Epilogue
E P I L O G U E
[HIROSHIN ISCALERA'S POV]
"Kaunti lang 'to. Pero pwede na 'to, 'no?" tanong ko kay Echo habang tinitingnan ang mga binili naming sangkap.
"Okay na 'yan. Mahal kasi ng baka!"
Naglakad na kami palabas ng public market ng Centro. Sinadya namin na dumaan dito para bumili ng mga sangkap para sa ipapaluto naming Pares. Birthday kasi ni Marife bukas pero ngayon namin naisipan na ipaghanda siya.
"Salamat po pala at pumayag kayong magluto ng Pares para kay Marife."
"Naku, ayos lang 'yon!" Ngumiti sa akin ang nanay ni Tadeo. "Basta kaibigan ng anak ko, hindi ko mahihindian!"
"Ma, okay na 'to!" Lumabas mula sa kusina si Tadeo, bitbit ang isang tray na may mga cupcake.
"Wow!" Lumapit ako para tingnan ang mga cupcake. May iba't ibang design bawat piraso. Ang cute-cute nila, sarap kainin. Napangiti ako pero napasimangot din nang itulak ni Tadeo ang mukha ko.
"Mamaya ka na matakam! Para kay Marife 'to!"
"Hindi ko naman kinakain, ah!"
"Ano, susunduin na ba natin si Marife?" tanong ni Echo. Kakapasok niya lang habang nilalaro ng isang kamay ang susi ng tricycle.
"Maya-maya! Hindi pa nga nagluluto ng Pares si Mama!" angil ni Tadeo. Inaayos niya sa isang maliit na mesa ang mga cupcake niya.
"I-prank kaya natin? Sabihin ko naaksidente ka-"
"Ano ka ba! Baka mataranta 'yon!" Hindi ko ma-imagine ang itsura ni Marife kapag sinabi 'yon ni Echo sa kaniya. Ayoko ko pa naman na nakikitang nakasimangot ang kaibigan ko na 'yon. Pakiramdam ko, isa akong kuya na protective sa kaniya.
Kaya naman nang makita ko ang reaksyon niya, nang malaman niya na pinaghanda namin siya, doble ang balik ng saya sa puso ko.
"Debut mo kaya dapat may 18 roses ka kaso walang pera na pambili n'on." Kinamot ko ang kilay ko habang natatawa. "Artificial rose muna galing sa vase nila Tadeo."
Kinagat niya ang pang-itaas na labi, senyales na nahihiya siya o napapaisip nang malalim. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, alam ko na kung anong ibig sabihin ng mga mannerisms niya.
"Kapag naging successful ako, ibibili kita ng tunay...hindi 'yong artificial lang..."
"B-Bakit mo naman ako bibigyan ng tunay na bulaklak?" nahihiyang tanong niya.
"Kasi kaibigan kita," nakangiting sagot ko.
Magmula nang maging magkaibigan kami, para nang kapatid ang turing ko sa kaniya. Lahat ng gagawin ko, tinatansya ko kapag kasama ko siya. Ayokong nagmumura sa harap niya kasi babae siya. Inaasar ko siya pero hindi kasinglala ng ginagawa ni Echo at Tadeo. Ako ang tagasaway sa kanila kapag sumusobra sila sa pang-aasar kay Marife. Ewan ko, gano'n lang talaga ako magmahal sa isang kaibigan lalo na kapag babae. Iniingatan ko ang damdamin ng mga taong malapit sa akin kasi ayokong maranasan nila ang naranasan ko.
Habang nagkakantahan sa sala at nakakasiyahan, biglang tumawag si Yumi.
"Ang cute ni Pikachu! Cute, cute ni Pikachu!" parang bata na sabi ni Marife habang hawak ang photo album na niregalo namin sa kaniya.
Kanina pa kami tawa nang tawa sa ginagawa niya, halatang lasing na siya. Sinadya kong hindi magpakalasing kasi gusto kong bantayan siya.
"Yumi, bakit ka napatawag?" tanong ko nang sagutin ko ang tawag niya. Kinailangan ko pang lumabas ng apartment nila Tadeo dahil maingay sa loob.
"P-Pwede bang pumunta ka rito sa bahay?" Parang robot ang boses niya kaya kaagad akong nag-alala.
"Umiiyak ka ba?"
Paghagulhol niya na lang ang narinig ko mula sa kabilang linya kaya nagdesisyon akong puntahan siya kahit gabi na. Nang magkita kami sa labas ng bahay nila, niyakap niya ako nang mahigpit. Tinanong ko siya kung anong problema pero ang sabi niya ay ayaw niya munang pag-usapan.
"I-Ilayo mo 'ko rito, Hiroshin..." Umiyak siya sa balikat ko.
"Hahanapin ka nila." At hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin.
Pero nang marinig ko ang paglakas ng hagulhol niya ay napilitan akong iuwi siya sa bahay namin. Hindi ko kayang nakikitang umiiyak ang babaeng mahal ko. Mula bata pa ako, siya na ang pinangarap kong babae. Lahat nasa kaniya na: maganda, matalino, magaling sumayaw at sobrang bait pa.
Lumago ang nararamdaman ko para sa kaniya lalo na nang magkaroon kami ng interaction magmula nang sumikat kami sa Tiktok. Laking pasasalamat ko nga sa Dios dahil mukhang pinagbibigyan niya akong makasama ang babaeng gusto ko.
"Nay, si Yumi nga pala-"
"Sino 'yan?! Babae mo?!" Pasugod na lumapit si Nanay kay Yumi pero iniharang ko ang sarili ko.
"H-Hiroshin!" hintakot na sigaw ni Yumi. Nagtago siya sa likod ko, nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa braso ko.
"N-Nay!" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso para hindi niya masaktan si Yumi. "Si Yumi 'yan. Nililigawan ko."
"Anong nililigawan, Roland?! May asawa ka na! Asawa mo 'ko!" Pinaghahampas niya ang dibdib ko.
Napabuga ako ng hangin pero nginitian ko pa rin siya. "Nay, hindi po ako si Roland. Anak n'yo po ako. Wala na si Tito Roland, iniwan niya na tayo."
Mabuti na lang at nagawa ko siyang pakalmahin. Kaya ayoko sana na magdala ng ibang tao rito sa bahay dahil alam kong gano'n ang magiging reaksyon ng nanay ko. Hindi ko siya kinakahiya pero ayoko lang na makarinig ng hindi magandang salita mula sa ibang tao kapag nakita nila ang sitwasyon ng nanay ko.
Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan si Yumi.
"A-Ayokong pumasok. Natatakot ako sa nanay mo," nakayukong sabi ni Yumi. Nasa labas kami ng bahay namin. Inaalo ko siya dahil umiiyak pa rin hanggang ngayon.
Kumirot ang dibdib ko. Ang nanay ko ang dahilan kung bakit tinitiis ko ang lahat ng hirap mula sa trabaho at sa pag-aaral. Nang umalis si Tito Roland, ako ang sumalo ng lahat. Grade six ako nang umalis siya kaya natuto akong magbanat ng buto sa bata kong edad. Naging kargador ako sa palengke, naging tagalinis ng koral ng baboy, ng kanal, ng public restroom.
Lahat pinasok ko para lang mabuhay ko si Nanay at ang kapatid kong si Oliver. Dahil sa sitwasyon namin ng pamilya ko, tinatak ko sa isip ko na gagawin ko ang lahat para makaahon kami sa kahirapan.
"Bakit kasi dinala mo pa 'yan dito?"
Matalim kong tiningnan si Oliver. Sinara ko ang pinto ng kwarto ko kung saan natutulog si Yumi bago ko hinarap si Oliver.
"Ayaw niyang umuwi sa kanila," matipid na sagot ko.
"Takot na takot siya kay Nanay tapos dito mo pa pinatulog. Hindi ka ba nahihiya na makita ng babaeng 'yan ang baliw mong-"
"Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo at makakatikim ka sa'kin," mariing banta ko na ikinatahimik niya.
Alam ko naman na kinahihiya niya si Nanay pero hindi siya uubra sa akin. Hanggang kailan ba siya ganyan? Minsan, gusto ko na lang sumabog sa galit at pabayaan na lang siya sa mga kalokohan niya pero hindi ko naman magawa dahil kapatid ko siya. Hindi ko kayang hayaan na sirain niya ang buhay niya sa pakikipagbarkada sa mga tambay.
Hindi ako nakapasok kinabukasan dahil ayaw pa ring umuwi ni Yumi.
"P-Pwede bang samahan mo muna akong aliwin ang sarili ko?" paglalambing niya. At dahil marupok ako pagdating sa kaniya ay pumayag ako. Hindi ako pumasok sa Dreamy at pati sa school para lang samahan siya. Pumunta kami ng Plaza at dumiretso sa simbahan.
Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa kaniya ay ang pagiging religious niya. Para sa'kin, ang mga babaeng katulad niya ang masarap mahalin dahil hinding-hindi ka nila sasaktan. May takot sila sa Dios.
Pinagmasdan ko siya habang nakapikit at nagdarasal. Napangiti ako sa sarili ko.
"Huwag mo 'kong titigan."
Nabura ang ngiti ko nang magsalita siya habang nakapikit. Idinilat niya ang mga mata niya at lumingon sa akin, nakangiti.
"Dapat nagdadasal ka, hindi 'yong sa akin ka lang nakatingin." Tumawa siya.
"Ang ganda mo kasi." Napakamot ako sa batok ko.
"Hiroshin..."
Tumaas ang kilay ko nang tawagin niya ang pangalan ko. Nakangiti lang siya sa'kin habang pinagmamasdan ang bawat parte ng mukha ko.
"Salamat at nasa tabi kita ngayon."
Napangiti ako. "Siempre. Matitiis ba kita-" Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko.
"Sinasagot na kita, Hiroshin."
Namilog ang mga mata ko at napakurap nang tatlong beses. Iyon na yata ang isa sa pinakamasayang araw ko. Sinagot na ako ng babaeng gusto ko. Sinulit namin ang unang araw namin bilang magkasintahan. Naglibot kami sa Plaza at naisipan namin na mag-video nang magkasama at i-upload sa Tiktok bilang announcement na matagal nang hinihintay ng HiroMi fans.
Hindi ko naman sinadya na magpasikat pero hindi ko akalain na sisikat ako sa Tiktok kasama si Yumi. Nasanay na lang ako na kahit saan ako magpunta ay may nagpapa-picture sa amin. Pero siempre, hindi lumaki ang ulo namin ni Yumi.
"Ilang araw ko ring pinag-isipan ito at buo na ang desisyon ko na umalis ng Music club para makapag-focus ako sa trabaho ko at sa pagiging estudyante," anunsyo ko matapos ang performance ng banda kasama ang Madrigal triplets.
Maraming nagulat sa anunsyo ko maging ang mga kaibigan ko. Kaya hindi ko sila masisi kung bakit nagalit sila sa akin.
Hindi pa nga ako nakakabawi ay nawalan na rin ako ng oras para sa mga kaibigan ko. Naging busy kasi ako sa pagiging boyfriend ko kay Yumi. Halos nasa kaniya na lahat ng atensyon ko.
