40. Crossed Path

C H A P T E R 40:
Crossed Path

"Ready ka na ba?" nakangiting tanong sa'kin ni Ma'am Jane, ang multi-awarded broadcast journalist na host ng isang sikat na news magazine program kung saan ako naroon ngayon. 

Pinaayos niya sa dalawang staff ang dalawang camera sa harap ko para makunan ako sa dalawang anggulo.

Bumuntong-hininga ako bago nakangiting tumango sa kaniya. "Yes po."

"Alright!" Umupo si Ma'am Jane sa kaharap kong upuan kung saan nahahagip din siya ng dalawang camera. 

Sa mukha ko talaga naka-focus 'yong mga camera. Gusto kong tumawa dahil baka maumay ang mga manonood sa'kin. Kinagat ko na lang ang pang-itaas kong labi para pigilan ang pagtawa ko.

Tumikhim si Ma'am Jane kaya umayos ako sa pagkakaupo ko at hinila pababa ang suot kong skirt. Baka makita ang kaluluwa ko, mahirap na. 

"I just want to remind you that we will feature your story in our news magazine program named 'Life Does Matter', which features current social media trends na katulad mo. How does it feel na isa ka sa pinag-uusapan ngayon ng mga tao at trending ka sa kahit saang social media platforms?"

Ngumiti ako nang malawak, 'yong tipong kita na pati ngala-ngala ko. "I feel nervous but...I'm excited at the same time."

Parang kailan lang ay ayokong humarap sa camera o hirap na hirap akong makipag-socialize sa mga tao. Pero dahil more on communication ang nature ng ginusto kong trabaho ay nagsikap talaga akong alisin ang hiya sa katawan ko.

"Alright. Please introduce yourself, Marife," nakangiting panimula ni Ma'am Jane. Bagay na bagay sa kaniya ang outfit niyang short red dress, stiletto heels tapos naka-red lipstick pa siya na binagayan ng hair style niyang high ponytail. Para siyang si Ariana Grande.

"Hi! I'm Marife Mhae Garcia. I'm a Features editor from Verified Magazine," nakangiting pagpapakilala ko.

"Wow! You're an editor and napagsasabay mo pa rin ang paggawa ng kanta, " amused na sabi niya kahit alam kong alam niya na 'yon bago niya ako ni-interview.

Tumawa ako at nagkibit-balikat. "Bata pa lang kasi ako ay mahilig na 'ko magsulat ng mga tula at kanta. Mas gusto kong magsulat kaysa magsalita kasi mahiyain ako rati. Kaya hindi talaga ako napapagod pagdating sa passion ko."

"Wait, you said na mahiyain ka. How did you survive on that kind of field? I mean, you interview people and turn their interviews into compelling stories for your readers. I'm sure you've been shy having a face-to-face conversation with other people."

"During college, nahirapan talaga ako." Tumawa ako habang inaalala ang mga pinagdaanan ko noong college ako. "Pero nagawa ko rin namang mag-adjust kasi nga passion ko ang pagsusulat. Kumbaga nahasa na lang 'yong communication skills ko at nakikita n'yo naman siguro ngayon na kaya ko nang humarap sa camera nang hindi nahihiya."

"So, malaki pala ang naitulong sa'yo ng pagiging college student mo para maalis ang hiya mo?"

Kinagat ko ang pang-itaas kong labi at tumingin sa taas para mag-isip kunwari. "Actually, may mga naging kaibigan ako noong high school. Sila ang dahilan kung bakit unti-unting nawawala ang hiya ko kapag humaharap sa ibang tao. Lalo na 'yong...isa."

Gusto kong kaltukan ang sarili ko. Bakit ko ba sinabi 'yon?

Sunod-sunod na napatango siya, nakangiti pa rin. Curiosity shone in her eyes. "Now, I'm getting curious about the guy you are talking about. Where is he now? Naging kayo ba?"

Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil sa tanong niya. Naging seryoso ang mukha ko at pinagpawisan ako bigla.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ang tanong niya o hindi. Ayaw ko na kasi na magkaroon ng issue. Kapag binanggit ko ang pangalan niya, magiging komplikado ulit ang lahat at may mabubuksan na sugat ng nakaraan at ayokong mangyari 'yon.

Bahala na! Hindi ko na lang babanggitin ang pangalan niya!

"N-Never naging kami," mabagal na sagot ko. "F-Friends lang talaga. Hanggang do'n lang kami at okay ako ro'n."

Weh? Bakit may bahid ng lungkot ang boses mo?

"Really?" Bakas sa mukha niya na amused siya sa sinabi ko pero may bakas din ng lungkot. "What happened? Would you mind if you tell me the reason why the two of you didn't end up together?"

"Mahabang kwento," I replied, laughing nervously.

"Oh." She nodded. "Mukhang alam ko na kung saan ka humugot sa mga kantang isinulat mo." Mapang-asar siyang ngumiti.

Bullseye.

Ayoko nang sumagot. Mauungkat at mauungkat ang nakaraan ko kapag hindi ko iniwasan ang mga tanong niya tungkol sa lalakeng 'yon.

"The song entitled 'Piliin mo ako' was the reason why you went viral. That song had 500, 000 views in just two days! Pinakinggan ko 'yon kanina at wala akong ibang nararamdaman kung hindi sakit. Masakit siya, mars!" Tumawa siya na parang close kami at nagkikwentuhan lang sa gilid-gilid. "Sa pagkakaalam ko ay ikaw mismo ang nagsulat niyon. Iyong totoo? Isinulat mo ba ang kantang 'yon dahil sa kaibigang tinutukoy mo?"

Napalunok ako pero hindi ko pinahalatang kinakabahan ako. Nagpapawis na ang kili-kili ko at sumabay pa 'tong nanginginig kong mga kamay. Pero wala naman sigurong masama kung aaminin ko ang totoo. Hindi ko naman babanggitin ang pangalan niya, eh.

"Ahm..." Tumikhim ako. "I wrote that song when I was in high school, Night Class Program to be exact. At aaminin ko na para sa kaniya talaga ang kantang 'yon."

"Oh..." Bakas ang pagkagulat sa mga mata niya.

Nagbaba ako ng tingin at napatulala sa sahig. Parang na-imagine ko na naroon ang nakangiting mukha niya. Ang sarap niyang sapakin!

"Base sa narinig kong lyrics ng kanta mo, brokenhearted ang babae dahil hindi siya nakikita ng kaibigan niyang lalake bilang isang babae na pwedeng mahalin. Tama ba?" usisa niya at tumango naman ako. "Ibig sabihin, nangyari mismo sa'yo ang pinagdaanan ng babae sa kantang 'yon?"

Bumuntong-hininga ako at nakangiting nag-angat ng tingin sa kanya. "He...broke my heart. Ginawa niya akong...painkiller." Tumawa ako nang mapakla.

"Painkiller?" Nangunot ang noo niya.

Tumango ako. "Painkiller. Kailangan niya lang ako tuwing nasasaktan siya."

Naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng mga mata ko kaya bumuga ako ng hangin para pigilan ang maging emosyonal.

Not here. May mga camera sa paligid, Marife. Magmumukha kang tanga.

Dahan-dahang tumango ang babaeng kaharap ko, inuunawa ang mga sinabi ko. "Can you reveal his name?"

Doon ako natigilan. No, hindi pwede. Ayokong masira siya. At ayokong malaman ni Yumi.

Sinaktan ako noon ni Hiroshin, oo. Pero hindi ko kayang sirain ang magandang image niya lalo pa ngayon na sikat na sikat siya. Kasama ko siya noon habang nangangarap siya, at hindi ko kayang sirain 'yon nang dahil lang sa sinaktan niya ako noon.

