9

Miko POV

Sinuntok ko ang pader sa banyo. 

Fvck! Why do I need to feel this kind of...ah! Fvck! Baby huh? Fvking endearment. 

I hate seeing them together. How come naging close sila ng gagong Phoenix na 'yun? Damn it. 

Si Hera. Hindi ako makapaniwalang nag-iba na siya. Fvck! She's a real goddess. Nag-mature na 'yung mukha niya and her body? Humubog na. Shit! Her long brown hair, her white soft skin, her pink lips, her pointed nose, her perfect body, even her boobs, they are big now compare before. Fvck. 

The way she look at me, parang wala na siyang feeling sa'ken. Nag-move-on na ba siya? Successful ba? Fvck! Bakit labag sa loob ko? Bakit parang ayoko! Ayokong mag-move-on siya?

When she left five years ago, I felt devastated. Pakiramdam ko may bahagi sa pagkatao ko ang nawala. Limang taon. Limang taon akong naghintay na bumalik siya. There are lot of girls na lumalandi saken, na nagpapakita ng interes ng harap-harapan. Like what Hera did before pero bakit naiirita ako sa iba? Bakit nami-miss ko ang paghabol-habol sa'ken ni Hera? Ah, shit! 

I'm a playboy. Yes, I flirt with girls. It's just because I'm rebelling! I want Hera. But she's not here. Kaya nagpaka-playboy ako. Because I don't want to love other girl. My heart belongs to Hera. Huli na nang ma-realize ko ang bagay na 'yun.  

Fvck! I'm fvcking in love with her! Na-realize ko 'yun nung nawala na siya. And now that she came back, she's happy with that fvcking Phoenix! Hell! Di ko matanggap. 

Hindi ko sila kayang tingnan na masaya. Hinding-hindi. Fvck! Hera belongs to me. I know that. I'll do everything to win her back. Ako ang nauna niyang mahalin. I know babalik pa 'yung nararamdaman niya sa'ken. All I need to do is to prove to her that I love her. I love her, seriously. 

--

Chylee POV

"Shan, pakisabi kay Phoenix, restroom lang ako." Paalam ko. Kumukuha kase si Phoenix ng drinks namin. 

Naglakad ako papuntang rest room. Malapit na ako. Bubuksan ko na ang pinto ng bigla iyong bumukas at iniluwa si Miko. 

Nagulat ako pero mas nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papasok sa loob. "Miko! Ano bang ginagawa mo?"

Isinandal niya ako sa pader. Hawak niya ang dalawa kong braso na nakataas at nakasandal din sa pader. 

"Bitawan mo ako! Ano ba---hm."

Nanlaki ang mata ko. Na-freeze ang buong pagkatao ko. He's kissing me. For the first time, shems! Ang first kiss ko, si Miko?! And why? Bakit hinahalikan niya ako? 

"Hmmmm." Pilit akong kumakawala sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa 'to. After five years, ngayon lang ulit kami nagkaharap, pagkatapos ay ganito? Basta lang niya akong hahalikan?

He stopped. And now he's staring at my face. "Hera.."

"Why are you doing this to me? Why did you kiss me?!"

"Fvck! Of course because I like it. Hera, listen to me.."

"Why should I? Bakit ginagawa mo 'to Miko?"

He kiss me again pero sandali lang. Then he looks at me. "Phoenix. Is he your boyfriend?"

I sighed. "Why do I need to answer you?"

"A simple yes or no will do, Hera."

Anong isasagot ko? Hindi kami ni Phoenix. Walang kami. Pero ayokong sabihin kay Miko. Gulung-gulo ang utak ko dahil sa pinapakita at ginagawa niya ngayon. 

"Sino ka para sagutin ko?"

His jaw clenched and now, he looks mad. "Fvck Hera! I want to know because I'm inlove with you. Don't you get it?"

What did he say? He's inlove with me? For real? Damn. Anong ire-react ko? Pagkatapos niya akong saktan five years ago? Eto na naman! Nararamdaman ko na naman ang sakit sa tuwing maaalala ko 'yun! 

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Nasasaktan ako. At aminado ako, apektado pa din ako. Sa tuwing maaalala ko kung paano niya ipamukha sa'ken na hinding-hindi niya ako magugustuhan, it really hurts. Akala ko ba naka-move-on na ako? Ba't ganito? Bakit pakiramdam ko, naging sariwa ang lahat dahil lang nakaharap ko ulit si Miko? Damn him. I hate him!

