Kabanata 13
Kabanata13
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari pagbalik ko sa tulog, nagising na lang akong, nagliligpit na ng gamit sina Aling Nora. Katulong niya si Aling edna na busy'ng busy din sa ginagawa.
"Ano po'ng meron?" tanong ko sa kanila. Lahat sila ay may kanya kanyang ginagawa. "Bakit ho kayo nagliligpit? Lilipat ba ulit tayo?"
"Parang ganon nga.. Pero babalik na kami sa tirahan namin,Chippy. Tapos na ang giyera." sagot ni aling Nora.
"Talaga po? Pero ang alam ko po 1948 pa tayo nakalaya?" wala sa sariling sabi ko. Yun yung alam ko, nabasa ko sa books.
"Hindi pa tayo lubos na nakalaya, patuloy pa ring lumalaban ang iba sa kababayan natin pero..napag usapan kasi ng grupo na makipagsundo na lang sa dayuhan, nang sa ganon makapamuhay naman ang mga anak namin ng normal, hindi yung ganitong nagtatago."
Sa sinabing 'yon ni aling nora ay pumasok agad sa isip ko si Artemio. Alam ko kasing hindi siya sang-ayon sa desisyon na ito. Matigas kasi ang paninindigan ni Artemio.
"Si Artemio po?"
"Hindi ko alam kung saan nag punta ngunit, umalis siya kaninang umaga, Sinundo siya ng isang kaibigan."
Napatango ako. "Sige po, salamat."
"Walang anuman. Maiba ako, Chippy, may matutuluyan ka ba pag umalis tayo rito?"
Isa nga yan sa gumulo sa isip ko ng sabihin niyang aalis na sila dito. Hindi naman kasi talaga ako taga rito, kaya wala talaga akong matutuluyan.
Umiling ako. "Wala po.."
"Gusto mo bang sumama sa amin?"
"Pwede po?" nanlalaking mata na sabi ko.
"Oo naman. Para na rin kitang anak, Chippy. At gusto ka rin'g kasama ni Gema."
"Salamat po."
Ang sana'ng pag alis namin ay hindi naman natuloy. Hindi ko alam kung anong nangyari pero kanina pag balik dito ni Artmeio ay nagkulong sila sa kwarto ni Aling Edna at Kuya Roy. Hindi ko alam kung anong pinag usapan nila, nakita ko na lang na Nagluluto na ng hapunan sila Aling nora.
Pagkatapos kong tumulong sa pagliligpit ng ibang gamit ay lumabas ako para mag pahangin. Pumunta ako sa tambayan ko, sa ilalim ng puno.
Madilim na ngunit, kumikininang pa rin ang ganda ng paligid. Medyo tahimik din kumpara sa nakaraang gabi na nakakarinig ka ng putukan. Naabutan ko doon si Artemio na tulala at malalim ata yung iniisip.
"Huy, mukhang malalim ang iniisip natin ah?" pabiro ko pa nga siyang binangga sa balikat. Pero hindi naman niya ininda 'yon at nanatili pa rin siyang nakatingin sa kawalan.
Natahimik naman ako. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya. At tingin ko, tungkol yun sa pag suko sa mga dayuhan. Wala kasi talaga sa bokabularyo niya, masyadong mahal ni Artemio ang bansa para ipaubaya sa dayuhan.
"Hangga't lumalaban si Heneral Ola ay lalaban din ako." bigla niya lang sabi.
Napahinga ako.
Medyo nakakaramadam kasi ako ng hiya, kasi, hindi ko kilala si Heneral Ola. Ni minsan ay hindi ko siya nabasa sa libro. Kaya ngayon na nandito ako sa nakaraan ay parang nahihiya naman ako bilang Pilipino. Sobrang hirap pala ng napagdaanan ng mga tao dito. Tapos hindi ko kilala yung taong tinuturing nilang bayani.
"Sorry..pero, hin..di ko kasi kilala si Heneral Ola.." nahihiyang sabi ko.
"Isa siya sa mga heneral na lumalaban ngayon sa mga dayuhan."
"Nasabi nga nila Aling Nora.." sagot ko para kahit papaano naman ay may maiambag ako sa usapan.
"Mga kapwa niya Heneral ay sumuko na, samantalang siya ay patuloy pa rin na lumalaban. Hindi siya nagagapi.. Mataas ang tingin ko kay Heneral, kaya kung ano man ang maging desisyon niya, ay sususnod ako."
"Eh, asan ba siya?"
Doon siya napatingin sa akin at ngumiti. "Walang nakakaalam kung nasaan nag lalagi si Heneral. Halos itaob na nga ng mga dayuhan ang buong albay, makita lang siya pero wala silang napapala. Escape artist nga ang bansag sa kanya ng mga dayuhan dahil hindi nila mahuli huli ang Heneral."
"May agimat? Parang ganoon? " wala sa sariling sabi ko.
"Yan ang tingin ng iba. Ngunit walang agimat si Heneral Ola, mayroon lamang siyang taglay na matalinong pag iisip, diskarte at prinsipyo na kailanman hindi maabot ng mga dayuhan."
