44. Without You
C H A P T E R 44:
Without you
"M-Marife..." Sa isang iglap, nanubig ang mga mata niyang puno na ngayon ng sakit at pagsisisi.
Dahan-dahan niya akong binitawan na para bang napaso siya sa pagdidikit ng katawan namin.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" umiiyak na tanong ko. Umupo ako sa sette at tinakpan ang mukha ko para doon umiyak nang umiyak.
"Bakit ko ginawa 'yon?" Nangibabaw ang basag niyang tinig. "Kasi minahal kita...at mahal pa rin kita. Hindi mo maiintindihan kasi—"
"Bakit?!" Tumingala ako sa kaniya, nanlalabo na ang mga mata dahil sa luha. "Bakit hindi ko maiintindihan, Hiroshin? Sana pinilit mong ipaintindi sa'kin!"
Kinagat niya ang sariling labi at bumuntong-hininga nang paulit-ulit bago tumingin sa akin ulit.
"Hindi rin naging madali sa akin, Marife. Dalawa kayong babae...dalawa kayong iningatan ko na huwag masaktan. Pero hindi pala gano'n kadali kasi kahit anong gawin ko, nasaktan ko pa rin kayo pareho."
Nanatili akong nakatitig sa kaniya, hinihintay na ituloy ang mga sasabihin.
Naglakad siya palapit sa akin at dahan-dahang lumuhod sa harap ko para hawakan ang mga kamay ko. Dinala niya ang mga iyon sa bibig niya, mariing hinalikan. Napaawang ang bibig ko nang makita nang malapitan ang pagbuhos ng mga luha niya habang nakatingin sa akin.
"M-Minahal ko si Yumi. Mula elementary hanggang sa magbinata ako, siya na ang hinangaan ko nang husto. Pero masyado akong nabulagan sa ideyang siya lang ang babaeng nagustuhan ko."
Kumunot ang noo ko, hindi maintindihan ang sinabi niya.
"Yumi had merely piqued my interest, but it wasn't that deep," he added. "It was too late for me to realize that I was just infatuated. The love that I felt for her...was temporary."
"Nang maging kami, masaya ako. Sa mga unang linggo, tuwang-tuwa ako kapag nakikita at nakakasama ko siya. Pero...hindi nagtagal...nawala na lang bigla at napunta sa'yo ang atensyon ko."
Napailing siya habang sagana pa rin ang pagbuhos ng mga luha.
"Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa pero ikaw na ang palagi kong iniisip. Sinubukan kong pigilan 'yon kasi ayokong makasakit pero hindi ko nagawa. Marife, ikaw ang totoong minahal ko…"
Tuluyan na akong napatigil sa pagluha nang marinig ang mga sinabi niya.
"Sa'yo ko natutunan kung anong ibig sabihin ng tunay na pagmamahal. Pero noong mga panahong 'yon, masyadong komplikado ang lahat. Kakaayos lang ng relasyon n'yong dalawa ni Yumi at ayokong sirain 'yon. Pero maniwala ka, sinubukan kitang ipaglaban.
"Sinubukan kong maging makasarili pero mali ang naging interpretasyon mo. Akala mo ginagamit kita pero hindi 'yon totoo. Alam kong mali pero sumubok pa rin ako. Hindi ako nasaktan sa ginawa ni Yumi nang halikan niya si Yuehan, dahil no'ng panahong 'yon, sa'yo ako mas nasasaktan."
"Tinapos ko ang relasyon naming dalawa ni Yumi pagkatapos ng pangyayaring 'yon, dahil ayoko nang masaktan siya lalo. Pero hindi ko sinabi sa kaniya na ikaw ang dahilan. Mali ang naramdaman ko noon kaya naghintay ako. Hinintay ko 'tong pagkakataon na 'to, kung saan wala nang masasaktan, kung saan pwede na kitang mahalin nang malaya. P-Pero bakit hanggang ngayon, hindi pa rin pwede? Bakit hindi mo 'ko kayang paniwalaan na ikaw ang minahal ko?"
Natutop ko ang sarili kong bibig habang pinapakinggan ang mga sinabi niya. Para akong nahilo sa rebelasyong pinasabog niya sa harap ko.