Kumuyom ang mga kamao ko para pigilan ang pag-iinit ng mga mata ko pero hindi ko nagawa. Naging mabilis ang paghinga ko dahil sa paninikip ng dibdib ko. Ayokong mabanggit ang pangalan niya, pinipilit ko na siyang kalimutan, eh. Hindi ko na rin kayang kontrolin ang emosyon ko.

"M-Matagal na 'yon. Kinalimutan ko na." 

Mabuti na lang at hindi na siya nangulit pa. Marami pa siyang tinanong at pinakwento sa akin na magiging parte ng pag-feature nila ng kwento ko sa TV. Halos isang oras din ang itinagal niyon bago natapos. Nagpasalamat sa'kin si Ma'am Jane at ang mga staffs.

Sumakay ako ng elevator para bumaba ng ground floor ng building. Ilang minuto akong naghintay bago tuluyang bumukas ang pinto at lalabas na sana ako pero isang grupo ng mga reporters ang nakita kong nagkakagulo sa lobby.

Hala. Paktay na.

"Si Marife Garcia!" Nakita kaagad ako ng isang reporter.

"Oo nga! Iyong viral na babae!"

Napunta sa akin ang atensyon ng mga reporters pero bago pa man sila makalapit sa akin ay tumakbo na ako palabas ng lobby.

Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa'kin dahil sa pagpayag ko na magpa-interview! I mean, okay lang naman na sumikat ako pero hindi ko gusto 'yong ganitong set up na hahabulin ako ng mga reporters! Hindi na 'ko uulit! Okay na 'ko sa pagiging—

"Aray!" Nauntog ako sa isang pader! Natira ang ilong ko! "Bakit ilong ko pa?! Nag-iisang asset ko na nga lang 'to, eh!" naiiyak na sigaw ko habang nakapikit at hawak ng isang kamay ang nasaktang ilong.

"Sorry, Miss! Patingin ng ilong mo! Dumugo ba?!"

Idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ang boses ng isang lalake sa harap ko. At nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na hindi pala ako sa pader nabunggo! Sa dibdib ng isang matangkad na lalake na nakasuot ng itim na mask at itim na sumbrero ako nabunggo!

"M-Marife?" Gumuhit ang rekognisyon sa mga mata ng lalakeng kaharap ko. Tinanggal niya ang suot na mask at pakiramdam ko ay may humila pababa sa puso ko nang masilayan ko ang mukha niya.

"H-Hiroshin," nakangangang sambit ko, nanlalaki ang mga mata.

Paanong ang lalakeng tinutukoy ko kanina ay nasa harap ko na ngayon? At sa dami ng lugar ay dito pa talaga kami nagkita?!

Sasagot sana si Hiroshin pero napalingon siya sa likod niya kaya nakita ko ang mga paparating na reporters, parang hinahabol din siya.

At saka ko lang naalala na hinahabol din pala ako ng mga reporters!

Lumingon ako sa pinanggalingan ko kanina at nakita kong paparating na rin ang mga reporters na humahabol sa akin. Huli na para makaalis kami dahil nagsalubong na ang mga reporters na humahabol sa aming dalawa ni Hiroshin.

Tila bumagal ang takbo ng paligid at nabingi ako nang unti-unti kaming pinalibutan ng mga reporters hanggang sa magdikit ang katawan naming dalawa ni Hiroshin dahil sa gitgitan. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Nanlaki ang mga mata ko at tumingala kay Hiroshin na ngayon ay nanlalaki rin ang mga mata habang nakatitig sa mga mata ko.

Sobrang close na namin. At heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Akala ko wala na 'to. Akala ko okay na 'ko.

Pero ngayong kaharap ko ulit siya, bumalik lahat ng sakit.

At kahit pilitin kong iwasan ay parang pelikula na nag-flashback sa utak ko ang nakaraan naming dalawa.

Ilang taon na ba ang nakalipas? Walo? Marami nang nangyari. Marami na akong narating...pati siya. Hindi ko akalain na magkikita kami sa ganitong pagkakataon.