"Iniiwasan mo 'ko. Matagal ko nang nahahalata. May nagawa ba ako? Nagtatampo ka ba dahil hindi ko na kayo nabibigyan ng atensyon nila Echo?" tanong ko kay Marife.
Napapansin ko kasi nitong mga nakaraang araw na may nag-iba sa pakikitungo niya at alam kong may kinalaman iyon sa pagiging busy ko kay Yumi.
Nagtatalo pa kami ni Marife pero tumawag si Oliver at sinabing nawawala si Nanay. Nataranta kaagad ako at sinamahan naman ako ni Marife para hanapin si Nanay. Nakita niya tuloy kung anong klaseng pamilya ang mayroon ako. Pero sa kabila ng mga nalaman niya, hindi niya ako iniwan.
"Ang ganda-ganda n'yo po..." nakangiti ngunit naluluhang sambit ni Marife habang nakatingin kay Nanay. "Pwede ko po kayong pagandahin lalo. Gusto n'yo po ba?"
Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kaniya. Kitang-kita ko ang pangungulila sa mga mata niya at alam kong naaalala niya ang nanay niya sa nanay ko.
Ang daming sakit ni Nanay pero wala akong magawa. Gustong-gusto ko siyang ipagamot pero saan ako kukuha ng pera? Awang-awa ako sa nanay ko.
Sinubukan kong tawagan si Haru, ang tatay kong hapon, para humingi ng tulong pero tinawag niya lang na baliw ang Nanay ko. Akala ko ay gusto niyang magpaka-tatay sa akin noong nag-message siya sa akin sa Facebook-pero nagkamali ako.
"Hiroshin..." Pinilit ni Marife na hawakan ang magkabilang pisngi ko. "H-Hindi ka pinanganak ng nanay mo para tawagin mo ang sarili mong walang kwenta. Hindi ka niya pinanganak para sisihin mo ang sarili mo kapag may hindi ka nagawa para sa kaniya."
Mas lalo akong naiyak sa mga sinabi niya. Nagpapasalamat ako na nasa tabi ko siya ngayon dahil hinayaan niya akong umiyak sa harap niya. Sa kaniya ko lang pinakita ang kahinaan ko at hindi ako nagsisisi. Siya ang tipo ng kaibigan na kapag umiiyak ka, iiyak din siya para lang samahan ka sa kalungkutan. Hindi ko yata kaya kapag nawala siya.
"Wala ka namang...hidden feelings para sa'kin, 'di ba?" maingat kong tanong kay Marife. Nagkapikunan kasi kaming dalawa nang mag-lyrics prank ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit nagalit siya sa prank ko kaya isa lang ang naisip kong dahilan.
"Wala. Wala akong gusto sa'yo," sagot niya.
Napakurap ako nang ilang ulit. Bahagyang kumirot ang dibdib ko nang iyon ang sinagot niya pero tinago ko iyon at ngumiti ako sa kaniya. Iyon ang unang beses na may nararamdaman akong...kakaiba.
"Kumakain ka pala ng okra, si Marife kasi hindi," natatawang kwento ko kay Yumi habang palabas kami ng canteen.
"Alam ko na 'yon. Ako pa ang unang nakaalam sa'yo, 'no." Tumawa siya. "Anong subject na nga-"
"Bakit kaya ayaw niya sa okra?" Curious talaga ako. "Masarap naman 'yon. Ang cute niya kapag nakakakita siya ng okra. Parang gusto niyang masuka na ewan." Natawa ako at nang tingnan ko si Yumi ay nakatitig lang siya sa'kin. "Bakit, babe? May problema?"
Napakurap siya. "W-Wala. Close na close talaga kayo ni Marife, 'no?"
"Oo naman. Siya lang ang babaeng kaibigan ko at nirerespeto ko siya katulad ng kung paano kita respetuhin."
Naputol ang pag-uusap namin dahil may nagpa-picture sa akin. Hindi sumama si Yumi dahil mukhang nawala siya sa mood. Pagtingin ko pabalik, nakadapa na siya at may sugat na sa tuhod.
Nalaman ko na hindi lang pala si Yumi ang nasugatan. Nag-init ang ulo ko nang malaman na pati si Marife ay tinalo ng Martin na 'yon. Hindi ko tuloy napigilan ang maging bayolente. Sinipa ko ang dibdib niya kaya tumalsik siya palabas ng classroom namin.
"Putangina mo! Bakit mo sila sinaktan?! Gago ka ba?!" sigaw ko kay Martin habang hawak ko ang kwelyo niya at nakaupo ako sa tiyan niya.
Natigil lang ako nang awatin ako ni Marife. Kaya lang, hindi ko inasahan na magagalit pala si Yumi dahil sa ginawa ko. Naiintindihan ko naman na religious siya pero sana naman inintindi niya na bugso ng damdamin ang dahilan kung bakit ako naging bayolente at nagmura.
"Hindi ko na uulitin."
"Talagang hindi-"
Hinalikan ko si Yumi para maalis ang inis niya sa'kin. Iyon ang unang beses na hinalikan ko siya pero...wala akong maramdaman na kahit ano.
"M-Marife?" Nagulat ako nang makita ko siya. Sinalakay ng kaba ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan.
Nakita kaya niya na hinalikan ko si Yumi? Sana hindi.
Pero ano naman kung nakita niya? Bakit parang nagi-guilty ako? Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Naging palaisipan sa akin iyon hanggang kinabukasan. Dumagdag pa si Yumi dahil hindi niya pa rin ako pinapansin at mukhang galit pa rin siya sa'kin. Sinusubukan ko naman na suyuin siya pero walang epekto.
"S-Si Nanay...Si Nanay, hindi na siya magising...Si Nanay, Marife..."
Pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko habang tinitingnan ko si Nanay na nakahiga at wala nang buhay. Hindi na siya gumising kahit anong pilit ko. Hindi niya na kinaya ang sakit.
Tangina.
Siya pa naman ang dahilan kung bakit nagsusumikap akong mag-aral, para maipagamot ko siya at mabigyan ng magandang buhay. Pero hindi na ako binigyan ng pagkakataon dahil wala na siya. Wala na ang nanay ko.
Sinubukan kong wakasan ang buhay ko pero dumating siya...dumating si Marife. Katulad ng palaging nangyayari, umiiyak siya kapag umiiyak din ako.
Mabuti na lang...nasa tabi ko si Marife.
"Kapag masyado nang mabigat ang mundo, dito ka lang sa balikat ko. Hinding-hindi kita iiwan..." At tumatak sa isip ko ang sinabi niya.
Hirap na hirap akong ibalik ang dati kong ngiti pero hindi naman ako pinabayaan ni Yumi at ng mga kaibigan ko. Hindi nila pinaramdam na mag-isa ako.
"Patay na nga si Nanay, hindi ka pa rin tumitino," panenermon ko kay Oliver nang umuwi na naman siya ng madaling araw.
"Pwede ba? Hindi ko kailangan ng sermon mo." Pabagsak siyang umupo at nilagay sa mga mata ang braso. "Kailangan kong aliwin ang sarili ko. Mababaliw ako kapag hindi ako lumabas. Nami-miss ko rin si Nanay. Akala mo ikaw lang?"
"Matulog ka na." Iyon lang ang nasabi ko. Alam ko naman na nasasaktan din siya sa pagkawala ni Nanay. Magkaiba nga lang kami ng paraan para mailabas ang sakit.
Inalis niya ang braso sa mga mata at umayos ng upo, mukhang may naalala.
"Ano nga ulit ang pangalan n'ong babaeng inuwi mo rito?"
Kumunot ang noo ko. "Si Yumi? Girlfriend ko 'yon, bakit?"
"Hindi 'yon. 'Yong isa."
"Si Marife?" Silang dalawa lang naman ni Yumi ang inuwi ko rito.
"Ah, Marife." Tumango siya.
"Bakit?"
"Wala. Interesado lang ako, bakit? Hindi mo naman syota 'yon, ah."
Napakurap ako nang dalawang beses. Bakit siya interesado? May gusto ba siya kay Marife? At bakit parang naiinis ako?
"Sinong love mo?" tanong sa akin ni Marife. Tinatanong niya kung sino ang nilagay ko sa papel na pinapasulatan sa amin ng lecturer pero mukhang iba ang pagkaintindi ko sa tanong niya.
"Ikaw."
Nanlaki ang mga mata niya at napatingin sa akin. Nakadukwang ako sa kaniya kaya nagkabanggaan ang mga ilong namin nang lumingon siya. Umayos ako ng upo at napakurap.
"Ikaw saka si Yumi ang nilagay ko. Favorite naman ni Tadeo at Echo ang isa't isa kaya ikaw lang ang nilagay ko saka si Yumi." Tumawa ako nang mahina. Sana makalusot. Natatangahan na ako sa sarili ko. Ano bang ginagawa mo, Hiroshin?
"Bakit ba gustong-gusto mong kausapin ang kapatid ko?" inis na tanong ko kay Marife nang sabihing gusto niyang kausapin si Oliver.
Bakit sila mag-uusap? Para saan pa? At bakit naiinis na naman ako?
"Bakit, bawal ba?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Sayang siya, eh. Gwapo pa naman."
Umawang ang bibig ko. Dapat ay matutuwa ako kasi sinabi niyang gwapo ang kapatid ko pero hindi ko alam kung bakit naiirita ako. Tumawa na lang ako at inakbayan siya.
"Ikaw, ah. Crush mo utol ko?"
Subukan mong sumagot ng oo.
"Hindi, ah! Ano ka?" Siniko niya ako at parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig na sagot niya.
"Akala ko ba si Alex na ang crush mo?" Iyon kasi ang sabi ni Echo sa GC namin. Ewan, magulo rin, eh. Magkakamukha naman kasi ang mga nagiging crush niya.
"Pikachu! Sama ka? Gala ng tropa! Kasama ang mga jowa!" aya ko kay Marife pag-akyat ko sa second floor ng boarding house. Doon na kami tumira ni Oliver magmula nang palayasin kami ng tita ko sa bahay.
"May gagawin ako," tanggi niya.
Naniwala na sana ako, eh. Kaso...kaso lang...teka, paano ba kumalma?
"Babe, ang cute n'on, oh..." Tinuro ni Yumi ang Pokemon na stuffed toy sa gilid.
Naalala ko tuloy si Marife kaya natawa ako. "Pikachu. Si Marife."
"Oh! Si Marife!" sigaw ni Tadeo. Napasunod ang tingin ko roon sa tinuturo niya at nakita ko si Marife na kasama si Oliver. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"Sabi mo may gagawin ka..." seryosong tanong ko kay Marife sabay tingin kay Oliver. "Saan kayo pumunta?"
"Sa Central," sagot ni Oliver. "Hindi kami nag-date."
Talaga? Bakit para silang magka-date? Pormadong-pormado pa si Marife. Napapansin ko na kumikinis ang mukha niya. Para sa akin, maganda na siya mula loob hanggang panlabas. Ako ang tipo ng lalake na hindi tumitingin sa itsura dahil mas pinagtutuonan ko ng pansin ang ugali ng isang tao. Kaya kahit hindi magpakinis ng mukha si Marife ay okay lang, pero kung doon siya masaya ay susuportahan ko siya.
