Kabanata 2
Kabanata 2
HINDI pa man din pinapatawag si Chippy sa Office ng dean, ay doon na siya dumiretso pagka galing sa canteen.
Dahil alam naman niya kung saan ang patutunguhan nito. Nakipag away siya sa canteen kung saan maraming mata ang nakakita, tapos nandoon pa yung Sc president, ano pa bang inaasahan niyang mangyaring iba? Syempre wala na. Kaya diretso na siya dito para hindi na rin maghirap ang mga student council kakahanap sa kanya.
"Ms. Samonte.." ani ng dean na natigil sa pag aayos ng papel pagpasok ni Chippy.
"Goodmorning, dean." bati niya.
"What can i do for you miss? Take a sit first." ani nito at tinanggal pa ang suot nitong salamin. Medyo may katandaan na rin kasi ang kanilang Dean. Sa ayos nitong naka dilaw na floral na teacher dress ay maaari mong maamoy ang pabango ng lola mo sa pagtingin pa lang dito. Sa linis nitong tignan ay talagang nag susumigaw ito ng pagrespeto. at bakas rin sa mukha nito ang pagiging strikta.
Pero sa ilang beses nga nilang pagtatagpo nito, ay sanay na si Chippy. Buwan buwan siyang nag aatendance sa notebook nito.
Maingat naman na sinunod ni Chippy ang sinabi nito at dahan dahan siyang umupo sa harap na upuan nito.
Tinignan niya ito ng diretso sa mukha. Bago humugot ng hininga pampalakas ng loob.
"Nakipag away po kasi ako, madam." maayos na sabi ni Chippy. Hindi naman ganoon nagbago ang hitsura ng kausap nito. marahil ay sanay na at inaasahan na nito iyon. Pagpasok pa lamang niya ng opisina.
Isang beses pa niyang kinurot ang daliri niyang nagtatago sa ilalim ng mesa nito pampatibay ng loob.
Tumango ito pagkatapos ng ilang saglit. "Inaasahan ko naman na 'yan. Now, sabihin mo sa akin kung bakit.."
Napayuko naman si Chippy sa sinabi nito. Iniisip niya kung ano ba sa nangyari kanina ang sasabihin niya? Yung binuhusan ba siya ng champorado o yung nanggulpi siya?
"Miss, Samonte." tawag ng madam ng hindi nagsalita si Chippy.
"Napikon lang po ako kanina sa ginagawa nila sa akin." sagot nito. "Hindi na po ako nakapagtimpi."
Ayaw man ni Chippy na magtunog nagsusumbong siya sa kanyang nanay, ngunit ayun ang lumalabas sa kanyang bibig. Ayaw ni Chippy na magmukha siyang mahina o nangangailangan ng atensyon. Gusto niyang malakas at nakakatakot ang dating niya. At mas gugustuhin pa niyang mag isa kaysa, magpatulong at kaawaan.
Nang hindi mag salita ang dean ay tinignan niya ito saglit. Animo'y nanghihintay pa ito ng susunod niyang sasabihin.
"Lalo na po nung hinawakan nung isa yung dibdib ko.." napahinang sabi ni Chippy ngunit rinig na rinig ito ng dean.
Nagsalubong ang kilay ng matanda sa narinig. Ang akala niya'y simpleng away lang ang napasukan ng dalaga, ngunit mas matindi pa pala roon.
"Hinawakan ang dibdib mo?" ulit ng matanda.
"Ayos ka lang ba?"
Hindi na rin sumagot ang dalaga bagkus tumango na lang bilang sagot.
Huminga muna ng malalim ang matanda at kinalma ang sarili bago nagasya.
"You can go now, miss Samonte."
"Po?" gulat na tanong ni Chippy dito. "Hindi niyo po ako isususpend? Or bibigyan ng parusa?"
Hindi napigilan ng matanda na ilukot ang mukha sa naging tanong ng dalaga. "Bakit naman kita bibigyan ng parusa?"
"Dahil po nakipag away ako."
Umiling ang Dean at binigyan siya ng isang ngiti na komportable.
"Para sa akin ay hindi ka naman nakipag away miss Samonte. Pinagtanggol mo lamang ang iyong sarili. Hinarass ka ng mga 'yon, kaya self defense ang ginawa mo at hindi pang aaway. At sasabihin ko sayo.. Sa susunod na mangyari ulit ito, ay pinapayuhan kita na ipagtanggol mo ulit ang sarili mo, at huwag mong hahayaan na maharass ka ng kahit na sino. Walang mali sa ginawa mo, believe me."
"Makakaalis ka na. Miss." sabi pa ulit nito at binigyan siya ng magaan na ngiti.
Tinanong lang siya nito kung sino ang nakakita sa nangyari at sinabi niyang ang Sc president ang nakakita at umawat sa nangyari. Pagkatapos nun ay hindi na ito nagtanong pa.
"Salamat, madam.." Ani Chippy at tumayo na lalabas na sana si Chippy ngunit tinawag siya ulit nito.
"Apo.."
Pagkaharap niya rito ay nakatayo na ito at papalapit sa kanya.
