8
Chylee POV
Mataman kong tinititigan ang dress na isusuot ko para sa party mamaya. Simpleng mini dress lang naman para mukhang presentable. Kulay pink na tube then medyo ma-balloon ng kaunti ang pinaka-palda. May ribbon na nakapalibot sa waistline.
Well, di ko naman kailangang magpaka-bongga kase mga close friends lang naman nina Mom and Dad ang invited sa welcome party mamaya.
Isang bagay lang naman ang pinaghahandaan ko para mamaya. Ang muling paghaharap namin ng unang lalaking nanakit sa puso ko. Pupunta kaya siya? Kase gusto ko talaga siyang makita at makaharap. Hindi dahil namimiss ko siya or what. Kung hindi dahil gusto kong ma-kumpirma kung naka-moved-on na talaga ako. Ang tanging paraan lang kase para mapatunayan ko iyon ay pag nakaharap ko na siya--kung magre-react ba ang buong sistema ko o hindi.
*knocks on the door*
"Chylee, anak."
Lumingon ako kay Mom na nakasilip sa bahagyang nakabukas na pinto ng kwarto ko.
"Yes, Mom?"
"Be ready. Maya-maya darating na ang mga Tito tigers mo and other visitors."
Ngumiti ako saka tumango kay Mom. Pagkatapos ay mabilis akong lumapit sa kanya at yumakap. "I love you, Mom. I really missed you."
"Ang prinsesa ko, naglalambing. I love you too, baby." Sabi niya saka kumalas ng yakap saken. Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Dalagang dalaga na ang anak ko. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Phoenix."
"Mom!" Nahihiya ako. Feeling ko nagba-blush ako. Kase ayoko ng binibiro ako.
"You're allowed to have a boyfriend anak. You're twenty three and you're not getting any younger."
Ngumuso ako. I know, I'm allowed. Syempre, hindi na ako bata pero wala pa kase, wala pa ulit itinitibok ang puso ko. Pihikan eh. "Mom naman, hindi naman ako nagmamadali. And besides, magiging busy ako. You know, I'll talk to Dad with some business matters."
"Matured na talaga ang baby ko. Parang kailan lang, kayo ni Skyler, ang liliit pa at ang kukulit."
Ngumiti ulit ako kay Mom. Reminiscing our childhood is one of the best thing I did. Ang saya kaya nung bata pa kami.
"You're being emotional, Mom. Are you pregnant?" Biro ko.
"Silly! I'm fourty-two now, baby. Do you think mabubuntis pa ako?"
Mom talaga. At least we our seven in our family. Masaya and kuntento na kami.
"Just kidding, Mom. By the way, invited po ba si Tito Luke?" Tanong ko.
"Oo naman, baby. Why?"
"Kase pagagalitan ko siya. Hinahawaan niya ng pagka-playboy si Renzo. Psh! Di pa rin siya nagbabago, Mom? May asawa na at anak.."
"Ikaw talaga, Chylee. Imagine, pagsasabihan mo ang Tito Luke mo? Matanda na yun. Haha!"
Natawa din ako sa naisip ko. Oo nga. Dalawa na nga pala anak ni Tito Luke five years ago. Ngayon kaya? Hm. Makikita ko naman lahat mamaya. Lahat ng Tito tigers ko, may mga asawa't anak na.
"Sige na baby. Magbihis ka na at mag-ayos."
"Okay, Mom." Sagot ko saka humalik sa pisngi niya.
Sinara ko na ang pinto ng kwarto ko nang bigla namang may kumatok. Binuksan ko ulit 'yun. "Yes, my handsome little brother?"
"I'm not little anymore, Ate. Can't yousee, mas matanggad na ako sa'yo." Masungit na sabi ni Enzo.
"Oh, okay. Feeling binata ka talaga. Bakit ka nga pala nandito?"