"Fvck, Hera! Don't cry." He said then binitawan na niya ako. Nakatayo nalang siya sa harap ko habang ako, nakasandal pa rin sa pader kaharap niya. 

"Do you want to know kung kami ni Phoenix? Yes, we are. Boyfriend ko siya." Sagot ko. I lied. Pero ito nalang ang kaya kong gawin para hindi na maapakan ang ego ko. Ayokong magmukha na namang patay na patay sa kanya. 

"Fvck!" 

Nasa mukha ni Miko ang panghihinayang. So it's true that he's in love with me? Parang ang hirap paniwalaan. 

"Pwede bang lumabas ka na, Miko?" Sabi ko. Ayoko ng umiyak. Masisira ang make-up ko. Isa pa, ayokong mahalata ng iba na umiyak ako. Lalo na si Phoenix. Baka bigla niyang sugurin si Miko 'pag nalaman niya 'to. 

"Hera, do you still love me?"

Hindi ko inaasahan ang tanong niya. Mahal ko pa nga ba siya? Well, I really thought I already moved on pero nagkamali ako. Sa muling paghaharap namin, bumalik ang lahat. Pero hindi na ako ang dating Chylee na harap-harapang naghahabol sa kanya. Hindi na ako ang dating Chylee na 'pag may nararamdaman ay sinasabi. Because now, I can pretend that he's nothing for me. Wala na. 

"No. I don't love you anymore, Miko." Matigas kong sabi. I don't want to be hurt again because of the same person and for the same reason. 

"Fvcking hell! Hera I'm inlove with you. Can we stay together?"

Nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. "Really, Miko huh? Stay together? Eh, dati halos ipagtulakan mo ako palayo dahil ayaw na ayaw mong madidikit ako sa'yo? Damn, Miko! Nag-moved-on na ako! Na-realized ko na kung gaano ako ka-tanga na minahal kita. Diba nga ayaw mo sa childish? Ayaw mo sa tulad ko? Ipinagduldulan mo na sa'ken na kahit kailan, hinding-hindi mo ako mamahalin, hinding-hindi mo ako magugustuhan? Tapos ano, Miko? Lumayo na ako! Tapos ngayon lalapit ka at sasabihin mong inlove ka sa'ken? Pakshit ka, Miko!" Sigaw ko. 

"Nagsisisi na ako, Hera."

Bakit kailangan niyang magkaganito? Nahihirapan ako! 

"I-I don't care." Pagsisinungaling ko dahil aminin ko man o hindi, I still care!

"Hera. I hate seeing you with Phoenix. Ako nalang.  Ako nalang please?"

And now, he's begging? Unbelievable. Kung sana nangyari 'to five years ago, baka sakali pa. Pero ngayon? No. Hindi na ako tanga. I learned from my experience. 

"Get out." Sabi ko. 

"Hera.."

"I said, get out Miko! Don't talk to me again! And don't come near me."

Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita kong nanggigilid ang luha ni Miko. Hell! As if naman. He's heartless. Tested ko na 'yun five years ago. So bakit kelangan niyang um-akto ng ganito ngayon?

"I'll talk to you some other day. Calm down, Hera." Mahinahon niyang sabi. 

"Out." Sabi ko habang itinuturo ang pinto. 

He sighed then looks at me. "Lalabas na ako. I'm sorry, Hera."

Sorry? Sorry his ass. Hindi ko man lang nga narinig ang word na 'yan five years ago, kung saan sinaktan niya ako ng sobra. 

Hindi na ako nagsalita hanggang sa lumabas na siya ng rest room. Nakahinga ako ng maluwag. Nakagat ko ang ibabang labi ko. 

He kissed me. My first kiss. Damn him! How could he kiss me like that!

Lumapit ako sa sink at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Mabuti nalang waterproof make-up ang gamit ko. Kailangan ko lang huminga ng malalim. Hindi naman gaanong halatang umiyak ako. Kasalanan ng Miko na 'yun! I hate him. 

