Kabanata 18

Kabanata 18.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal tulog pero..nagising na lang ako dahil sa malakas na tugtog galing sa kung saan..

Para siyang tugtug ng mga istorbo, i mean, nangangandidato..

Pero naisip ko na baka mali lang? Paano naman magkakaroon ng tugtog dito? Eh, wala namang kuryente sila aling nora pati ang buong bayan ng albay. Baka nananaginip lang ako..

Pero habang pinipilit ko'ng bumalik sa pagtulog ay hindi ko magawa. Pagkapatos kasi ng isang kanta ay panibagong kanta naman ang papalit..

Pikit pa ang isang mata ay bumangon na ako. Baka sila Gema lang 'yon. Nakahanap ng bagong mapag lalaruan.

Maaga pa siguro..hindi ko pa naririnig ang mga ingay ni Gema at Agi. Tulog pa kaya sila?

Sisilipin ko sana sila sa papag nila ng bigla akong napamulat ng malaki. Anak ng tokwa! Nasa pilipinas pa ba ako?!

"Tang ina, nasaan ako?" nilibot ko ng tingin ang paligid.  Ibang lugar 'to..

Nyeta, hindi 'to pamilyar sa akin.. Hindi ko kilala ang lugar na 'to. Wala ako sa kubo na tinulugan ko kagabi.

Kumabog ang dibdib ko.. Nasaan ako? Hindi pamilyar sa akin yung lugar..At sigurado akong wala na rin ako sa bahay nila Aling nora, at isa pa, may kuryente na rito! May elektikfan pa! Teka nga, nasaan ba ako? Nasaan sila aling nora?

Niilibot ko ang paningin ko, mwdyo mabato na rin ang bahay.. Maliit lamang ito ngunit mas moderno na itong tignan kumpara sa bahay nila aling nora. Apartment lang ang istilo niya pero..hindi rin naman ganoon kaliit.

Mabilis kong binuksan ang pintuan. At bumungad sa akin ang Ingay ng mga tao sa labas.

Ibat ibang boses ang nagsasalita, may iilang kababaihan naman naglalaba sa daan. May mga bata pa na naghahabulan at mga walang damit...mayroon rin na grupo ng mga lalaki na may nilalagari sa gilid.

Hindi ko alam kung ano ng hitsura ng mukha ko ngayon..palagay ko ay para na itong dyaryo na patapon. Lukot masyado. Wala ng mapaglagyan ang mga tanong sa isip ko.. Nasaan ba ako?! Kagabi ay natulog lang ako, pag gising ko nasa kabilang mundo na ako, at nandito na agad ako sa lugar na hindi ko alam kung saan!

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at maingat na nilabas ang ulo para makasilip pa ng kaunti..

Napatigil ang iilang tao dahil sa pag silip ko..

Para bang may nagawa akong mali at sabay sabay nila akong tinignan na para bang alien ako at kakaiba.. napaatras ako ulit kaunti pabalik sa loob..wait! mali yata na lalabas ako. Hindi ko sila kilala, ako lang mag isa.. baka mamaya..

Napatingin ako sa mga batang naglalaro na natigil din dahil sa akin.

Ano? Bawal na ba sumilip? Lord naman oh! Ano ba 'to? Nasaan na naman ako?!

Napalunok ako habang nakikipagtitigan sa kanila.. Nakita kong naglakad palapit sa akin ang lalaking kanina ay naglalari..

Napaatras pa ako ng isang hakbang papasok.. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang isara yung pinto para bang tanga ay hindi ko man lang naiisip iyon sa mga oras na ito..

Naglakad papunta sa hamba ng pintuan yung lalaki..wala na sa utak ko ang mga dapat gawin kaya wala akong nagawa kung hindi makipagtitigan sa kanya..

"Chippy.." banggit niya kaya mas lalong ikinalaki ng mata ko..

Kilala niya ako?! Pero paano? Ngayon ko lang naman siya nakita.

"Bakit ganyan ang hitsura mo? May nangyari sa iyo?" tanong pa niya na mukhang nag aalala talaga.

"Ki..lala mo ako?" kinakabahang tanong ko.

Nakita ko kung paanong mula sa pag aalala ay napalitan ng katanungan ang mukha niya. "Ano ba ang sinasabi mo diyan? Talagang makikilala kita dahil kaibigan kita. Ano ba ang totoong nangyayari sa'yo?"

"Kaibigan?"

"Oo. Simula bata pa tayo.. Ako to si Oli, ang kaibigan mo! Ano ba talaga ang iniisip mo? Masama ba ang gising mo?"

