42. Music
C H A P T E R 42:
Music
"Pwede ko bang malaman kung bakit ako nadamay?" bungad ni Echo nang tawagan ko siya via video call.
"Sorry! Wala ka namang girlfriend ngayon kaya okay lang!" I made a peace sign through the screen which made him laugh.
"Kapag ako hindi binalikan..." makahulugan niyang sabi. Natawa tuloy ako kaya natawa na rin siya. "Bakit kasi hindi mo sabihin ang totoo?"
"Hindi nga pwede kasi malalaman ni Yumi. Alam mo naman kung anong mayro'n sa nakaraan namin ni Hiroshin, 'di ba?"
"Hanggang kailan mo itatago kay Yumi. Sa tingin ko naman matatanggap niya 'yon. Nakaraan na, eh."
"Natatakot pa rin ako sa magiging reaksyon niya." Humina ang boses ko.
"Eh pa'no si Hiroshin? Na-hurt 'yon! Ikaw ba naman i-deny! Pagkatapos niyang ipagsigawan sa buong mundo na ikaw ang mahal niya—"
"Naniwala ka ro'n?" Tumaas ang kilay ko. "Echo, si Yumi ang naging girlfriend niya noon. Paanong ako ang minahal niya?"
"Pa'no kung totoo? Pinapangunahan mo siya, eh." Tumingin siya sa likod niya nang tinawag siya ng nanay niya. "Sandali, Ma! Hoy, Gian! Maghain ka na ro'n, aba! Anong ako? Galing ako sa trabaho, oy!"
Nagpaalam na ako pagkatapos n'on. Ayoko nang pag-usapan pa ang bagay na 'yon.
Kumain na ako ng dinner kasama si Ate Monica. Nag-usap kami saglit tungkol sa pagsisinungaling ko na si Echo ang tinutukoy ko sa kanta at senermunan tuloy ako! Bakit daw kailangan pang magsinungaling eh lalabas din ang totoo kapag naging kami na ni Hiroshin! Parang baliw!
Kinabukasan ay pumasok ulit ako sa trabaho ko at nag-out nang maaga para makipag-meet kay Chad Pelaez sa mismong office niya sa Lotus Records.
Oo! Sa Lutos Records na may hawak kay Hiroshin! Sa laki niyon, hindi ko na lang inisip na magkikita kami roon lalo na't alam kong busy rin siya sa mga commercials niya ngayon.
I was wearing a white sleeveless blouse. It was tucked inside my black jeans. I tied my hair in a ponytail and I retouched my make-up to look presentable. I wore a pair of white heels.
Sinalubong ako ng assistant ni Chad Pelaez sa lobby ng Lotus Records at sinamahan ako papunta ng office ng boss niya.
Maririnig sa paligid ang pag-click ng suot kong heels sa sahig habang naglalakad kaya napapatingin sa akin ang mga staffs. Halatang gusto nila akong lapitan at kausapin pero nasa trabaho kasi sila. Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.
"Sir Chad, she's here," sabi ng assistant pagkabukas niya ng pinto.
"Let her in."
"Pasok na po kayo," nakangiting sabi ng assistant sa akin. Nginitian ko siya at nagpaalam na siya sa'kin.
Nang maglakad ako papasok ay nakita ko si Chad na nakaupo sa swivel chair at busy sa pagtitipa ng kung ano sa kaharap na laptop.
I faked a cough to get his attention. "Good afternoon, Mr. Pelaez."
"Take a seat." He gestured his hand to the settee located at the side, not looking at me.
I sat down on the settee while roaming my eyes around. Puting-puti ang kisame at dingding habang kulay krema naman ang tiles sa sahig. Ang mga furnitures at kurtina ay pinaghalong itim at krema. Napatingin ako sa mga framed portrait na nakahilera sa dingding.
My mouth gaped in amusement when I realized that those are the singers that Chad Pelaez had managed and still managing as of now—including Hiroshin.