Pero napapaisip ako kung paano nangyari 'yun? Paanong na-inlove siya sa'ken gayong wala ako dito? Na halos mandiri siya sa'ken dati para itaboy? Hindi ko yata kayang maniwala sa mga sinabi niya. He even begged. Hindi ko na siya maintindihan. Psh. Bahala siya sa buhay niya. 

Lumabas na ako sa rest room saka bumalik sa pwesto nila Shanice at Phoenix. Iginala ko ang mata ko and there, I saw Miko drinking some beer malapit sa may pool area. Psh. 

Lumakad na ako papunta kina Shanice. 

"What took you so long?" Tanong agad ni Phoenix. 

"Ay, grabe Phoenix! Possessive boyfriend ang peg? Pati paggamit ng banyo, kelangan may duration? Aba matinde ka, ha! Wag mo nga 'tong sasagutin, Chy." Sabi ni Shanice. 

"Sobra ka, Shan. Tch. Nag-alala lang ako."

Ngumiti ako. "There's nothing to worry. Nag-banyo lang ako. And besides, mansyon namin 'to."

"Oo nga naman, Phoenix. Ikaw talaga." Sabat ni Shan. 

Nakaupo kami dito sa isang round table. Si Skyler..ah, ayun kausap si Riana. Parang seryoso ang pinag-uusapan nila. Ano kaya 'yun? Inlove pa rin ba si Skyler kay Riana? After five years?

"Here, drink this baby." Sabi ni Phoenix. 

"Yuck ka, Phoenix! Maka-baby! Letse 'to. Feel na feel!" Natatawang sabi ni Shan. 

"Walang basagan ng trip. Tch." Sagot ni Phoenix. 

Natawa nalang ako. At ininom ang cocktail drink na kinuha ni Phoenix para sa'ken. 

Hindi ko naiwasang mapatingin sa gawi ni Miko. And he's looking at me. Madilim ang awra niya. Shems! Bakit ba kase biglang nagkaganyan si Miko? Parang mas gusto ko pa 'yung dating siya na walang pakialam sa'ken. I felt uneasy. 

Iniiwas ko na ang tingin ko at nakipag-kwentuhan nalang kina Shan at Phoenix. This is our night at hindi ko hahayaang masira ito nang dahil kang kay Miko. Hindi ako papa-apekto sa kanya. At yung mga sinabi niya kanina, kunwari nalang 'di ko 'yun narinig. Ayokong isipin ang mga bagay na 'yun. Sino ba siya? Psh.

"Chy.."

Tumingin ako kay Shan. "Oh?"

"Can we talk later?"

Ngumiti ako. "Oo naman. Why not? About what?"

"Oo nga, Shanice. Usap lang pala. Sama ako ah." Sabat ni Phoenix. 

Tumingin si Shanice kay Phoenix. "Girl's talk."

Oh. So kaming dalawa lang. About saan kaya? Baka kaya about kay Miko? Kaya ayaw niyang kasama si Phoenix. 

"Tch! Girl's talk sucks." Reklamo ni Phoenix. 

"Isasali ka namin sa usapan kapag nagpaka-bakla ka na Phoenix. Ha-ha!" Biro ni Shanice. 

"Damn it Shanice! Sayang ang lahi ko 'pag nagpaka-bakla ako. Saka paano nalang kami ng baby ko. Tch."

"Haha! Baliw ka talaga. Baby, baby! Feeler!"

Tawa lang ako ng tawa sa dalawa. I'm blessed na may bestfriend ako na nandito pa rin kahit nagkalayo kami. At isang lalaking nandyan din lage para sa'ken. Na-appreciate ko talaga ang pagsunod niya sa'ken sa US. That means na seryoso talaga siya sa'ken. 

Minsan naiisip ko, kung hindi ko siguro minahal si Miko, baka kami na ni Phoenix ngayon. Kaso ayokong maging unfair kay Phoenix. Ayoko siyang sagutin hangga't 'di pa nade-develop ng buo ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko kase na may laman pa rin ang puso ko. Lalo na kanina, mas napatunayan ko 'yun nung makaharap ko SIYA. 

"Chy, natulala ka na naman dyan. Lutang ka ba? Naka-drugs ka?"

"Baliw ka talaga, Shan! Hindi 'no. Wala 'to. Siguro jetlag. Hello! Kakauwi lang kaya namin kanina." Sabi ko. 

