43. Bakit Mo Ako Sinaktan?
C H A P T E R 43:
Bakit mo ako sinaktan?
"Ano ka? Hilo?"
Baliw ba siya? Dadalhin niya ako sa condo unit niya? Bakit? Kami lang dalawa? Anong gagawin namin?
"Don't overthink. Pahihintuin lang natin ang ulan." Tumingin siya sa'kin saglit. "At wala akong balak na masama. You know me. Mataas ang respeto ko sa mga babae."
"Bakit sa condo mo pa? Pwede naman sa—"
"Kanino? Wala ka ngang boyfriend, eh." Tumawa siya nang sarkastiko.
"Kapal mo! Kay Yumi! Kay Yumi muna ako tutuloy!"
"Gaano ba kalayo mula rito ang bahay niya?"
Napaisip ako at nanlumo nang maalalang malayo nga pala 'yon.
"K-Kaysa naman sa condo mo!"
"Wala nga akong gagawin sa'yo, okay? Para namang hindi tayo naging magkaibigan noon. Nakakasakit ka ng damdamin, ah."
"Drama mo! Artista ka?"
"Grabe, ang dami na talagang nag-iba sa'yo." Napapalatak siya habang nakatutok pa rin sa daan ang mga mata. "Talas na ng bibig mo."
"At ikaw, manggagamit ka pa rin!"
Nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin sa akin. "Ganyan talaga ang tingin mo sa'kin?"
Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya at hindi sumagot. Umiwas din siya ng tingin para tumutok sa daan.
"I never used you, Marife. I can never do that to you."
Napatitig ako sa side profile ng mukha niya nang sabihin niya iyon. His jaw was moving aggressively.
Bakit...parang totoo ang sinabi niya? Nadama ko ang matinding emosyon sa tinig niya.
Umiwas na lang ako ng tingin at hindi na nakipagsagutan pa. Mas lalong lumakas ang ulan kaya nagkaroon ng mahabang traffic. Nakatulog tuloy ako at nagising lang nang may yumugyog sa balikat ko.
"We're here."
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si Hiroshin na nagtatanggal ng sarili niyang seatbelt. Umayos ako ng upo at humikab.
"Anong oras na?" tanong ko.
"Almost ten." Bumaba siya ng driver's seat at pinagbuksan ako ng pinto. "Are you okay?" Napansin niya kaagad ang pananamlay ko.
"I'm tired. Tapos nakita ko pa mukha mo." Tinanggal ko ang seatbelt ko at hindi tinanggap ang kamay niya nang bumaba ako bitbit ang bag ko. Ngayon ko lang napansin na nasa parking lot na kami.
"Wow," sarkastikong sambit niya. "Alam mo kung saan ang unit ko?"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya. "H-Hindi."
Tumaas ang sulok ng labi niya at pinindot ang hawak na susi, dahilan para umilaw ang kotse niya.
"Sunod ka sa'kin." Nilampasan niya ako matapos ilagay sa bulsa ang susi ng kotse. Napairap ako bago sumunod sa kaniya.
Sumakay kami ng elevator at pinindot niya ang 25th floor. Ang taas pala ng floor ng condo unit niya! Naghintay kami roon at sinadya kong sumiksik sa kanto ng elevator para hindi madikit sa kaniya. Baka may makakita sa amin at isipin na magkakilala kami.
Pagdating ng second floor ay bumukas ang elevator at pumasok ang dalawang babae na mukhang magkaibigan. Napatitig kaagad sila kay Hiroshin, mukhang na-stastruck. Sunod silang tumingin sa akin, nanlalaki ang mga mata.
"S-Si Marife Garcia." Tinuro ako ng isang babae sabay tingin ulit kay Hiroshin. "At si Hiroshin Iscalera… OMG..."
"A-Ah...nagkasabay lang kami. Hindi kami magkasama," agap ko.
Tumingin silang dalawa sa'kin. "P-Pero ikaw 'yong..." Tinuro nila si Hiroshin.
"H-Hindi ako 'yon!" mabilis na tanggi ko.
Pusangina. Bahala na.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa akin si Hiroshin nang sabihin ko 'yon.
"Ikaw 'yon, eh." Tumawa ang isang babae at nilabas ang camera niya. "Pa-picture kami!"
"H-Hindi—"
"Sure!"