Nasa pinakadulo ang portrait ni Hiroshin habang nakasuot ng itim na suit, seryoso ang mukha habang nakapamulsa. Kinagat ko ang pang-itaas kong labi para pigilan ang pagngiti. Ang gwapo niya sa portrait na 'yon, para siyang artista. Hanggang ngayon ay proud na proud pa rin ako sa narating niya.
Sana mailagay din ang protrait ko riyan balang-araw.
Hindi naman siguro masamang mangarap nang mataas. Alam kong sikat ako ngayon pero darating ang araw na mawawala rin sa akin ang atensyon ng lahat dahil wala namang permanente sa mundo. Siempre ngayon lang ako sikat pero matatabunan din ako ng iba.
It wasn't about the fame, actually. I just want to become someone that would definitely left a mark in every listener's heart whenever I sing a song, because that's my passion. I've always wanted to express my feelings through singing but I chose to be practical. But this time, I want to do what I really love.
"So, Miss Garcia. I finally met you in person." Chad sat down on the settee opposite to mine, wearing his sexy smile. He extended his hand to me. "I'm Chad Pelaez and I want to manage your singing career."
Napangiti ako at tinanggap ang kamay niya. "Pleasure to meet you, Mr. Pelaez."
"Drop the formalities." He waved his hand, chuckling a little bit. "Just call me 'Chad'. I feel like I'm already old when someone calls me that way."
Natawa ako sa sinabi niya bago pasimpleng tiningnan ang itsura niya. Kaya pala maraming nagkaka-crush sa manager na 'to, totoo pala talaga na hunk siya sa personal.
His dark blue long-sleeved polo was perfectly fit to his toned body. May kahabaan din ang buhok niya ngunit nakaayos ito patalikod, nag-iiwan ng ilang hibla ng buhok sa noo nito. His lips, eyes, nose and jawline were perfect, even the way he talked and smiled at me.
"So, how are you? I've been hearing your name everywhere." He licked his lower lip a bit. "You and Hiroshin have…connections—"
My lips parted, panicking. "N-No. It's not what you think—"
"It's okay." He laughed. "Hindi iyon ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito. Gusto kong marinig kang kumanta...sa personal." His voice became serious.
"N-Ngayon na?"
He leaned against the settee and crossed his arms and legs at the same time, staring at me. I guess it was an answer to my question.
Inalis ko ang bara sa lalamunan ko at tumayo sa harap niya. Hindi ko kayang kontrolin nang maayos ang boses ko kapag nakaupo ako.
"Anong gusto mong kantahin ko?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya. Nakaupo lang siya sa harap ko habang hawak ang sariling baba.
"Kahit ano," sagot niya.
Okay. Kahit ano raw.
Mas gusto kong kumanta ng English ngayon kaya pinili kong kantahin ang kanta ni Loren Allred na 'Never Enough'.
"I'm trying to hold my breath. Let it stay this way. Can't let this moment end..."
Nang matapos ang unang verse ay tinaas niya ang isang kamay para patigilin ako. Pinagkiskis niya ang dalawang palad bago tumayo sa harap ko. Napaatras ako dahil ang tangkad niya pala sa malapitan. Partida nakasuot na ako ng heels.
"You're good." He flashed his sexy smile. Napangiti rin tuloy ako. "But…"
Nabura ang ngiti ko nang itaas niya ang hintuturo.
"You have to work on your enunciation. You know what that means?"
I raised a brow. "Of course."
Anong akala niya sa'kin? Walang alam? Muntik ko nang paikutin ang mga mata ko sa inis.
"I don't mean to offend you but the way you pronounce the words is too hard. Mahahalata kaagad 'yon ng mga listeners mo. Pangit sa pandinig."
Siraulo ba 'to? Okay naman ang pagkaka-pronounce ko, ah.
May mali yata sa pandinig niya. Konyatan ko kaya 'to? Sorry siya dahil hindi na ako katulad dati na hindi sinasabi kung anong nasa isip ko.