"Sinamahan ko siya mag-enroll sa ALS!" sagot ni Marife. Mukhang guilty siya dahil nagsinungaling siya sa'kin. Pakiramdam ko talaga ay sinasadya niyang lumayo sa akin dahil kay Yumi.
Matagal ako tumitig kay Marife bago tumango at ngumiti. "Gano'n ba? Tara sama kayo sa'min. Kakain kami sa Jollibee." Pinilit kong intindihin kahit nakakaramdam ako ng inis.
Inis ba talaga? Hindi kaya nagseselos ako? Pero bakit? Anong klaseng selos?
Nalilito ako sa nararamdaman ko pero pinilit ko iyon alisin sa utak ko. Inisip ko na lang na baka nami-miss ko lang ang presensya ni Marife dahil busy na ako ngayon kay Yumi. Mas napagtutuonan ko na ng pansin ang girlfriend ko...o sadyang ayoko lang lumala ang nararamdaman ko kaya umiiwas na rin ako? Ewan, hindi ko alam.
Noong una, akala ko ay walang problema kay Yumi kahit may kaibigan akong babae na katulad ni Marife. Dahil unang-una, naging kaibigan niya naman ito. Pero hindi ko akalain na pagseselosan niya si Marife dahil lang sa pagtanggal nito ng carrots sa soup ko. Naninibago talaga ako dahil hindi naman siya gano'n dati!
"Bakit ka ba nagkakaganyan?" malambing na tanong ko habang nasa tapat kami ng parking area ng mga tricycle. "Mukhang kanina ka pa wala sa mood. Masama ba pakiramdam mo?"
"Hindi ko lang maiwasan na magselos kay Marife," sagot niya habang nakayuko at nilalaro ang mga daliri sa kamay.
"Bakit ka naman magseselos? Kaibigan ko lang 'yon, Babe," sagot ko. Ayokong nagseselos siya.
"Masyado kayong close. Nakikita ko, Hiroshin. Pwede bang...bawas-bawasan n'yo? May girlfriend ka na ngayon, ayokong-"
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na kung ayaw mong nagseselos ka, dapat naghanap ka ng lalakeng walang girl bestfriend sa buhay niya?"
At narinig na nga ni Marife.
Nag-away si Yumi at Marife dahil sa'kin kaya gusto kong sisihin ang sarili ko kahit...wala naman akong ginawang kasalanan.
"Babe, sorry, ha?"
Napatigil ako sa pagsubo ng kinakain ko at napatingin kay Yumi. Nakayuko siya ngayon at nilalaro ang mga daliri sa kamay.
"Dahil sa'kin, iniiwasan ka na ni Marife."
Napabuga ako ng hangin. Ayoko naman siyang sisihin kung bakit umiiwas na sa'kin si Marife. Inisip ko na lang na ayaw din ni Marife na mag-away kami lalo ni Yumi. Pabor din 'yon sa'kin dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Gusto kong iwasan 'to, ayokong masaktan si Yumi. Iyon ang pinakaayaw ko.
"Hindi na siya makontak." Bumuntong-hininga ako. "Hintayin na lang natin ang paliwanag niya."
"Kung may balak pang bumalik 'yong impaktong 'yon," galit na sabad ni Tadeo. "Ni paalam nga hindi nagawa, eh. Babalik pa?"
Nawala bigla si Echo. Nabalitaan na lang namin na sumama siya sa girlfriend niya. Nakaramdam ako ng galit sa kaniya pero inintindi ko na lang. Lahat ng sitwasyon, iniintindi ko dahil gano'n ako.
"Binibini...alam mo ba kung pa'no nahulog sa'yo? Naramdaman lang bigla ng puso. Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito. Kaya sabihin mo sa'kin ang tumatakbo sa isip mo. Kung mahal mo na rin ba ako..." kanta ko habang kasama ko ang mga ka-boardmates ko dito sa labas. Hawak ko ang gitara ko dahil iyon lang ang karamay ko ngayong naguguluhan ako sa nararamdaman ko kay Marife.
Tinanaw ko siya sa sala. Kausap niya si Oliver at tinuturuan ito sa lessons sa ALS na pinapasukan ng kapatid ko. Gusto ko siyang pasalamatan dahil siya ang dahilan kung bakit ginusto ng kapatid ko na mag-aral. Samantalang ako ay hirap na hirap siyang pilitin.
"Nililigawan ba ng utol mo 'yang tropa mong babae?" usisa ng boardmate ko na si Jay, nakatingin siya sa direksyon nila Marife at Oliver.
Umiwas kaagad ako ng tingin nang mapatingin sa akin si Marife.
"Hindi. Hindi nagpapaligaw 'yan si Marife," sagot ko. Hindi totoo 'yon pero hindi rin ako papayag na ligawan siya ni Oliver. Basta hindi ako papayag. A.YO.KO.
Mag-isa na lang ako sa labas pero hindi pa rin ako pumapasok. Nakatingala lang ako sa mabituing kalangitan habang hawak ko pa rin ang gitara ko.
Sa mga lumipas na araw, nakapagsulat ako ng mga kanta na hindi ko ginagawa dati. At habang ginagawa ko 'yon, si Marife ang nasa isip ko. Gusto kong bugbugin ang sarili ko. Ayokong nito, gusto ko si Yumi lang ang nasa isip ko pero palaging sumasagi sa isip ko si Marife. Nami-miss ko siyang makasama, makausap at makita ang mga ngiti niyang ako ang dahilan.
"Ang labo mo, Hiroshin..." bulong ko sa sarili ko.
Tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag si Yumi. Napabuga ako ng hangin.
"Bahala na..." Kinuha ko ang phone at sinagot . "Babe..."
"Babe, bakit hindi ka nagre-reply? Hindi mo ako tinext kung nakauwi ka na."
"S-Sorry..." malumanay na sagot ko. Nakalimutan ko siyang i-text.
"O-Okay. Umalis ako sa amin, ayoko sa bahay."
"Nasa'n ka ba? Umuwi ka na." Napahilot ako sa sentido ko. "Babe, please. Huwag nang matigas ang ulo."
"H-Hindi mo 'ko pupuntahan?" Bakas ang pagtataka sa boses niya. Hindi tuloy ako nakasagot. "N-nevermind. Uwi na lang ako maya-maya."
"Sige na. Ingat." Bumuntong-hininga ako. "I love you..."
"Para sa mga natatakot manakit ng damdamin ng iba," sagot ko nang tanungin ako ni Marife kung tungkol saan ang mga kantang naisulat ko.
Pumikit siya at diniinan ang tamang chords, kinalabit ang mga string ng gitara na naglikha ng magandang tugtugin. Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Halata naman na passion niya rin ang music, kahit hindi niya sabihin, alam ko at nararamdaman ko.
"Ang ganda..." sabi ko habang nakatitig sa mukha niya. Araw-araw, paganda siya nang paganda sa paningin ko. Nang mapatingin siya sa'kin ay nagkunwari akong nakatingin sa langit. Bumilis ang tibok ng puso ko at doon ko napagtanto na...may nararamdaman na ako para sa kaniya.
Naisip ko si Yumi. Wala siyang ginawang masama sa akin. Napakabait niya bilang girlfriend, wala akong masabi. Pero bakit nagkakagusto pa ako sa iba? Manloloko ba ako? Ayokong maging manloloko. Hindi ako gano'ng klase ng lalake. Kaya sinubukan ko pa ring pigilan ang nararamdaman ko.
"Ikaw, Pikachu, ah. Huwag ka munang magpapaligaw. Hindi pa ako handang mawalan ng girl bestfriend," sabi ko kay Marife nang malaman kong ka-chat niya 'yong taga-La Vida University. Pinilit kong itago ang pagseselos ko para hindi niya mahalata.
Pero kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, hindi ko pa rin maiwasan na maipakita kay Yumi ang pagbabago ng nararamdaman ko para sa kaniya.
Noong Undas, magkasama kami ni Yumi na dumalaw sa puntod ni Nanay.
"Nay, malapit na akong matapos sa junior high school," nakangiting sabi ko habang nasa harap kami ng puntod niya. "Si Oliver, medyo tumitino na rin. Nag-aaral na siya sa ALS. Huwag na kayong mag-alala sa amin, Nay."
Pagkagaling namin ng sementeryo ay namasyal muna kami ni Yumi. May ilan naman kasing tindahan na bukas. Binili ko ng regalo si Oliver dahil birthday niya.
Wala pa kaming balak umuwi pagdating ng gabi dahil gusto ni Yumi na pumunta ng Simbahan sa Plaza. Umuulan pa kaya pumayag na ako.
Pero biglang tumawag si Marife.
"A-Akala ko pa naman mabait ka. S-Stalker ka pala! Adik ka ba, ha?!" dinig kong sigaw niya nang sagutin ko ang tawag.
"Marife! Ano ba, kanina pa ako nagsasalita rito! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Nataranta kaagad ako dahil panay ang sigaw niya.
"Babe, sino 'yan?" tanong ni Yumi pero hindi ko siya nasagot. Iniwan ko siya roon nang hindi nagpapaalam.
"T-Teka, diyan ka lang! Huwag kang aalis!" tarantang sabi ko kay Marife.
"Hiroshin, sinusundan niya 'ko!" sigaw niya. Tumatakbo na ako dahil malapit lang ang kinaroroonan niya. Hindi ko ininda kahit nababasa na ako ng ulan.
Pagdating ko roon, wala na si Marife. Sinubukan ko siyang hanapin pero wala na talaga. Para na akong mababaliw kakahanap sa kaniya. Hindi ko na naisip si Yumi na naiwan ko sa Simbahan.
"Babe..." Sinagot ko ang tawag ni Yumi nang makauwi ako sa boarding house.
"I-Iniwan mo 'ko. Saan ka ba nagpunta?" Mangiyak-ngiyak ang boses niya. Kumirot ang dibdib ko.
"S-Sorry. Nasaan ka ngayon? Gusto mo bang puntahan pa kita?"
"H-Huwag na. Nakauwi na ako-" Hindi ko natapos ang sinasabi niya dahil napatingin ako sa tumikhim-si Marife. Nakahinga ako nang maluwag .
"Hindi ba sinasabi ko na sa'yo na mag-ingat ka?" Ngayon ko lang yata nataasan ng boses si Marife. "Alam mong delikado na makipag-chat ka sa kung sino-sino lang tapos ginawa mo pa rin?"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa sobrang pag-aalala sa kaniya. Paano kung may nangyaring masama sa kaniya? Baka mapatay ko sa bugbog ang Glen na 'yon.
Nagkaroon pa kami ng pagtatalo ni Oliver dahil akala niya ay nakalimutan ko ang birthday niya. Oo, hindi ako showy sa pagmamahal ko sa kaniya pero kapatid ko siya, eh. Mahal ko siya at hindi niya lang nakikita 'yon. Mabuti na lang...nasa tabi ko si Marife.
Kinabukasan, nagdesisyon akong sumabay Marife pauwi ng San Fernando. Pupuntahan ko si Yumi dahil gusto kong bumawi sa kaniya. Punong-puno ng konsensya ang puso ko dahil iniwan ko siya kagabi.