"So..ibig mong sabihin, siya na lang yung mag isa na heneral? Ang huling Heneral ganoon?"
"Ang huling Heneral."
#######
Day 9.
Matapos ang ilang beses na pag uusap ay bumalik na nga sila sa kanya kanya nilang tahanan. Ako naman ay isinama ni Aling Nora sa kanila. Wala naman kasi akong mapupuntahan.
Masasabi ko na, naging maayos naman ang nangyari, nag boluntaryong sumuko si Heneral Ola kapalit ng paglaya ng mga kasamahan niya na nahuli ng mga dayuhan. Sa ginawa niyang iyon ay talagang napahanga ako. Talagang hindi niya pinabayaan ang mga kasama niya, patuloy pa rin siyang lumaban. Hanggang huli.
Tsaka iniisip ko rin na, kahit naman sinurrender ni Heneral Ola yung sarili niya ay para sa akin ay panalo pa rin siya. Kasi biruin mo, ang tagal din siyang tinutugis ng mga dayuhan pero hindi siya nahuli, sakit siya sa ulo, isa pa, napag alaman ko rin na sinuhulan na pala siya ng mga dayuhan ng limpak limpak na salapi pero hindi pa rin siya nahuli.
Ang galing niya lang.
Nagtataka lang ako kung bakit wala siya sa libro. Tingin ko tuloy, napakarami ko pang hindi alam sa sarili kong bansa. Limitado lang ang alam ko, parang napakarami pang kwento ng mga bayani ang hindi pa nailalagay sa libro.
At kahit pa napasakamay din ng mga dayuhan si Heneral, hindi pa rin siya natalo. Hindi naman kasi talaga siya nahuli, sinuko niya lang ang sarili niya para mailigtas ang mga kasamahan.
Winner pa rin.
"Manay Chippy! Nandito na si Kuya Artemio!" hiyaw ni Gema sa mula sa labas.
Nandito kasi ako sa kanila at kasalukuyan akong naglilinis ng bahay.
Ang alam ko, malayo ang bahay nila Aling edna rito, pero bakit nandito si Artemio?
"Bakit?" tanong ko pagkalabas habang pinupunasan pa ang kamay.
"Hindi ba ay nobyo mo si Kuya Artemio?" nakangiting tanong ni Gema pero bigla napasimangot ako sa sinabi niya.
"Hoy! Bata ka, kung ano ano ang pinagsasabi mo diyan! Hindi ko siya nobyo!"
"Kung hindi pa, ay gawin mo na siyang nobyo, ate! Bagay naman kayong dalawa. At isa pa po, mabait siya at maginoo rin po!"
Pinanlakihan ko ng mata yung bata. "Tumigil ka diyan! Ang dami mong alam, maligo ka nga don!"
Nangamot naman ito ng ulo. "Ayoko po-"
"Isusumbong kita kay Aling Nora, makita mo.."
Napangiti naman ako ng tumalikod na siya at pumasok na sa bahay.
Yan.. Ganyan dapat! Mabait na bata.
"Magandang araw, Chippy.." si Artemio ng makalapit sa akin. Umupo rin siya sa katawan ng puno na nakahiga na sa lapag at nagsisilbing upuan na lamang sa tabi ko.
"Magandang araw din. Anong ginagawa mo dito?"
"Pumunta ako rito dahil gusto kitang makita." sagot niya.
Napangiti naman ako. Kung dati kasi ay medyo nandidiri ako pag nagsasabi siya ng mga ganyang salita, ngayon ay hindi. Keri ko ng i-accept. Naisip ko kasi, okay naman pala siyang tao. Na judge ko lang talaga siya ng mabilis ng hindi ko man lang siya nakikilala.
Hindi naman pala siya ganoon kayabang na mayabang, oo may yabang siya pero, para sa akin lang pala yun dahil hate ko siya.
"Ilang araw din kitang hindi nasilayan, hinahanap hanap ko na yung presensya mo. Kumusta ka na?" dagdag pa niya.
"Okay lang naman ako.. Nasasanay na rin paunti unti sa buhay.."
"Hinahanap hanap mo rin ba ako?" natawa ako sa tanong niya. Siraulo yata to? Bakit ko naman siya hahanapin? Nail cutter ba siya?
"Hindi." mabilis kong sagot. Eh, sa hindi naman talaga, anong magagawa ko diba?
Sa totoo lang, gwapo naman si Artemio, matikas, matipuno at maginoo. Pero kasi parang ang awkward lang, ninuno ko na siya, 20 pa lang ako! At isa pa hindi naman talaga ito yung mundo ko. Baka mamaya msaktan ko lang siya, at huli sa lahat, wala pa naman sa isip ko iynag mga ganiyan. Wala munang lovelife.
"Liligawan kita at sususyuin hanggang sa magustuhan mo rin ako. Alam kong matatagalan iyon, ngunit..mayroon tayong habang buhay para magkasama at magkakilala pa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top