Kabanata 12
Kabanata 12
Day 7.
Umaga kakatapos lang namin mag almusal at nandito ako sa labas ng kubo, muling nakatitig sa kalikasan. Walang kasawaan. At isa pa, hinding hindi ako mag sasawa sa pagtingin sa masterpiece na 'to.
Kasama ko kanina sila Gema kaso nga lang ay niyaya siya ng ibang bata na maglaro kaya ako na lang ang naiwan mag isa. Tahimik. Nilingon ko ang kubo, napangiti ako ng makita kong nagtatawanan sila doon dahil nilalaro nila yung toddler na anak ni Aling Nora. Tahimik ngayon yung lugar, wala akong masyadong naririnig na putukan. At thanks God dahil don.
"Anong iniisip mo?"
Napalingon ako sa nag salita.
Si Artemio pala, kakaupo lang. Kanina kasi ay wala siya rito dahil inutusan siya ni Aling Edna na mag ronda sa paligid, hindi ko alam na nakarating na pala siya.
"Tila yata, sing lalim na ng dagat ang iniisip mo."
"Wala. Natutuwa lang ako dahil, ang tahimik ng lugar ngayon. Wala masyadong putukan." sagot ko.
"Tama ka, nasa pangangalaga na kasi ng mga dayuhan ang iba nating kababayan." kumunot ang noo ko sa sagot niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Araw na lamang ang bibilangin at masasakop na muli tayo ng mga dayuhan," aniya pa. "Hindi na kasi tayo nadala, patuloy at patuloy pa rin tayong nagtitiwala sa mga banyaga."
"Hindi ba sabi mo, may inaalok sa inyo yung mga dayuhan? Kung makakabuti naman para sa lahat, siguro okay lang na sumuko na lang?"
Dahil sa totoo lang, hindi naman pwedeng nagtatago lang palagi. Kawawa naman ang mga bata. Isa pa, hindi naman dahil sumuko ka ay duwag ka na, hindi ganoon. Kung wala naman ng choice diba, piliin mo lang yung makakabuti sa lahat, at kung pagsuko man 'yon, then so be it!
"Ayos lang naman talaga. Magiging mapayapa at tahimik na rin ang ating bansa, makakapag aral na ang mga bata, wala ng giyera mababawasan anf putukan. Ang kapalit naman ay magiging alipin tayo sa sarili nating bansa."
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na maririnig ko sa kanya ang salita na 'yon. Akala ko kasi ay puro lang siya yabang, may laman din pala siya.
Hindi ko akalain na ganitong hirap pala ang dinanas ng mga ninuno natin. Ganitong pagtitiis at pagpili.
"Kung nagkaisa lang sana ang lahat, tiyak na makakaya nating labanan ang pananakop nila. Kaso hindi. Mas inuna pa ng mga kataas taasan ang kumain ng hapunan kasama ng mga dayuhan, kaysa mag plano kung paano tayo makakalaban. Mabuti na lang at may iilan pa rin na natira na may malasakit sa bansa, nakalaban tayo sa ilang taon na pananakop."
"Tingin mo ba ito na yung huling masasakop ang pilipinas?"
Nagulat ako ng bigla siyang ngumiti. "Palagay ko ay hindi. Hindi ganon kadaling matuto sa pagkakamali. Lalo na at nakasanayan na. Uulit- ulitin lamang ito. Ngayon nga ay siguradong sigurado ako, na ang pagkakamali ng Gobyerno natin ngayon, ay mauulit ulit sa susunod pang henerasyon."
Napabagsak naman ang balikat ko. Dahil tama siya. Nararanasan nga ngayon 'yon ng panahon ko. Kurakot doon, patayan diyan. Walang pag kakaisa. Walang nakikinig, lahat nag sasalita.
Nakakalungkot lang na wala pa rin pala tayong pinagbago.
"Huwag mo na lang isipin ang mga sinabi ko. Masyado lang akong nadala sa emosyon ko kaya ko nasabi ang mga bagay bagay na 'yon."
"Ano ka ba? ayos lang naman. Opinion mo yan! Tsaka isa pa, parehas tayo ng nasa isip." sabi ko. "Isa pa, ganyan na ganyan yung nagyayari ngayon sa bayan ko."
"Sa present?"
Tumango ako. "Oo. Kaya keri na 'yan."
"Maiba nga ako, Chippy.." aniya.
"Oh?" sabi ko at hinampas sa lupa yung hawak kong tangkay. Nagsusulat kasi ako ng pangalan gamit 'yon.