"Good morning po, Tita," nakangiting bati ko sa mama ni Yumi pagdating ko ng bahay nila.
"Oh, Hiroshin. Napadalaw ka?" Nagpunas siya ng kamay gamit ang itim na tuwalya. Galing siya sa kusina, nagluluto siguro.
"Dadalawin ko lang po sana si Yumi."
Mabuti na lang at mabait si Yumi. Hindi siya nagtanim ng sama ng loob kahit may kasalanan ako sa kaniya.
"Date tayo," aya ko.
"Gusto mo lang bumawi, eh," nakangusong sabi niya.
"Gusto ko talagang bumawi sa'yo." Kinurot ko ang ilong niya.
"Kamusta na si Marife?"
Nabura ang ngiti ko nang maalala na naman si Marife. "Uh...okay na siya. Dinalaw niya ngayon ang kapatid niya."
Lumiwanag ang mukha niya. "Umuwi siya sa bahay?! Tara, puntahan natin siya!"
"T-Teka, magdi-date pa tayo!"
"Dadaanan lang natin siya!"
Magkahawak-kamay kaming naglakad papunta sa bahay nila Marife, para lang makita siyang kasama si Ate Monica na duguan at hinang-hina.
Hindi kami natuloy ni Yumi at sinamahan na lang si Marife na dalhin sa ospital ang kapatid niya. Parang pinupunit ang dibdib ko habang nakikita ko siyang umiyak kaya ginawa ko ang lahat para mapangiti siya.
"Ano 'yon, Hiroshin?" tanong ni Yumi. Alam kong nakita niya kung gaano kami kalapit ni Marife sa isa't isa kanina.
"A-Anong 'ano 'yon'?" kabadong tanong ko. Hindi niya ako tinawag sa endearment namin.
"Umamin ka nga sa'kin..." Nakatingin siya sa sahig nang itanong niya 'yon. "M-May gusto ka ba kay Marife?"
Natigil ako sa paglalakad, gano'n din siya. Sinalubong niya ang tingin ko at wala akong nakitang emosyon sa mga mata niya.
"B-Bakit mo naman tinanong 'yan, babe?" Sinalakay ng kaba ang dibdib ko.
"Kulang na lang maghalikan kayo kanina. Kung hindi ako dumating baka-"
"Walang gano'n, babe. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano."
"Masisisi mo ba 'ko?" Nanubig ang mga mata niya kaya napuno ng kaba ang dibdib ko. Ayokong nakikita siyang ganito. Ayokong masaktan siya dahil sa'kin. Tama pa ba 'tong ginagawa ko?
"Kitang-kita ko. Ako lang ba ang nakakahalata na may kakaiba sa paraan ng pagtingin niya sa'yo?"
Napaawang ang labi ko. Si Marife? May pagtingin sa'kin? Pero sinabi niya sa'kin na wala.
"Magkaibigan lang kami ni Marife. At ikaw lang ang gusto ko..." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay sinabi ko lang 'yon para tumigil na siya sa kakaisip ng kung ano-ano.
"S-Sige. Pwede bang ikaw na lang ang bumili ng pagkain?"
Tumango ako. Ako na lang ang bumili ng pagkain pero pagbalik ko ay nag-aaway na si Yumi at Marife.
nganong ko kay Yumi. Umiiyak siya sa balikat ko kaya hinahagod ko ang likod niya.
"Sinabi kong sa kaniya na gusto kong layuan ka niya."
Binitawan ko siya at tiningnan nang kunot ang noo. "Bakit mo naman sinabi 'yon?"
Wala naman akong nakikita kay Marife na dapat niyang pagselosan. Limitado na ang kilos naming dalawa dahil nasa isang relasyon na ako.
"Dahil nagseselos ako, Hiroshin! Selos na selos na ako sa inyong dalawa! Ayoko na nitong nararamdaman ko kasi hindi naman ako ganito dati, eh! Hindi ko na kilala ang sarili ko!"
Napatitig ako sa kaniya. Punong-puno ng luha ang pisngi niya at hindi ko kayang matagalan na tingnan siya sa gano'ng sitwasyon. Parang pinupunit ang dibdib ko at hindi ko yata kayang makita pa siyang nasasaktan dahil sa'kin.
Paano pa kaya kapag nalaman niyang...may nararamdaman na ako kay Marife? Anong gagawin ko?
Ayoko siyang masaktan pero ayoko rin naman na lokohin pa siya...pati ang sarili ko.
Ilang araw kong pinag-isipan kung anong gagawin ko. Hanggang sa magdesisyon akong kausapin si Yumi sa bahay nila.
"Ano nga ulit 'yong sasabihin mo, babe?" tanong ni Yumi.
Nasa labas kami ng bahay nila Yumi. Sinadya kong ihatid siya rito galing ng school dahil balak kong daanan si Marife. Magmula nang makalabas sa ospital ang kapatid niya ay umalis na siya sa boarding house at bumalik na sa bahay nila. Hindi siya pumasok nang ilang araw kaya gumawa ako ng notes para sa kaniya, para makahabol siya sa mga lessons.
Umupo kami ni Yumi sa upuan na kahoy na katabi ng puno ng mangga. Mabilis ang kabog ng dibdib ko, kinakabahan sa pwedeng mangyari. Pero iniisip ko na lang na kailangan kong magpakalalake. Hindi nararapat si Yumi sa isang katulad ko...na hindi alam ang pinagkaiba sa pagmamahal at sa infatuation lang.
Tinitigan ko si Yumi at walang pasabi na niyakap siya nang mahigpit. Nagsimulang mag-init ang mga mata ko lalo na nang yakapin niya ako pabalik.
"May problema ba, babe?"
"Y-Yumi, itigil na natin 'to," panimula ko.
Natuod siya sa pagkakayakap ko at dahan-dahang kumalas para tingnan ang mukha ko, seryoso na ang mukha.
"I-Itigil ang alin?" Napakurap siya, nakaawang ang bibig.
"I-Itong relasyon natin. Itigil na natin 'to."
Napayuko ako at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat. Niligawan ko siya, pinaramdam ko sa kaniya na siya ang nag-iisang babaeng gusto ko, pero hindi ko alam na panandalian lang pala 'yon. Huli na para malaman ko na infatuated lang ako sa kaniya. Dahil kung totoong mahal ko siya, bakit ako nahulog kay Marife nang hindi sinasadya? Ang tunay na pagmamahal, nanatili sa isang tao.
"N-Nagalit ka ba dahil nagselos ako sa inyo ni Marife?" Nanginginig na ang boses niya. "Nagagalit ka ba dahil iniiwasan ka na ni Marife dahil sa akin? Kung 'yon ang dahilan mo, babaguhin ko ang sarili ko. H-Hindi na ako magseselos-"
"Yumi, hindi ikaw ang problema. Halos perpekto ka na sa paningin ko at sa paningin ng lahat," lumuluhang sambit ko, hindi makatingin sa kaniya.
"K-Kung gano'n, bakit? B-Bakit gusto mong makipaghiwalay sa'kin? May iba ka na bang nagugustuhan?"
Oo, Yumi. Meron. Pero hindi ko sasabihin sa'yo 'yon dahil ayokong lalo kayong magkasira ni Marife. Hihiwalayan kita para hindi na kita masaktan lalo. Ayokong lokohin ka dahil hindi mo deserve 'yon. Malaki ang respeto ko sa'yo...sa inyong dalawa ni Marife.
Umiling ako. Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko habang nakayuko at hawak pa rin ang mga kamay niya.
"S-Saktan mo 'ko, Yumi. S-Sampalin mo 'ko hangga't gusto mo dahil deserve ko 'yon. B-Basta pagkatapos nito...palayain mo na 'ko..."
Napapikit ako nang sampalin niya nga ako. Hindi lang isa...kundi maraming beses.
"A-Anong ginawa ko sa'yo, ha?! Bakit?! Bakit?! May iba ka na ba?! Bakit hindi mo na lang sabihin sa'kin! Bakit kailangan mo pang magsinungaling?!"
Hinayaan ko lang na sampalin niya ako hanggang sa maramdaman ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa mukha ko. Pero hindi ako nagreklamo.
"Bakit mo pa 'ko niligawan kung hindi mo kayang manatili sa buhay ko hanggang huli?! Bakit hindi mo sinabi kaagad?! Bakit?!" Pinagsusuntok niya ang dibdib ko pero hindi ko siya inawat. Hinayaan kong saktan niya ako dahil alam kong mas masakit ang pinaparamdam ko sa kaniya ngayon.
"M-Mahal na mahal kita, eh," umiiyak na bulong niya. Nakasubsob na ang mukha niya sa dibdib ko habang mahinang sinusuntok pa rin ang dibdib ko. "Mahal kita, Hiroshin. Bakit mo 'ko sinasaktan nang ganito? B-Bakit?"
"H-Hindi ko sinasadya, Yumi. Maniwala ka. Pero hindi ako ang lalakeng para sa'yo....mas deserve mo 'yong lalakeng hindi ka sasaktan nang ganito." Iyon lang naman ang hiling ko para sa kaniya: ang makahanap siya ng lalakeng siya talaga ang mamahalin at hindi kayang mahulog sa iba.
Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya nakita ko nang malinaw ang namumula at luhaan niyang mga mata.
"N-Na-fall out of love ka ba sa'kin? Pwede naman nating ibalik 'yon, eh. Please, subukan natin ulit, Hiroshin. Hindi ko kaya nang wala ka. M-Maawa ka naman, oh."
Napapikit ako dahil hindi ko kayang makita ang desperadang mga mata niya. Hindi ko gusto na nakikita siyang magmakaawa sa katulad ko. Ako ang nasasaktan para sa kaniya.
Alam kong nasasaktan siya pero mali ang ituloy pa 'to.
"Y-Yumi, please..." nahihirapang sambit ko. "P-Pakawalan mo na 'ko..."
"A-Ayoko." Mariin siyang umiling. "Mahal kita, eh. Hindi ko kaya, please. Huwag, ayoko..." Niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan.
Mas lalo akong naluha dahil sa pagmamakaawa niya. Palakas nang palakas ang pag-iyak niya at ayaw niya akong bitawan kaya wala akong nagawa.
"S-Sige. Hindi na ako makikipaghiwalay sa'yo..." Mabigat man sa loob ko pero kailangan kong sabihin iyon para mapakalma siya at tumigil na siya sa pag-iyak.
Noong gabing 'yon, pinuntahan ko si Marife. Gustong-gusto kong magsumbong sa kaniya at alam kong nahalata niya ang mga kalmot sa mukha ko pero hindi ko sinabi ang totoong dahilan.
Pakiramdam ko...nakakulong ako.
"M-Maniwala ka naman..." lumuluhang pakiusap ni Marife.
Gusto ko siyang paniwalaan na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga libro at notes ni Yumi pero ayokong makita na naman kami ni Yumi at magseselos na naman 'yon.
Kaya mas pinili kong...balewalain siya.
"Kailangan ako ng girlfriend ko..." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin bago ko siya tinalikuran.