I scoffed. "Pangit sa pandinig? Okay naman sa pandinig ko, ah."
He chuckled. "Believe me. I have managed a lot of people like you and I would know if something's wrong when you sing in front of me. I think kulang ka pa sa training. Hindi ka pa pwedeng maging singer kung—"
"Pinapunta mo ba 'ko rito para sabihin ang pang-iinsulto mo?" Hindi ko na napigilan ang pagbakas ng inis sa boses ko. "For your information, hindi ako ang lumapit sa'yo. At baka lang hindi mo alam, isa akong Features Editor ng Verified Magazine at kaya kong buhayin ang sarili ko kahit hindi ako maging singer."
He was stunned for a moment before laughing a little bit. He put his hands inside his pockets, staring at my eyes.
"This is how the music industry goes, Miss Garcia. You have to get used to hearing insults when you become a singer. Sa ngayon, ako pa lang ang nakaririnig ng boses mo pero darating ang araw na dadami kami. Kailangan mong itatak sa isip mo na hindi lahat ay magugustuhan ka. Dito, hindi lang boses ang puhunan, dapat matatag din ang loob mo. Dahil kung hindi, isang masakit na salita lang ang magpapabagsak sa'yo."
Natahimik ako. Alam ko na ang kalakaran sa ganitong industriya.
Hindi madali pero gusto kong pasukin. Pero kahit gano'n ay hindi pa rin maalis sa dibdib ko ang takot at pangamba.
Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung hindi nila magustuhan ang mga kanta ko?
Napangiti ako sa sarili ko. Bakit pa ba ako nagtatanong? Mahalaga pa ba 'yon? Mahalaga ba na magustuhan nila ako o ang kanta ko? Una sa lahat, ang gusto ko lang ay marinig ng lahat at tumatak sa puso at isip nila ang mga kantang sinulat ko. Gusto kong gawin ito para sa sarili ko at hindi para sa ibang tao.
"I guess...there's always a room for improvement," I said, smiling.
His lips curved into a smile. "Good."
***
Marami kaming pinag-usapan tungkol sa kontrata na pipirmahan ko bilang talent ng Lotus Records. Inabot kami ng gabi kaya hindi ako nakatanggi nang yayain niya akong kumain ng dinner sa labas.
"You have to attend your voice lessons and the personality development program—"
"Wait." I have to interrupt him. "Kailangan pa ba 'yon?"
He wiped his mouth with a tissue before talking. "It will help you a lot. You should look presentable when you're in public."
I gasped, offended by his words. "Are you saying that I don't look presentable?"
Kanina pa 'to, ah. Mabuti na lang at gwapo. Paano natiis 'to ni Hiroshin?
"I don't mean it that way." He laughed at my reaction. "Kailangan 'yon, Marife. Kahit pa sabihin mong presentable ka at maayos kang makiharap sa mga tao dahil isa kang empleyado ng Verified Magazine ay kailangan mong dumaan sa proseso."
"Okay." I shrugged.
Tama naman siya. Kailangan kong dumaan sa proseso. Hindi pala talaga madali ang maging singer. Paniguradong maraming ipagbabawal sa'kin.
Kinuha ko ang baso ng iced tea na inorder ko at uminom doon. Napatingin ako sa bandang likuran ni Chad at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Hiroshin na kakaupo lang, may dalawang lalake siyang kasama. Hindi ko makilala dahil nakatalikod sa direksyon ko.
Nakangiti si Hiroshin habang may sinasabi sa mga kasama niya. At nang mapatingin siya sa'kin ay naibuga ko ang iniinom kong iced tea.
"Hey, what's wrong?" Tumayo kaagad si Chad nang makita ang ginawa ko. Inabutan niya ako ng tissue para mapunasan ko ang bandang dibdib ng suot kong blouse. Iyon kasi ang sumalo sa binuga kong ice tea. Kainis naman.
