Kabanata 15
Kabanata 15
Day 12.
Nakangiti kong kinuha ang bigay na Kamote sa akin ni Artemio. Kasalukuyan kasi kaming nag aalmusal sa bahay nila ni Aling Edna. Naisipan kasi ni Aling Nora ang mamasyal dito sa kanila. Kasama ko ang buong pamilya nila.
Nagulat nga ako paglabas namin ng baranggay, napakaraming nakakalat na dayuhan. Nakakaba kaunti dahil ang lalaki pa ng mga hawak nilang armas. Feeling ko tuloy nasa GTA ako. Kasi bawat sulok talaga at anytime basta pag naisipan nila, mang babaril na lang.
"Salamat." sabi ko sa kanya.
"Gusto mo bang mag pahangin?" aniya.
Ako naman ay nag isip pa at tumingin kina Aling nora. Tumayo ako.
"Aling nora, lalabas lang po kami saglit ni Artemio." paalam ko sa kanila.
Nakita ko naman na ang ngitian ang dalawang Ale,
"Mabuti pa nga. Nang makapag usap na rin kayo." ani ni aling edna habang nanunuya ang mga mata.
"Maari akong sumama, manay?" alertong tabong ni Gema sa akin.
"Hindi maari, gema." pigil agad ni Aling nora sa anak. At binaba ang basong hawak sa kahoy na lamesa. "May importanteng pag uusapan sina manoy mo."
"Sa sususnod na lang.." sabi ko rin.
"Halika na?" aya ni Artemio.
Tumango ako.
Pinauna niya akong mag lakad sa palabas maya maya ay tumabi na siya sa akin sa paglalakad..
"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad pa rin.
"Sa paborito kong pag pahingahan dati. Ang buong akala ko nga ay nasira na 'yon ng mga dayuhan, ngunit laking pasalamat ko ng makita ko na maayos pa."
"Saan 'yon? Malayo pa?" napansin ko kasing tumigil kami sa isang maliit na kubo na walang haligi. Nasa mataas na rin kaming burol kaya lumilipad ang buhok ko dahil sa mlakas na hangin.
"Nandito na tayo." pahayag niya. "Tignan mo ang bulkan.."
Nang tignan ko ang tinuro niya, ay napanganga ako... Halos maiyak ako sa sobrang saya! Napakaganda ng tanawin dito!
Napanganga ako.. Sa picture ko lang nakikita ng ganitong kagandang tanawin.. Hindi ko akalain na makikita ko iymto ng sarili kong mga mata.
Lalo pa at parang ilang hakbang lang ang layo ng bulkang mayon.. Parang pwede mo siyang hawakan.. Parang cotton candy ang mga ulap..
Kitang kita kung gaano ka perpekto ang hugis ng bulkan. Ngayon ko lang ata nakita ng ganitong malapitan ang bulkan.. Madalas kasi ay sa picture lang. Tapos madadaanan lang siya pag nasa biyahe ka. Tapos ngayon, ganito ako ka swerte na makita ang ganitong hitsura ng mayon. Nakakapang nganga talaga ang ganda nito..
Totoo nga'ng magayon..
"Ang ganda.." di mapigilang bulong ko.. Sa tingin ko nga hindi sapat ang salitang ganda para sa bulkang mayon.
Ang asul na langit at ang mga ulap na nakapalibot sa bulkan ay napakaganda. Aakalain mong drawing lang ito. Napakagaling talagang artist ni God. Ang galing!
Napakaganda.
Nagmukhang salakot ng bulkan ang mga ulap. Animo'y pinoprotektahan ng mga ulap ang bulkan. Para silang ng group hug sa taas.
"Nagustuhan mo?" ani ni Artemio kaya ako napatingin sa kanya.
Tumango ako. "Sobra kong nagustuhan. Ang ganda dito!"
"Kaya kita dinala rito, dahil alam kong magugutushan mo rito. At hindi nga ako nagkamali."