Nagkuyom ang mga kamao ko habang naglalakad palayo sa kaniya. Gusto kong kausapin si Lovely kung bakit niya dinamay si Marife pero nagdesisyon akong huwag na lang. Away 'yon ng mga babae at ayokong makisawsaw.
"K-Kaya pala biglang nagbago ang pakikitungo niya," umiiyak na sabi ni Yumi habang inaalo ko siya. "Kasi naiinggit siya sa'kin. Hiroshin, masama ba akong kaibigan?"
Umiling ako at bumuga ng hangin. "Hindi. Hindi ka masamang kaibigan, Yumi. Hindi lang kayo nagkaintidihan."
"H-Hirap na hirap na akong intindihin siya. Hirap na hirap na akong intindihin ang mga tao sa paligid ko."
Natahimik ako nang sabihin niya 'yon. Alam kong malapit na siyang maubos. Tahimik lang siya pero alam kong nararamdaman niya ang pagbabago sa relasyon naming dalawa.
Hinatid ko siya sa sakayan ng tricycle pero biglang umulan kaya sumilong ako sa waiting shed...at nakita ko si Marife.
"Hindi ko alam kung anong totoo sa mga pinapakita mo! Dahil gano'n ka, 'di ba? Hindi mo sinasabi kung anong nasa isip mo! Akala ko nga okay na, eh. Akala ko nasasabi mo ang mga bagay na nasa isip mo lang pero mali ako! May pader pa rin sa puso mo na mahirap tibagin!"
Hirap na hirap akong basahin siya. Nararamdaman ko na may gusto siya sa'kin pero ayokong pangunahan siya. Gusto ko lang naman malaman ang totoo, eh. Bakit hirap na hirap siyang umamin? Bakit parang may pumipigil sa kaniya?
"May hindi ka pa pinapakawalan, Marife. At iyon ang dahilan kung bakit ka ganyan, kung bakit hindi mo maamin ang totoo-"
"Hindi nga sabi ako ang pakana n'on! Hindi ako! Hindi ako!" sigaw niya. "Bakit ba hirap na hirap kang maniwala? Bakit kay Lovely ka naniniwala? Bakit sa'kin, hindi?! Naging kaibigan mo 'ko, 'di ba?! Mas kilala mo 'ko kaysa kaniya pero bakit sa kaniya ka naniniwala?! Dahil ba maganda siya at pangit ako, gano'n ba?!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin pero huli na para ipaliwanag ko pa. Sa mismong harap ko, nakita ko kung paano niya alalahanin ang masakit niyang nakaraan. Hindi ko alam na gano'n pala ang nangyari sa mga magulang niya. Kaya pala gano'n kababa ang tingin niya sa sarili niya. Kaya hindi talaga ako nagsisi na tinulak ko siya para maging confident siya sa sarili niya.
Matapos ang pagtatalo namin no'ng gabing 'yon, hindi pa rin kami nagkaayos. Nag-iiwasan pa rin kaming dalawa. Para sa'kin ay mas mabuti na 'yon. Ayoko na siyang kausapin siya...o i-text.
To: Pikachu
Nakauwi ka na?
Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ko natiis na huwag siyang i-text.
May ka-meet kami ni Yumi na representative ng isang sikat na pabango kaya pagkagaling namin sa Christmas party ay dumiretso kami sa Centro. Inaalok niya kami para maging endorser ng product nila at nagdesisyon kami ni Yumi na tanggapin iyon. Hindi iyon ang unang beses na may nag-alok sa amin ng mga produkto nila para i-endorse namin. Malaki na kasi ang impluwensya naming dalawa ni Yumi sa Tiktok at sa kahit anong social media kaya hindi talaga maiwasan.
From: Pikachu
Lalakeng naka-black pants at jacket. Mga 5'7 ang height. Matipuno ang pangangatawan. Sumusunod sa akin ngayon dito sa eskinita.
Napatigil sa pagsasalita si Yumi nang bigla akong tumayo mula sa pagkakaupo sa bench na kinaroroonan namin. Dito kami sa Plaza dumiretso pagkatapos naming makipagkita roon sa representative. Gusto kasi ni Yumi na pumunta ng Night Market.
Sa sobrang kaba at taranta ko, hindi ko nagawang magpaalam kay Yumi. Iniwan ko lang siya roon para puntahan si Marife. Pero sana pala...hindi ko ginawa. Sana...hindi ko siya iniwan.
"H-Hiroshin...may....may sumusunod sa'kin. T-Tulungan mo 'ko..." Nanginginig ang boses ni Yumi mula sa kabilang linya.
Parang sinapok ako sa narinig ko.
"Ano?! Teka, pa'nong nangyari...nasaan ka?!"
Sa sobrang pag-aalala ko kay Marife ay hindi ko nagawang tulungan ang sarili kong girlfriend. Hindi ko tuloy naiwasan na...sisihin si Marife.
"Kasalanan mo 'to, eh!" sigaw ko sa kaniya. "Kung hindi ka sana nag-text ng gano'n, hindi sana kita pupuntahan! Hindi ko sana iniwan si Yumi sa Plaza at hindi sana nangyari sa kaniya 'to!"
Hindi ko gustong sisihin siya. Pinagsisihan ko kaagad ang mga nasabi ko sa kaniya dahil ang totoo ay ako talaga ang may kasalanan. Ako ang nag-iwan kay Yumi, ako dapat ang sisihin.
"S-Sorry. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Please...patawarin mo 'ko... Mahal kita..." Paulit-ulit kong sinambit 'yon sa harap ni Yumi. Kahit wala pa rin siyang malay, gusto kong iparinig sa kaniya ang mga salitang alam ko na gusto niyang marinig mula sa akin. Dahil ipinagdamot ko 'yon sa kaniya.
Mabuti na lang at naging maayos ang lahat. Naka-recover si Yumi at nagkaayos sila ni Marife. Masaya ako para sa kanila pero dumistansya pa rin ako kay Marife dahil ayoko nang mag-away pa sila dahil sa'kin.
"Partner kami ni... Yuehan sa isang contemporary dance," kwento ni Yumi nang sunduin ko siya sa Pavilion. Galing siya sa training ng dance troupe at mukhang balisa siya.
"Si Yuehan?" Kumunot ang noo ko. "'Yong..."
"Huwag mo nang banggitin." Ngumuso siya at nilaro ang mga daliri sa kamay.
"Partner kayo ni Yuehan sa sayaw n'yo sa Prom?" ulit ko.
"Oo, eh. Sabi kasi nila...malakas ang chemistry naming dalawa. Okay lang ba sa'yo?"
"Oo naman! Bakit?" Maganda nga 'yon para magkasundo naman sila ni Yuehan.
"H-Hindi ka magseselos?"
"Bakit ako magseselos?" Kumunot ang noo ko.
"W-Wala lang!" Niyakap niya ang braso ko. "Tara!"
Nang sumapit ang Prom namin...saka ko lang naintindihan kung bakit balisa si Yumi nang pag-usapan namin si Yuehan.
Dahil sa mismong harap ko...sa harap ng maraming tao...hinalikan ni Yumi si Yuehan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kaya umalis ako roon. Sinundan ako ni Yumi at hinayaan ko siyang magpaliwanag.
"H-Hindi ko sinasadya...I-I'm sorry..." umiiyak na sambit niya.
"Bakit hindi mo sinabing siya na ang gusto mo?" sinserong tanong ko.
"H-Hindi ko siya gusto. Ikaw... Ikaw ang mahal ko pero nahahalata ko kasi na...hindi mo na talaga ako mahal. I'm sorry..."
Ang totoo, hindi ako nasaktan sa nakita ko. Mas nasaktan ako sa katotohanan na kailangan niyang gumamit ng ibang tao para doon ibaling ang sakit na naidulot ko sa kaniya.
"Hindi mo kailangang manggamit ng iba, Yumi. At sorry kung nararamdaman mong hindi kita mahal. Ito ang dahilan kung bakit ginusto kong maghiwalay na lang tayo noon pero pinigilan mo 'ko. Yumi...tama na 'to."
Mariin siyang umiling. "A-Alam kong nasaktan pa rin kita. Mali pa rin ang ginawa ko."
"Shh." Nginitian ko siya para ipakitang hindi ako nasaktan. "Okay lang ako." Inalis ko ang suot kong coat at nilagay sa balikat niya. "Magpahinga ka muna. Masyado pang magulo ang lahat."
Siguro, kailangan talagang mangyari sa amin ito para maiwasang masaktan lalo ang isa't isa.
"Alam kong hindi ka okay, men," sabi ni Tadeo nang sundan niya sa labas ng convention hall. "Nandito lang ako."
Nginitian ko siya. Alam ko naman 'yon , eh. "Kaya ko na ang sarili ko, Tadeo. Puntahan mo si Marife at Yumi. Pwede mo ba silang ihatid pauwi?"
"Oo naman." Tinapik niya ang balikat ko.
Nagpakalasing ako noong gabing 'yon. Iniisip ko kung bakit nangyayari 'to. Bakit kumplikado ang lahat? Bakit hindi ko pwedeng mahalin si Marife nang walang nasasaktan? Bakit ako ganito?
"H-Hello, men."
"Anak ng...bakit ang ingay?!" inis na bungad ni Echo nang sagutin niya ang tawag ko.
"Puntahan mo naman ako rito sa bar, oh." Nanlalabo na ang paningin ko. "Inuman tayo."
"Nasa bar ka?! Akala ko nasa prom kayo?!"
"Dami mong tanong. Puntahan mo na lang kaya ako!"
"Oo na! Sandali!"
Sinundo ako ni Echo sa bar na kinaroroonan ko at inuwi niya ako sa bahay nila. Hindi ko inasahan na...pupuntahan ako ni Marife.
Hilong-hilo ako dala ng kalasingan pero alam kong nasa harap ko siya.
Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang pisngi niya. "M-Mahal kita..."
Mahal na mahal kita. Inaamin ko na. Mahal kita, Marife. Nahulog ako sa'yo nang hindi sinasadya pero ayokong masira kayo ni Yumi. Alam ko kung gaano siya kaimportante sa'yo.
"M-Mahal kita.... Kasalanan ko ang lahat." Pumikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Naisip ko si Yumi. Alam kong umiiyak na naman siya nang dahil sa akin. "S-Sorry, Yumi. S-Sorry, nagkulang...nagkulang ako....sorry."
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Pero nagising ako nang marinig ang boses ni Marife. Hindi ako gumalaw at hindi ko rin idinilat ang mga mata ko para pakinggan ang mga sinasabi niya.
"Mahal kita, Hiroshin, hindi bilang kaibigan."
Gustong tumalon sa tuwa ang puso ko nang aminin niya 'yon sa wakas. Lahat ng bigat sa dibdib ko ay naglaho nang panandalian dahil sa sinabi niya. Mahal niya ako. Mahal niya ako hindi lang bilang kaibigan. Mahal ako ni Marife.
"Pwede ba kitang halikan?"
Sa unang pagkakataon, hinayaan ko ang sarili kong pagbigyan ang nag-uumapaw na pagmamahal ko para kay Marife.