"O-Okay lang ako. Umupo ka na." Tumawa ako para mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko. "Magbabanyo lang ako."
"Sure. Gusto mong samahan kita?"
"Huwag, oy!" Tinakpan ko ang bibig ko nang isigaw ko 'yon.
"Silly." He laughed. "Ang ibig kong sabihin, sasamahan kita papuntang restroom. What were you thinking?"
Dios ko, nakakahiya.
Tumawa ako nang alanganin at kinuha ang bag ko. Nang umupo ulit si Chad sa pwesto niya ay saka ako pasimpleng naglakad papunta sa pwesto nila Hiroshin.
Nakita niya kaagad ako at nanlaki ang mga mata niya.
"Marife! Anong ginawa mo rito?" tanong niya.
Napalingon sa akin ang dalawang kasama niya at napaawang ang bibig ko.
"Marife! What's up?!" Tumayo si Tadeo at niyakap ako. "Tagal nating hindi nagkita, ah! Sikat ka na pala ngayon?! Dito lang ako sa Maynila nagtatrabaho pero hindi man lang tayo magkita. Sabagay, busy tayo pareho, ano?"
Ang daldal pa rin niya. Pero in fairness, nadagdagan ang height niya.
"Long time no see, Marife."
Napatingin ako kay Echo nang tumayo rin siya at nginitian ako. Tinulak ko palayo si Tadeo at tinitigan si Echo na ngayon ay pormadong-pormado sa suot na white dress shirt na bukas ang tatlong botones, gano'n din ang porma ni Tadeo kaya para silang kambal ngayon. Tiningnan ko si Hiroshin na nakasuot naman ng itim na dress shirt na nakabukas din ang tatlong botones.
Anong ginagawa nilang tatlo rito? Coincidence?
Napatingin ulit ako kay Echo. "Ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nasa Bicol ka?"
Ngumisi siya. "May inasikaso lang kaming project dito sa Maynila. Ikaw, anong ginagawa mo rito?"
"Bago mo sagutin 'yan, pansinin mo muna 'tong si Hiroshin, oy," singit ni Tadeo sabay turo kay Hiroshin na ngayon ay nakatingin sa akin. "Maraming nakatingin sa kaniyang costumers pero sa'yo lang siya nakatingin tapos dededmahin mo?"
Napatingin tuloy ako sa paligid at doon ko nakumpirma na may mga nakatingin pala kay Hiroshin. Buti na lang at hindi lumilingon sa amin si Chad dahil busy siya ngayon sa pagpipindot ng cellphone.
"Hindi ko naman kilala 'yan," sabi ko habang nakatingin kay Hiroshin, nakataas ang isang kilay.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata, gumagalaw ang panga na para bang nagpipigil na magsalita.
"Ouchie! Sakit n'on!" pang-aasar ni Echo kay Hiroshin habang hawak ang sariling dibdib. "Hindi ka na niya kilala, men. Payag ka n'on?"
Umismid lang si Hiroshin at umiling sabay iwas ng tingin sa akin.
"Palibhasa asensado ka na," pang-aasar ni Tadeo. "Hindi mo na ba talaga kilala si Hiroshin? Nagka-amnesia ka? Wow, ah. Inamin niya pa nga—"
"Manahimik ka na." Sinubo sa kaniya ni Echo ang isang kumpol ng tissue.
"Pwe! Aba'y gago ka ba?" Inambahan ni Tadeo si Echo ng suntok matapos iluwa ang tissue.
"Ano nga palang nangyari diyan sa suot mo?" Tinuro ni Echo ang blouse ko kaya napatingin ako roon. Napaismid ako bago tumingin sa kaniya ulit.
"Wala. Natapunan lang ng iced tea."
"Bakit? Clumsy mo naman," singit ni Tadeo.
"Hindi naman ako clumsy. Gano'n lang talaga ako kapag nakakakita ng hindi kanais-nais." Tumingin ako kay Hiroshin na ngayon ay nakatitig lang sa sahig habang nakahalukipkip.