Ako? Ako ang totoong minahal niya? Hindi siya nagsinungaling nang sabihin niya sa mga reporter na ako ang mahal niya mula pa noon?
"I'm sorry kung nasaktan kita, Marife," patuloy niya. "I'm sorry kung akala mo ginamit kita. At sorry kung hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin kita. Akala ko okay na ang lahat, eh. Nang marinig ko ang kantang sinulat mo, nagkaroon ako ng pag-asa na ako ang lalakeng tinutukoy mo sa kanta. Marife, umaasa ako na hindi nawala ang pagmamahal mo para sa'kin."
Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga salitang binitawan niya. Noon, ito ang pangarap ko. Pangarap ko na mahalin ako ni Hiroshin at natupad pala iyon nang hindi ko napapansin. Pero ngayong matanda na ako, napagtanto ko na ang pagmamahal ay hindi dapat makasarili. Dapat nating isipin ang mga taong maaapektuhan kapag tinuloy ang pagmamahal na 'yon. Ang pagmamahal ay hindi pagmamahal kapag ito ay mali at nakakasakit ng iba.
Tumulo muli ang mga luha ko. "H-Hiroshin, hindi 'yon nawala. Hindi nawala ang pagmamahal ko para sa'yo. At aaminin kong nakaramdam ako ng tuwa sa mga sinabi mo. Pero hindi na mahalaga ngayon kung mahal natin ang isa't isa, kung sa dulo ng lahat ng ito ay may taong masasaktan."
Natigilan siya at napaawang ang bibig. "S-Si Yumi pa rin ba ang iniisip mo?"
"Kahit masaya na siya ngayon, hindi 'yon ang magiging dahilan para maging manhid siya sa sakit kapag nakita niya tayong magkasama. Hiroshin, ex-boyfriend ka niya at bestfriend niya ako. Hindi pa rin tayo pwede."
"Kailan pwedeng maging tayo, Marife?" malumanay na tanong niya ngunit mahihimigan ang sakit. "Sabihin mo nga. Ilang taon na naman ang hihintayin ko para maging pwede tayo?"
"Hindi ko alam, okay?! Baka hindi na! Baka hindi talaga tayo ang para sa isa't isa at kailangan na nating tanggapin 'yon!"
Hindi na siya nakasagot at nanatiling nakatitig sa akin ang luhaan niyang mga mata. Bakas doon ang sakit kaya napaiwas ako ng tingin at inalis kamay kong hawak niya.
"Sobrang bait ni Yumi, Hiroshin. Sa sobrang bait niya, pati sarili niya ay kaya niyang abusuhin para lang itago sa mga tao ang sakit na nararamdaman niya. Wala ka sa mga panahong...halos mamatay na siya. At natatakot ako na mangyari sa kaniya 'yon ulit kapag nalaman niya ang totoo sa ating dalawa. Ni hindi ko siya magawang kausapin dahil natatakot ako sa mga sasabihin niya."
"Hanggang kailan ka matatakot? Masaya na siya ngayon—"
"Hangga't isa akong kaibigan, matatakot at matatakot akong makasakit."
Si Yumi...wala siyang ibang ginawa kundi ang maging mabuting kaibigan sa akin. Hindi ko na kakayanin na makita siyang miserable. Sa mga nagdaang taon, marami siyang pinagdaanan na halos hindi niya kayanin, at masakit 'yon para sa'kin. Kaya hindi ako papayag na mangyari ulit 'yon sa kaniya. Hindi ko kayang isipin kung anong naging reaksyon niya nang nalaman niyang minahal ako ng ex-boyfriend niya.
"A-Alam mo bang…ginawa ko ang lahat para maging mabuting tao? Para hindi ako maging katulad ng tatay ko?"
Napatingin ako kay Hiroshin nang sabihin niya iyon. Tahimik lamang na dumadaloy ang mga luha namin. Ako, nakaupo pa rin sa settee habang siya naman ay nakaluhod pa rin sa harap ko. Maulan pa rin sa labas, nakikisabay sa emosyon naming dalawa.
