Kabanata 22
Kabanata 22
Habang nag piprito ng galunggong ay patuloy ko pa rin na iniisip yung nangyari kanina. Ang weird lang kasi ng napuntahan ng usapan namin.. Napunta kami sa equality, which is for me, napakalayo sa totoong pinag uusapan namin. Medyo naguluhan lang ako, dahil ramdam ko yung poot niya.
Well, aaminin ko rin naman na..medyo below the belt naman yung nasabi ko kanina na ni 'lang' ko lang yung position niya. Tapos ainabihan ko pa siya ng sensitive, samantalang ako naman yung naunang naging sensitive. Eh, sa totoo naman kasing kabastusan yung sinabi niya e. Pero naisip ko rin na, siguro nga ay na offend din siya sa paraan ng pagtitig ko sa kanya. At narealize ko rin na, hindi mo nga naman owedeng diktahan ang nararamdaman ng isang tao. Kung naoffend siya, na offend siya. Period. Wala akong karapatan na kwestiyonin siya, kung bakit. Sarili niya yun e, parehas din ng hindi niya pag kwestiyon sa akin.
"Huy! Ang layo ng tingin mo.."
Napalingon ako kay Ila, na inagaw sa akin yung sanse at siya na yung nagbaliktad sa mga ito.
"Ila," tawag ko sa kanya habang nag lalagay siya ng panibagong ipiprito sa kawali. "Kilala mo ba yung Romulo?"
"Oo naman, isa siya sa mga boss natin." sagot niya at binaba na ang samsi bago ako hinarap. "Bakit?"
"Akala ko kasi talaga siya yung boss.."
"Ngayon na nalaman mong hindi, ano meron? Nabawasan ba yung respeto mo sa kanya?"
"Wala naman, Ila. Natanong ko lang." sabi ko at muling inagaw sa kanya yung sanse. "Ako na.."
Nakita kong tinitignan pa ako ni Ila, pero iniwas ko na alng yung mata ko. Kahit pa nga hindi pa luto ang isda ay binaliktad ko na ito.
Tinulungan ako ni Virgie mas ayos ng kainan. Pinatawag pa nga niya sa akin sila Ila at Oli sa kwarto. At nalaman ko rin na, nanliligaw pala si Oli kay Ila. Ang galing. Hindi ko napansin yun ah, nalaman ko lang dahil sa kadaldalan ni Virgie.
Madaldal kasi si Virgie at mataas ang energy. Samantalang si Oli naman ay typical na lalaki, matigas at mabait. Si Ila naman, para siyang si Mamita, bilang ang kilos at medyo masungit.
"Nga pala, ang akala pala nito ni Chippy ay si Romulo ang may ari ng pabrika."
Sabi ni Ila habang kumakain kami, kaya napatigil ako sa pag subo ng kutsara ko.
"Talaga? Ngunit hindi ba at sinabi ko na iyon sayo dati?" si Virgie. "Pero alam mo.. Kung tutuusin, amo pa rin naman natin si Romulo. Kasi assisstant siya ng May ari."
"Sabihin mo nga sa akin Chippy," ani ni Ila at tinignan ako ng seryoso. Ewan ko ba, feeling ko everytime na kausap ko si Ila, kausap ko rin si Mamita. Para kasi siyang si Mamita.
Yung tulis ng mata niya tuwing kinakausap ako, yung tono ng boses niya pati yung yung way ng expressions niya, mamita'ng mamita.
"Ano ba ang nangyari kanina nung pinapunta ka sa office? May nangyari ba sa inyo?"
"Wala naman.." iling ko. "Ka..nina kasing uwian..ano.." hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila? Alam ko naman kasi na hindi sila matutuwa sa sinabi ko kay Romulo kanina.
Tsaka kahit sino siguro, kahit pa na kaibigan nila ako ay alam kong hindi naman nila ako kokonsintihin. Alam ko naman na mali naman talaga yung nasabi ko dun sa lalaki. Maging ako naman ay nagulat kung bakit ko iyon nasabi. Ayoko ng idahilan yung antok ko, tanggap ko na kabastusan yung ginawa ko kanina.
"Paumanhin, gusto kong baguhin yung tanong ko. Gusto kong malaman kung anong ginawa mo kay Romulo?"
Napanguso ako. Para nga siyang si Mamita talaga. Nararamdaman ko rin yung kaba, everytime na mapapapunta ako sa office. Napabuga ako ng hangin.
"Kani..na.. kasi, ano.. Hindi ko naman sinasadya talaga, nadala lang ako ng emosyon ko.."
"Ang dami mong sinasabi, diretsuhin mo na," si Ila.
"Ila hayaan mo nga lang siya mag kwento." si Virgie naman. Tagapag tanggol ko.
"Sige." ani ni Ila, at sinawsaw sa toyo yung isda bago kinain.
"Kanina kasi..ano.." napayuko ako, hiyang hiya sa nasabi kanina. "May masama akong n-asabi sa kanya."
"Ano yung masama?" taas na kilay ni Ila.
Shezz.. Bakit parang pakiramdam ko nasa office ako ng dean?
"Na..katulong lang siya.. ng..may ari.."
"Hala.." si Virgie na hindi rin makapaniwala.
May narinig ako lapag ng baso kaya ako napatingin kay Ila.
Masama yung mukha.
Well..
Bad naman kasi talaga yung bunganga ko..
"Bakit mo naman sinabi sa kanya yun? Eh, kung tutuusin, tayo nga yung matatawag na katulong dahil utusan nila tayo. Tayo yung gumagawa ng mga trabaho nila. Habang sila, nasa opisina lang nakaupo, pero kumikita pa rin ng pera.. Ikaw ang katulong Chippy."
"Ila," pigil ni Oli.
"Bakit? Totoo naman yun." nakangiting sagot ni Ila, pero matalim pa rin ang tingin. Mukha yatang hindi niya nagustuhan yung nagawa ko.
Siguro kung iba iba lang, sasagutin ko siya..kaso.. Alam ko rin naman kasing mali yung nagawa ko. Wala akong karapatan mag dahilan dahil mali talaga. Wala akong pwedeng sabihin na salita para maipag tanggol ang sarili ko.
"Diba? Alam mo, kahit pa hindi ako yung nasabihan mo ng ganon, nakakagalit pa rin. Biruin mo, ininsulto mo yung taong nag susumikap lang na mag trabaho. Tinapakan mo lang yung trabaho na bumubuhay sa pamilya niya. So kumusta ka naman ngayon? Yumaman ka ba nang insultuhin mo siya?"
Umayos ako ng upo. Tanggap ang kamalian. "Sorry na..alam ko naman na mali yung nagawa ko."
"Talaga?" aniya na nakataas ang kilay. Tumango naman ako. "Anong gagawin mo bukas?"
"Hihingi ako ng sorry sa kanya.. bukas."
Pagkasabi ko non ay nakita kong gumaan na ang mukha niya. Para bang nakahinga na.. Hindi na siya tulad kanina na parang tigre na may nakitang karne.
"Naiintindihan mo ba kung bakit ako nakaramdam ng galit sayo?"
"Oo..Ila, naiintindihan ko. Mali naman kasi yung nagawa ko. Hayaan mo bukas, hihinye ako ng tawad sa kanya. "
"Hmm..dapat lang.. Kung babawasan mo lang sana ang pagiging masungit at sobrang katapangan mo, ay paniguradong mag kakasundo kayo ni Romulo."
Humugot ako ng malalim na hinga. Oo nga at mag sososrry ako kay Romulo. Pero ang problema ko ngayon ay, kung paano?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top