50

Chylee POV

I am nervous right now. Hindi ko alam kung paano pakakalmahin ang sarili ko habang naririnig ang pagtugtog ng wedding song. Napakatahimik ng lahat at tanging ang tugtog na iyon lamang ang maririnig.

Naramdaman ko ang pagpisil sa kamay ko. Tumunghay ako. Bumunga sa akin ang mukha ni Miko.

"Hey, are you okay?"

Tumango ako. "Ayos lang ako."

Ayos lang naman talaga ako, e. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko. Bakit ba kasi ako kinakabahan?

"You sure?" Tanong niya saka hinaplos ang pisngi ko. "Tell me everything from now on, alright? Something is bothering you?"

"Hindi ko nga alam, e. Kinakabahan lang talaga ako. Iyong wedding song kasi..."

"What's wrong with that?"

I took a deep breath. "Ano lang kasi..."

Ngumiti siya ng malapad saka bahagyang pinisil ang pisngi mo. "You're so cute, Hera. I love you."

Napatingin kami nang may tumikhim. It's Skyler.

"Tch. Panira talaga 'yang kakambal mo." Reklamo ni Miko saka umayos ng pagkakaupo sa katabi ko.

We're having a family dinner. Family ni Miko, at family ko. Kakatapos lang mag-sweet-dance ang mag-aasawa. Sina Tito Lance at Tita Yumi, then my parents. Bet daw nilang mag-sweet dance, e. Tapos pang-wedding song pa ang tugtog. Kinakabahan tuloy ako sa ganyan, e. Feeling ko kasi kinakasal na ako.

"Sky, can't you just be good to me? I'll be your brother-in-law, soon." Kumindat pa si Miko. Kahit kelan talaga, ayaw patalo kay Sky, e.

Ngumisi si Sky. "Sa tingin ko, walang kasalang magaganap. Hindi pa nga kayo engage. Tch. Too bad, I'm here and I'm willing to stop the engagement or wedding."

"What the fuck?"

Hinawakan ko sa kamay si Miko. Napaka-mainitin ang ulo, e. Tawa tuloy ng tawa si Sky. Tuwang tuwa talaga siyang naiinis si Miko, e.

"Prince Miko, watch your mouth." Puna ni Tito Lance.

Tumikhim lamang si Miko. Napailing tuloy ako at tumingin kay Skyler. He winks at me. Hay, si Miko naman kasi napakabilis asarin kaya lalong inaasar, e.

"Prince Miko, are you planning to marry my daughter?" Dad asked.

"Yes, Tito Kyle. I will. And I do." Mabilis na sagot ni Miko. Kinilig naman ako do'n. Napapatunayan talaga sa akin ni Miko na mahal niya talaga ako.

"Binata na talaga ang anak ko." Ngiting-ngiti na sabi ni Tita Yumiko.

"Ang cute naman ni Miko. He really love my daughter. My unica ija. Ingatan mo ang anak ko ha? Kung hindi, naku. Sinasabi ko sa 'yo, ipapabugbog kita kay Kyle." Natatawang sabi ni Mom. Para talaga silang bata minsan, e.

"Iingatan ko po si Hera. Makakaasa po kayo diyan." Sagot ni Miko.

"Really, huh?" Nang-aasar na tanong ni Sky.

"Sky!" Suway ko.

He chuckles. "Chill, my twin. This guy still needs my approval."

Sabi na nga ba, e. Ito-torture niyan si Miko malamang!

"I'm ready, Sky. Always ready." Cool na sagot ni Miko.

"But I'm still curious. Bakit si Kuya Miko? Kuya Phoenix is better!" Nagmamaktol si Reiko kanina pa actually.

"Princess Reiko." Tito Lance said on his warning tone.

"One more time, Princess Reiko. Do you want me to tell them who's your ultimate crush? Now?" Hamon ni Miko.

Gusto kong matawa sa reaksyon ni Reiko. Her face looks horrible. May idea naman ako kung sino, e. Pero syempre iginagalang ko naman na sikreto niya iyon.

"Kuya Phoenix is better, but you're the best Kuya Miko! Right? Right?" Biglang bawi ni Reiko.

Napailing na lamang ako. Nagkanya-kanya na naman sila. Kain dito, kain doon. Kwentuhan dito, kwentuhan doon.

"I want to ask you something, Reiko."

Napatingin ako kay Kenzo. He's looking at Reiko. Namutla pa.

"A-Ano 'yon?"