"Sikat na singer ba 'yang tinutukoy mo?" tanong ni Tadeo sabay tingin kay Hiroshin. "Wait, siya ba 'yong—"
"Lakas mo manggago. Pasalamat ka at hindi pa kita binabatukan," inis na sabi ni Echo.
"Alam n'yo wala pa rin kayong pinagbago. Para pa rin kayong high school. Nasa mamahaling restaurant kayo at wala sa school," panenermon ko. "Sige. Alis na ako—"
"Hindi ka ba sasabay sa amin?" tanong ulit ni Tadeo.
"Hindi. May kasabay ako."
"Sino?"
"Si Chad Pelaez. Manager ni Hiroshin."
"Ay weh? Akala ko ba hindi mo kilala 'tong kasama namin." Binigyan ako ng nang-aasar na ngiti ni Tadeo.
"Bakit kayo umabot dito sa restaurant? Hindi ba dapat hanggang sa office lang kayo?" sabad ni Hiroshin. Nang tingnan ko siya ay nakatingin na rin siya sa'kin.
"Nagyaya siya, eh. Bakit pa ako tatanggi?"
"Sus, deny ka pa. Nagdi-date lang kayo, eh," pang-aasar ni Tadeo.
"Alam mo, ang issue mo." Hinatak ko ang buhok niya sa inis kaya napasigaw siya sa gulat. "Kanina lang kami nagkita. Binigyan niya ako ng kontrata dahil ima-manage niya ang pagkanta ko."
"Pogi, ah." Echo nodded while staring at Chad's back before glancing at Hiroshin. "Pogi pala ng manager mo, men? Magiging pareho kayo ng manager ni Marife. Whew!"
"Mag-ingat ka, balita ko flirt daw 'yan si Chad Pelaez," sabi ni Tadeo habang nakatingin kay Chad. "Baka mamaya ikaw ang gawin niyang dinner. Upakan ko pa 'yan."
"Tingin mo magiging type ako niyan?" Pinaikot ko ang mga mata ko. Confident ako pero alam ko kung paano lumugar sa level ng gandang mayroon ako.
"Ay, bakit hindi? Laki kaya ng pinagbago mo. Ganda-ganda mo." Tinaas-baba ni Tadeo ang kilay niya, nakangisi. "Kung wala nga lang akong girlfriend—"
"Talaga, Tadeo?" Nangibabaw ang inis na tinig ni Hiroshin kaya sabay kaming napatingin sa kaniya.
Napalunok ako nang makita kung gaano kasama ang tingin niya kay Tadeo.
"Umupo na nga kayo. Parating na 'yong order natin."
"Joke lang naman! Parang susuntukin mo na 'ko, ah!" Napahawak sa dibdib si Tadeo saka umupo.
Humalakhak si Echo na parang tuwang-tuwa sa nangyayari sa paligid niya. Napailing na lang ako at nagpaalam na sa kanila para pumunta ng restroom.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Natuyo na ang iced tea na natapon sa dibdib ko pero hindi pa rin ako umaalis.
"Kalma, self." Tinapik ko nang ilang ulit ang dibdib kong sobrang lakas ng pagkabog. "Si Hiroshin lang 'yon. Dedmahin mo na lang, okay? Muntik nang malaglag panty mo kanina, ah. Oo na, ang gwapo niya pero sinungaling siya at manggagamit. Turn off!"
Para na akong tanga rito habang kausap ang sarili ko kaya naghugas na ako ng kamay at pinatuyo ang kamay ko sa dryer machine.
Bitbit ang bag ko ay lumabas na ako ng banyo pero napaatras ako nang makitang nakasandig si Hiroshin sa pader, halatang hinihintay ako.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Umalis siya mula sa pagkakasandig sa pader at naglakad palapit sa akin, seryoso ang mukha. "Ihahatid na kita pauwi sa inyo."
"At bakit? May sarili akong sasakyan at may kasama ako, 'di ba?"