Nanlaki ang mga mata ko nang hinatak ni Hiroshin ang bewang ko kaya nagdikit kaming dalawa. Nagdiwang ang dalawang babae at pumunta sa magkabilaan namin ni Hiroshin. Ang babaeng may hawak ng camera ang katabi ni Hiroshin kaya doon ako tumingin at ngumiti nang peke.
"Mamaya ka sa'kin. Gigil mo 'ko, ah," bulong ko kay Hiroshin nang umalis na ang dalawang babae.
Mabuti na lang at kaunti lang ang sumakay bago kami nakarating ng 25th floor. Paglabas naming dalawa ng elevator ay hinampas ko kaagad siya ng bag ko.
"Aray ko!" Napahawak siya sa braso niya. "Bakit na naman?"
"You're taking advantage! Sinong may sabi sa'yo na may karapatan kang hawakan ako nang gano'n?!"
"Okay ka lang? Selfie 'yon tapos gusto mong magkahiwalay tayo? Ano 'yon? Exam? One seat apart?"
Napaawang ang bibig ko. "Aba't—"
"Nandito na tayo. Huwag ka nang maingay." Tumigil siya sa tapat ng isang pinto. Gamit ang hawak na card ay binuksan niya iyon.
"Welcome to my unit," nakangiting sabi niya nang buksan ang malaking pintuan.
Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa loob.
"Wow..." bulong ko, nakaawang pa ang bibig, habang pinagmamasdan ang paligid.
Narinig ko ang pagsara ng pinto sa likod ko, senyales na nakapasok na rin si Hiroshin. Nang lingunin ko siya ay nakasandig lang siya sa nakasarang pinto habang nakahalukipkip, pinagmamasdan ako.
Pinaningkitan ko siya ng mata pero ayaw niya talagang umiwas ng tingin sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay, nakangisi.
"Mukhang walang balak tumigil ang ulan. Dito ka na muna matulog. Don't worry, I won't do anything to you."
Tsk. Sabi na nga ba, eh. May choice pa ba 'ko?
"Wala akong isusuot na damit," sabi ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko talaga kayang tagalan ang titig niya.
"Take a seat." Tinuro niya ang settee bago kinuha ang phone mula sa suot na pantalon at may pinindot doon.
"Hello. Oo, kakarating ko lang." Naglakad siya papunta ng kusina matapos sagutin ang tawag.
Umupo ako sa settee habang hinihintay siya. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag at nag-scroll muna sa Instagram ko. May mga nag-mention sa akin sa isang partikular na post kaya tiningnan ko iyon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang selfie picture namin ni Hiroshin kanina kasama 'yong dalawang babae.
"OMG! Nakita ko si Hiroshin at Marife sa iisang elevator sa condominium building namin!"
Nang tingnan ko ang mga comments ay nahilo kaagad ako bigla sa dami niyon.
'So, sila na?'
'Akala ko ba 'yong Echo ang gusto ni Marife sabi sa tweet niya? Ang gulo.'
'So, he really likes that girl.'
'Bakit sila magkasama sa isang condominium building? Hmm.'
"What the fuck?!" Napamura ako nang mabasa ang huling comment.
"Bawal magmura dito, ale."
Napatingin ako kay Hiroshin nang ilapag niya sa kaharap kong coffee table ang dalawang tasa.
Sinamaan ko siya ng tingin nang umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ako umiinom ng kape."
"Gatas sa'yo." Inginuso niya ang isang tasa. "Sa'kin ang kape."
"Bawal sa singer ang caffeine," pagpapaalala ko. Iyon ang alam ko kapag singer ang isang tao, maraming bawal.
"Cheat day." Inabot niya ang tasa ng kape kaya naamoy ko ang pabango niya.
Uminom siya habang nakatingin sa akin. "Anong tinitingnan mo at napapamura ka riyan?"
Napabuntong-hininga ako at pinakita sa kaniya ang screen ng phone ko. "Kumalat na."
"Ang alin?" kunot-noong tanong niya habang nakatingin sa screen.
"Iyan! Nakakalat na ang picture na 'yan!"
Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay kong may hawak ng cellphone at pinakita sa akin ang screen. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang wallpaper pala ng home screen ko ang pinakita ko sa kaniya! Iyon 'yong selfie picture ko na nakalugay ang buhok at nakalagay sa baba ang isang kamay, nakangiti nang malawak.