Hindi siya kumilos kaya lumapit ako para halikan siya. Ang sarap sa pakiramdam na matikman ang malambot na labi niya. Pero pagkatapos n'on, iniwasan niya na ako. Hindi niya ako pinapansin kahit nang ayain ko siya no'ng Valentine's Day.
Ano bang masama kung pagbigyan ko muna ang sarili ko? Gusto ko lang naman makasama si Marife.
"Gusto ko lang naman mahalin ka." Pumiyok ang boses ko. "Gusto kong iparamdam sa'yo kung paano ako magmahal."
"Mas deserve ko 'yong pagmamahal na kusa at hindi 'yong ibinabalik lang."
Anong binabalik? Binabalik ko ba ang pagmamahal niya? Hindi ba halata sa mga kilos ko na mahal ko rin siya? Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko ay lalong magkakagulo. Para iparamdam sa kaniya ang mga salitang hindi ko masabi, hinalikan ko ulit siya. Pero hindi tulad noong una, humalik siya pabalik.
Ang sarap sa pakiramdam.
Maraming netizens ang nagbigay ng simpatya sa akin dahil sa nagkalat na video ng ginawa ni Yumi. Akala ng lahat....nasaktan ako ng sobra, pero hindi nila alam na si Yumi ang totoong biktima rito. Marami talagang tao ang huhusga sa'yo kapag nakagawa ka ng mali pero hindi inaalam ang totoong dahilan nito.
Sinundan ko si Yumi nang makita kong tinapunan siya ng tubig ng isang babae. Umiiyak lang siya habang pinupunasan ko ang mukha niya ng towel.
"H-Hiroshin, ayaw mo na ba talaga sa'kin?"
Natigil ako sa pagpunas sa kaniya at napatingin sa mukha niya.
"Yumi..."
"A-Alam kong mali na pinilit kitang mag-stay sa relasyong hindi mo na gusto. Akala ko kasi maibabalik ang dati mong pagtingin sa'kin. Pero nararamdaman ko...kahit hindi mo sabihin...hindi ka na masaya sa'kin, pinipilit mo na lang na magpaka-boyfriend kahit ayaw mo dahil naaaawa ka na lang. Hindi ko man alam kung anong dahilan kung bakit nawala ang pagtingin mo sa'kin, gusto ko pa ring subukan."
Napalunok ako at awtomatikong nanubig ang mga mata ko.
"Yumi..." Hinawakan ko ang pisngi niya at hinawakan niya naman ang kamay ko, tahimik na bumubuhos ang mga luha namin. "Hindi ako ang lalakeng para sa'yo. Hindi ko gusto na magmakaawa ka sa'kin na bumalik ako sa'yo. Tama na 'to."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at dahan-dahang tumango. "T-Tinatanggap ko. Pero may isa akong hiling..."
"Ano 'yon?"
"Halikan mo 'ko. At pagkatapos...doon na kita pakakawalan."
"Yumi..." Napabuntong-hininga ako.
"Please," nakapikit na pagmamakaawa niya at mas diniinan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Please...Gusto ko lang maramdaman ang halik mo kahit sa huling pagkakataon."
Napatingala ako at pumikit nang mariin para pakawalan ang mga butil ng luha sa mga mata ko.
"Ipangako mo muna sa'kin na kakalimutan mo na ako pagkatapos nito. Aalagaan mo ang sarili mo at hindi ka na magmaakaawa sa isang lalake para lang hindi ka nila iwan."
Tumango siya, lumuluha pa rin. "S-Sorry..."
Tinutukoy niya ang ginawang paghalik kay Yuehan.
"Hindi mo kailangang mag-sorry. Pinapatawad na kita. Huwag ka nang umiyak."
Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya gamit ang mga hinlalaki ko. Tinitigan ko siya at dahan-dahang yumuko para patakan ng halik ang labi niya. Pero katulad dati...wala pa rin akong maramdaman. Humiwalay kaagad ako sa kaniya at binitawan ang pisngi niya.
"I-I'm sorry," bulong ko. "Alam kong nasaktan kita. Pinagsisihan ko na pumasok pa ako sa buhay mo para lang saktan ka. Sinubukan ko naman, eh. Pero masasaktan ko lang ang sarili ko at pati ikaw kapag nanatili ako sa buhay mo. Alam kong hindi sapat ang salitang 'sorry' para mapawi ang sakit diyan sa puso mo, Yumi. Sana mapatawad mo 'ko."
Kung pwede ko lang sabihin sa kaniya na si Marife ang mahal ko....pero hindi pwede. Maraming masisira at hindi pa ito ang tamang pagkakataon.
Punong-puno ng sakit ang luhaan niyang mga mata nang iangat niya ang mga kamay para hawakan ang magkabilaang pisngi ko.
"M-Mahal na mahal kita. Hindi ako nagsisisi na pinapasok kita sa buhay ko kasi ikaw ang first love ko, sa'yo ako natutong magmahal sa unang pagkakataon." Pumikit siya at yumuko. "A-At pinapatawad na kita..."
Isang mahigpit na yakap ang isinagot ko sa kaniya.
"S-Salamat."
Napakabuti ng puso niya. Ang bilis niyang magpatawad kahit alam ko kung gaano kasakit ang ginawa ko sa kaniya. Ipinapanalangin ko sa Dios na huwag siyang sasaktan ng lalakeng susunod niyang mamahalin.
Akala ko wala na akong masasaktan dahil malaya na ako kay Yumi. Pero nagkamali ako...
"Nakita ko, Hiroshin! Nakita ko kayo ni Yumi!"
Natigilan ako sa sinabi niya. Nakita niya kami. Nakita niya rin ang paghalik ko kay Yumi. Wala naman sa'kin 'yon, eh. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya pero mukhang sarado na ang tenga niya para makinig.
"Nasira na ang pagiging magkaibigan natin at pati relasyon namin ni Yumi ay pwede rin masira dahil sa ginagawa mo!"
Tumatak sa akin ang sinabi niyang 'yon. Magmula nang halikan ko siya, sinugal ko ang pagkakaibigan namin...at pati ang relasyon nila ni Yumi ay pwede ring masira kapag pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pangungulit sa kaniya.
"Niloko ka ni Yumi, nasaktan ka tapos, ano? Pupunta ka sa'kin? Hahalikan mo 'ko? Anong akala mo sa'kin? Gamot na papawi diyan sa sakit na nararamdaman mo? Utang na loob, Hiroshin. Hindi ako painkiller na kakailanganin mo lang kapag nasasaktan ka!"
Painkiller? Kailan ko siya ginamit bilang painkiller? Tangina, mahal ko siya. Hindi ko siya kayang gamitin!
Pero kahit anong gawin kong pagpapaliwanag...wala talaga.
"P-Pasensya na kung gano'n ang tingin mo sa'kin." Pumiyok ang boses ko. "H-Hindi ko gusto na ganyan ang isipin mo."
Lumayo ako sa kaniya para hindi na siya masaktan dahil sa'kin. Pero bakit gano'n? Lumayo na nga ako pero mababalitaan ko na lang kay Tadeo na aalis na siya ng Bicol at pupunta ng Maynila?
"Hindi niya ba sinabi sa'yo na aalis na siya pagkatapos ng completion natin?" tanong ni Tadeo.
Nagkuyom ang kamao ko. "Wala siyang sinabi."
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Marife? Hindi ko na kayo maintindihan, eh."
Naguguluhan siya dahil nahahalata niyang nag-iiwasan kami ni Marife. Hindi ko sinasabi sa kaniya o kay Echo ang nararamdaman ko dahil ayokong pati sila ay mamroblema.
"Bakit ako na lang ang hindi nakakaalam na aalis ka pagkatapos ng completion natin?" tanong ko kay Marife. Sinadya kong hintayin siya sa may hagdan para kami na lang ang matira.
Bakit ba kailangan niyang umalis? Ako ba ang dahilan? Bakit ginaganito niya ako? Pero napag-isip-isip ko, kahit anong gawin ko, hindi ko siya mapipilit na manatili. Bata pa kami at hindi pa ito ang tamang panahon para pairalin ko ang emosyon ko.
"Sasama ako sa Completion n'yo, Kuya."
Natigil ako sa pagbobotones ng uniform ko, iyon kasi ang isusuot namin para sa Completion. Lumingon ako kay Oliver na inaayos ang buhok niya sa harap ng salamin gamit ang wax.
"Ano?" Parang nabingi yata ako dahil tinawag niya akong 'kuya'.
"Sasama ako sa-"
"Narinig ko. Pero tinawag mo 'kong..."
Lumingon siya sa akin, nakataas ang kilay. "Bakit? Ayaw mo ba? Kuya naman talaga kita, ah."
"Wow." Natawa ako at napailing. "First time."
Nakakatuwa na marinig na tinatawag akong 'kuya' ng kapatid ko. Napapansin ko rin ang pagiging masipag niya sa pag-aaral nitong mga nakaraang buwan. Hindi man niya sabihin, alam kong gusto niya ring bumawi sa akin at masaya ako sa nakikita ko.
"Ibigay mo 'to sa kaniya." Inabot ko kay Tadeo ang pulang rosas. "Sabihin mo sa'yo galing."
Completion na namin ngayon at 'yon lang ang kaya kong maibigay sa kaniya nang hindi niya nahahalatang galing sa akin. Alam kong nangako akong bibigyan ko siya ng totoong rosas kapag naging successful ako pero hindi ko na mahihintay 'yon. Gusto ko siyang bigyan ng rosas ngayon kahit hindi niya malaman na ako ang nagbigay.
"Huh? Bakit hindi ikaw ang magbigay?"
"Umiiwas nga, eh. Bigay mo na lang!"
Binigay niya nga pero hinatak niya naman ako papunta kay Marife para raw magpa-picture kami. Gusto ko siyang batukan.
Nabalitaan ko na bukas na ang alis nila Marife. Sinabi sa akin ni Oliver.
"6 AM sila aalis. Pupuntahan ko siya bukas," sabi ni Oliver.
"Bakit mo pupuntahan?" tanong ko habang nakatambay kami sa labas at hawak ko ang gitara ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya at tumingin sa akin. "Aamin ako."
"Ano?" Kumunot ang noo ko.
"Aamin ako."
Tuluyan ko nang ibinaba sa lupa ang gitara ko. "Aamin ka? Kay Marife?"
"Gusto ko siya. Hindi pa ba obvious 'yon, Kuya?"
Natahimik ako at napatitig sa lupa, inaarok ang sinabi niya. Matagal ko nang napapansin na may gusto ang kapatid ko kay Marife pero ngayong narinig ko mismo mula sa bibig niya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng...selos.
Pero dahil kapatid ko siya at wala naman akong karapatang magselos... binalewala ko na lang.
Umalis si Oliver nang madaling araw para puntahan si Marife. Lingid sa kaniya, sumunod ako.
Nagtago lang ako sa likod ng poste na nasa harap mismo ng bahay nila Marife. Mula roon, pinanood ko si Oliver at Marife na mag-usap. Napangiti ako nang makita siyang ngumiti habang kausap ang kapatid ko. Hindi ko alam pero masaya ako kapag nasisilayan ko ang ngiti niya. Hindi ko na kasi nakikita 'yon kapag ako ang nasa harap niya. Para bang...puro sakit na lang ang dala ko sa buhay niya.