"Lahat ng ginagawa ko mula bata pa ako hanggang sa lumaki ako, tinatansya ko dahil ayokong makasakit. Iyon ang pinaka kinatatakutan ko. Kaya kapag may mali akong nagawa, humihingi kaagad ako ng sorry. Hanggang ngayon, gano'n pa rin ang ginagawa ko. " Tumulo ang mga luha niya. "But why do I have to feel sorry for loving you? Hanggang kailan ako hihingi ng sorry sa isang bagay na kusa kong naramdaman?"
I felt a pang in my chest when he said those words. Damang-dama ko ang sakit na nararamdaman niya pero wala naman akong magawa. Kailangan naming isipin ang mga tao sa paligid namin.
"The world is full of pain; let us not contribute to it by inflicting pain on others. Yumi doesn't deserve to be hurt."
"B-But you deserve to be happy," he whispered between his sobs.
I shook my head. "I'm happy now... without you in my life."
Pain flickered in his eyes once again. He bit his lower lip before nodding. "T-That's...good to hear."
Yumuko ako para hindi ko na makita ang sakit na bumalatay sa mukha niya. Dahan-dahan siyang tumayo at pinatakan ng halik ang noo ko.
"You can sleep in my bed. Sa kabilang kwarto na lang ako matutulog." He gave me a small smile before leaving me alone.
"I-I'm sorry..." I whispered, sobbing loudly. I stared at the guitar beside me.
Tama naman ang ginawa ko, 'di ba?
***
Maaga akong gumising kinabukasan. Madaling-araw tumila ang ulan kaya hindi na baha sa kalsada pagsapit ng umaga. Naligo at nagbihis ako gamit ang damit, pantalon at flats na pinabili ni Hiroshin sa assistant niya kagabi. Okay lang. Uuwi rin muna ako bago pumasok sa trabaho.
"You're leaving?" tanong ko kay Hiroshin nang maabutan ko siya sa sala. Nakasuot siya ng white dress shirt na nakatupi hanggang siko ang sleeve. Sinusuot niya ang silver watch nang tingnan niya ako.
"I have a pictorial. Tapos may magkikita rin kami ng manager ko."
"Si Chad?"
Tumango siya at ngumiti sa akin. "First-name basis na pala kayo, ah."
"He insisted."
"Do you eat breakfast?" Sapatos naman niya ang sinusuot habang nakaupo siya sa settee.
"Hindi."
"Buti na lang hindi ako nagluto. But don't get use to it, Marife. Hindi maganda sa katawan ang hindi kumakain."
"Para ka namang tatay ko." Napairap ako kahit hindi niya nakikita.
"Ihahatid kita sa bahay n'yo bago ako pumunta sa shoot ko." Tumayo na siya at tumingin ulit sa akin. "Let's go?"
Tumango ako at kinuha na ang bag ko bago sumunod sa kaniya.
"Bakit hindi ka nag-artista?" tanong ko pagdating namin ng parking lot. Maaga pa kaya halos walang tao ang nakakita sa aming dalawa. Mas mabuti nga 'yon.
Si TJ ang nag-drive ng kotse. Halatang gusto niyang dumaldal pero mukhang pinagsabihan na siya ni Hiroshin.
"Gusto kong maging singer, hindi artista," natatawang sagot niya. Nasa backseat kaming dalawa nakaupo, si TJ ay tahimik lang sa driver's seat. "At wala akong talent sa pag-arte."
"Eh bakit tumatanggap ka ng mga commercials? Tapos nagmo-model ka pa." Naalala ko tuloy na madalas kong makita ang mukha niya sa isang sikat na clothing and lifestyle brand.
"The management forced me to accept the offers. They said it would help me be recognized by a lot of people when I was starting in the music industry."
Napatango ako habang nakatingin sa labas ng bintana. "Well, bagay ka naman ka naman kasi maging model."
"Yiehh…" pang-aasar ni TJ. Sinamaan tuloy siya ng tingin ni Hiroshin mula sa rearview mirror. "Ay, sorry."
"Nagkasakit ka ba talaga noong nakaraang araw? Parang hindi, eh." Napailing si Hiroshin.
"Sir naman! Hindi ko kayang magsinungaling sa inyo! Nagkasakit talaga ako noong araw na pinuntahan mo si Ma'am Marife sa interview niya sa Life Does Matter! Balita ko pinagkaguluhan kayo ro'n! Sumugod kasi kaagad kayo, eh! Hahaha!"
