Kabanata 24
Kabanata 24
Hinihingal akong nakabalik sa lamesa. Sinalubong pa nga ako ng tingin ng mga tao roon. Pero nangingibaw yung asar ko doon sa lalaking 'yon! Biruin mo, dalawa na kami ni Ariel pumipilit sa kanya, para pa rin siyang nag dadalaga na babae kung mag inarte, masyadong papilit!
Kinuha ko ang plastic bundle sa ilalim ng lamesa ko. Ilalagay ko na doon ang mga cornik na nabalot ko. Grabe marami na agad akong nabalot na kornik. Hindi ko inakala na marami ka pa lang magagawa kapag galit ka.
Kanina nga ay hindi ko naman inakala na sasabog ako ng ganoon. Medyo nahiya rin ako pagkalabas ng opisina kanina. Tapos naalala ko pa na nandoon si Ariel yung boss namin, hindi na ako nahiya diba? Pero nakaka galit kasi yung ikaw na nga ang nagpapakumbaba, sasabihan ka pa ng sayang lang sa oras? Ang tagal kong nag hintay doon! Kinompose ko pa yung mga sasabihin ko sa kanya, ang attitide niya masyado!
Mamita, sorry ha! Dapat ay nag papakumbaba ako, dahil may kasalanan ako sa kanya pero! Maiksi lang kasi talaga ang pasensya ko..alam kong hindi rason yun pero..ayun yung rason ko. Hindi ko akalain na mas may maiikli pa pala ang pasensya ko.. Ang galing niya mang asar! Pati na rin kila Ila, at isa pa, nag sorry na rin naman ako kanina diba, nasabi ko na. Pagalit nga lang. But atleast, nag sorry pa rin ako.
Napanguso ako.. Para akong tanga ngayon, kung anu ano ang mga pinag iiisip ko. Binibigyan ko pa ng dahilan yung mga nagawa ko kanina. Na imbes na kalmadong makipag usap, ako pa itong nagalit kanina. Inirapan ko yung bundle na hawak ko. Pati bundle nadadamay sa asar ko.
Ang iniisip ko lang ngayon, baka isipin ni Ariel, ay bastos ako sa totoong buhay. Gosh! Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin bakit ako nag kakaganito, ayoko ng tao! Naasar ako! Masyado akong nabibigla sa dami ng tao na nakakasalamuha ko.
Dati ang nakakausap ko lang naman sa akin ay sila Mamita at Lolo. kung may kakausap man sa akin na iba, makikipag away lang. Pero ngayon kasi, ang dami nila..para akong nasasakal sa dami ng tao na kumakausap sa akin hindi ako sanay, nakakapanibago lang. Kaya nga hindi ko alam kung ano ang iaakto ko sa mga tao dito. Hindi ko ala kung tama ba 'tong ginagawa ko sa kanila o ano, biglang gumulo yung mundo ko simula nung dumami yung taong nakilala ko.
"Ms.Chippy?"
Napaangat ang tingin sa kung sinong tumawag sa akin. Nakita ko yung naka kulay puting babae na may sombrero na may hawak na papel, at palinglinga kung saan.
"Sino dito ai Ms. Chippy?" ulit pa niya.
Nagtaka naman ako at liningon si Oli sa kabilang lamesa. Nagtanong nga siya ng 'Bakit' na walang saound kaya nag kibit balikat ako. Dahil hindi ko naman talaga alam kung bakit, at wala akong ideya.
"Sino dito si Ch-"
Tinaas ko na ang kamay ko bago pa man matapos yung sasabihin niya.
"Ikaw?" aniya ng napatingin sa akin. Tumango naman ako.
"Follow me." aniya at nauna nang maglakad.
Ako naman ay sumunod na lang. Hindi ko siya kilala pero based naman sa suot niya ay empleyado din siya dito. Siguro, supervisor ganon? Ewan.
Nangunot ang noo ko ng makilala ang dinadaanan namin. Papunta iyon sa opisina ni Romulo.
"Maam, ano pong kailangan ninyo sa akin?" tanong ko na bago pa man din kami makarating don sa opisina. Para habang maaga ay maka atras na ako.
Tumigil naman siya. "Pinapatawag ka ni Sir, Ariel."
"Pero bakit daw po?"