Okay lang 'yan, Marife. Ang cute mo naman sa picture na 'yon.
"S-Sorry. Mali."
"Pasimple ka, ah. Pinapakita mo pa picture mo sa'kin." Tumawa siya para asarin ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at hinanap ang picture sa Instagram at pinakita sa kaniya.
"Oh, ano naman kung kumalat?" Tumaas ang kilay niya.
Binaba ko ang kamay ko at napaawang ang bibig. "Hindi mo ba talaga naiintindihan? Malalaman 'yan ni Yumi!"
"Hindi ka sana pumayag magpa-picture kung ayaw mong kumalat 'yon."
"Ayoko nga sana pero hinatak mo 'ko!"
Sandali siyang natigilan. Napaiwas siya ng tingin at sumisim ulit ng kape, mukhang malalim ang iniisip.
Marahas akong napabuntong-hininga at kinuha ang tasa ng mainit na gatas na binigay niya. Alam niyang ayoko sa gatas na malamig. Sumimsim ako roon habang pinapakalma ang sarili ko.
"Sorry kung naging agresibo ako, Marife," basag niya sa katahimikan.
Sabay naming nilapag sa coffee table ang mga hawak naming tasa at napatingin sa isa't isa.
"Hindi naman talaga ako gano'n, eh. Kilala mo 'ko," dagdag niya.
"Alam ko. Hindi ko nga maintindihan kung bakit mo ginawa 'yon, eh."
"Desperado na ako." Nabasag ang tinig niya nang sinambit iyon. "Desperado na akong bumawi sa'yo, Marife."
"Hindi ako natutuwa." Kumuyom ang mga kamao ko.
"Nasasaktan na naman ba kita?"
"Oo. Kaya huwag mo nang subukan ulit. Huwag mo na akong gamitin ulit."
He blew a large amount of air. "Hindi sabi kita ginamit. Paniwalaan mo naman ako."
Umiling ako. "Ayoko—"
Napatili ako nang hatakin niya ang braso ko. Sa isang iglap, magkatabi na kaming dalawa at halos magdikit ang mga mukha namin.
Kumabog nang mabilis ang dibdib ko nang tumingin siya sa labi ko.
"A-Ayan ka na naman sa pagiging agresibo mo," nauutal na sambit ko habang nakatingin sa mga mata niya.
Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga nang lumapit pa siya nang kaunti sa mukha ko. Gusto kong lumayo pero ayaw kumilos ng katawan ko!
Naamoy ko ang mabango niyang hininga at iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit para akong nahipnotismo sa titig niya.
Pinagmasdan niya ang bawat parte ng mukha ko bago nagsalita. "Pwede ba kitang—"
Kusang kumilos ang mukha ko para halikan ang labi niya. Simpleng pagdidikit lang iyon ng mga labi namin pero pakiramdam ko ay lumutang ako. Humiwalay kaagad ako, nanlalaki ang mga mata sa pagiging agresibo ko!
"Y-Yakapin?" dugtong niya sa sasabihin sana kanina. Napakurap siya nang tatlong beses habang nakatingin sa akin, gulat na gulat ang mga mata.
Nag-init ang mukha ko sa kahihiyan! Jusme!
Yakap pala, akala ko halik! Tanga mo, Marife!
Umusog ako palayo sa kaniya. Gusto ko nang tumakbo palayo dahil sa hiyang nararamdaman!
"B-Bakit mo…" Hindi niya maituloy ang gustong sabihin. Tumikhim siya at sinampal nang mahina ang magkabilang pisngi, bigla kasing namula ang mga iyon. "Go back to your senses, man..." narinig kong bulong niya sa sarili.
"Uhm…" I licked my lower lip, unable to talk. "S-Sorry. A-Ano...kasi—" The doorbell rang, cutting me off.
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang bumukas iyon bigla at iniluwa ang isang lalakeng mukhang kaedad lang namin. Nakasuot siya ng green t-shirt at black pants. Mukha siyang masayahing tao dahil ngumiti kaagad siya nang makita si Hiroshin. May dala siyang malaking paper bag na may tatak ng isang sikat na designer brand.
"Sir Hiroshin, ito na 'yong pinapabili mo!" Itinaas niya ang hawak na paper bag para ipakita iyon. Tumingin siya sa'kin. "Hi, Ma'am Marife! Nakita rin kita sa personal! Ang ganda mo pala!"