Bumalik ako sa katinuan nang hawakan niya ang kamay ko at sapilitan akong hinatak paalis doon. Nahirapan pa kaming sumiksik palabas dahil ipit na ipit kami sa gitna. Nakakasilaw ang mga flash ng camera kaya yumuko lang ako hanggang sa tuluyan akong mahila ni Hiroshin. Hindi ako umangal nang hinatak niya ako patakbo hanggang sa namalayan ko na lang na huminto kami sa tapat ng isang kulay gray na kotse. Binuksan ni Hiroshin ang shotgun seat at tumingin sa akin.

"S-Sumakay ka na," nauutal na sabi niya.

Dahil ayokong maabutan kami ng mga reporter ay sumakay kaagad ako. Umikot si Hiroshin at sumakay sa driver's seat. Maya-maya lang ay pinaandar niya na ang kotse habang nakasunod sa likod ang mga reporter.

"Phew!" Napasipol si Hiroshin nang tuluyang na kaming makalayo sa building ng Total Media, ang broadcasting company na pinanggalingan namin. Inalis niya na rin ang suot niyang mask at sumbrero at inilagay iyon sa backseat.

Hinawakan ko ang dibdib ko, pilit pinapakalma ang pagkabog niyon. Hiroshin's presence was making me uncomfortable. Ngayon lang kami ulit nagkita pagkatapos ng...maraming taon.

"How are you?" He broke the silence. Nasa daan ang tingin niya habang ang mga kamay ay nasa steering wheel. 

Hindi ako sumagot dahil pinagmasdan ko ang kabuuan niya. Nakasuot siya ng white dress shirt na nakabukas ang tatlong botones. Iba na ang hairstyle niya ngayon. Nakaayos na pagilid ang buhok niya habang may ilang hibla ang nalaglag sa noo. Sa totoo lang ay matagal ko nang alam na ganyan na ang itsura niya ngayon kaya hindi na ako nabigla. Sadyang…iba lang talaga ang pakiramdam na nandito siya sa tabi ko at kasama ko.

"Nasaktan ka ba kanina? Pasensya na. Hindi talaga kita nakita," dagdag niya nang hindi ako sumagot.

"I see." Tumango ako at tumingin sa bintana para itago ang ngiti ko. "Hindi naman kasi talaga ako madaling makita kasi maliit pa rin ako."

"T-That's not what I meant." He sounded defensive. "I'm sorry." 

Nilingon ko siya, nakangiti. "Englishero ka na talaga, 'no? Hindi na ako nabigla kasi palagi kitang nakikita sa mga TV guestings at interviews. Mayaman ka na rin at successful."

"Hindi rin madali ang pinagdaanan ko, 'no," natatawang sagot niya. "Pero okay lang. Hindi ako nagsisisi na pinili ko ang music bilang kurso noong college ako. Passion ko 'yon, eh."

Nakakatawa lang dahil parang kanina ay tensyonado kaming pareho pero mabilis kaming nakabawi at nag-uusap na ngayon na parang dati lang.

"Naalala ko pa na Tiktok influencer ka pa lang dati tapos ngayon isa ka nang artist," sambit ko. 

Napangiti siya sa sinabi ko, dahilan para makita ko na naman nang personal ang biloy niya. Kumalabog ang dibdib ko kaya pasimple ko iyon na hinawakan.

Kalma, self. Dimple lang 'yan ni Hiroshin. 

"Nakatulong sa'kin ang pagiging Tiktok Influencer ko para makapagtapos ako ng college. Tanggap ng maraming endorsement tapos pati pagmo-model pinatos ko na rin." Napailing siya habang nakatutok pa rin ang paningin sa daan. "Akalain mo 'yon? Magiging singer ako katulad ng sinabi ko noon." Tumawa siya.

Parang musika sa pandinig ko ang pagtawa niya. Naalala ko pa na first year college na ako noon sa kursong Journalism ay sumikat ulit si Hiroshin sa Tiktok, pero hindi katulad dati ay solo na lang siya. Nagustuhan ng mga tao ang mga content niya na isa sa mga trend noon—ang mag-cover ng mga sikat na kanta gamit lang ang gitara niya.