Tumango ulit ako. "Salamat ha!" sabi ko. "Picture tayo?" mabuti na lang kamo at nadala ko ang cellphone ko! Kung hindi baka hindi ako makatulog hangga't hindi ako nakakakuha ng litrato dito sa mayon. Once in a lifetime lang to no! Sumabog kasi ang bulkang mayon sa present. Eh ngayon hindi pa siya sumasabog so pwede pa akong makaselfie.
Kumunot ang noo niya. Na gets ko agad kung bakit.
Tumayo ako at mabilis na dinukot ang cellphone sa aking bulsa.
"Ito oh, tara dali! Dito ka.." hinila ko pa siya patayo dahil mukhang naguguluhan siya sa akin.
Inakbayan ko siya bago tinapat ang camera sa amin.
"Ngiti ka, Artemio..in 1, 2, 3! Smile!"
"Oh isa pa dali, wacky naman!" sigaw ko pa.. Medyo natatawa an nga ako ng makitang ginagaya na lang ni Artemio ang mukha ko. Malamang dahil hindi niya siguro naiintindihan yung kinikilos ko.
"Basta ngiti ka lang ha!"
Kumuha ako ng maraming pictures.. May solo ako syempre, kinuhanan ko rin siya ng solo, at magkasama kami. Para nga siyang yung madalas na litrato sa libro. Yung walang reaksiyon yung mukha.
Sinamantala ko na, alam kong malabo na kasing maulit yung ganitong pagkakataon.
Nang makuntento ako ako pagkuha ng litrato ay naupo na ako sa tabi ni Artemio. Naglatag kasi siya ng maliit na tela at doon siya umupo habang hinihintay akong matapos kumuha ng litrato.
Tinupi ko muna ang mag kabilang laylayan ng daster ko bago umupo. Nakita ko rin na may nakahanda ng mga pagakaim roon.
Nakalagay sa dahon ng saging ang mga luto ng mais at kamote.
"Tapos ka na?" nakangiting tanong niya.
Masaya naman akong tumango. "Oo, marami na akong pictures na nakuha."
"Masaya ako at masaya ka." sabi niya At hinubad ang salakot sa ulo. "Matagal na kitang gustong dalhin dito, ngunit masyado kasing magulo noon. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na maipakita sa'yo ito."
"Salamat." sabi ko na lang. Medyo nahihiya rin kasi ako sa tingin na binibigay niya.
"Sana hindi ka, naaapektuhan sa mga sinasabi nila Manoy Roy. Huwag mo na lamang silang pansinin."
"Hindi. Ano ka ba, okay lang yun. Alam ko naman na nagbibiro lang sila." sagot ko para kahit papaano ay mabawasan naman yung awkwardness ko. Kumurot ako sa mais na hawak ko at kinain 'yon.
Ako lang ata kasi parang normal lang naman kay Artemio ang lahat. Dun mo makikitang sincere talaga siya.
"Namuot ako sa'mo" aniya na hindi ko naintindihan kaya lumukot ang noo ko.
"Ano?" tanong ko. "Hindi ako nakakaintindi ng salita ninyo dito, tagalugin mo na lang.."
Pero imbes na amg salita ay binigyan niya lang ako ng isang matamis na ngiti. Ngiti na pilyo at may pinaplano. Napanguso ako. Alam naman niyang hindi ako nakakaintindi ng salita nila. Hindi kaya..
"Minura mo ako?" tanong ko.
Nakangiti siyang umiling. "Hindi."
"Weh? Eh ano 'yon?"
"Minahal kita."
Nailaglag ko yung hawak kong mais..
Hmm...
"Bakit mo ba ako nagustuhan agad? Kakakilala pa lang natin. Ni hindi mo pa ako kilala ng lubusan para mahalin agad." tanong ko.
Dahil sa totoo lang nagugulat talaga ako sa nangyayari. Samantalang nun sa amin dati ni walang tumitingin sa akin don, kung may titingin man, ibubully lang ako. Eyesore nga. Kaya nasasapak ko sila.
Tapos dito ganito? May nainlove sa akin? Nakaka-culture shock lang.
Hindi ko lang akalain na may magkaka gusto sa akin.