"Umuwi na si Chad." Namulsa siya at bumuntong-hininga, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "May...emergency raw."
"What?" Bwesit 'yon. Bakit ako iniwan? Napaka-unprofessional!
"Oo. Kaya ihahatid na kita sa inyo." Akmang hahawakan niya ang braso ko pero inilayo ko iyon.
"Ano ka? May sasakyan ako."
"Wala ka pang kotse, Marife."
"Bibili pa lang ako! Siempre inuna ko ipagawa ang bahay namin!" defensive na sagot ko. Totoo naman, eh. May balak na akong bumili ng kotse, kaunting ipon na lang.
"Ihahatid na kita," pagpupumilit niya. "Huwag nang matigas ang ulo, Marife. Maulan sa labas."
"So?"
Kumunot ang noo niya. "Ano bang problema mo sa'kin? I was just trying to be nice."
"Nice? Nice mo mukha mo! Tabi!" Hinawi ko siya para makadaan ako.
Nice niya mukha niya! Pagkatapos ng mga ginawa niya, sasabihin niyang nice siya?! Ulol!
Naglakad ako nang mabilis pabalik sa pwesto namin ni Chad kanina pero wala na siya roon. Buti na lang nag-iwan siya ng bill! Pati si Echo at Tadeo wala na rin!
Nagdesisyon akong lumabas na ng restaurant para umuwi na. Tama nga si Hiroshin dahil malakas ang ulan. Ang hirap makasakay pauwi dahil palaging may pasahero ang taxi na dumadaan.
Ilang minuto ang tinagal ko habang naghihintay sa labas. Nilalamig na rin ako kaya niyakap ko ang sarili ko.
"Pusangina…" Napamura ako nang bumusina ang kotse ni Hiroshin sa harap ko. Kilala ko na ang kotse kasi nakita ko nang gamit niya!
Bumukas ang bintana at nakita ko si Hiroshin na nasa likod ng manibela. Nasa steering wheel ang isang kamay habang nasa gear naman ang isa.
"Hop in."
Napairap ako. "Umalis ka na. Makakauwi ako nang mag-isa."
"Palakas nang palakas ang ulan. Kapag hindi ka sumakay, hindi ako aalis dito." Isang nakakalokong ngisi ang binigay niya.
"Eh di huwag kang umalis! Sinong tinakot mo—"
Tinakpan ko ang magkabila kong tenga nang bumisina siya nang malakas, halatang sinasadya niya para kunin ang atensyon ng mga tao sa paligid.
"Siraulo ka!" sigaw ko at mabilis na binuksan ang pinto ng shotgun seat at pumasok sa loob.
Hinatak ko ang buhok niya sa sobrang panggigigil.
"Aray ko! Huwag! Masakit!"
Binitawan ko siya. "Baliw ka ba? Kilala ng mga tao ang kotse mo tapos bubusina ka nang gano'n sa harap ko? Mahahalata ng mga tao na magkasama tayo!"
"Sinadya ko 'yon para sumakay ka." Pinaandar niya na ulit ang kotse. "At wala akong pakialam kahit may makakita sa atin. Pareho naman tayong single."
"Oh, anong punto mo?"
He shook his head. "Put on your seatbelt, please."
Pinaikot ko ang mga mata ko at sinuot ang seatbelt. "Ang kulit mo rin, ano? Ayoko ngang ma-link sa 'yo kasi malalaman ni Yumi."
"She's already with someone right now. Stop bringing up the past."
Bakit hindi ko ibabalik? Sobrang laki ng epekto sa akin ng nakaraan na 'yon. Apektado buong pagkatao ko.
Hindi na lang ako nagsalita at tumingin sa labas ng bintana, pinanood ang pagpatak ng ulan doon.
"Baha na raw sa daan papunta sa inyo," basag niya sa katahimikang bumabalot sa amin.
"Oh, ano ngayon?"
"I'm taking you to my condo unit."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top