Dahil doon, muling nabuhay ang mga fans niya hindi dahil sa sikat siya dati, kundi dahil sa talento niya sa pagkanta. Isa iyon sa dahilan kung bakit kinuha siya ng Lotus Records, ang pangalan ng record label na may hawak sa kaniya ngayon.

"I'm proud of you," sambit ko. 

Napatingin siya sa akin pero kaagad niyang ibinalik ang atensyon sa daan. Gumalaw ang adam's apple niya kaya alam kong napalunok siya sa sinabi ko. 

"S-Salamat." Tumikhim siya. "Ikaw, kamusta ka na? Si...Yumi?"

Doon ako natigilan. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. Hindi naman sa bitter pa rin ako sa mga nangyari noon pero parang awkward kasi na pag-usapan pa ang nakaraan namin. 

"O-Okay lang," tanging naisagot ko. "Features editor na ako ngayon sa Verified Magazine. Tapos…si Yumi naman, trabaho niya na rin ang passion niya ngayon."

"Balita ko nga. Everyone knows her already, but in a good way." Tumawa siya. "Ikaw, bakit hindi ka naging singer? Maganda rin boses mo, ah. But don't get me wrong, I'm happy with what you've become."

"I don't have any courage to pursue it." I shrugged. "At siempre mas pinili kong maging praktikal. Hindi naman kasi lahat ng katulad ko ay siniswerte katulad mo."

"But you wrote the…" he trailed off. He glanced at me for a moment before looking away again. 

"So, alam mo na rin pala." Natawa ako. "Sikat na pala talaga ako."

"Who wouldn't know that? Your music is incredibly famous on social media. Actually, it's good despite the fact that it's heartbreaking." He glanced at me, forming a teasing smile on his lips.

Malamang. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko sinulat 'yon.

Trip ko lang naman kumanta no'ng birthday ko at naisipan ko lang kantahin 'yong sinulat kong lyrics noong mga panahong nalulungkot ako at nami-miss ko si Hiroshin. Hawak ko pa noon ang gitara ko habang vinivideohan ako ni Ate Monica. Hindi ko naman alam na ipo-post niya sa Facebook! Ayon, nag-trend tuloy ako!

"Pwede ko bang malaman kung... sinong inspirasyon mo sa pagsulat mo n'on?" tanong niya maya-maya.

Tumingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo. Bakit parang balisa siya sa isasagot ko, eh wala pa nga. Napapalunok pa siya at napapahigpit ang pagkakahawak sa steering wheel.

I cleared my throat. "H-Hindi na 'yon tungkol sa'yo, 'no! Moved na ako!" I sounded so defensive but I couldn't take it back anymore.

"Wala naman akong sinabi," sagot niya, natatawa pa. Lumiko kami sa kaliwang bahagi ng crossing kaya naalala ko na uuwi na pala ako sa amin. "Saan ka uuwi? I can drop you off."

Mabilis akong umiling. "Huwag na. Baka makita ka pa ng mga kapitbahay namin, mahirap na." Tumingin ulit ako sa labas ng bintana. "Baka...magselos pa ang girlfriend mo."

"Huh?" Mukhang hindi niya narinig. Buti na lang.

"Wala. Sabi ko itabi mo na lang diyan sa kanto." Tumingin ako sa kaniya at ngumiti kahit hindi siya nakatingin.

"Seryoso. Pwede kitang ihatid—"

"Baka nga magselos girlfriend mo kapag may nakakita sa'yo na hinatid mo 'ko."

"That won't make any difference, Marife. Nakita na tayo ng mga reporter kanina habang hila-hila kita." Sa daan pa rin nakatutok ang mga mata niya.

I chuckled nervously. "So, wala kang pakialam kahit magselos ang girlfriend mo?"