Tumingin ako sa parents namin at busy naman sila sa pag-uusap ng kung anu-ano. Kami kami naman ang magkakatapat dito sa mesa, e.

"Fo you have watermelon plantation? Napansin kong nagpapadala ka sa bahay."

Namutla lalo si Reiko.

"Wala." Mabilis na sagot ni Miko. Hinampas ko tuloy sa kamay. Balak ba nitong ibuking ang kapatid niya. "Meron pala. Tch."

Ngumisi ako. Napapasunod ko na si Miko, in all fairness. Makuha sa hampas, ganern.

"Miko."

"Yes, my Hera?"

Kaming dalawa na naman ang magkausap. Ayokong makinig at makialam sa mga pinag-uusapan nila baka ako, gusto ko lang kausap si Miko.

"Hmm, anong favorite food mo?" Tanong ko.

"Favorite food? Burger mcdo."

Hinampas ko siya ng malakas. "Nakakainis ka talaga!"

Tumawa siya. He cupped my face. Napalunok ako. Ang lapit ng mukha namin.

"Favorite food, pwede bang ikaw nalang ang favorite ko? Pwede ka din namang food, e." Kumindat siya sa akin.

"A-Ano..." Nauutal tuloy ako. Bwisit na Miko! Saka teka...

Napatingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat sa amin. Naman kasi!

"Tara na nga!" Sigaw ko kay Miko.

"Huh?" Nagtatakang nakatingin sa akin si Miko.

"May pupuntahan pa po kami ni Miko. Bibilhan daw po niya ako ng cake sa labas." Paalam ko sa kanila. I lied. Gusto ko lang makatakas do'n. Si Miko kasi, walang patawad, e. Kahit nasa harap ng iba, kung maka-akto. Nakakahiya kaya.

"Alright, ingat kayong dalawa." Si Mom ang sumagot. Tumango lamang sina Tito Lance at si Dad.

Nang makalabas kami sa may dining room namin ay nakahinga na ako ng maluwag.

"Hera, I can't remember that...."

"Nagsinungaling ako. Ikaw kasi, e! Nakakahiya kaya. Bakit ba kasi ang hilig mong um-akto ng gano'n sa harap nila! Nahuli na nga tayo one time ng family mo!"

He chuckles. "What? Don't be shy. That's normal. We're couple. Officially, Hera. Right?"

Well, official na nga kami ni Miko. Noong araw na nahuli kami ng family niya na nag...you know. Ayoko ng alalahanin 'yon dahil nakakahiya.

"Kahit na! Tara na nga."

"Saan? Tara na sa simbahan? Excited, Hera?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ginagalit mo ba ako, Prince Miko."

"Of course not." He smirked. "Let's go. I'll buy you a cake." Hinila niya ako palabas ng mansyon namin saka ako isinakay sa kotse niya.

He started driving. Napuno ng katahimikan sa pagitan namin.

"But seriously..." Panimula niya.

"Ano 'yon?" Hindi ako tumitingin sa kaniya. Nakatingin lamang ako sa daan.

"I don't know how to show my happiness. Masayang masaya ako, Hera. Dahil akin ka na talaga, at mahal mo pa din ako. I couldn't ask for more. You're enough. Just you, Hera."

Napangiti ako saka sinulyapan siya. "You proved to me that you really love me, that's why."

He sighed. "Pero mas makakampante ako kapag engage na tayo. Ayoko ng boyfriend-girlfriend term. I want you to be my fiance. Baka mamaya, gumawa pa ng kalokohan si Skyler. Tch."

"Ano ka ba, inaasar ka lang naman niya. Pikunin ka kasi, e."

"What? I'm just afraid to lose you, Hera. Ayokong gawing biro o kahit anong pang-aasar ang kahit na anong tungkol sa 'yo. Because I am serious with you."

I gulped. He's looking at me now as he stopped the car.

"Miko..."

He grabbed my head and kissed me. I closed my eyes and respond to him. Mahal ko talaga ang lalaking 'to, walang duda. I could feel it.

"I love you, Hera. I can't wait to be your husband."

Ngumiti ako. "I can't wait to be your wife." Minsan nalang ako maging sweet sa kaniya, e. Gagawin ko na.

"I can't wait to..."

Kumunot ang noo ko. "To?"

He grins. "To make a baby---ouch! Fuck, Hera!"

"Mag-drive ka na nga! Nakakainis ka! Pervert!" Sigaw ko pagkatapos ko siyang pingutin sa tainga. Kahit kailan talaga, e.