"You told me kanina sa sasakyan na may pasalubong ka sa'ken na pakwan pillow. Where is it? I want to get it now."
Jusko ang kapatid kong adik sa pakwan. Hindi nakapaghintay. Yung mga pasalubong kase namin, di pa namin binubuksan ni Skyler. Isang maleta yun. At ayun nga, supposed to be, surprise yung pakwan pillow kaso nadulas naman ako kay Enzo kanina sa sasakyan nung pauwi kami galing airport.
"Talaga 'to. Hindi mo naman makakain yun, Enzo."
"Kahit na Ate. I want it. Now."
Ang bossy, ano po? Dugong Shin-woo eh. "Okay fine." Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto saka pinapasok si Enzo.
Binuksan ko ang maletang laman ay mga pasalubong. Buti nalang at nasa ibabaw lang yung pakwan pillow.
"Here." Inabot ko sa kanya ang pakwan pillow na kasinglaki ng normal size ng unan. Flat pa siya. Nakaplastic and once na inopen yung plastic dun lang siya lolobo.
"Wow. Great. Thanks, Ate!" Niyakap ako ng kapatid ko. Wag ka, ang yakap na ito ay dahil sa pakwan na unan.
"Sige na. Magbibihis na si Ate. Ikaw din." Sabi ko kay Enzo.
"Aye, aye!" Tumakbo na siya palabas ng kwarto ko. Tuwang-tuwa ang bata.
Nakakatuwa lang na di ko man sila nasubaybayan ng limang taon, hindi nawala yung closeness. Wala ring awkwardness. Nagkakausap naman kase kami sa phone and nags-skype kami.
*phone rings*
Nagawi ang tingin ko sa kama ko nang tumunog ang phone ko. Who's the caller kaya?
Phoenix calling..
Oh, si Phoenix. Bakit kaya? Sinagot ko ang tawag. "Hello?"
[Yow. Baby..]
Tumawa ako. "Bumabanat ka na naman ng ganyan mo. Sumbong kita kay Sky eh."
[He knows about it. Naririnig pa nga niya. Tch. And he's not against about me calling you, baby.]
Ah ewan! Ganyan si Phoenix. Sa US kase, minsan, baby ang tawag niya sa'ken. Nung una lagi ko siyang binabatukan pero nakasanayan ko na rin. Para naman talaga niya akong baby. Alaga kase ako at spoiled sa kanya. Pero syempre 'di alam nina Mom 'yun.
"Oo nalang. So why? Bakit napatawag ka?"
[Is it too early kung pumunta na ako dyan?]
"As in, now na?"
[Yes. Nakabihis na ako. Nakapagpa-gwapo. Nakapagpa-bango..]
Naningkit ang mata ko. Nagyayabang na naman si Phoenix. "Epal ka talaga. Bahala ka. If you want, okay. Maliligo palang ako eh."
[Sayang.]
"Anong sayang?"
[Dapat pala sumabay akong maligo sayo."
"Tse! Napaka-manyak mo, Phoenix!"
[Hahahahahahahaha! I bet namumula na ang pisngi mo.]
Baliw talaga. Ganito na kami ni Phoenix. Komportable kami sa isa't isa. "Tse! Sige na. Maliligo pa ako. Text nalang kita kapag tapos na akong mag-ayos para makapunta ka na dito."
[Fine. I'll wait for your text.]
"Okay. Bye, Nix."
I ended the call and heaved a sigh. Kinakabahan na ako para mamaya. Pero..wait.
Binalik ko ang tingin ko sa phone ko at nag-dial.
[Yes, Chy.]
"Hindi ka pa pupunta dito, Shan?" Tanong ko. Nakalimutan ko na ang bestfriend ko. Dapat kanina pa siya andito eh.
[We're on our way na.]
We're..so sila? "Sino? Sinong kasama mo?" Tanong ko.
[I'm with you twin brother. Uh--may pinuntahan kase siya and ayun, nadaanan na niya ako so..]
