Author's Note
Maligaya ako at nakaabot ako ng Series 2! Hindi ako makapaniwala pero nagawa ko pa rin. Huhu.
So, ayon. Sana may natutunan kayo sa kwentong 'to kahit boring at cliche (sabi ng iba). Pero gusto ko lang i-clarify kung ano ang gusto kong iparating kung bakit ko 'to sinulat.
Marami kasi sa mga kabataan ngayon ay nagmamahal na kahit bata pa. At dahil bata pa, akala nila ay pagmamahal na pero infatuation lang pala. Kaya hindi dapat minamadali ang pagmamahal pero hindi rin masama kung gagawin mo itong inspirasyon.
Si Hiroshin ang isang halimbawa na kapag nararamdaman mo na nahuhulog ka sa iba, kailangan mo nang umalis bago ka makasakit.
Hindi rin natin dapat pairalin ang inggit sa puso natin kapag may nakikita tayong achievements ng iba. Personally, naramdaman ko kung anong mga naramdaman ni Marife sa story na 'to at pinagsisihan ko 'yon dahil nasira ko ang friendship namin. Hinayaan kong lumaki 'yon kaya sising-sisi ako.
Huwag nating isipin na lahat ng tao ay sa panlabas lang tumitingin dahil kahit malupit na ang mundo sa panahon ngayon, may mga tao pa rin na katulad ni Hiroshin, na mamahalin ka kahit hindi ka maganda. Chin up, kumbaga!
Hindi rin natin dapat hayaan na pigilan tayo ng insecurities natin na abutin ang mga pangarap natin. Marife declined Zach's offer to join the music club. May talent siya pero nahihiya siya kaya iba ang kinuha. Ang punto ko rito, maraming mawawala na opportunities kapag pinairal mo ang pagiging insecure mo. Sa case ni Marife, nagawa niya pa rin maabot ang pangarap niyang maging singer sa huli dahil naging confident na siya.
And last, gusto kong iparating sa inyo na mahalaga ang pagmamahalan ng magkapatid. Sa story na 'to, ginusto kong ipakita ang halaga ng isang kapatid. Na kahit maraming pagkukulang ang isa o hindi man ito showy sa pagmamahal, hindi dapat nag-iiwanan dahil ang magkapatid ay magkakampi. Remember, sa iisang tiyan lang kayo nabuo at tumira nang siyam na buwan.
Iyon lang! Sana may natutunan kayo! See you sa Series 3! Story ni Yumi! Huhu. Sorry na agad, Yumi ko. :(((
Thank you, Chasers!
~Andeng (Ang literal na Habolera) I'm broken. Huhu.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top