"Nagbibiro lang, e." Aniya habang nagmamaneho na ulit.

Si Miko 'yong taong sa unang tingin, akala mo hari ng kasungitan, e. Tipong yayabangan ka lamang. Iyong cold hearted guy type. Pero kung makikilala mo talaga siya ng lubos, makikita mo ang soft side niya. Sino bang mag-aakala na ang isang Prince Miko Abellano ay marami ring kalokohan? Isa na doon ang kamanyakan niya minsan, e. Hay, pero gayunpaman, masaya ako.

Sino bang hindi sasaya kung ang first love mo ay magiging last love mo, hindi ba? May mga pagsubok lang talagang darating na kailangan nating malapasan bago natin makamit ang kasiyahan. And hopefully, we'll be happy together. Ako, at si Miko.

-

ISANG linggo rin ang nakaraan mula nang magdinner kami sa mansyon. Both families. Naging busy ako sa fastfood habang si Miko, naging busy din dahil may basketball game sila sa ibang university.

Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng free time. Hinihintay ko na lamang ang text ni Miko kung saan kami magkikita. Narito kasi ako sa mall. Bumili lang ako ng gift para kay Yuan. Magbi-birthday kasi and invited ako siyempre. Future Ate, e.

I smiled with that thought.

My phone beep. Si Miko na siguro. Dinukot ko ang phone ko mula sa shoulder bag ko.

From: My Prince
I'm here at the parking. You know my car. I'll wait for you.

I smiled. Ang prince ko, andiyan na. Huminga ako ng malalim saka lumabas ng mall. Dumiretso na ako sa parking. Hinanap ko ang kotse ni Miko and there, I found it.

Medyo nagtaka lang ako kasi hindi siya naka-abang sa labas ng kotse niya like the usual. Bumusina ang kotse. Ngumiti ako kahit hindi ko siya nakikita. Tinted kasi ang kotse niya.

Lumapit ako saka sumakay sa unahan. "Kanina ka pa?" Tanong ko saka siya tiningnan pero...

OH MY GOD.

Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ng ganito ang dibdib ko. "P-Phoenix?"

"Missed me?" He asked.

"Teka, kelan ka pa umuwi? Saka, bakit ikaw ang narito sa kotse ni Miko? Saka nasaan si Miko?"

He grins. "I spend a lot of time thinking about you, Chylee. I tried to forget you but I can't. Ginawa ko naman lahat, e. But it's hard. It's really hard. Now..."

Bakit ganito ang kaba sa dibdib ko? Hindi ba, dapat masaya ako na andito si Phoenix? Umuwi pala siya. Pero bakit ganito? Bakit may kakaiba?

"P-Phoenix..."

"Hindi ko alam ang gagawin ko para mawala ka na sa isip ko! I can't do it, Chylee! Kaya sorry, I won't let him to be happy with you while I'm suffering."

Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Phoenix, ano bang sinasabi mo?"

"I will kill him. Kahit naman anong gawin ko, hinding hindi mo ako pipiliin dahil andyan siya. Pero kung wala na siya, siguradong ako na ang pipiliin mo. Am I right, Chylee? Tell me that I am right!"

Natatakot ako. He looks different. Ano bang nangyayari kay Phoenix? Hindi siya 'to. Ibang iba siya. Ang tingin niya, ang pagsasalita niya.

I tried to touch him. Pero sinamaan niya ako ng tingin. "Answer me." He started driving. Mas lalo akong kinabahan.

"Teka, saan tayo pupunta? Phoenix...si Miko, nasaan? Kotse niya 'to saka---"

"I don't care! Stop mentioning his name!"

Kusang tumulo ang luha ko. Natatakot ako kay Phoenix. Kahit kailan, hindi ko naisip na mangyayari ang ganito. Hindi ko naisip na magkakaganito si Phoenix. Nagparaya siya, nagpaalam siya ng maayos sa amin pero bakit biglang ganito?

"P-Phoenix please calm down..."

Umiling siya. "Tell me you'll marry me, and I will calm down."

Nanlaki ang mga mata ko. "W-What? Phoenix what are you talking about? Bakit ka ba nagkakaganito? This is not you!"

"Yes. This is not me. You made me likje this, Chylee."

Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously? Ano bang nangyayari kay Phoenix? Nagpatuloy siya pagda-drive. Wala akong ideya kung saan niya ako dadalhin. Natatakot ako. For the first time, I felt unsafe with Phoenix.