"May kasintahan ka ba?"
"Ano?! Bakit mo naman tinanong 'yan?"
Hindi ko mapigilan mapahiyaw dahil bigla bigla na lang siyang nagtatanong ng ganoon. samantalang ang ganda na ng usapan namin tapos, bababa doon.
"Gusto ko lang malaman, gusto kasi kitang ligawan. Nasaan ba ang mga magulang mo?"
Nilukot ko ang mukha ko. "Bakit mo naman hinahanap magulang ko?"
"Dahil gusto kong makapag paalam ng pormal sa kanila."
Tumayo ako at pinagpagan ang puwitan ko. "Ay nako! Tantanan mo na yan! Bahala ka!"
"Chippy!" hiyaw niya ng makaalis ako, pero hindi ko na pinansin.
Aba! Nakakakaba naman kasi yung tanong niya para siyang tanga! Bigla bigla na lang, hindi ako prepared doon.
Nasa politikal ang usapan tapos ganon?
Eh teka nga, bakit ba bigla na alng akong kinabahan? Tanong lang naman 'yon!
Kinagabihan ay naisipan nila aling nora na magkwentuhan. Samantalang yung iba naman ay tulog na. Iilan na lang silang nandito sa labas ng kubo. Ako naman ay tulog na kanina, tapos naihi lang ako at hindi na rin nakabalik sa pagtulog dahil nakita ko silang kumpol dito.
"Oh, hayan si Chippy!" ani ni Kuya Roy ng makita niya ako. May hawak pa siyang kahoy na tasa. "Halika at sumali ka sa usapan namin!"
Ngumiti naman ako at umupo na nga. Dahil sa totoo lang ay hindi na rin naman ako makakabalik sa pagtulog nito. Lalo pa at napakaaga kong natulog kanina, ala sais pa lang ay tulog na ako.
Sumlubong naman ang nakangiting mukha ni Aling edna na katabi ni Artemio na nakatingin sa akin.
Nag iwas ako ng tingin at tumabi na lang kay Aling Nora.
"Chippy gusto mo nang kape?" alok sa akin ni Aling Edna.
"Hindi po, okay lang." Sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.
"Pinag uusapan namin yung nangyayari sa paligid."
Tumango ako. Kahit sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"Ilang araw na lang kasi ang bibilangin at magwawatak watak na tayo." si Aling Edna kaya nagtaka ako.
"Bakit po?"
"Karamihan kasi sa kasamahan namin ay sumuko na. Naiintindihan naman namin kung bakit nila 'yon nagawa, para din maging maayos na ang lahat. At isa pa maganda rin naman daw ang alok ng mga dayuhan."
Mapaklang natawa si Kuya roy, "Aalipinin tayo mismo sa sarili nating bansa." iiling iling pa siya. "Nakakalungkot, pero wala na tayong pagpipilian."
Tinignan ko ang mukha nila isa isa. Talagang mababakas sa mukha nila na labag sa loob nila ang gagawin nilang hakbang. Syempre isa pa, mga magulang sila. Iniisip nila kung lalaki ba sa tahimik at maayos na lugar yung mga anak nila.
Ngunit iba ang nakikita mo sa kilos at mukha ni Artemio.
"Ang tagal na simula ng malagay tayo sa sitwasyong ito. Pero hindi pa rin tayo nadala."
"Habang patuloy tayong nakikinig sa bibig na wala namang ginawa kung hindi ang mag salita, ni walang iniisip kundi ang sarili, walang magbabago. Lalo tayong lulubog." ani naman ni Artemio.
Bawat salita niya talaga ay mararamdaman mo ang init ng salita niya. Para siyang gigil na tigre na hindi papahuli.
"Hangga't hindi nadadakip si Heneral Ola, hindi tayo susuko."
"Ngunit, may nakarating sa akin na ang halos ng kasamahan ni heneral ay nahuli na ng mga dayuhan. Maging ang ibang heneral ay sumuko na rin. Kaya sa palagay ko ay nasa isip na rin 'yon ni Hemeral Ola."
"Pinag iisipan palang. Alam kong hindi pagagapi si Heneral."
"Hindi nga, pero para rin naman sa kaligtasan ng lahat 'yon. Isipin mo Artemio, Kapag si Heneral ang nag desisyon wala na tayong magagawa roon. Dahil alam naman natin na pinag isipan muna si Heneral ang mga desisyon na ginagawa niya. Hindi siya gagawa ng desisyon na ikakapahamak ng lahat."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top