Hindi siya sumagot hanggang sa itigil niya ang kotseng sinasakyan namin. Nagkulay pula na pala ang traffic light. Sinandal niya ang isang braso sa katabi niyang bintana at nilaro ang mga labi bago tumingin sa akin, nagpipigil ng ngisi.

"Nakakatawa lang na nagtatrabaho ka sa Verified Magazine na related sa media, but you can't even check if the news you've heard is legit." Amusement filled his eyes.

Napanganga ako sa sinabi niya. So, hindi totoo 'yong nasagap kong balita? 

"You think Aica and I are dating?" he asked in a teasing tone. He was referring to Aica Ferrer, the famous daughter of Lotus Records' owner, Fernando Ferrer.

I blinked twice. "B-Bakit? Hindi ba totoo? Palagi kayong nakikita sa iisang lugar, 'di ba? May picture pa nga kayong magkasama, eh."

"That was just a coincidence. It just so happened that we met at the same event because she was the son of the owner of the record label that holds me. I didn't deny it either because that's what my manager said. He said it's for the promotion of the upcoming release of my album. Publicity, it is. "

Aguy. Nosebleed.

Grabe ang accent niya, ibang-iba sa dati. Ang dami na nga talagang nagbago sa kaniya.

Pero teka? Totoo ba ang sinabi niya? Hindi sila ni Aica? Bakit? Ang ganda-ganda ng babaitang 'yon tapos hindi niya niligawan.

"Bakit hindi kayo?" kunot-noong tanong ko.

Tumaas ang kilay niya.

"I-I mean, bakit hindi mo siya ligawan? Bagay naman kayo!"

Kumunot ang noo niya at isinandal ang siko sa steering wheel, dumukwang nang kaunti sa akin. "Nanonood ka ba ng TV?" 

I held my breath. His manly scent filled my nose but I tried to ignore it. "A-Anong akala mo sa'kin? Kahapon lang pinanganak? Busy lang ako sa work." Napairap ako at napaiwas ng tingin.

Kalma, self. Amoy lang 'yan. Kapit lang panty. Huwag kang malalaglag.

"That's why." Tumawa siya at umayos ulit ng upo. Nagkulay green na kasi ang traffic lights. "Nood ka na lang. Baka sakaling masagot mga tanong mo." Pinaandar niya na ang kotse at hindi na nagsalita.

Hindi na lang ako umimik. Iniisip ko kung ano 'yong sinasabi niyang panonoorin ko sa TV.

"Ihahatid na kita sa inyo," pagpupumilit niya.

I sighed in defeat. "Oo na." 

Hanggang ngayon ay gentleman at mabait pa rin siya. Tama lang talaga na hinahangaan at iniidolo siya ngayon ng karamihan. Ang mga katulad niya ang dapat tinititingala kumpara sa iba na walang ibang ginawa kung hindi gumawa ng mga issue na ikakasira ng sarili nila.

May kalayuan ang bahay namin mula sa media company na pinaggalingan namin kaya inabot kami ng isang oras, na pinalala ng traffic. Isang beses ko lang sinabi sa kaniya ang address ko pero alam niya na kaagad ang daan at hindi na nagtanong pa.

Pagdating namin sa tapat ng bahay namin ay inalis ko na ang seatbelt sa katawan ko bago ko tiningnan si Hiroshin.

"G-Gusto mong pumasok muna sa loob?" tanong ko.

Tumaas ang kilay niya. "Pwede?"

"O-Oo naman!" Huli na para mabawi ko ang sinabi ko. Wala nga pala si Ate Monica ngayon dahil nasa trabaho pa siya. 

"Sure!" Tinanggal niya na rin ang seatbelt niya at dire-diretsong bumaba ng kotse.

Sumunod ako sa pagbaba at luminga sa paligid para tingnan kung may nakapansin sa pagdating namin. Buti na lang at hapon, kaunti lang kasi ang mga tumatambay sa labas kapag ganitong oras. Pagpasok ko sa bahay ay pumasok kaagad ako sa kwarto ko at nagbihis ng pink tank top at itim na shorts. Itinali ko rin ang buhok ko sa ponytail.

