Kabanata 14

Kabanata 14

Madalas nang bumibisita rito sa bahay nila Aling Nora si Artemio. Hindi ko alam kung bakit, minsan kasi ay nagmi- meeting din sila nila Aling Nora kasama pa niya sina Aling Edna. Magkakalapit lang kasi ang bahay nila. Baranggay lang ang pagitan.

"Manay, nobyo mo na ba si manoy Artemio?" isang tanghali na tanong sa akin ni Gallardo habang nag iigib sa balon.

"Ang bata mo pa para magtanong ng ganiyan, Gallardo!"

"Ngunit nagtatanong lang naman ako, manay.. yun kasi ang ibinalita sa akin ni Gema kagabi."

Napairap ako. Si Gema talaga kung ano ano yung pumapasok sa utak. Masyasong makulit ang batang 'yon. Kaya pati tuloy ito si Gallardo, kung ano ano na rin ang tinatanong.

Isinalin ko muna ang tubig sa balde bago ko hinarap si Gallardo. "Ay nako, huwag kang mabilis na nagpapaniwala dun sa kaibigan mo'ng 'yun. Baka nananaginip lang 'yon."

"Hindi lang naman po si Gema ang nagsabi sa akin." aniya na bilog na bilog ang mata. Napangiti ako bata talaga. "Nakausap ko rin po si manoy Artemio, at ang sabi niya ay sinusuyo ka nga daw niya. At isa pa po, narinig ko rin iyon kay Itay," aniya. ang itay na tinutukoy niya ay si Kuya Roy.

"Kaya po ngayon tinatanong ko kung nobyo mo na ba siya?"

"Hindi okay?" sagot ko. "Magkaibigan lang kami ni manoy mo."

"Pero, mabuting tao po si Manoy, kung kikilalanin mo pa siya, paniguradong mapapamahal ka sa kanya.."

"Ikaw na bata ka talaga, tinutulay mo pa kami. Napakabata mo pa para mag salita ng ganiyan." ani ko at muling nilaglaga ang balde na amy tali sa balon.

"Ilang gulang po ba ang may karapatan na mag salita?"

"Tsaka na pag nasa tamang gulang ka. Pag nakatapos ka na ng pag aaral mo.."

"Hindi ko po alam kung makakapag aral pa ako." aniya at biglang lumungkot ang mukha.

Maging ako ay ganon din. Narealize ko ang dami nga palang nangyayari sa bansa, at hindi ko naisip na baka nga naman naapektuhan din ang mga tulad nila Gallardo.

"Sorry." sabi ko at lumuhod sa harap niya para magpantay kami. "Ganito na lang.. Tuturuan ko na lang ikaw, kayo nila Gema.. Kahit papaano naman kasi ay nakapag aral din ako."

"Talaga po?" nanlalaking mga mata niya.

"Hmm! Bukas natin umpisahan ha? Kasi kailangan pa natin punuin yung paliguan natin."

Napangiti ako ng makita kong hindi maitago ni Gallardo ang ngiti sa labi niya. Ang saya lang sa puso na makita na ganito yung reaksiyon niya sa sinabi ko. Abot hanggang sa akin yung kasiyahan niya.

Napabuntong hininga na lang ako. Sobrang nalulungkot ako sa nakikita kong nangyayari ngayon sa mga tao dito. Alam ko naman na naging mahirap talaga yung pamumuhay nila, kahit papaano ay nabasa ko 'yon sa libro, pero ngayon na kasama ako at nakikita ko kung paano at ano ang nangyayari sa kanila ay talagang nakakadurog ng puso.

Ngayon ko lang narealize na..kahit pala napahirap ng buhay ko noon, ay napaka swerte ko. Wala pa sa kalingkingan ng paghihirap ang narararanasan nilang paghihirap ngayon. Lalo pa yung mga bata, pero kapag titignan mo sila ay parang wala lang. Napakasaya pa rin nila. Araw araw ay pinipili pa rin nilang maging masaya.

Sana..kung makakabalik man ako sa panahon ko, gusto kong matutunan yung ginagawa nila Gema..

Yung nakakangiti pa rin kahit napakahirap na.

Nang makabalik kami ni Gallardo sa bahay ay tapos na ang pagpupulong nila. Nagkakape na lang sila sa sala. Nang makita naman ako ni Artemio ay mabilis siyang tumayo at kinuha ang bitbit kong balde. Ngumuso naman ko ng makita kong ngumiti ang ibang tao na nandoon.

Totoo nga, kalat na ang balita na nililigawan ako ni Artemio.

"Salamat." sabi ko ng bitbitin niya papuntang palikuran yung baldeng dala ko.

"Sa kasalan na ba matutuloy kayong dalawa?" hirit ni Kuya Roy.

"Nanliligaw pa lang ako." nakangiting sagot ni Artemio sa kanila inalalayan akong makaupo.  "Hindi kailangan magmadali ni Chippy sa pag iisip. Kaya ko siyang hintayin, kung kailan niya gusto."

"Kay gandang salitaan naman ang iyong binigkas Artemio." ani pa nito at nagtawanan pa sila.

"Ngunit paano kung.. nakalaya na ang pilipinas ay hindi ka pa rin iniibig ni Chippy? Paano 'yon?"

Napatigil ako sa pag haplos sa kamay ko. Naisip ko nga, paano nga kaya?

At isa pa hindi naman talaga ako taga  dito. Oo hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito, alam ko na babalik pa rin ako sa dati kong buhay. Marahil ay nasa isang panaginip lang ako.. Hindi ko alam kung kailan ako gigising pero kung sakali man na aalis na ako dito sa panaginip na 'to..

Nilingon ko si Artemio na nakatingin din pala sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Kahit sadyain man o hindi, alam kong masasaktan ko siya.

Hindi ko alam na baka bukas magising na ako sa panaginip na 'to at hindi na siya makita pa.

Mabait si Artemio, maalaga at super mag asikaso, yun nga lang hindi ko kasi masasabi na mahal ko agad siya. Dahil ilang araw pa lang naman ako dito. At isa pa, wala pa kasi talaga sa isip ko 'yang mga pag ibig na yan. Ayoko nang dagdagan yung suliranin ko sa buhay. Tama na yung eyeliner lang ang iniintindi ko.

Pero aaminin ko rin naman na my nararamdaman nga ako sa kanya, pero hindi love. Maybe.. Nacucurious ako. Ganon lang.. pero kung love, wala pa talaga.

"Kahit kailan pa iyan, hihintayin ko ang pag-ibig ni Chippy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top