Kabanata 23
Kabanata 23
Kagat kagat ang labi ay nakatayo ako rito sa tapat ng opisina ni Romulo. Lunch break ngayon at naisipan ko na ngayon na siya kausapin at mag sorry.
Tama si Ila talaga. Napakabobo dun sa part na nang insulto ako ng kapwa ko. Panigurado kung nandito lang ai mamita at narinig niya yung simabi ko kay Romulo, malamang na kick out na ako. Ang palagi kasing dahilan ni mamita ay kung hindi mo kayang pigilan na manakit, manakit ka na ng pisikal, dahil ang pisikal ay gagaling din naman pagkatapos ng ilang araw o buwan. Pero kapag nanakit ka gamit ang salita o emotion, yun daw ang mahirap pagalingin, dahil babalik at babalik daw yun sa taong pinag sabihan mo, everytime na pipikit sila.
Kaya ayun.. Hihinye ako ng tawad sa kanya. Hindi ko lang alam kung tatanggapin niya ang sorry ko, pero bahala na!
May 30 minutes break naman kami kaya okay lang na hintayin ko siya rito. Kanina kasi ang sabi sa akin ni Virgie ay may meeting daw ang mga bosses. Pero kanina pa yung umaga kaya sigurado ako na tapos na yun.
Huminga muna ako ng napakalalim bago kumatok sa pinto ng opisina niya. Pagkatapos ng apat na katok ay bumukas naman ang pintuan.
Pero hindi naman siya yung taong inaasahan ko..
"Hi, may kailangan ka miss?" tanong nung lalaki. Nakaangat pa ang kamay ko kaya binaba ko ito.
"Ahm.." sinilip ko ang loob ng opisina.. Ito naman yung pinasukan ko kahapon ah? Pero bakit yung may ari ang nandito?
Si Ariel kasi yung nandito. Yung anak ng may ari. Siya yung nag bukas ng pinto..
"You need something?" sabi niya ulit at bahagya pang yumuko para sumilip sa akin..
Napailing ako. "Ah..kasi..po hinahanap ko lang si Romulo- i mean, sir Romulo po."
"Ah! si Romulo? Wala siya dito ngayon, may inutos kasi ako sa kanya kanina. Well.." aniya at tuningin sa relong pang bisig. "..parating na rin yun, ngayon. Pumasok ka na, dito mo na siya hintayin."
"Ah, hindi na ho, babalik na po ako sa lamesa ko." sabi ko at tatalikod na sana ng hawakan niya yung kamay ko.
"No, maaga pa naman. Lunchbreak niyo pa hindi ba?"
Tumango ako.
"Dito mo na siya hintayin. Mukhang importante yung sadya mo sa kanya." hinila na niya ako papasok sa loob.
Tinila ko ang buong likod niya. Tangkad niya. Kung matangkad si Romulo ay mas matangkad ang isang to.
Tisoy rin itong isa na to, at medyo singkit ang mga mata. Ang buhok naman niya ay yung trasher na tinatawag. Nababaduyan ako sa hairstyle na 'yon, at ngayon lang ako nakakita ng taong binagayan ng hairstyle na yun. Si Sir, Ariel.
Napatingin din ako sa napaka perpekto niyang polo na kulay pink na wala man lang kagusot gusot. Ang haba niya rin tiganan sa suot niya na slacks.
"Maupo ka muna," turo niya dun sa inupuan ko kahapon. Inusog pa nga yung upuan Para makaupo ako.
"Salamat po.."
"You're welcome." ngiti niya at umupo don sa inupuan ni Romulo kahapon.
"Ano ba ang kailangan mo kay Mulong?"
"Po?" tanong ko ng hindi ko maintindihan ang sinabi niya.
"Ah! Mulong kasi ang madalas na tawag namin kay Romulo. Para maikli, wait, kausap na kita pero hindi ko pa rin alam ang pangalan mo,"
"Ako si Chippy Samonte."
Tumango naman ito at naglahad ng kamay. "Ako si Ariel Tang."
Inabot ko rin ang kamay ko.
"Nice to meet you po."
Napalingon ako ng bigla na lang bumukas ang pinto. Magkahawak pa rin kami ng kamay ni Sir.
Nilingon ko 'yong pinto...
Nanlaki ang mata ko. Si Romulo.
Bigla akong kinabahan.
"Oh, dumating ka din, Mulong! Nandito si Chippy, kanina ka pa hinihintay.." sabi ni Sir. At tumayo. Hinila ko naman ang kamay ko ng hindi la niya ito binibitawan.
Napabaling sa akin si Romulo na wala namang reaksyon ang mukha pero matulis ang tingin.
Kanina lang ay nakahanda na ang mga sasabihin ko, alam ko na rin ang mga salita ko. Naka plano na lahat, pero bakita ngayon na dumating na siya, bakit ako kinabahan? Pinilit kong lunukin ang laway ko kahit pa may nakabara.