Nambola pa. Tss.
"Akin na 'yan." Tumayo si Hiroshin at lumapit do'n sa lalake pero nilampasan siya nito at sa akin lumapit.
Kitang-kita ko ang pagkairita sa mga mata niya nang ginawa iyon ng lalake.
"Hello po! Ako nga pala si TJ! Assistant ni Sir Hiroshin!" Inilahad niya ang palad sa akin.
"H-Hi!" I smiled awkwardly and held his hand.
"TJ…" tawag ni Hiroshin. "Nandito 'ko, oh. Tapos diyan ka dumiretso? Gusto mo bang mawalan ng trabaho?"
Lumingon si TJ kay Hiroshin, hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. "Ay, oo nga pala!" Napakamot siya sa ulo at binitawan ako. "Heto po!" Inabot niya rito ang paper bag pero tiningnan lang iyon ng lalake.
"Damit pambabae 'yan tapos sa'kin mo ibibigay?"
"Ah, para kay Miss Marife?!"
"Alangan naman sa'kin?"
Napatingin ako sa paper bag nang iabot sa akin iyon ni TJ, nakangiti. "Sayo raw po. Hehe."
"S-Salamat." Kinuha ko iyon.
"Umuwi ka na, TJ."
"Sir, magjowa na kayo?" tanong ni TJ, pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Hiroshin. "Okay lang kahit hindi n'yo aminin. Maabutan ko ba kayong magkasama rito kung hindi kayo—" Natigil siya sa pagsasalita nang batuhin siya sa mukha ni Hiroshin ng isang box ng tissue.
"Alis na."
"Okay! Sungit ni Sir, ah! May naistorbo ba 'ko—Oy!" Tumakbo na siya palabas ng pinto nang damputin ni Hiroshin ang isang vase sa gilid.
"Napakadaldal," bulong ni Hiroshin nang magsara na ang pinto.
Tumingin ako sa kaniya. "S-Salamat dito. Babayaran ko na lang."
"No need. Pwede ka nang magbihis sa banyo." Walang lingunan na naglakad na siya papasok ng kwarto niya, halatang umiiwas.
"B-Bakit? Siya nga nakarami ng kiss sa'kin noong high school kami. Nagalit ba 'ko?" Napanguso ako.
Dalawang pirasong damit, isang denim shorts, isang pantalon, tig-isang pares ng flats at slippers ang laman ng paper bag at may mga underwear pa 'yon. Natawa tuloy ako.
Mabuti at pumayag si TJ na bumili ng gano'n. May extra toothbrush, sabon at towel din si Hiroshin at iyon ang pinagamit sa akin para makaligo ako.
Nang matapos ako ay naabutan ko siya sa sala, nakaupo ng pang-dekwatro at nakapatong sa hita ang gitara—'yong lumang gitara niya. Nakapagbihis na rin pala siya. Nakasuot na siya ng blue sweater at brown na shorts.
"Tapos ka na?" tanong niya habang ina-adjust ang pagkakaipit ng capo sa leeg ng gitara. "Nagkasya ba 'yong pinabili kong damit mo?"
Tiningnan ko ang suot kong yellow t-shirt at white maong pants. Okay lang. Hindi naman masikip at hindi naman maluwag. Tama lang sa katawan ko. Buti na lang at alam niya ang size ng katawan ko, medyo nadagdagan kasi ang timbang ko. Hindi na ako payat tulad dati.
"Okay na." Tumingin ako sa labas ng glass window. Tanaw doon ang city lights ng kamaynilaan. Gusto ko sanang tumambay sa balcony pero sobrang lakas ng ulan.
Umupo ako sa tabi ni Hiroshin, pinapakinggan ang marahang pag-strum nito sa gitara.
"Bakit hindi mo pinalitan 'yan?" tanong ko habang nakatingin sa gitara niya.
Napangiti siya bago tumingin sa akin. "Ito ang nagdala sa'kin dito. Bakit ko papalitan?"
"Sabagay, mahirap nga namang palitan 'yong isang bagay na sobrang mahalaga."
Naalala ko ang gitara ko na binili nila Mama at Papa. Naroon pa rin siya sa bahay namin. Iniingatan ko pa rin iyon kahit luma na. Simbolo 'yon ng pagmamahal sa akin ng mga magulang ko.