"Patience, Hiroshin. Patience." Bumuntong-hininga si Hiroshin, napapailing.
"Sorry na, Sir! Tatahimik na! Hehe."
Napatingin tuloy ako kay Hiroshin pero nasa labas ng bintana nakatuon ang mga mata niya.
Tama ba ang pagkarinig ko? Sinadya niyang puntahan ako no'ng araw ng interview ko sa Life Does Matter? Now I know.
Kinagat ko ang pang-itaas kong labi. Ayoko man pero unti-unti na akong naniniwala na...mahal niya nga ako.
Nang makarating kami sa bahay namin ay nagpasalamat ako kay Hiroshin at sa assistant niyang si TJ.
"See you next time," nakangiting sabi niya sa'kin bago ako bumaba ng kotse.
"Ayon, oh! May next time pa!" pang-aasar ni TJ.
Sinarado ko na ang pinto ng kotse bago ko pa marinig ang panenermon ni Hiroshin kay TJ.
Bumuntong-hininga ako bago pumasok sa loob ng bahay. Wala na roon si Ate Monica kaya nakahinga ako nang maluwag. Ayokong magtanong siya nang magtanong sa'kin. Hindi ko rin naman sasagutin 'yon.
***
Lumipas ang mga linggo at naging abala ako sa trabaho at sa mga lakad ko sa Lotus Records katulad ng voice lessons at personality development program.
Si Coach Val, isang sikat na voice coach ang pinakilala sa akin ni Chad at aaminin kong nahirapan ako noong unang session namin. Marami siyang tinuro at pinagawa sa'kin katulad ng proper breathing at iba't ibang uri ng vocalizations katulad ng humming, open vowel warm-ups, lip thrill at tongue trill. May mga pagkakataon na nasusungitan ako ni Coach Val sa tuwing nagkakamali ako pero tinitiis ko 'yon.
Pinagsabihan rin ako ni Coach Val na bawal na akong kumain ng mga sweets at uminom ng may caffeine at malalamig na drinks. Okay lang, hindi naman ako mahilig sa kape at matatamis. Gusto kong maging singer at kailangan kong magtiwala sa proseso. Walang shortcut sa success kaya kakayanin ko 'yon.
May mga pagkakataon na nagkikita kami ni Hiroshin sa Lotus Records pero nagbabatian lang kami. Alam kong pinipili niya na lang na maging mabait pa rin sa akin sa kabila ng naging pag-uusap namin noong natulog ako sa condo niya.
Nabalita na rin sa TV ang pagiging parte ko ng Lotus Records at umani iyon ng iba't ibang reaksyon. Alam kong nakarating na rin iyon kay Yumi at panay ang padala niya ng message at sinagot ko lang iyon ng simpleng 'Thank you'. Hindi ko alam kung nahahalata niya ang pag-iwas ko pero nagi-guilty pa rin ako sa mga nalaman ko tungkol sa nararamdaman ni Hiroshin para sa'kin. Pakiramdam ko...niloloko ko siya.
"You're good," sambit ni Coach Val matapos tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng keyboard. Pinakanta niya kasi ako kasabay ng pagpapatugtog niya ng music instruments.
"Thank you, Coach." I felt relieved! Hindi niya ako pinagalitan! Ibig sabihin ay pasado na ako!
"Balita ko ay pinuri ka raw ni Coach Val," nakangiting sabi ni Chad habang nakasandig sa swivel chair at nakahalukipkip. "You must be proud of yourself."
"Actually, kinakabahan ako."
"For what?"
"Recording." I bit my lower lip.
Malapit na ang recording ko para sa album na ire-release sa mga susunod na buwan. Ilan sa mga kakantahin ko ay ako mismo ang nagsulat at ang iba naman ay galing sa isang sikat na composer. Kasama sa mga kakantahin ko ay ang kantang 'Piliin mo ako', na naging dahilan kung bakit ako na-discover.
Naroon ang pressure pero panay ang pagpapalakas ng loob sa akin ni Ate Monica at maging ng mga kaibigan ko. Para sa sakin, hindi ako makakaabot dito kung wala ang suporta nila.