"N-Nasaan si Miko. Anong ginawa mo sa kaniya? Nasaan siya?!" Sigaw ko. Kahit may tumutulong luha na sa mga mata ko, hindi ko mapigilang magalit. Nalilito ako sa ikinikilos niya at hindi ko alam ang gagawin ko.

"I told you, I'll kill him. That's the only way you would choose me. So shut up for now, Chylee."

Napalunok ako. Nanginginig na ang kamay ko. "Phoenix don't..." I cried. "Hindi ikaw ang klase ng tao ng gagawa ng masama. Hindi ikaw 'yon. Hindi.."

"Shut up!" Sigaw niya habang patulog na nagmamaneho.

Nasindak ako kaya mas pinili kong manahimik. Hindi ko alam anong iisipin ko. Kung nasaan ba si Miko, kung ano na bang nangyari sa kaniya, kung okay ba siya? Hindi ko na alam!

Huminga ako ng malalim saka sinubukan gamitin ang phone ko. I need to call someone. I need help.

"Don't try to call someone, Chylee. Hawak ko si Miko, baka nakakalimutan mo."

Ibang iba talaga siya. Hindi siya 'to. "P-Phoenix..."

Hindi niya ako tiningnan. Nagpatuloy lamang siya sa pagda-drive. Hindi ko na alam kung gaano kabilis ang heart beat ko. I'm trying to calm myself but I can't. Kung nasa ganitong sitwasyon ka, hindi mo na alam ang gagawin mo.

Nakakatakot si Phoenix. Hindi ko naisip na uuwi siya dito para manggulo at magkaganito? And to think na sinasabi niyang papatayin niya si Miko? He's not a killer. He's one of the best person I've known. Hindi siya gagawa ng bagay na maaaring makasakit sa kapwa niya.

Napansin kong lumiko siya sa isang liblib na lugar. Teka, nasa hi-way lang kami kanina, paanong may liblib na lugar? Saan siya lumiko at dumaan? Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na napansin. Lutang na lutang na ang utak ko. Hindi ko na alam kung paano ko pakakalmahin si Phoenix. Para siyang gigil na gigil sa galit. At anytime, mukha siyang mananakit.

"Baba." Utos niya sa akin. Nakababa na siya ng kotse. Wala akong nagawa kung hindi sundin siya.

Ayoko munang kontrahin ang sinasabi ni Phoenix. Baka kung anong gawin niya kay Miko.

Sumunod ako kay Phoenix. Mabigat ang bawat apak niya sa damuhang nilalakaran namin. Ano bang balak niya? I-hostage ako? O ano? Ito ba 'yong mga nasa pelikula? Iyong makikita kong nakatali si Miko at ako, papipiliin kung sinong pakakasalan ko? Gano'n ba? Ayokong isipin, huwag naman sana kahit takot na takot na ako. Hindi ko maalis ang panginginig ng kamay ko. Ayaw din tumigil sa pagkabog ang dibdib ko.

"P-Phoenix.."

Hindi niya ako nilingon. Hindi rin siya nagsalita. Sumunod lang ako sa kanya. Kung tutuusin, pwede akong tumakbo pero ayokong gawin. Kahit pakiramdam ko mapanganib na si Phoenix, may part pa rin sa akin na nagtitiwala sa kaniya. He can't hurt me. I know.

Tumigil siya kaya napatigil din ako. Napansin ko ang isang garden na napakaganda.

"You will marry me, Chylee. And there's no way you could say no."

My eyes widened. Ang ibig bang sabihin nito? Itong garden, itong mukhang preparation, ito ay... Dahil ikakasal kami ni Phoenix?

"Phoenix, hindi. Hindi pwede. Nasaan ba si Miko?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Tinatanggihan mo ako, Chylee? Gusto mo ba talagang patayin ko si Abellano?"

Napalunok ako. Nakakatakot ang tingin niya. "Phoenix... Hindi ka ganito. Hindi..."

May musikang tumugtog. Pero wala pa ding ibang tao dito kundi kami lamang ni Phoenix.

"Let's start the wedding ceremony. Chylee, come here with me."

"Hindi. Hindi, Phoenix. Ayokong pakasalan ka dahil gusto mo."

"Don't test my temper, Chylee."