"Hey, how could you forget that I love you? Can't you see that my world's spinning for you?" kanta niya kasabay ng pagtugtog ng gitara.
Kinagat ko ang pang-itaas kong labi nang marinig iyon. Isa iyon sa mga paborito kong kanta niya na ni-release ng Lotus Records last year. Balita ko ay siya rin ang nag-compose niyon.
"Iyang kantang 'yan...tungkol sa babaeng ayaw maniwala na mahal siya ng isang lalake," sambit ko, inaalala ang kilig na nararamdaman ko tuwing naririnig ko ang kantang 'yon.
"Oo." Tumingin ulit siya sa'kin, nakangiti. "Hindi niya kasi alam kung gaano siya kaganda sa paningin ko."
"Para siguro 'yan sa babaeng niligawan mo dati. Ang ganda. Muntik mo na akong maging fan dahil diyan," pagsisinungaling ko. Gusto kong isigaw na ako ang number one fan niya nang marinig ko iyon!
Tumawa siya at niyakap ang gitarang hawak, nakatingin pa rin sa akin. "Oo nga. Halatang-halata nga na fan kita."
Kumunot ang noo ko. "Excuse me?"
Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabi niya na umamin na ako. "Bakit, hindi ba? Nag-hoard ka nga ng albums ko, eh."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "H-Huh?"
"Ano, tameme ka? Akala mo hindi ko nakita 'yong box sa bahay n'yo? Nakalagay kaya sa ilalim ng coffee table." Tumawa siya nang malakas.
Kinagat ko ang pang-itaas kong labi, damang-dama ang pag-iinit ng mukha.
Kainis naman. Bakit nakalimutan ko 'yon? Nakalagay nga pala 'yong mga CD's ng album niya sa ilalim ng coffee table sa sala!
"Okay lang 'yon. Kapag naging sikat ka na rin na singer, ako ang magiging number one fan mo." Tinaas-baba niya ang mga kilay kaya napaiwas ako ng tingin.
"Ikaw? Isang sikat na singer? Magiging fan ng isang katulad ko?"
"Matagal mo na akong fan. Hindi mo lang alam," pagmamalaki niya.
Hindi ako nakasagot dahil tumunog ang phone ko na nakalagay lang kanina pa sa coffee table.
"Tumatawag si Ate Monica," natatarantang sabi ko.
"Sagutin mo." Pinagpatuloy niya ang pagpapatugtog ng gitara.
"Huwag kang maingay! Maririnig ka niya!"
"Okay lang 'yan," walang pakialam na sagot niya.
"Kainis ka talaga!" Tumayo ako at naglakad papunta sa may pinto at saka sinagot ang tawag ng kapatid ko.
"Hello, Marife?" bungad ni Ate mula sa kabilang linya.
"Ate…"
"Nasa condo ka raw ni Hiroshin?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-Alam mo na?"
"Oo! Sinabi sa akin ni Hiroshin!"
"Paano niya nakuha ang number mo?!" Tumingin ako kay Hiroshin na ngayon ay napatingin din sa akin dahil sa pagsigaw ko.
"Matagal niya nang alam ang number ko. Sa akin ka niya kinakamusta dati pa—"
"Bakit hindi ko alam?!"
"Ngayon alam mo na."
"Ate naman!"
"Tumawag lang ako para kamustahin ka. Pinaalam ka niya sa'kin at may tiwala naman ako sa kaniya kaya okay lang na matulog ka muna riyan sa condo niya. Mas mabuti nga kung hindi ka na umuwi para—"
"Ate!" Napapadyak ako sa inis.
"Sige na. Mag-iingat ka riyan. Huwag ka muna magpapabuntis, ah. Magpakasal muna kayo—"
Pinatay ko na ang tawag bago pa niya matapos ang sinasabi niya. Pumikit ako nang mariin para pakalmahin ang sarili ko.
Bakit naging gano'n si Ate? Tinatakwil niya na ba ako? Bakit niya ako pinamimigay kay Hiroshin?
Napanguso ako at tumingin ulit kay Hiroshin. Sinenyasan niya ako na lumapit kaya lumapit naman ako. Tumayo ako sa harap niya habang nakaupo pa rin siya.
"Ano?" masungit na tanong ko.
"Kantahin mo nga 'yong 'Piliin mo ako'. Gusto kong marinig sa personal…" Inabot niya sa'kin ang gitara niya. "Gamit ang gitara ko.