May something talaga sa bestfriend at ka-kambal ko? "Okay. Ingat kayo! See you later." Sabi ko nalang.
Lagot saken mamaya si Shanice. Totorturin ko siya sa mga tanong ko mamaya.
[Okay, Chy. Bye. See you.]
*call ended*
Hmm. Mag-a-ala-imbestigador ba ako mamaya kay Shan at Skyler? Pero if ever, bet ko naman sila eh. Bubuo na ba ako ng loveteam nila? ShaLer? Yeeee! Kinikilig ako sa kanila.
Maliligo na nga pala ako. Masyado akong naaaliw. Welcome party is.....nakaka-excite!
-
Nanginginig ang kamay ko. Ewan ko ba. Para akong naka-tungga ng isang drum na kape para nerbiyusin ng ganito.
Kasi naman, waaaaa! Nasa baba na ang mga friends nina Mom. At syempre nandon SIYA. I heard from Kenzo kanina nung tinawag niya ako. Pinapatawag na daw kase ako ni Mom sa baba para harapin ang Tito tigers ko at mga anak nila.
"Let's go, baby? Bakit ka ba kinakabahan? Dahil sa batang 'yun? Tch."
"Phoenix. Di na kaya siya bata."
"Tch. Tara na. Naghihintay na sina Mommy and Dad--ARAY!"
"Feel na feel mo, alam mo! Hmp. Tara na." Hinampas ko siya sa braso eh. Huminga na ako ng malalim at inihanda ang sarili ko.
Kahit ayokong aminin, gwapo si Phoenix sa suot niyang skinny jeans, converse shoes at v-neck shirt na kulay white. Simple pero ang lakas ng dating. Ako naman, eto. Sa halip na 'yung dress kanina, pinalitan ko na. Skater skirt na pink at plain white sleeveless top lang na tinernuhan ko na ng two inches pink heels ko.
"You're stunning, baby but you're shaking. Calm down." Sabi ni Phoenix habang pababa kami.
Maka-baby talaga eh. Pasalamat siya sanay na ako. Wag lang talaga niya akong tatawaging ganyan sa harap nina Mom and Dad, kung hindi mababatukan ko talaga siya.
"Chy!"
Sinalubong ako ng mahadera kong bestfriend. Attention seeker ang peg. Maka-sigaw eh. Mamaya, torture sa'ken 'to about Skyler.
"Shan." Nagbeso kami. Then nilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Ang daming tao. Mga di pamilyar ang iba.
"Si Skyler?" Tanong ko kay Shan.
"A-ah, ayun." Turo niya na tiningnan ko.
Oh. Kausap pala ni Skyler si Riana. Andon sa may isa sa mesa. Gumanda si Riana. Dalaga na din eh. Pero mas maganda pa din ako sa kanya.
"Sige, Shan. Punta lang ako sa mesa nina Mom and Dad." Paalam ko.
"Sure, sure. Dito lang ako, nakikipagkwentuhan sa di ko mga kilala. Haha! Nga pala. I saw him. Gwapo, Chy! Makalaglag panty! Siguraduhin mong ayos ang garter nyang underwear mo." Natatawang sabi ni Shanice.
"Baliw ka talaga!" Lalo tuloy akong kinakabahan. Pero alam ko, naka-moved-on na ako. Wala na naman siyang effect sa'ken. I bet.
"Oh, ikaw Phoenix? Feel na feel mo ang pag-gwardya kay Chy ah. Ayos yan."
"Ako pa?" Nakangising sabi ni Phoenix.
Hmp. Lakas talaga mang-asar eh. "Lika na Phoenix. Don sa table nila Mom."
Ayan na ang kaba ko. Habang papalapit ay mas kumakabog ang dibdib ko. Sina Mom and Dad nasa isang mahabang mesa kung saan napansin kong ang ilan nilang kasama sa table ay ang mga Tito Tigers ko. At SIYA. Andun siya.