"I trust you, Phoenix. I trust you. Alam kong gusto mong maging masaya ako. Hindi ka gagawa ng bagay na makakasira sa pagkakaibigan natin. Hindi ka gagawa ng bagay na masama. Hindi ikaw ang klase ng tao na gano'n!"

Ayokong sundin ang gusto ni Phoenix. Ayokong gawin ang bagay na alam kong mali, at alam kong pagsisisihan ko. Si Miko ang pakakasalan ko dahil siya ang mahal ko. Kaibigan ko si Phoenix. Mahalaga siya sa akin kaya hindi ko hahayaang magtagumpay siya sa masamang balak niya.

He grins. "Chylee..." Tinitigan niya ako sa mga mata.

Hanggang sa may maglagpakan na maliliit na heart na balloons. What's with the show? Naka-plano ba talaga 'to? Ilang araw na ba siyang narito sa Pilipinas? Wala akong kaalam-alam.

Nagpatuloy ang music habang lumalagpak ang mga heart balloons. Nakakarinig ako ng ugong ng chopper kaya sa tingin ko ay iyon ang nagpapalaglag ng mga balloons.

"You really love me that much, Hera."

Natigilan ako nang marinig ang boses na iyon. Lumingon ako sa likod ko at nagulat ako nang makita si Miko. He's standing, looking at me. Nakasuot siya ng simpleng t shirt na itim at jeans.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Miko at Phoenix.

Hindi tulad kanina, nakangiti na si Phoenix. "Sorry na baby ko, kung tinakot kita. Puta, acting skills ko 'yon."

"Stop calling her baby ko. Fck you tanda."

Kumunot ang noo ko. "A-Ano? Anong nangyayari?" Nalilito ako. Akala ko nasa panganib si Miko? Akala ko...

"He planned it. Maniwala ka sa akin, baby ko. 'Yang bata na 'yan napakaraming kalokohan. Huwag mo ngang pakasalan 'yan. Tch. Napuyat pa ako kagabi kaka-practice ng mga lines ko. Puta! I'm so proud of myself! Effective, e. Mag-audition kaya ako?"

"Seriously, ano 'to?! Phoenix! Miko? Ano 'to!" Sigaw ko. Nalilito pa din ako. Hindi ko sila maintindihan.

"Hehe. Kasi baby ko. 'Yang bata na 'yan. Pinauwi ako niyan, e. Gusto daw niya masaksihan ko ang engagement niyo. Gago talaga, e. Alam na nagmo-move-on. Tch. Pero pinagbigyan ko kasi mahal kita, e. Gusto ko din naman makita na masaya ka talaga sa kaniya. Saka if ever na tanggihan mo siya, maganda na ring andito ako para saluhin ka."

"Fuck you tanda. Isa pa." Sabat ni Miko.

"Nagplano kami ng kakaibang proposal. Ayan, plano niya 'to. Biktima ako dito, baby ko. Gusto lang daw niya ng kakaiba. 'Yong tipong kakabahan ka muna at para malaman daw niya kung kahit anong mangyari siya pa din ang pakakasalan mo. Puta, ang bakla, e. Napa-acting tuloy ako."

"So it means, lahat nang sinabi mo, mula sa parking lot, acting lang? Nagplano kayo ng ganito?!" Galit na tanong ko.

"Hera, I just want to be different. And...sorry. But I love you. I really want to make this day an extra special." Paliwanag ni Miko pero inirapan ko siya.

Sinugod ko si Phoenix. Sinuntok ko siya sa dibdib. "Tinakot mo ako! Akala ko totoo na! Akala ko nag-iba ka! Akala ko! Arrrghhh. Nakakainis ka!"

Tumawa lamang si Phoenix saka ako niyakap. "I'm happy for you, baby ko. Kahit bata 'yan at may gatas pa sa labi, alam kong siya ang magpapasaya sa 'yo."

Umiiyak na ako. At itong iyak na 'to, hindi sa takot. Kung hindi dahil lumuwag na ang pakiramdam ko.

"Hindi nakakatuwa ang ginawa niyo!" Sigaw ko saka naman sinugod si Miko. Pinagsusuntok ko din sya sa dibdib pero natatawa pa siya. Bwisit siya!

"Hey, calm down. Do you think gano'n kadaling magagawa ni tanda 'yon? Uugod ugod na 'yan, paano niya ako mapapatay. Tch."

Nakukuha pa nilang magbiro ng ganito? "Hindi niyo ba alam kung gaano ako natakot? Tapos kayo tatawa lang ng ganyan? Akala niyo magandang biro ang ginawa niyo?!"