Umawang ang bibig ko at napatingin sa gitara niya bago ibinalik ang tingin sa kaniya.
"B-Bakit pa?"
"Hindi ko ba pwedeng marinig ang kantang sinulat mo para sa'kin?" nakangising sagot niya.
"A-Anong para sa'yo?! Ang yabang mo, ah! For your information, hindi 'yon para sa'yo!"
Tumayo siya at maingat na nilapag ang gitara sa sette bago bumaling sa akin. Napatingala ako sa kaniya nang maglakad siya palapit.
"Para kanino pala? Kay Echo? Alam nating pareho na hindi totoo 'yon."
Oo, totoo 'yon! Pero bakit ko aaminin sa'yo?!
Tinulak ko ang dibdib niya. "Mas marunong ka pa sa'kin?! Ako ang nagsulat ng kantang 'yon kaya alam ko kung para kanino! Huwag kang umasa na hanggang ngayon ay hindi pa rin kita kayang kalimutan! Limot na kita, matagal na!"
"Bakit ba ang defensive mo?"
"Kasi hindi naman totoo na para sa'yo 'yon!"
"Hindi kung hindi." Tumaas ang sulok ng labi niya, nakakatitig sa mga mata ko. "Nakakatawa lang na iba ang sinasabi ng bibig mo kumpara sa mga mata mo."
Naitikom ko ang bibig ko. Napaatras ako nang humakbang siya palapit sa akin. Ayan na naman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko!
"Ang sabi nila, eyes are the windows to the soul." Yumuko siya sa mukha ko. "Kaya mo bang sabihin 'yon ulit nang nakatingin sa mga mata ko?"
Napalunok ako pero hindi ko magawang umiwas ng tingin sa mga mata niya. Ang hirap! Para akong hinihigop!
Bumaba ang tingin niya sa labi ko bago tumingin ulit sa mga mata ko. "Itulak mo 'ko...kung ayaw mo."
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar niyang linyahan. Alam ko na ang gagawin niya pero hindi gumalaw ang mga paa ko!
Inilapit niya pa ang sariling mukha sa mukha ko kaya gahibla na lang ang distansya ng mga labi namin sa isa't isa. Lalabas na yata ang puso ko mula sa ribcage!
Nang hindi ako gumalaw ay hinatak niya ang bewang ko at tuluyang siniil ang labi ko. Napapikit ako nang mariin at napahawak sa balikat niya para hindi tuluyang mawalan ng lakas.
Ibang-iba ang paraan ng paghalik niya kaysa noong high school kami. Kumbaga, parang mas sanay na siya ngayon. Hindi ko alam kung dahil ba sa nag-matured na siya o kaya naman ay nakarami na siya ng experience.
Kinulong niya ang mukha ko sa mga kamay niya habang mariing sinisiil ang mga labi ko. Tahimik lang ang paligid, tanging malalakas na patak ng ulan sa labas ang maririnig na sumasabay sa tunog ng paghalik sa akin ni Hiroshin.
Hindi ko magawang humalik pabalik dahil umaalon na ngayon sa isipan ko ang nakaraan naming dalawa. Kung paanong natapos ang pagkakaibigan namin dahil sinubukan niya akong gawing panakip-butas. Kung paanong ginawa niya akong painkiller para maalis ang sakit na nararamdaman niya.
Bumaba ang kamay niya sa likod ko para hatakin ako lalo palapit sa kaniya. Habang tumatagal, nagiging agresibo ang mga halik niya pero damang-dama ko pa rin ang emosyon doon.
Tumulo ang mga luha ko at mukhang nahalata niya iyon dahil tumigil siya sa paghalik sa akin at tumititig sa mga mata ko.
"S-Sorry. Ayaw mo ba?" Napuno ng pagsisisi ang mga mata niya. "Sorry, naging agresibo ako."
Hindi naman 'yon, eh. Naiisip ko lang na paano kung hindi niya ginawa 'yong ginawa niya noon? Hindi sana kami nagkasira. Naging magkaibigan pa rin sana kaming dalawa kahit naghiwalay sila ni Yumi. Hindi sana kami...ganito.
"B-Bakit mo 'ko sinaktan nang gano'n, Hiroshin?" Bumuhos ang mga luha ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Bakit mo sinira ang pagkakaibigan natin? Bakit?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top