. Pinagmasdan ko pa kung gaano siya kalinis ngayon tignan sa suot niyang baby blue na longsleeve at itim slacks.

Ang bango niya tignan. Napangiti ako ng lihim..  Mukha siyang amoy strawberry.  Ang fluffy rin niyang tignan tapos pag ngumingiti siya nagiging pa heart shape yung labi niya.

"Thanks!" aniya. Bigla akong angising sa mga iniisip ko. "Aga mo ata?"

"Ha? Ahm.. Maaga lang kasing nagising.." sagot ko. "Tsaka, maaga rin pumapasok sila Ila e,"

Tumango tango naman. Ako naman muling uminom ng kape. Sarap talaga nito, pampagising sa umaga.

"Nakapag usap na kayo ni Romulo?"

"Ah! Oo..okay na kami."

"Bakit kaya hindi ako naniniwala?" aniya at kinatok-katok pa yung lamesa gamit yung daliri niya.  Napanguso ako At hindi na lang nag salita.

Well.. Tama naman siya. Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala e. Sa ugali nung lalaki na yun.

"Knowing, Mulong.."

"Eh! napaka sungit naman kasi niya. Hindi ko na alam yung mga dapat kong sabihin para lang makausap siya ng matino."

"Ganun lang talaga siya.." tawa niya. "But once na makilala mo siya, he's okay naman. Well, masungit pero mabait naman."

"Syempre, kahit nga daga mabait din e!"

"Ikaw talaga.." aniya. "Pagka lunch ninyo pumunta ka sa office,"

Umiling agad ako. "Ayoko. Sususngitan na naman ako nung lalaki na yun e,"

"Sino ba may sabi sayo'ng sa office ni mulong? Sa office ko i mean."

Hindi napigilan tumaas ang kialy ko. "At bakit naman ako pupunta sa office mo?"

"For lunch, Sabay tayo. Hindi pwedeng hindi, okay? Hihintayin kita, Chippy." ayun lang at bigla na siyang tumayo.

Ako din ay napatayo na. Bakit kaya silang mag kaibigan ang hilig mag walkout? Mabilis akong naglakad para mahabol siya.

"Huy!" sabi ko ng mahawakan ko ang braso niya. Palabas pa lang siya ng pinto ng canteen.

"Required ba na mag walk out, after mo mag aya kumain?" hinhingal na sabi ko.

"Hindi naman ako nag walk out. Kailangan ko lang talagang umalis, may meeting pa ako," sagot niya. Napalabi naman ako.

"Okay sige.. Babye!" kaway ko sa kanya.

"Chippy.."  aniya na natatawa pa. "Hinabol mo ako para diyan?"

"Nope! Tatanungin ko lang sana kung saan ba yung office mo?"

"You're so cute... i mean, unang pinto bago yung kay Mulong."

"Okay..pupunta ako later!"

Nandito ako ngayon pasikretong nagmumura at nakatulala sa mga kornik na dapat pang ibalot. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Iniimagine ko na kung paano ko mapupunit yung suot ni Romulo na kulay puting Longsleeve dahil sa galit ko. Talagang nag puti pa siya ah? Di naman bagay! Dapat nag pula siya e, dahil kulay dugo lang ang nakikita ko sa kanya ngayon!

Paano ba naman kasi, kaninang lunch time, hindi ako pinag break ni Romulo dahil daw sa sobrang tambak na yung lamesa ko. Biyernes na daw pero yung ginagawa ko dapat nung lunes pa. Grabe siya! Pinag overtime niya ako, kaninang lunch nga ay hindi na rin nag lunch sila Oliver pero wala e, naawa ako sa kanila at ayoko naman silang idamay sa akin at sa kasamaan ng ugli nitong lalaki na ito Kaya pianalis ko sila at hinayaan na kumain na lang. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, walang laman, tanging kape simula kaninang umaga! Palibhasa kasi siya, sitting pretty lang sa office niya tapos, ayon! Mag kakapera na!

Tinignan ko ulit ng masama si Romulo. Nandito kasi siya at binabantayan ako at  ang mga kilos ko. Grabe, alas dos na ayaw pa rin niya paawat? Ah! Alam ko na! Siguro marami siyang kinain kaninang umaga kaya may laman pa rin ang tiyan niya hanggang ngayon.

Napaka sama ng ugali!

"Bakit ganyan ang tingin mo? Galit ka ba?" tanong niya.

Ha! Siguro nasugatan dahil sa talim ng tingin ko.

"Oo galit ako, bakit?!" nandidilat na sagot ko. Kahit pa hindi ko na siya halos makita dahil sa gabundok na kornik sa harap ko.

"Tapusin mo na yung trabaho mo."

"Ikaw wala ka bang trabaho? Nakatayo ka lang diyan! Sarap ng buhay no?"

"Ito ang trabaho ko."

Tumaas ang kilay ko. "Trabaho mo ang tumayo lang diyan?"

"Trabaho ko ang bantayan ka," aniya. "Kayo.."

"Edi umalis ka dito sa harap ko! Dun ka sa harap ni Aling Buena!"

"Supervisor ako, bakit ako ang inuutusan mo?"

Nakagat ko ang dila ko. Oo nga pala, medyo nakalimutan ko iyon dahil sa sobrang galit.

"Bwisit ka!"

Yun na lang nasabi ko.

"Gawin mo na yung trabaho mo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top