Niyakap ako ng mahigpit ni Miko. "Stop crying. I love you. And sorry, Hera. I didn't mean to do that. Naisipan ko lang gumawa ng thrilling na proposal para maiba naman."

"P-Pero natakot ako..." Humihikbing sabi ko.

"Sssh. Stop crying. It's fine now. Pwede na ba akong magpropose?" He asked. He released me and cupped my face.

Tumango ako ng bahagya. Kung magalit man ako, tinatawanan lang nila ako. Pero hindi pa din 'to magandang biro. Pero dahil at least, maluwag na sa pakiramdam na okay naman pala lahat, kakalma na ako.

"Hera..."

"Oh come on, sandali bata. Exit muna ako. Moment niyo 'yan. Tangna huwag mo ako inggitin." Sabi ni Phoenix.

Natawa nalang ako pero wala pa din akong ideya kung sino ang mga narito ngayon, kami lang ba?

"Hera, look at me."

Tumingin ako sa mata niya. "Yes, Miko. Tandaan mo after nito, pipingutin kita ng napakasakit. Tinakot mo ako sa ginawa mo!"

"Oo na, Hera. Just please stay quiet? You're ruining my moment."

What the? "Fine."

Huminga ako ng malalim at tuluyan ko ng nakalma ang sarili ko.

"Nasabi ko na lahat ng dapat kong sabihin. Sinabi ko na rin kung gaano kita kamahal. At alam kong sa lahat ng sinabi ko, hindi pa 'yon sapat para mapatunayan sa 'yo na mahal na mahal kita. So this is the second to the last step, I want to propose. Sinasabi ko kasi alam mo na namang proposal ko 'to."

Naiiyak na naman ako---sa tuwa.

Lumuhod siya sa harap ko. "Chylee Hera Shinwoo, will you be my wife? Will you marry me? Don't say no, please."

Natawa ako sa sinabi niya. Magtatanong tapos sasabihing 'wag akong tatanggi. Baliw talaga 'tong lalaki na 'to.

"What if I say no?" He tripped me. Tingnan natin ngayon. Siya ang i-trip ko.

"What the fck, Hera?"

"Minumura mo ako?"

"No, what I mean is..why?"

"I'm asking you what if I say no?"

He chuckles. "Then, I will court you all over again. I will ask you everyday until you say yes."

Ngumiti ako. Siya na ang sweet, sige na!

"Fine."

"What's your answer?"

Kinakabahan ba siya? Ngayon ko lang nakitang ganito si Miko, e. Para siyang namumutla na hindi maintindihan.

"Ayokong..." Sinadya kong putulin ang sasabihin ko. "...patagalin pa ito. Yes, I will marry you, Prince Miko Abellano."

"Whoah." He screamed. "Whoah! Fck! Yes! I love you!" He kissed me all over my face. "I love you, Hera!"

Nanginginig pa siyang isinuot sa akin ang isang diamond ring.

"Damn it, I love you!" Aniya saka muli akong dinampian ng halik.

Natawa na lamang ako sa in-akto niya at doon ko narinig ang palakpakan. I looked around at narito sila lahat. Saan naman sila nagtago kanina? Mga pakana talaga, e.

Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong hindi pamilyar na babae na katabi ni Phoenix pero mamaya ko na aalamin. Ang mahalaga ngayon, engaged na kami ni Miko.

"I love you, Prince Miko." Nakangiting sabi ko. "Pero lagot ka pa din sa akin mamaya."

Ngumisi siya. "I'm always ready, Hera." Niyakap niya ako ulit ng mahigpit.

Hindi ko talaga inakalang magaganap ang araw na 'to. Ako na nagmahal ng isang taong hindi ako mahal. Pero mapaglaro nga naman ang tadhana. Ngayo'y mahal niya ako habang nagmo-move-on ako. Pasalamat ako sa mga taong nasa paligid ko na hindi nagkulang sa pagbibigay ng pangaral sa akin lalo na kay Mom.

At, sa puso ko na si Miko pa rin ang tinitibok. I'm still thankful that I chose to follow my heart and not my mind.

Minsan, may mga bagay na kaya mo naman gawin, e. Takot ka lang talaga. At kung hindi mo haharapin ang takot na iyon, hindi ka magiging masaya.

Well, I'm happy. I am happy because I am engaged with my first love. Totoo nga yata ang first love never dies because I can prove it, that my love for him never dies.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top