Napalunok si Chippy.
Pagkalapit nito ay hinaplos nito ang kanyang mukha at ngumiti.
"Alam kong sinabihan kita na iwasan ang pakikipag away. Pero kung sumusobra na, hindi masama ang lumaban."
"Opo, mamita.." tango ni Chippy bago niyakap ng mahigpit ang kanyang lola.
Apo siya ng dean. Lumaki kasi si Chippy na kasama ang kanyang lolo at lola, dahil ang kanyang mga magulang ay nasa ibang bansa at doon na nagtatrabaho at nakatira. Gusto ng mga ito na doon na siya tumira at ipagpatuloy ang pag aaral ngunit, ayaw ni Chippy na iwanan ang kanyang lolo at lola kaya, nanatili siya dahil mahal na mahal niya ang mga ito. Ito ang nag alaga at nagpalaki sa kanya. At kung aalis man siya sa piling ng mga ito, sino na lang ang makakasama nila kung umalis pa siya.
Magaan ang loob na umalis si Chippy sa opisina ng dean pagkatapos ng pag uusap nila ng kanyang mamita.
Kinagabihan pagkatapos nilang maghapunan mag lolo ay maaga na silang nagpahinga. Magaan ang araw niya ngayon kaya mabilis lang siyang nakatulog.
Maaga siyang pumasok sa eskwela dahil mag lilinis pa siya sa school. Nakipagaway din kasi siya nung nakaraang buwan at ito yung naging parusa niya sa pambubugbog niya sa ka eskwela niya.
Well, hindi naman niya iyon kasalanan. Tulad nang nagyari kahapon ay pinagtripan din siya nun, ang pinag kaiba lang ay hindi siya hinwakan. Pero nabugbog pa rin niya ito, hindi nga lang ganon katindi tulad kahapon. Kahit naman kasi apo ng dean, ay hindi siya nakakaligtas sa pag didisiplina nito sa mga estudyante. Dean ito sa eskwelahan at mamita niya sa kanilang tahanan.
Pikit pa ang isang mata ay dumiretso na si Chippy sa Kubeta para maligo. Mag iisang linggo na rin siyang ganito kaaga gumising. Alas singko ng umaga. dahil pag 5:30 na dapat nasa eskwelahan na siya at nag uumpisa ng mag walis. kahit ayaw niya ay pinilit na niya ang katawan niya dahil ito na rin naman yung huling araw na mag wawalis siya.
Suot suot ang itim na dress niya na pinatungan niya ng denim jacket ay lumabas na siya. Naabutan pa niya ang kanyang lolo na nagkakape sa labas.
Binati niya muna ito ng magandang umaga bago nag paalam at umalis.
Pagkadating sa eskwelahan ay agad siyang pinapasok ng guard.
"Chippy sa area 7 ka daw mag linis ngayon." sabi ng guard sa kanya. Pagkaabot nito ng dustpan at walis na may sako. "Medyo malinis na ang lugar na 'yon dahil hindi naman naaabot ng mga studyante ang lugar. Pagkatapos mo daw don dumiretso ka ng canteen para ayusin ang mga lamesa. pagkatapos mo naman don-"
"Kuya, pwede pong hinay hinay lang? Napakaaga pa po.." napapakamot na reklamo ng dalaga.
Natawa naman ang guwardiya na si Roldan sa sinabi ng dalaga.
Matagal na siyang guwardiya sa eskwelahan na ito at hindi ata pumapalya ang batang dalaga na ito, kada buwan na mag linis. Kaya nga nakilala niya ang batang ito dahil madalas niya itong nakakakuwentuhan at madalas niya rin na naririnig na halos araw araw nga daw itong napapaaway. Na pinagtatakhan niya dahil wala naman sa hitsura ng dalaga ang palaaway. Mukha itong anghel, anghel na laging nakasuot ng itim na damit.
"O siya, sige.. Basta pagkatapos mo doon.. Pumunta sa faculty room, ayusin mo daw yung files doon."
"Okay po.." ani Chippy at agad na dumiretso sa Area 7.
Ang area 7 na tinatawag ay ang parte sa eskwelahan kung saan naroon ang mga engineers. Dahil building nila 'yon.. Pero hindi doon mag lilinis Chippy kung hindi sa maliit na kwartong nasa likod ng building kung saan nakatambak ang mga papel ng school.
Pagkarating niya roon ay bitbit niya ang dustpan at tingting. Kaya ng makitang may nakaharang na kahoy na animo'y ni lock sa pintuan ay talagang hindi maiwasan ni Chippy ang makaramdam ng inis. Madami na nang gagan, dinagdagan pa.
Padabog niyang inayos ang strap ng kanyang bagpack bago ilapag ang mga hawak sa sahig.
Dagdag trabaho pa! Sabi niya sa loob loob niya.
Hindi rin maintindihan ni Chippy kung bakit kailangan pang ipalinis ang lugar na ito. Samantalang wala namang kalat dito.
Hihikain lamang siya dito.
"Dagdag trabaho pa.." bulong niya sa sarili habang winawalisan ang pintuan. Napakarami kasing alikabok non.