"It's normal for you to be nervous but I know you'll overcome it. Ganyan na ganyan si Hiroshin noong baguhan pa lang siya rito, but look where he is."
"I know…" I gave him a small smile.
Isang mahinang katok ang nagpalingon sa amin sa pinto. Iniluwa niyon si Hiroshin na mukhang nagulat na narito ako.
"Hiroshin," bati ni Chad.
Umiwas ako ng tingin kay Hiroshin at tumingin kay Chad. "I have to go."
"Tatawagan kita kapag may schedule na sa recording. Bye for now."
Tumayo siya at bumeso sa'kin. Nagulat ako kasi ngayon niya lang 'yon ginawa. Ngumiti na lang ako bago lumabas ng office niya.
Iyon ang huling pagkikita namin ni Hiroshin. Sa mga sumunod na araw ay tinawagan ako ni Chad para sa recording. Alam kong hindi isang bagsakan ang pagre-record kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong galingan para hindi mapahiya si Chad sa pagma-manage niya sa akin.
Ang kantang 'Confident' na sinulat ko mismo ang magiging carrier single ng album ko na ire-release sa November, kaya naman ay iyon ang una nilang pinakanta sa'kin.
Kabadong-kabado ako habang nasa loob ako ng malamig na studio. Nasa labas ng glass panel si Chad at kasama ang producer at ang sound engineer, pinapakinggan ako. May mga pinaulit silang linya sa akin hanggang sa ma-perfect ko ang pagkanta at mag-thumbs up sa akin si Chad.
"You did great," nakangiting sabi ni Chad.
"Okay ba talaga 'yong pagkanta ko? Hindi ba pangit sa pandinig?" Hindi pa rin ako mapakali. Pakiramdam ko ay may mali sa pagkanta ko kanina.
"I said you did great. I don't tend to praise my talent just to spice them up. When I say 'You did great', I meant that! I love your voice, your emotions. It's just...great!"
"Wow!" Napapalakpak ako. "Thank you!"
Ang saya-saya ko no'ng araw na 'yon lalo na nang mag-message sa akin ang mga kaibigan ko para i-congratulate ako. Tumawag si Tadeo via video call, hindi yata busy.
"Saktong-sakto, birthday ko bukas! Punta ka!" sabi niya. Mukhang kakauwi niya lang dahil wala siyang suot na necktie at tanging long-sleeved polo lang ang suot.
"Ay, oo nga pala! Birthday mo bukas!" nanlalaki ang mga matang sagot ko. "Saan ang party?"
"Party? Hindi uso sa'kin 'yon! Kaunting handa lang muna rito sa bahay."
"Okay. Punta ako bukas."
Nakakahiya kapag hindi ako pumunta. Palagi na lang kasi akong tumatanggi kapag birthday niya dahil alam kong pupunta rin si Hiroshin. Ang siste ay pinapadalhan ko na lang siya ng regalo. Pero ngayong civil naman kami ng kaibigan niya, pwedeng-pwede akong pumunta.
Tumunog ang phone ko at nakita kong may nag-text na unknown number.
"Sino 'to?" kunot-noong bulong ko.
Nang buksan ko ang message ay mukhang alam ko na kung sino.
From: Unknown number
Congratulations. You did well, Pikachu. Looking forward to your first album.
Napairap ako. Pikachu? Buhay pa pala 'yon?
Nag-type ako ng reply.
To: Unknown number
Thank you, Sasuke! Sana masarap ang ulam mo. ;)
From: Unknown number
Mas masarap ako.
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang mabasa ang huling message niya.
From: Unknown number
I mean, mas masarap ako humalik.
Nanlaki ang mga mata ko. Kailan pa siya natutong lumandi nang ganito?!
From: Unknown number
Save my number. Got it from my manager. ;)
To: Unknown number
You should've asked for my permission!
Tama naman ako, 'di ba?! Dapat nagpaalam siya sa'kin bago niya kinuha ang number ko.
Pero kahit gano'n, sinave ko pa rin sa contacts ko ang number niya.
To: Sasuke
Okay na! Don't text me always.
From: Sasuke
Wala naman akong sinabi, bab
Napakunot ang noo ko. Bab?
From: Sasuke
Baby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top