Nagkibit balikat siya at inayos ang suot na kumukupas nang damit. "Hindi ko din alam. Bigla na lamang tumibok ang puso ko ng makita kita,"
"Gusto kita. At ayoko ng maghanap ng rason para magustuhan ka pa. Basta gusto kita, gusto kita."
"Ahm..nakakaano lang kasi.."
Halos hindi ko na masabi ang gusto kong sabihin e. Nawawala ang mga letra sa akin. Ayaw lumabas sa bibig ko.
"Pasensya ka na ha?" sabi ko. "Hindi ko lang talaga alam yung isasagot ko sayo. Hindi ko din alam kung paano i-handle yung ganito. Ito kasi yung unang beses na may..nag.. sabi sa akin na gusto nila ako..kaya..wait lang, nahihiya ako!"
Muli akong tumingin sa mayon para makaiwas. Huminga ako ng tatlong beses.. Inayos ko pa ng kaunti ang bestidang suot ko ng liparin ito ng mahinang hangin.
"Bakit ka naman mahihiya?" seryosong tanong niya. "Wala kang dapat ikahiya. Parte yan ng pagkatao mo." aniya. "At isa pa, may mga bagay talaga na sa buhay natin ay unang beses nating mararanasan, huwag kang matakot sumubok."
"Paano kung..masira lang din? Walang mapuntahan ganon.."
"Hindi pa nga natin natatapos ang ngayon, iniisip mo na agad ang bukas."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya dahil yun na yun talaga yung nangyayari sa akin. Nabobobo ako ngayon! Hindi ko alam.. Naguguluhan ako.. may part sa akin na hindi mapakali.
Imagine.. nandito ako ngayon sa past. Ni hindi ko alam kumg paano ako nakapunta rito. Namumuhay na ako ng ilang dito.. Nasaksihan ko na rim ang labanan sa pagitan ng dayuhan at Pilipino. Imagine, nababasa ko lang 'yon sa libro tapos nagkaroon ako ng chance na mawitness 'yon. Masyadong nakakabaliw para sa akin 'yon! Tapos ngayon dadagdag pa 'tong sa amin ni Artemio.
Nanging mabait sila sa akin dito, ang isipin pa lang na masasaktan si Artemio dahil sa akin, ay nakakaguilty na agad.
Naging mabuti naman na kaibigan at kasama si Artemio. Bukod kina Gema, ay si Artemio talaga ang nag alaga sa akin dito. Na kahit nasusungitan ko na siya ay talaga namang pinag-tiyatyagaan niya ako. At ito na nga humantong na dito na nagtapat siya ng pag ibig sa akin. Pero hindi naman ako sigurado kung pwede ko na bang tawagin na pag ibig 'tong nararamdaman ko sa kanya.
"Artemio..paano kung bukas, hindi mo na ako makita, anong gagawin mo?"
Kumunot naman ang noo niya. Marahil ay iniisip niyang nababaliw na ako, dahil kung ano ano ang tinatanong ko sa kanya..
Umurong siya palapit sa akin at kinuha ang kamay ko at marahan itong pinisil.
"Bakit, saan ka pupunta?" tanong niya.
"Hindi nga..ano, kunwari lang naman, hindi ko naman sinabing aalis ako."
Naoatango naman siya. "Kung..sakali man na aalis ka at hindi na kita masilayan bukas, ituturing ko 'yon na kasagutan sa tanong ko sayo."
"Ayos lang sayo? Na umalis ako?" lito n tanong ko. Eh kanina lang kasasbi niya lang na mahal niya ako, tapos hahayaan lang pala ako pag umalis ako. Galing!
"Hindi ayos sa akin ang pag alis mo. Ngunit kung aalis ka, alam ko naman na may dahilan ka, at iyon ang irerespeto ko, Ang desisyon mo. Kahit pa sabihin kong mahal kita araw-araw, ay wala naman akong magagawa kung talagang taliwas ang nararamdaman mo para sa akin. Nirerespeto at mahal kita ngunit, irerespeto ko din ang sarili ko na hayaan ka sa bagay na ikakasaya mo, kahit pa hindi ako 'yon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top