"Sa inyo ba 'tong bahay?" tanong ni Hiroshin. Umupo siya sa settee habang panay ang tingin sa paligid. "Ganda, ah. Mukhang bago."

"Pinagtulungan namin ni Ate Monica na ipatayo," sagot ko bago inilapag ang tray na may laman na dalawang baso ng orange juice at dalawang slice ng Black Forest cake sa coffee table. "Ganda ba? Si Vince ang Architect niyan."

Umupo ako sa settee, isang metro ang layo sa kaniya. Kinuha ko ang isang throw pillow at nilagay sa hita ko.

"Ay wow!" Tumingin siya sa'kin, nakataas ang kilay. "'Yong kakambal ng crush mo?"

"Hindi ko na crush si Zach!" angil ko. "Ano 'ko, high school? Hindi na uso sa'kin 'yan."

"So, hindi mo na rin talaga ako crush?" nakangising tanong niya. 

Kumunot ang noo ko habang nakikipagtagisan ng tingin sa kaniya.

Seryoso ba siya? Bakit niya tinatanong 'yan? Alam kong matagal na 'yon pero may kirot pa rin sa puso ko ang ginawa niya sa'kin. Bakit ang dali para sa kaniya na biro-biruin ako nang ganyan tungkol sa naging feelings ko sa kaniya noon?

Kinagat ko ang pang-itaas kong labi, hindi makasagot. Kinapa ko ang remote ng TV sa gilid habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya.

"Magmeryenda ka na," pag-iiba ko ng topic.

Nabura ang ngisi sa labi niya. "S-Sorry, na-offend ba kita? Nagbibiro lang—"

"Manood ka muna habang kumakain," putol ko sa sinasabi niya. Tinuon ko ang mga mata ko sa TV at binuksan iyon gamit ang remote.

Tumikhim siya pero hindi ko na siya tinapunan ng tingin at nilipat sa ibang channel ang TV. 

"Juice?"

Napatingin ako kay Hiroshin nang iabot niya sa'kin ang isang baso ng orange juice. Kinuha ko iyon mula sa kaniya at saka binaling ulit ang atensyon sa TV.

"Cake?" alok niya ulit. 

Iirapan ko sana siya pero nabaling ang atensyon ko sa showbiz news na nag-flash sa screen ng TV.

"Matatandaan na naging usap-usapan noon ang singer-song writer na si Hiroshin Iscalera matapos ang sunod-sunod na larawan ng singer na kasama ang anak ng may-ari ng Lotus Records na si Aica Ferrer. Ngunit ngayon, naging maugong muli ang pangalan ng singer dahil sa sagot nito nang tanungin siya ukol sa buhay pag-ibig nito."

Napaubo bigla si Hiroshin sa tabi ko pero hindi ko siya nagawang tingnan dahil tutok na tutok ako sa screen ng TV. Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko si Hiroshin na halatang galing sa TV guesting ng morning show sa kabilang istasyon. 

"Aica and I are just friends. We didn't date each other." Hiroshin chuckled while he was being surrounded by a group of reporters. "To tell you honestly, I was just waiting for the right time to do things I wasn't able to do back then. I've been loving this girl since high school and my feelings for her hasn't changed at all."

"Who is this lucky girl?" tanong ng isang reporter.

"Si Mayumi Rizal ba ang tinutukoy mo? We all know na naging part siya ng past mo noong high school ka," segunda ng isa pa.

Pakiramdam ko ay natuyo ang lalamunan ko nang marinig ko iyon.

Bakit pa nila inuungat ang nakaraan? Nakakahiya kay Yumi…at do'n sa isa.

Napainom tuloy ako ng juice.

Umiling si Hiroshin, nakangiti pa rin. "She was my bestfriend, and her name is Marife Garcia." 

Nanlaki ang mga mata ko at naidura ang iniinom kong juice.

Pusangina. Ano 'yon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top