Kabanata 10
Kabanata 10
Day 6
Pang anim na araw ko na dito sa kung nasaan man ako. Nakatulala lamang ako habang nakatingin kay aling Edna habang ginagamot niya ang mga sugat ni Artemio.
"Dapat hindi na kayo tumuloy nang makita ninyo na may mga dayuhan sa dating kubo." pangaral ni aling edna sa kapatid.
Napanguso ako. Kanina ko pa iniisip, siguro kung hindi ko ipinilit na kuhanin yung mga gamit ko ay hindi masasaktan si Artemio at kasalanan ko ang nangyari sa kanya. Pero iniisip ko rin, hindi naman ako nagsabing tumuloy kami doon, nung nakita ko nga na may mga dayuhan ay gusto ko ng hilahin si Gema palayo doon. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng takot ngayon everytime na makakakita ako ng mga dayuhan. Samantalang sanay naman akong makakita ng mga ganoon. Halos mga dayuhan na nga ang namamahay sa Pilipinas sa sobrang dami nila. May kaklase rin akong dayuhan. At ayos lang sa akin.
Pero ngayon naninibago ako sa sarili ko, nahahawa na ako sa kanila, nakakaramdam na rin ako ng takot pag may dayuhan.
At alam kong kaya lang ganon ang takot at ikinikilos nila, dahil iba ang naranasan nila sa dayuhan sa panahon nila sa nararanasan ko sa mga dayuhan sa kasalukuyan.
"Hindi sila Diyos, para katakutan." matigas na sagot ni Artemio. Napatango ako kahit papaano. May point naman siya doon.
"Kung hindi ko ginawa 'yon ay sigurado ako g hindi lang sa balikat ang tama ko ngayon. Marahil ay napahamak rin sina Gema."
Napalingon sa pwesto ko si Aling edna kaya napatuwid ako ng upo.
"Nakuha mo ba ang mga kagamitan mo?"
"Ah..Opo.." tango ko. Napalunok naman sa tulis ng tingin niya.
"Manay.." ani ni Artemio kaya napabalik sa kanya yung tingin ng ate niya. "Aksidente lamang ang nangyari, hindi natin kailangan mag sisihan."
"Tayo'ng mga pilipino ang dapat na mag kampihan at hindi mag away, iisa lang tayo."
"Hindi ko naman sinisisi si Chippy, nag aalala rin ako sa kanya. Kagagaling lamang niya, baka mabinat siya sa ginawa ninyo!"
Napangiti ako sa sinabi niya. Ang akala ko, galit siya sa akin. "Wala ho yun, gusto ko nga pong mag sorry ay humingi po ng tawad dahil ako po ang dahilan kung bakit may sugat ngayon si Artemio."
"Hindi mo kailangan humingi ng tawad. Natural lang para sa sundalo ng bayan ang masugatan sa labanan." aniya. "Maiwan ko na kayo, mag luluto pa ako ng sabaw."
"Mabalos tabi manay." sabi ni Artemio at ngumiti naman si Aling edna paalis sa kwarto. Hindi pa nagtatagal ay tumayo na rin si aling Nora. Nang maiwan kaming dalawa doon ay unti unti akong lumapit sa kanya.
Kahit pa na nabubwisit ako sa kanya, hindi naman ako ganoon kasama para hindi makaramdam ng awa. Well, hindi naman siya nakakaawa. Actually, medyo ngabago nga ang tingin ko sa kanya dahil sa ginawa niyang pagprotekta sa amin ni Gema. Hindi niya kami pinabayaan at talagang sinigurado niya na hindi kami masasaktan.
"Gusto ko lang mag pasalamat." sabi ko. "Sa pagligtas sa amin.. ni..Gema.."
Napabuga ako ng hangin ng sa wakas ay nasabi ko na 'yon. Ang bigat sa lalamunan e.
"Bakit tila nahihiya ka? Ni hindi mo ako matignan, mata sa mata." aniya na nagingiti pa. Napasimangot naman ako.
Ayaw ko talaga siyang tignan no. At mabuti alam niya 'yon.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nakipagtitigan. Nakataas ang isang kilay habang siya ay nangingiti. Napailing ako, pinipigilan ko ang bunganga ko kanina pa na maglabas ng masamang salita dahil nahihiya at naawa ako sa kanya. Pero wala e, sinasagad talaga ako nito!
"Eh kasi ang bobo mo! Biruin mo, nasa gitna ka ng barilan, magpapaiwan ka don? Kabobohan yun! Magpapaiwan ka pa, eh pwede ka naman makitakbo sa amin!"
"Nagagalit ka na naman sa akin?" natatawa niyang sabi. Napairap ako. "Minsan alam mo, iniisip ko kung may mali ba akong nagawa sa iyo, dahilan para makaramdam ka ng inis sa akin. Kung bakit, ganyan na lang yung galit mo."
"Ayoko lang ng Chismoso."
"Anong..Chismoso?" kunot noong tanong niya.
"Paano ba..chismoso, for me, para siyang traydor,"
"Traydor? Mabigat na salita 'yan Chippy, paano ako naging traydor?"
"Wala lang. May mga ganon kasi e, yung sa mukha pa lang, mukha nang traydor. Basta! Natatamad akong mag explain!"
"Ang hirap mong basahin.."
Nagkibit balikat ako. "Hindi naman kasi ako libro, para basahin mo."
"Anyways, aalis na ako..hahanapin ko si Gema." patayo na ako ng pigilan niya ako.
"Bakit?" tanong ko.
"Ayos lang na sungitan mo ako, pero maaari bang kausapin mo ako? Gusto kitang makilala ngunit, paano ko iyon magagawa kung iiwas ka lagi sa akin? Ayaw naman kitang pilitin kung hindi mo gusto, kaya maiintindihan ko kung hindi mo ako mapapagbigyan sa hiling ko."
Tinignan ko siya sa mukha. Mukha naman siyang sincere. Masungit na ba ang dating ko sa kanya? Baka mukha lang. Pero para sa akin, hindi naman ako masungit. Well, sa ibang tao siguro.
"Sige. Sususbukan ko." sabi ko at umalis na.
Hindi ko na siya tinignan pa. Baka mainis lang ako sa kanya ulit at mabawi ko yung sinabi ko.
Nagpunta ako sa silid ko at kinalkal ang bag ko. Gosh! Salamat sa Lord, at nabawi ko itong bag na 'to. Atleast, kahit pa ma- stress ako dito, may mag papaalala sa akin na makakabalik rin ako sa mundo ko. Yun nga lang, hindi ko alam kung paano!
Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito, paalis pa kaya?
Napangiti na lang ako ng makita ko ang picture namin ni mamita at lolo sa cellphone ko. Naka wacky kami ni Lolo doon, ngunit si mamita ay naka compose pa rin. Si lolo ang nasa gitna at kami ni mamita ang nasa magkabilang dulo. Yun ang isa sa mga paborito kong litrato namin.
"Miss ko na kayo, Lo..mamita.."
Isa sa mga dahilan kung bakit ako matibay pa rin, kahit pa binubully ako sa school ay dahil sa kanila. Sobrang tibay ng pagmamahal na binibigay nila sa akin.
Oo nga at inaapi ako sa school, pero pag dating naman sa bahay ay busog na busog naman ako sa pagmamahal nila.
Kaya wala akong pakielam sa iba, basta may mga lolo at lola akong nag mamahal sa akin ay ayos na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top