"Ewan ko. Pero siguro may na violate ka na rules? May alam ka ba kung bakit ka ipapatawag?"
"Wa..la.. po." sagot pero agad din na natigilan ng maalala ang ginawa ko kanina. Wow! Magaling!
Pinilit kong kinalma ang sarili ko. Ayos lang kung anong kahinatnan nito. Kung matanggal sa trabaho edi matanggal, maghahanap na lang ulit.
"Pasok ka na."
"Salamat." ani ko at pumasok sa opisina. Jusko, parang office lang ng dean to, oras oras akong nandito.
Nakita kong nakatayo doon sa may bintana si Romulo, habang si Ariel naman ang nakaupo dun sa inuupuan ni Romulo kanina.
"Good afternoon po." bati ko sa kanila pagkasara ko ng pinto. Nanatili langa ko sa tabi ng pintuan. Hindi na nagtangka pang lumapit. Kota na ako ngayong araw.
"Good afternoon din, Chippy!" napaka warn na bati ni Ariel. Tumayo siya sa upuan niya at lumapit sa akin. Tumagos ang tingin ko sa kanya hanggang likod. Hanggang ngayon kasi ay nakatulala pa rin si Romulo sa may bintana.
"Did you have your lunch?"
Bumalik kay Ariel yung tingin ko. Nakangiti naman akomg tumango, kahot pa ang totoo ay ni tubig ay hindi pa nasasayaran ang bibig ko. Kanina kasi pagkatunog na pagkatunog ng bell ay dito agad ako dumiretso, tapos ayun na nga yung nangyari.
"Good. Makikipag usap na yan. Maiwan ko na kayo dito-"
"Pero oras po ng trabaho ngayon sir.."
"It's fine. Hindi naman malulugi ang kompanya kung hindi ka makakapag balot ngayong araw. Talk to him," aniya at kinindatan pa ako.
"Bro!" hiyaw niya kay Romulo. Napatingin naman ito sa kanya saglit lang at bumaling agad sa akin ang tingin.
Hindi ko maintindihan, may hasaan yata siya ng mata, palagi na lang kasing matulis ang mata niya sa akin.
Tumango lang ito.
"Goodluck." mahinang sabi ni Ariel bago umalis.
Pagkasara ng pinto ay tsaka lamang gumalaw si Ariel, umupo siya doon sa upuan niya. Ako naman ay pinagmasdan lang siya.
Sobrang tahimik sa opisina. Akala mo'y may nagaganap na misa dito. Kaya nga nung nagsalita siya ay napatalon ako sa gulat.
"Umupo ka."
Kinalma ko ang sarili ko. At umiling.
"Hindi na. May naiwan pa kasi akong trabaho sa lamesa ko e." sabi ko.
Mataman lang siyang nakatitig sa akin, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko pero, iwinasiwas ko ang bahagi na yun at mas tinapangan pa ang loob na mag patuloy
"Ang gusto ko lang naman sabihin kanina ay, Humihinye ako ng tawad sa mga masasakit na salitang nasabi ko kahapon. Siguro ay dala na rin ng pagod ay naidamay lang kita sa antok ko. Alam kong mali 'yon. Hindi ko sinasadya na masaktan ka-"
"Sino naman may sabi sayong nasaktan ako?" singit niya sa pagsasalita ko.
Kinurot ko ang daliri ko. "Oh! sorry..hindi ka pala nasaktan. Ahmm..then goods pala! Mabuti naman. I mean, kahit pa. Gusto ko pa rin mag sorry. Yun lang naman ang sadya ko kanina. At..nasabi ko na. Salamat sa pakikinig."
"Babalik na ako sa lamesa k-"
"You like him?"
"Ano?" gulong gulo sahil biglaan niyang tanong.
"Si Ariel, gusto mo?"
"Excuse me?"
"You can't. " tumayo pa siya. "Nakita ko kanina. Ang gaan mo rin makipag usap sa kanya." huminto siya saglit. "Let me guess.. Dahil ba sa siya ang may ari nitong kompanya?"
"Anong sinasabi mo?"
"Apology accepted. Bumalik ka na sa lamesa mo." aniya at nag martsa na naman palabas ng opisina.
Ano daw?
At isa pa, bakit ba palagi na lang siyang nag wowalkout?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top