"Ayan na ba ang mga foods natin?" sabi ni Ariel dun sa likod ko, kaya saglit na bumaba ang tingin ko don sa supot na bitbit niya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong tumango lang siya habang nakatitig pa rin sa akin.
"Bakit ka nandito?" mababang boses na sabi niya.
Hindi ko maintindihan pero biglang nanlambot ang mga tuhod ko. Sa sobrang kaguiltihan ko ay hindi ko na alam ang ikikilos ko ngayon na nasa harap ko na siya.
"Ahm...an-o.." kinurot ang daliri ko. Baka sakaling makatulong na mabalik ang kompiyansa na meron ako kanina.
"Chill lang Mulong.. may sasabihin yatang importante sayo si Chippy!" si Ariel na pumunta pa sa tabi ni Romulo at inakabayan ito kaya napatingin ako kay Ariel. Ganon din si Romulo bago tbumaling sa akin.
"Anong sasabihin mo?"
Nakagat ko ang labi ko.. para akong dahon na dinikitan ng shoe glue. Hindi na ako makagalaw sa pwesto ko. Gustuhin ko mang magsalita ay nawala na sa labi ko ang mga ito. Parang mas mauuna pa atang lumabas ang luha ko bago ang salita. Nakita kong ngumiti si Ariel. Tila ba sinusuportahan ako upang mag salita na.
"Gus..to ko sana na..mag usap tayo.." gosh! Sa wakas nakapag salita na ako, pero hidni pa rin naman iyon ang gusto kong sabihin!
"Para saan?"
"Ahm...tungkol du..n sa nangyari ka-hapon.."
"Ano bang ang nangyari?" kuryosong singit ni Ariel
Nilingon siya ni Romulo at inabot dito ang supot na hawak. Umiling. "Wala lang iyon." sagot niya dito.
"At ikaw." baling niya sa akin. "Wala akong oras mamaya para makipag usap, marami akong gagawin. At isa pa, 12:36 pm na, tapos na ang lunch break ninyo, bumalik ka na sa lamesa mo." aniya at dumiretso sa upuan niya. Naiwan naman na naka hang ang braso ni Ariel sa pag alis ni Romulo.
Sinundan ko siya ng tingin. Nagbabasa na siya ngayon ng kung anong papel sa lamesa. "Pero..sag..lit lang naman.."
Napatigil siya at tinignan ako ng mariin. "Kahit isang segundo pa yan, wala akong oras."
Tinitigan ko lang siya habang nagbabasa siya. Mukha nga ata siyang nagalit sa sinabi ko kahapon. Well, sino bang hindi? Sobrang nagiguilty na talaga ako. Pakiramadam ko anytime pwede na ako nga maiyak dito..ang bigat kasi sa dibdib ko lalo pa at alam ko na nasaktan ko talaga siya.
"Common, Mulong!" sabi ni Ariel na nakatabi na pala sa akin. "Masyado pang maaga para bumalik ka sa trabaho mo, 1 o'clock pa ang work natin, kausapin mo na Chippy, at kakain pa naman ako." aniya pa at kinidatan ako ng patago bago umupo at buksan ang supot na dala.
Napangiti naman ako. Nasisiyahan sa ginagawa niyang pagtulong sa akin na kumbinsihin ang isang yun.
"Sayang ang oras." nawala naman ang ngiti ko sa sinabi ni Romulo. Ganoon din si Ariel. Para akong nalaglag sa upuan.
"You're mean." si Ariel na nawala na rin ang ngiti sa labi. "Tao siyang sinadya ka pa rito, ilang minuto lang naman ang hinhinye niya."
"Marami akong gagawin ngayon, Ariel, alam mo yan."
"Para ka namang babae!" hindi napigilan na hiyaw ko sa kanya. Dahil hindi ko na kinakaya yung kaartihan niya! Kanina pa ako nagpapkumbaba rito, pero parang hindi naman niya nakikita iyon! Nag iinarte pa siya. Oo nga, may kasalanan ako, pero kasi.. Naaasar na ako sa kaartihan niya!
Parehas silang napatingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Pumunta ako rito para makausap ka! Dahil gusto kong mag sorry sa mga nasabi ko kahapon! Ayan! Ngayon, sasabihin ko sayo.. Sorry! Okay! Hindi ko minimean yung nasabi ko sayo kahapon! Sorry!" yumuko pa ako sa harap niya. Nakahawak ako sa tuhod ko. "Ayan! Nasabi ko na sayo! Okay na ko! nailabas ko na yung nasa dibdib ko..aalis na ako!" parehas silang gulat na gulat sa salita ko napanganga pero.. wala akong pake! Nag martsa na ako paalis doon at bumalik na sa lamesa ko.
!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top