"Kakalimutan na kita, kakalimutan ko na ang pagiging magkaibigan natin at kakalimutan ko na nakilala kita."
Parang may sumaksak sa puso ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon mula sa bibig niya.
"Gano'n lang 'yon sa'yo?" puno ng hinanakit na tanong ko.
Gano'n lang 'yon sa kaniya? Pagkatapos ng ilang taon naming pagkakaibigan...kakalimutan niya na lang lahat? Nagmahal lang naman ako, ah.
"I-I'm sorry..." 'Yon lang ang nasabi ko bago ako naglakad paalis.
Sorry dahil nasaktan kita. Sorry dahil sinubukan kong ilaban ang pagmamahal ko para sa'yo pero nabigo ako at nasira pa ang pagkakaibigan natin. Sorry dahil hindi pa kita pwedeng ipaglaban ngayon.
Pero umaasa ako na darating ang panahon, kapag pwede na...kapag wala nang masasaktan...gagawin ko ang lahat para maiparamdam sa'yo ang pagmamahal ko.
Sa ngayon, aabutin ko muna ang mga pangarap ko.
*************************************
"Sir! Hindi ba siya 'yong ex mo noong high school?"
I was watching Marife's trending video when TJ, my personal assistant pointed at the TV.
Si Yumi nga.
Napangiti ako sa sarili ko nang mabasa ang headline ng balita tungkol kay Yumi. Finally, she's happy.
"Bakit hindi kayo nagkatuluyan, Sir? Ang ganda-ganda ni Miss Yumi-"
"I already have a girlfriend," I cut him off, turning my gaze at Marife's trending video.
Ngayong masaya na si Yumi, sana naman ay hayaan mo na akong...mahalin ka. Lalo pa't alam ko at pinapanalangin ko na ako ang tinutukoy mo sa kanta.
"Weh? Sabi mo hindi naman kayo ni Miss Aica! Publicity lang-"
"Just wait for it, TJ." I gave him a wide smile. "I will have an announcement after my guesting tommorow."
"Totoo ba na kayo ni Aica Ferrer?" one of the reporters asked. Flashes of cameras were everywhere.
"Aica and I are just friends. We didn't date each other." I answered honestly. "To tell you honestly, I was just waiting for the right time to do things I wasn't able to do back then. I've been loving this girl since high school and my feelings for her hasn't changed at all."
"Who is this lucky girl?" tanong ng isang reporter.
"Si Mayumi Rizal ba ang tinutukoy mo? We all know na naging part siya ng past mo noong high school ka," segunda ng isa pa.
I wanted to be rude for bringing up my past with Mayumi. Nananahimik na 'yong tao pero dinidikit pa rin nila sa pangalan ko.
"No. It's not Mayumi. She was my bestfriend, and her name is Marife Garcia."
It took me years before I got the courage to admit who's in my heart for the past eight years.
Marife never left my heart and mind as we parted our ways eight years ago. She was the driving force behind my success.
Lahat ng gagawin ko, siya ang iniisip ko. Nang sumikat ulit ako sa Tiktok, tumanggap ako ng mga endorsement at pagmo-model para makatulong sa pag-aaral ko. Hindi naging madali ang buhay ko noong college pero buti na lang at sunod-sunod ang kuha sa akin ng mga endorsement. Hanggang sa kunin na na nga ako ng Lotus Records dahil sa mga cover songs na ginawa ko.
Music was my major in college. Yes, I took the risk because music is my passion. I don't think I'll ever do something I don't want to do.
Nang mapanood ko ang sumikat na video ni Marife sa internet, hindi ko maiwasang isipin na para sa akin ang kanta. Ayon sa source ko na si Ate Monica, walang naging boyfriend si Marife dahil tutok na tutok ito sa trabaho.
I felt proud of her when I found out that she took Journalism in college. I mean, she often hide her face back in high school and the field she choose would help her build more confidence in herself while communicating. But as I saw her video, singing her heart out, I already know that more opportunities would come in her way.
"You dropped Aica Ferrer just like that," natatawang wika ni Chad Pelaez, ang manager ko.
"Aica told me that we're cool. Besides, the rumors about us, dating, is not true." I sipped on my Frappuccino.
"It's okay. I don't want to force you either. It's only for the sake of publicity and I think you wouldn't need it. You catch everyone's attention by just looking at you."
"Masyado mo naman akong pinupuri." I shook my head. Ever since he became my manager, I treat him like a friend even though he was five years older than me.
"Pa'no kung kunin ko siya as my talent?"
Napaayos ako ng upo at inilapag sa desk ang hawak kong kape-na muntik pang matapon sa suot kong pantalon. His annoying laugh filled the room.
"Mukhang malakas ang tama mo sa Marife na 'yon. I could make you panic just by mentioning her name."
"Don't you ever try flirting with her." I gave him a glare but he just laughed.
Kilalang-kilala ko na siya. Lahat ng nagiging talent niyang babae, nilalandi niya at willing naman na magpalandi ang karamihan sa mga talent niya. Malandi 'to, eh. Pero pagdating sa pagma-manage ay alam ko at kaya kong patunayan na magaling siya. Hindi ako aabot sa ganito kung hindi siya magaling.
We were interrupted when my phone rang.
"TJ..." I answered his call.
"Sir, nasa Total Media 'yong crush mo ngayon!"
"What?" Tumayo ako mula at sinenyasan si Chad na lalabas na ako ng office niya. "Sinong crush?"
"Si Marife Garcia! May interview siya ngayon kay Ma'am Jane, 'yong sikat na broadcast journalist sa Total Media! Ifi-feature siya sa 'Life Does Matter'!"
"Paano mo nalaman?"
"Hindi ba may friend akong taga- Total Media rin?"
I stared at my wristwatch. It was already past 4 PM. I want to see her, talk to her like I've always wanted to do ever since we stopped talking to each other.
"Pupuntahan ko siya."
"P-Pero, Sir!"
"Huwag mo na akong samahan. Magpahinga ka na lang. May sakit ka, 'di ba?" Pinatay ko na ang tawag at dali-daling bumaba ng building para sumakay ng kotse ko.
When I arrived at Total Media, it was too late for me to realize that reporters would recognize me despite of hiding my face with a cap and a mask.
Nagawa kong makatakas pero nabunggo ko naman si Marife. Tamang-tama at siya pa naman ang pinunta ko rito. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko nang makita ko ulit siya at mahawakan.
"I'm proud of you."
I smiled by myself as she said those words. It was hearmelting when the person you love appreciate things you've tried so hard to reach.
Nang mapanood niya ang interview ko tungkol sa pag-amin ko na siya ang mahal ko, inisip niya kaagad na for publicity 'yon.
To hell with publicity!
Iwas na iwas siya sa'kin dahil ayaw niya raw malaman ni Yumi na nag-uusap kami. Wala naman akong pakialam do'n, eh! Lantaran ko nang sinabi sa buong mundo na siya ang mahal ko, may magagawa pa ba siya? Ang tagal kong naghintay tapos hanggang ngayon...mali pa rin?
@MhaeGarcia
Don't overthink, guys. It's not Hiroshin. It's @Echobar
Halos magdikit ang mga kilay ko nang mabasa ang tweet ni Marife. Pinalabas na kasi sa 'Life Does Matter' ang story niya at trending ngayon kung sino ang lalake sa likod ng kantang sinulat niya.
Si Echo raw?! Alam ko naman na ayaw lang niya na malaman ni Yumi na ako ang dahilan kung bakit sinulat niya ang kantang 'yon pero naiinis pa rin ako!
"Ulo mo, gago," inis na bulong ko nang mabasa ang text ni Echo, tinatawanan ako. Hindi ko tuloy napigilan na mag-tweet din.
@HiroshinIscalera
I wonder if it's true. Let's just see.
"Pota naman! Kakagaling ko lang sa biyahe! Gusto kong matulog!" reklamo ni Echo nang isama ko siya pati si Tadeo para sundan namin si Chad at Marife.
Sakto kasi na may project si Echo dito sa Maynila at kakarating niya lang galing Bicol pero inistorbo ko na siya. Mabuti na lang at pumayag naman si Tadeo kahit busy siya sa trabaho, sabi ko kasi nakita ko ex niya.
"Sinungaling amputa!" reklamo ni Tadeo.
"Huwag na kayong maingay," bulong ko pagpasok namin ng restaurant na pinasukan nila Marife.
Katulad ng sinabi ko, malandi si Chad sa mga nagiging talent niya at ayokong pati si Marife ay taluhin niya. Dapat sa office lang sila, 'di ba?! Bakit sila kumakain sa labas?! Hindi pwede sa'kin 'yon!
Pinili ko na umupo sa table na malapit sa pwesto nila Marife. Nang mapatingin sa akin si Marife, umiwas kaagad ako ng tingin at ngumiti kay Echo at Tadeo na kakaupo lang din.
"Para kang tanga. Bakit ka ngumingiti?" tanong ni Tadeo.
"Tanga, magkunwari ka na lang na nag-uusap tayo. Nakatingin siya," nakangiting sabi ko.
"Hahaha! Pinapunta mo pala kami rito para magtanga-tangahan, ano?! Apir tayo!" exaggerated na sabi ni Echo at nakipag-high five pa sa'kin. "Ulol."
Nang pumunta ng restroom si Marife ay saka ako lumapit kay Chad.
"Hoy." I poked his shoulder.
"Jeez!" He jumped on his seat, surprised when he saw me. "What the fuck are you doing here?"
"No. What the fuck are you doing here with Marife?" I pointed him.
Gusto ko siyang sakalin. Mabuti na lang at mabait ako.
"We're just having a dinner!"
"You better go home." I nodded. "Before she gets back."
"Inuutusan mo ba 'ko?" He raised his brows.
"Wala tayo sa Lotus Records kaya hindi kita manager ngayon." Umirap ako. "Umuwi ka na. Sasabihin ko kay Marife na may emergency ka."
"Okay!" He looked annoyed. "But let me clear it to you, I'm not flirting with her."
"Good 'yan."
He scoffed. "You're a hopeless case."
Mabuti na lang at umalis na siya kahit halatang nainis siya sa'kin. Bakit? Eh sa nagseselos ako, eh! Ngayon lang naman ako ganito!
"Manager mo 'yon, 'di ba? Bakit mo inaaway?" usisa ni Tadeo. "Hala ka!"
Hindi ko sila pinansin ni Echo at pinuntahan ko si Marife sa restroom.
"Ihahatid na kita pauwi sa inyo."
"At bakit? May sarili akong sasakyan at may kasama ako, 'di ba?"
"Umuwi na si Chad. May...emergency raw."
Kinailangan ko pang magsinungaling para sumama siya sa'kin.
"Baha na raw sa daan papunta sa inyo," sabi ko habang nasa loob na kami ng kotse ko.
"Oh, ano ngayon?"
"I'm taking you to my condo unit."
Alam kong hindi siya papayag pero wala naman siyang magagawa. Baha naman talaga papunta sa bahay nila kaya inuwi ko muna siya sa condo unit ko.