Huminga ako ng malalim. "Mom, Dad.."
"Oh, andito na ang prinsesa namin. Look at her. Dalaga na ang baby namin. At mana sa kagandahan ko." Pangbi-bida ni Mom sa mga Tito Tigers ko kasama ang mga asawa nila.
"Ikaw na ba talaga 'yan, Chylee Hera? Dalaga na nga!" Sabi ni Tito Lyndon.
"Mukhang may nagpapatibok na sa puso ng prinsesa. Hindi na ba si Jollibee?" Natatawang pang-aasar ni Tito Jerome.
"Naaalala ko pa kung gaano kakulit 'yan nung bata. Ngayon, dalagang-dalaga na." Puri ni Tito Oliver.
"Thank you po!" Nakangiti kong sabi.
"Chylee, you're such a pretty princess." Puri ni Tita Yumi na may kalong na bata. Bunso nila yata. Diko pa alam ang name. Katabi niya si Tito Lance na naka-akbay. Then sa tabi ni Tito Lance, si Reiko, Rance at..Miko na matamang nakatingin saken. Nailang tuloy ako kaya umiwas ako ng tingin.
No doubt. Tama si Shanice. Hindi siya basta yung dating Prince Miko na medyo bata pa. Kung sa android phones, nag-upgrade na siya. Mas gumwapo. Mas lumabas yung maangas look niya. Yung mga feature na mukha niya na nakuha niya kay Tito Lance. Yung mata niya na pang-japanese na nakuha niya kay Tita Yumi. Yung kissable lips niya. Yung broad shoulder niya. I wonder kung anong meron sa ilalim ng black shirt na suot niya. May ABS na kayang tumubo ro'n? He's a demigod. I don't want to be hypocrite pero kahit sino, mai-inlove sa kanya by his looks. Siguradong pinagkakaguluhan siya ng mga girls sa SWU.
Shocks! Napailing ako ng konti. Nagpapantasya ba ako? No way. I moved on. Tapos na ang paghahabol ko sa isang Prince Miko Abellano. Tapos na rin ang pag-iyak ko sa kanya.
Bakit kase ganito ang pagkabog ng puso ko? Shemay.
"T-thank you, Tita Yumi."
"Ate Chylee! Kayo na ni Kuya Phoenix? You know. I'm a shipper! Bagay na bagay talaga kayo." Nakangiting sabi ni Reiko.
Nailang ako lalo.
"Haha! Cute." Komento ni Phoenix.
"See, Rance? Kuya Phoenix is cool pa at mahilig tumawa. Unlike someone...hmp!" Sabi pa ni Reiko.
"I don't really care, Ate Reiko. Tch." Sagot ni Rance.
Hala, hala! Di ko alam pinipin-point ni Reiko. Yung iba ay abala sa mesa pero ang iba ay nakatutok sa'ken ang atensyon. Lalo na sina Mom and Dad.
"Reiko, baby. Ang daldal mo." Suway ni Tita Yumi.
Napansin yatang namumula na ang pisngi ko.
"Phoenix is a good guy. Hindi ako tututol sa relasyon nila ng prinsesa namin." Sabi ni Mom na nakangiti.
"Whooooo! May basbas na ng nanay! Ang tatay kaya!" Pang-aalaska ng Tito tigers ko na makukulit pa din.
"Kyle! Wag mong idaan sa tingin mong nakakamatay. Wahaha!" Sabi ni Tito Kit.
"Fvck you!" Sabi ni Dad. Di na talaga nawala ang pagmumura ni Dad. Namana na nga din ng triplets 'yan eh. "She's still our baby. Pero kung talagang nagmamahalan sila, I won't mind. Ayokong maging sagabal sa kasiyahan ng anak ko. Nasa tamang edad na siya. She can handle herself. And I trust her."