Sa tingin ko ay wala na akong mukha sa sobrang lukot nito. Masyado akong naguguluhan. Paano ko siya naging kaibigan? Samantalang kakakita ko pa lang sa kanya ngayon lang.. Tumagos ang tingin ko sa likuran niya. Nakita ko ang iilan din na babae na nakaabang din sa kung ano man ang mangyayari. Nginitian pa nga ako nung isang babae na naka bistida ng kulay violet.

Napansin siguro nung lalaki na wala sa kanya ang atensyon ko kaya napalingon din siya sa tinitignan ko. Lumapit siya doon sa mga nasa likod tsaka doon tumabi.

"Ito sila Virgie..kababata rin natin, natatandaan mo?" turo niya sa naka violet

Litong lito na umiling ako.

Masayang lumapit sa akin yung sinabi niyang Virgie.

"Chippy, masama pa rin ba ang pakiramdam mo?Inaapoy ka kasi ng lagnat kagabi.." ani nito.

"Baka nagugutom lang si Chippy, hainan mo muna ng makakain, Virgie."

Nandito kami ngayong apat sa hapag kainan. Nakatingin lang ako sa kanila habang kumakain sila at paminsan minsan ay tumitigil para tignan din ako. Ginawa nga nila yung sinabi nilang paghahainan nila ako ng pagkain. Nasa harapan namin ngayon ang piniritong talong at ang ilang piraso ng tuyo. Mayroon ding kamatis na nakalagay sa bulaklakin na platito.

"Hindi ata tumalab yung pinainom sa iyong gamot ni Ila, hanggang ngayon ba ay masama pa rin ang pakiramdam mo?" tanong nung nagpakilalang Oli kanina.

"Palagay ko nga rin e. Namumutla ka pa rin hanggang ngayon,Chippy."

"Ah, hindi..okay na ako.. Ano lang kasi..ahm..inaantok pa ako. Pu-pwede ba akong matulog ulit?" sabi ko. Tingin ko kasi ay hindi ko na kaya pang maupo lang sa harapan nila.

Ang bigat na ng dibdib ko. Naguguluhan at naiiyak na rin ako..para akong isang nail cutter na kung saan saan na lang nababalandra.

"Oo naman. Mag pahinga ka na lang ulit." ani ni Virgie at tumayo pa sa tabi ko. "Mamaya ay tawagin mo lang ako, at hahatiran kita ng pagkain at gamot."

"Salamat." ngiti ko bago pumasok sa kwarto.

Maluwag akong nakahinga ng masarado ko ang pintuan at makaupo ako sa banig. Malaking kaginhawaan iyon para sa akin.

Pumikit ako at tumingala.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Bakit ako kung saan saan napapadpad. Kagabi lang ay kasama ko pa sila Aling Nora, at kausap ko pa si Artemio. Tapos ngayon paggising ko ay nasa iba na naman akong lugar?

Ibang mukha nanaman.
At ibig sabihin, panibagong mga tao na naman ang pakikisamahan ko.

Napapagod na ako.

Namimiss ko na sila Mamita at lolo.. Matagal ko na silang hindi nakikita.. Gusto ko na silang mayakap.. gusto ko na rin'g kumain ng sisig na luto ni Lolo at matikman ulit ang Lasagna ni Mamita..

Namimiss ko na yung kama ko!

Mabilis kong pinunasan ang pisngi ko.

Napaubo ako isang beses bago tumayo at umupo sa may tabi ng bintana. Ipinatong ko ang mga siko ko sa maliit na lamesita na naroon at nagpangalumbaba. Muli kong pinunasan ang pisngi ko.

Nakita ko sa labas ng bintana ang mga sasakyan na nagdadaan. May mga tao pang naglalakad sa gilid ng kalsada.

Yung klase pa ng damit ay yung madalas kong nakikita sa picture ni mamita nung bata pa siya. Malalaking pantalon at naka tuck-in na mga t-shirt.

Dun ko na realize na totoo nga.. Ito na! Nasa panibagong lugar nanaman ako. Walang kakilala miski isa. wala na sila Gema dito.. Hindi ko alam kung nasaan ako o anong taon naman itong napasukan ko. Sa nakikita ko ngayon..palagay ko ay malaya na ang Pilipinas.

Kumpara kasi kagabi, i mean sa panahon nila Artemio, medyo ingat na ingat ang mga tao non. Ala singko pa lang ay nasa loob na ang lahat. Wala kang makikita na bata sa labas. At literal na wala kang makikita dahil walang ilaw don.. Pero ngayon meron na..may iilan na rin akong nakikita na establishimento sa gigilid. Napangiti ako.

So.. ito na yung panahon na malaya na ang mga tao ng pilipinas?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top