"B-Bakit mo 'ko sinaktan nang gano'n, Hiroshin? Bakit mo sinira ang pagkakaibigan natin? Bakit?"
I feel like my heart was being cut into pieces when she cried in front of me.
Did I really ruin our friendship? Probably, yes.
Noong mga panahon na 'yon, masyado pang bata ang isip ko at madalas pangunahan ng emosyon.
"Hinintay ko 'tong pagkakataon na 'to, kung saan wala nang masasaktan, kung saan pwede na kitang mahalin nang malaya. P-Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin pwede? Bakit hindi mo 'ko kayang paniwalaan na ikaw ang minahal ko?"
Ang sakit lang isipin na kahit anong sabihin ko ay ayaw niyang paniwalaan. Pero hindi ko siya magawang sisisihin. Natatakot na siyang masaktan...at makasakit. Pero paano naman ako? Nasaktan din naman ako, ah.
"But why do I have to feel sorry for loving you? Hanggang kailan ako hihingi ng sorry sa isang bagay na kusa kong naramdaman?"
Nakakapagod din humingi ng sorry lalo na kung ginusto ko naman maramdaman. Ginusto kong mahalin siya pero bakit parang kasalanan ko 'yon?
Dumating ang araw ng birthday ni Tadeo. Nalaman kong pupunta siya kaya hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa pinto. Nagkakasiyahan sila at nag-iinuman pero hindi pa ako nakikisabay dahil nga hinihintay ko si Marife.
"Darating 'yon! Huwag kang mag-alala! Sabi niya pupunta siya, eh."
Pero iba ang dumating.
"Hi," nakangiting bati niya nang makita ako.
"Yumi..." I smiled at her. This isn't the first time we saw each other again. Ilang beses din kaming nagkita mga TV guestings, interviews at documentaries. We're civil.
Pinagkaguluhan siya ng mga bisita ni Tadeo katulad ng nangyari sa akin kanina. Mabuti na lang at hindi uminit ang ulo ng... boyfriend niya.
"You drink?" I asked her when I saw her staring at her boyfriend who was drinking with Tadeo and Echo.
"No." She chuckled, holding her tummy. "It's bad for my health."
"Oh, I see." I stared at his boyfriend. "Kaya pa bang uminom ng boyfriend mo?"
Mukha na siyang zombie. Nakakailang shot pa lang siya pero mukhang malapit nang mahimatay.
"Don't worry about him." She stared at me, smiling. "How are you? Madalas tayong magkita pero ngayon lang tayo nagkausap nang matagal."
"I'm doing fine." I smiled back. "I've heard about your announcement. Congratulations."
Natupad ang hiniling ko sa Dios noon na makahap siya ng lalakeng nararapat para sa kaniya. At masaya ako na nakikita siyang masaya.
"Thank you! Napanood ko rin ang interview mo."
I blinked twice. "Uh...about that-"
"Silly!" She hit my arm lightly. "I already know about that! Since high school!"
My brows met. "Since high school?"
"Since high school! Bago mo pa 'ko hiwalayan noon, alam kong kay Marife ka nahulog!"
My mouth gaped for a moment. "Alam mo pero wala kang binanggit sa'kin?"
"Dahil martyr ako no'n sa'yo!" Umirap siya, natatawa pa. "But it's all in the past! Limot ko na 'yon!"
Whew. Hindi ko alam na nahalata niya pala ako noong mga panahon na 'yon. Ang bait niya talaga dahil kahit sinaktan ko siya ay hindi siya nagtanim ng galit kay Marife.
"Marife's ignoring my messages!" kwento niya. "Tingin ko, nagi-guilty siya kasi akala niya hindi ko alam na mahal n'yo ang isa't isa no'ng high school!"
"Yeah." I sighed. "Sabi niya baka magalit ka kapag naging kami. Mag-ex daw kasi tayo tapos bestfriend ka niya."
"I don't mind! Matagal na 'yon at hindi naman masama kung maging kayo! Don't make me feel that I am the villain in your love story, you lovebirds!"
I couldn't help but to laugh at her.
"You want me to talk to her?"
"You'll do that?" I raised my brows.
"I want the two of you be official. Gusto ko siyang sumaya, at alam kong ikaw na lang ang kulang sa buhay niya-" Natigil siya sa pagsasalita nang makita ang boyfriend niyang nadapa na sa sobrang kalasingan. "Oh, my God! Jesus!"
Natawa na lang ako nang tulungan ni Echo si Yumi na dalhin ang boyfriend nito sa kwarto ni Tadeo.
Tumingin ako sa labas at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Marife na paparating. Tumakbo kaagad ako papasok pero nadapa ako sa sobrang pagmamadali.
"Oh, may tanga!" Humalakhak si Tadeo nang makita ang nangyari sa'kin.
Nakangiwing umupo ako sa sofa habang tawa pa rin nang tawa sa akin si Tadeo. Lumiwanag lang ang mukha ko nang makita ko Marife. Ang ganda niya.
"I-Im...I'm sorry..."
"A-Ano-" Nagulat ako nang halikan ako ni Marife. Hindi ko pa nga alam kung bakit siya umiiyak! Mabuti na lang at gusto ko naman ang ginawa niya!
"A-Ang sabi ni Yumi, maging masaya ako. Pa'no 'yan? Sa'yo lang ako sasaya."
Kinausap na siya ni Yumi. Naliwanagan na siya. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa saya.
"M-Mahal na mahal kita," umiiyak na bulong niya. Ang sarap sa tenga marinig ng mga salitang 'yon kaya hindi ko napigilan ang lumuha.
Ang tagal kong hinintay na dumating ang pagkakataon na 'to-ang marinig mula sa bibig niya na mahal niya ako.
"I love you..." puno ng emosyon na sagot ko.
HEADLINE: SINGER-SONGWRITER, HIROSHIN ISCALERA AND THE NEW ARTIST MARIFE GARCIA CONFIRMED THEIR RELATIONSHIP.
"What's up, People of the Davis?!" Umalingawngaw ang hinihingal na boses ko sa buong paligid ng Davis Arena, kung saan ginaganap ang concert naming dalawa ni Marife.
Nakakabinging sigawan at hiyawan ang sinagot ng mga taong nagmamahal sa musika namin ni Marife. Dalawang taon na ang nakalipas magmula nang maging kami ni Marife at nagplano kami ng collaboration na nagustuhan ng maraming tao.
"Thank you for supporting us!" Marife said, holding a wireless microphone. "Hindi ko akalain na mamahalin n'yo kaagad ako at ang musika ko kahit baguhan pa lang ako music industry! Sinuportahan n'yo ako kasama ang lalakeng 'to sa tabi ko..."
I chuckled when she glanced at me.
"Hindi ko kailanman nakita ang sarili kong nakatayo sa malaking entablado at kinakantahan ang maraming tao. Pero sa tulong ng mga kaibigan at kapatid ko, nagawa ko 'yong lampasan." Sumulyap ulit siya sa'kin, naluluha.
"Chin up, Marife," I mouthed and she smiled back.
"Hayaan n'yo rin akong magpasalamat sa mga magulang ko. Ma, Pa...nandito na ako! Ang layo na ng narating ko! Sana proud kayo sa'kin!" Nag-umpisang manginig ang boses niya bagama't nakangiti pa rin.
Napangiti ako dahil damang-dama ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.
"Siguradong proud na proud sila sa'yo," sambit ko gamit ang microphone na hawak ko. Napuno ng panunukso sa amin ng mga audience ang paligid.
"We love you, MariShin!" sabay-sabay na sigaw ng isang grupo sa bandang gitna ng audience. May hawak silang malaking tarpaulin na may mukha naming dalawa ni Marife. At kahit may kalayuan ay alam kong mga kaklase namin sila noong high school...sa Night Class. Naroon din si Tadeo at Echo para suportahan kami.
"I love you!" sabay na sigaw namin ni Marife. Natawa pa kami pareho.
Napatingin ako sa bandang ibaba kung saan naroon ang kapatid ni Marife na si Ate Monica at si Yumi. Umiiyak sila sa tuwa habang pinapanood kami. Katabi niya si Oliver...na kasama ang girlfriend nito. Napakalawak ng ngiti niya habang nakatingin sa akin.
"I'm proud of you," he mouthed. I saluted as an answer, smiling from ear to ear.
Kung narito lang din sana si Nanay ay magiging proud din siya sa'kin. Pero alam ko naman na nakikita niya ako ngayon.
"Para sa mga taong walang kompiyansa sa sarili nila," pagpapatuloy ni Marife. "Huwag n'yong hahayaan na lamunin kayo ng inggit dahil ito ang sisira sa tiwala mo sa sarili mo. Always chin up and walk confidenty like you own the world. Let them see your face—saying 'this is me', this is the real me and I'm beautiful and I'm proud of myself!"
Nagsimulang tumugtog ang banda sa gilid ng stage bilang simula ng pagkanta ni Marife. Iyon ang huling performance ng concert namin kaya hindi ako umalis ng stage at nakisabay lang ako sa pag-hype ng mga tao kay Marife...sa taong mahal na mahal ko.
"I've always been the kind of girl that hid my face. So afraid to tell the world...what I've got to say. But I have this dream, right inside of me. I'm gonna let it show, it's time...to let you know, to let you know..."
"This is real, this is me. I'm exactly where I'm supposed to be, now. Gonna let the light shine on me...Now I've found who I am. There's no way to hold it in. No more hiding who I want to be...This is me..."
Habang pinapanood ko siyang kumanta ay hindi maalis ang ngiti ko. Nakita ko kasi kung paanong ang Marife na palaging nakayuko noon ay kumakanta na sa harap ng maraming tao ngayon.
"I'm so proud of you..." My voice echoed against the wireless microphone I was holding.
Tumigil siya sa pagkanta at napatingin sa akin, naluluha ang mga mata. Nagtuloy-tuloy lang sa pagtugtog ang banda dahil ang audience ang nagpatuloy sa pagkanta niya.
Tumulo ang mga luha niya at pasugod akong niyakap. Lumakas tuloy ang hiyawan ng mga tao.
"Let's get married," I whispered. I'm sure about her. I want to build a family with her. I want to be with her for the rest of my life.
She stared at me for a moment, suprised.
"I don't have any ring right now but-"
The crowd went wild when she kissed me.
"Yes, I will marry you! Ngayon na, gago!"
I blinked twice. "Y-Yes?"
"Yes!"
My eyes immediately watered. I imagined myself...waking up with her beside me...it warmth my heart.
"You're the missing piece I need the song inside of me. I need to find you, I gotta find you," pagpapatuloy ko ng kanta.
Alam kong may mga darating pang pagsubok sa aming dalawa. Maraming manghuhusga, maraming hihila sa amin pababa pero isa lang ang sigurado ako—sasamahan ko siya sa kahit anong klase ng paghihirap. Mananatili ako kahit masakit, kahit magulo, dahil hindi ako magsasawang mahalin, alagaan at protektahan siya.
Just like the stage where we are now, we will not always be hit by the spotlight. We'll get through the dark for a while, but the light will eventually return, since we could be each other's spotlight.
~THE END~
(Please play the song 'This is Me' by Demi Lovato to feel the ending scene of this story)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top