Lalo akong namula sa sinabi ni Dad. Hindi talaga sila against kung magka-boyfriend na ako. At parang pinaparating nila, na okay sa kanila si Phoenix.
"Ayan! Nabasbasan na! Kasalanan na kasunod nyan!" Biro ni Tito Drei.
You heard it, baby? Boto sila sa'ken!" Natatawang sabi ni Phoenix.
Muntik na akong masamid. Tinawag niya akong baby? Sa harap nila?
"Nakanang! Baby na pala ang tawagan!"
"Hanep! Baby. Nice!"
Kasunod niyon ay ang tawanan nila. Pati sina Mom and Dad nakikitawa.
*boogsh*
"Miko, anak. Dahan-dahan sa pagtayo." Sabi ni Tita Yumi.
"I'm sorry Mom, nabangga ko po. Restroom lang ako."
Gusto kong mapa-nganga kase biglang umalis si Miko. Masama yung awra niya. Kumalampag yung upuan pagtayo niya eh. Ang lakas kaya. Para syang nagdadabog.
"I smell something...ha-ha-ha!" Sabi ni Reiko out of nowhere.
"Ah, Tito, Tita..enjoy po kayo sa food! Mom, Dad puntahan ko lang po si Shanice saka sina Skyler." Paalam ko. Sasabog na kase ang mukha ko sa pula dahil kay Phoenix.
"Okay, princess. Enjoy your night."
Tumalikod na kami ni Phoenix. Dumikit ako sa kanya at kinurot siya sa tagiliran.
"A-awwww! Baby.."
"Psh! Baby pa ha! Sabi ko wag mo ako tatawaging ganon sa harap nina Mom! Nakakahiya! Waaaa!"
"Sorry na. Masyado akong nadala. Natuwa lang ako kase boto saken ang parents mo. Wahaha!"
Binatukan ko siya. "Kahit kelan ka talaga! Hmp. Tara nga kay Shanice."
"Baby naman. Kunwari ka pa. Kinilig ka naman. Ano? Sasagutin mo na ba ako? May basbas na ako kay Mom and Da--AWWW!"
"Shut up, Phoenix."
"Wahahah! Pulang pula ang mukha mo, Chylee. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko."
"Ewan ko sayo!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad palapit kay Shanice.
"Oh, bakit nakabusangot ang mukha mo?"
"Shanice, si Chylee kase nahiya. Binasbasan na kase ako nina Tito at Tita. Boto sila saken. Wahahah--AWW! Ano ba Shanice! Isa ka pang hilig mambatok!"
"Kung hindi ka ba naman insensitive! Di mo gets? Andon kaya si Prince Miko sa mesang yun! Baliw ka talaga. Syempre mahihiya si Chy. Psh. Kuha mo nga kaming drinks!"
"Ginawa pa akong waiter. Isa pa, wala akong pakialam sa batang 'yun. Tch. Hindi ko na hahayaang umiyak si Chylee ng siya ang dahilan." Seryosong sabi ni Phoenix. "Kuha lang akong drinks." Paalam nya at umalis na sa harap namin.
Minsan lang mag-seryoso sa salita si Phoenix pero kung anong sinabi niya, ginagawa niya. Saksi kasi si Phoenix sa pag-iyak-iyak ko non nung nasa US kami. Siya yung naging shoulder to cry on ko bukod kay Skyler. Siya 'yung nandyan para patawanin ako. Siya ang nasa tabi ko nung mga panahong kinakalimutan ko ang nararamdaman ko kay Miko.
And I think, I succeed. Naka-move-on na ako. Wala na akong pakialam pa kay Miko. Kinakabahan pa ako 'pag napapalapit ako sa kanya but this is life. Sa umpisa lang 'to. Sa mga susunod na araw, di na ako kakabahan at magiging isang ordinaryong kakilala na lang siya para sa'ken.
*
A/N : Oh. Hashtag #ChildishLove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top