"Baby, pahinga ka na kaya?" Nag-aalalang sabi ni Phoenix. Hinaplos pa niya ang pisngi ko. Ang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko. Katabi ko kase siya sa upuan. 

"Yuck ka talaga Phoenix! Ang PDA mo!" Komento ni Shanice. 

"Tch! Hinaplos lang ang pisngi, PDA agad?"

Shanice rolled her eyes to Phoenix. Napailing nalang ako. Gustung-gusto ko talaga ang personality ni Shanice. Ang jolly lang at kalog. I remember my Tito James to him. Si Tito James kase jolly din saka siya ang favorite tito ko nung bata ako. 

Lumipas pa ang ilang oras. Unti-unti na ring nauubos ang bisita. Tapos kanina si Skyler nagdabog papasok ng mansyon. Di ko nasundan kase sabi ni Shanice, hayaan ko daw muna. Mukhang badtrip nga. Susugurin ko na nga sana si Riana kaso nakita ko andon sa sulok parang umiiyak. Kaya pinalampas ko. Ano kayang nangyari sa pag-uusap nila ni Skyler? Tatanungin ko nga mamaya ang ka-kambal ko. 

"Baby, uwi na ako. Baka kase 'pag tumagal pa ako, matulog pa ako sa kwarto mo. Haha!" Natatawang sabi ni Phoenix. 

"Baliw ka talaga, Phoenix." Sabi ko. 

"Oo nga! Ikaw lalake, umuwi ka na. Ako ang tutulog sa kwarto ni Chy 'no." Sabi ni Shanice. 

Yes, nabanggit na ni Shan na dito siya tutulog sa mansyon. Gabi na din kase saka may pagku-kwentuhan daw kami mamaya. Girl's talk nga daw. 

Welcome naman siya dito sa mansyon eh. Bestfriend ko siya and kilala naman siya nina Mom and Dad. Pati ni Skyler syempre. Tatanungin ko din pala siya mamaya kung anong meron sa kanila ni Sky. I smell something horsey talaga sa kanila eh. 

"Ingat, Phoenix! Thank you."

"Yes. Call me tomorrow kapag nakausap mo na ang Daddy mo about sa business na plano natin ha?" Sabi ni Phoenix. 

Napag-usapan kase namin sa US non na pagdating namin dito sa Pilipinas, magma-manage kami ng sariling business. Di ko kase feel na mag-trabaho sa company namin. Si Skyler nalang ang bahala don. 

"Sige. Wait for my call." Sabi ko. 

Nag-wave na siya pagkatapos niya akong halikan sa pisngi. Naging gawain na niya 'yan. Well, ganon naman sa US. Every papaalam ka or kakarating mo lang, uso ang beso beso kahit boy to girl. 

"Sweet ni Phoenix sa'yo, Chy. Di ka pa din nade-develop sa kanya?" Tanong ni Shan nang maka-alis na si Phoenix. 

"I like him syempre. Pero andon palang sa stage na ganon."

"Oh. Pero alam mo Chy, malapit ka ng matunaw."

Nalito naman ako sa sinabi niya. "Matunaw?"

"Kanina ka pa tinititigan ni Prince Miko. Ang sama pa ng tingin. Jusko, Chy. Anong problema non at nakatingin sa'yo? Baka naman napanganga 'yan sa beauty mo? Kita mo naman. Ibang-iba ang beauty mo ngayon kumpara noon. Laglag siguro brief niyan."

Balikw talaga 'tong si Shanice. Nagawa pang magbiro. "Hayaan mo na siya. 'Wag mong pansinin 'yun, Shan. Tara na nga sa loob. May ku-kwento ka pa sa'ken 'diba? Tara." Tumayo na ako at hinila ko na siya papasok sa loob. 

Bakit kase tingin ng tingin si Miko? Napansin pa tuloy ni Shan. Nakakainis. Kung dati siguro siya ganyan, baka kinisay na ako sa kilig. Pero iba na ngayon. Iba ang ngayon sa noon. At hinding-hindi na babalik ang dating Chylee na naghabol sa kanya noon. 

I'm a better person now. I changed. A lot. 

*

A/N : Ano ang sasabihin ni Shan kay Chy? Girl's talk daw. Ano kaya 'yun? Any idea? Hashtag #ChildishLove

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top