Inihanda na niya ang kaniyang sarili para mabuksan ang pintuan. Buong lakas niyang hinila ang manipis na kahoy na nakapako sa magkabilaan ng pinto.
Matagumpay niyang naalis iyon, ngunit napadaing siya ng maramdaman ang napakaliit na kahoy na pumasok sa kanyang balat sa daliri.
"Bwisit naman oh!" aniya at mabilis na iwinasiwas ang kanyang kamay na nasugatan.
Saglit siyang umupo sa gilid at kinuha ang nailcutter na nasa bag niya.
Humahapdi iyon tuwing nasasagi ng nailcutter niya kaya nasisira ang mukha niya sa pagdaing dahil don. Yung feeling na napakaliit lang naman niya pero ang tindi manakit. Kainis!
Ilang sandali lang ay matagumpay naman niyang naalis ang maliit na kahoy.
Tatayo na sana siya ngunit napatingin pa siya ng may lumabas galing likod ng area 7.
Mag boyfriend.
Inaayos pa nga ng babae ang buhok niya, samantalang ang lalaki naman ay inaayos ang sinturon.
Natigigil ang dalawa ng makita si Chippy.
"Oh ano?" tanong ng babae sa kanya.
"Hayaan mo na yan baby.." ani nung lalaki at hinalikan pa ito sa leeg bago hinila paalis doon.
"Grabe..wala man lang pang sogo? Dito talaga sa school?" di mapigilang sabi ni Chippy pagkaalis nung dalawa. "Ang cheap."
Tumayo na siya at bunuksan na ang pintuan.
Bumungad sa kanya ang maalikabok na kwarto at mga sirang locker na naroon. Magulo pa ang pagkakaayos nun. Maging ang tatlong kahon doon na nag uumapaw na papel. Hindi ko alam kung bakit naman napakaraming ganito dito. Hindi ba dapat dinisposed na nila ito?
"Naknang tokwa naman.." aniya at pumasok na lang. Dahil wala naman siyang choice.
"Paano ko 'to lilinisan?" tanong ni Chippy sa sarili.
Napailing na lang siya. Inumpisahan na niya ang pag lilinis, inuna niya muna ang mga papel sa kahon.
Kinukuha ang mga papel na naabot na ng mga anay at inihiwalay ito sa wala.
Ilang sandali pa lang ay narinig na ni Chippy ang ingay ng mga ka eskwela niya. Ibig sabihin marami nang tao ngayon sa loob. Mabuti na lang at tago rin itong lugar na ito. Walang iistorbo sa kanya sa pag lilinis.
Ngunit mabuti na lang ay alas nuebe pa naman ang start ng klase niya.
Nang mabahing ng isang beses si Chippy ay tsaka niya lang tinigilan ang pag aayos ng mga papel.
"Ayoko mag mura.. pero tang ina, ang dirty, Huh!"
Napatayo na rin si Chippy at nag pasiya na lang na walisan ang harap ng locker. Maalikabok kasi.
May mga lock ang iba sa mga ito. Yung iba naman wala.
Matagal na kasi itong school na 'to. Kaya ng may makitang design sa locker no.17 na nakasulat ang "1882 MIV" ay hindi na siya nagulat.
At sa mismong locker na iyon ay walang padlock 'yon.
Naunahan ng kuryosidad ay binuksan niya 'yon...
"Wala naman sigurong makakaalam na buuksan ko 'to no?" aniya sa sarili
Nginit biglang may lumipad na ipis kaya napaiwas siya at na out of balanced at bumagsak ang puwitan sa sahig.
"Aray.." daing niya. Hinagod pa niya ang kanyang puwitan. "nyemas na ipis to! Bigla bigla na lang sumusulpot!"
Nang maibsan ang sakit sa pwet ay tsaka lang siya tumayo.
Pagkaharap niya ulit doon sa locker ay wala naman laman iyon maliban sa nakita niyang wallet. Nakasiksik sa pinaka gilid.
Kunot ang kanyang noo'ng kinuha niya 'yon.
Isa 'yong kulay itim na wallet na lumang luma na.. Nagbabalat na nga rin ang ibang parte nito.
"Wala naman na sigurong may ari neto no?"
Kausap niya sa sarili bago nagpasiyang kuhanin 'yon.
Tumaas ang kilay nito at umupo. Pinagpagan muna niya ang wallet..
Maya maya lang ay nabasa niya ang nakasulat dito..
Seiko..
"Ay..akala ko naman pangalan.." sabi nito
Nang buksan niya 'yon ay halos mabulag na si Chippy sa sobrang liwanag na bumungad sa kanya...
Sa takot ay pinipilit pa niya 'yong alisin sa kanyang kamay ngunit hindi niya magawa para bang ayaw siyang layuan nito. Pinagpag na niya ang kamay niya, hinagis na sa ere ay nandoon pa rin ito, Kahit anong pilit niya ay ayaw talagang matanggal. Winasiwas na niya ang kamay niya at pinagpag ito ngunit wala pa ri'ng epekto!
Sa hindi maintindihan na dahilan.. maya-maya lang ay nawalan na siya ng malay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top