49

Chylee POV

ILANG linggo na ang lumipas. At sa ilang linggong iyon, hindi ko akalaing napakarami ng nangyari.

Si Miko, pagkatapos ng practice niya sa SWU, at sa klase niya ay dumidiretso siya sa Jollibee para mag working student daw. Baliw talaga. Pinigilan ko siya kaso hindi nagpapigil. May advantage at disadvantage na nangyari.

Advantage. Dumoble ang kita. Halos lahat ng estudyante sa SWU, sa Jollibee na kumakain dahil naroon si Miko, para mag-take ng orders nila.

Disadvantage. Hanggang closing, puno pa din ang Jollibee na tipong parang ayaw pa nilang umuwi hanggat naroon si Miko.

Gabi gabi na kasi akong isinasabay ni Miko sa kotse niya. Hinahatid niya ako sa mansyon, tapos minsan sa bahay na siya nagdi-dinner. Para na kaming may relasyon, pero wala pa. Yes, wala pa sa ngayon pero open naman na ako sa kaniya. Handa na ulit akong tanggapin siya. Besides, bumabawi naman talaga siya.

"Hera. Isang round pa, please." Sabi ni Miko. Pawis na pawis siya.

"Miko, ayoko na. Nakakapagod, e." Reklamo ko. Nakakapagod naman talaga, e. Naka-tatlong round na yata kami.

Nag-puppy-eyes siya at nag-pout. "Please, Hera?"

Ano ba naman 'tong si Miko. Ayokong nagpapa-cute siya ng ganyan. Hindi ko na kasi matanggihan kapag ganyan siya, e. Hindi ko pa nga ma-imagine na naggagaganyan siya. E, napakasungit nga ng mukha niya.

"Oo na nga!" Sabi ko saka pinaypay ang sarili ko. Pawisan na talaga, e. Hindi yata napapagod si Miko.

"Fuck, alright. Na-e-enjoy ko 'to, Hera. Ang sarap, e."

"Masarap? Seriously?"

Ngumisi siya. "Masarap naman talaga mag-badminton. Palagi nalang basketball ang nilalaro ko. Isa pa, ikaw ang kalaro ko kaya masarap. Masaya pa."

I rolled my eyes. Uminom ako ng mineral water saka ko kinuha ang raketa ko at tumayo.

"Halika na. Laro na tayo."

Ngiting-ngiti siya. Kinuha na rin niya ang raketa niya at pumwesto.

Sunday ngayon. Niyaya ko si Miko na magsimba kaninang umaga. Natatawa pa ako dahil first time daw niyang magsimba. Psh. Buti nga hindi siya nasunog. Pagkatapos, nagyaya siyang magbonding, so ang naisipan namin ay ito---maglaro ng badminton dito sa may court nila, sa malapit sa garden nila.

Hindi na ako magtataka na may sarili silang basketball court. Si Tito Lance, basketball player. Tapos si Miko din.

Naglaro kami. Kaso sa kakaisip ko, napalakas ang hampas ko sa raketa at tumama sa mata ni Miko ang shuttlecock. Mabilis akong tumakbo sa kaniya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Kinukusot niya ang mata niya. "Masakit..." Sabi niya.

Nag-aalala ako. "Sorry. Sorry. Patingin nga. Hihipan ko." Sabi ko habang hawak ang mukha niya. Inihaharap ko siya sa akin.

"Aw..fuck." Lalo niyang kinusot ang mata niya. "Masakit dito..."

"Akina, hihipan ko na." Sabi ko saka tinanggal ang kamay niya sa mata niya saka ko tiningnan.

Medyo namumula ang mata niya. Ano ba 'yan. "Sorry talaga.." Mahinang sabi ko saka hinipan ang mata niya.

"It's fine. Don't worry too much." Sabi niya.

Hinipan ko ulit pero ngumingiwi pa rin siya.

"Masakit pa ba?"

"Yeah. May alam akong gamot."

"Ano 'yon?" Tanong ko.

"Kiss mo." Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Ngayon ko lang napansin na napakalapit ng mga mukha namin sa isa't isa.

Tumikhim ako at mabilis na lumayo sa kaniya.

"A-Ang dami mong kalokohan." Nauutal na sabi ko. Hindi na tuloy ako makatingin ng diretso sa kaniya.

He chuckles. "Seriously, Hera? Just kiss my eyes. Tch."

Inirapan ko siya. "At bakit naman? Hindi naman gamot ang kiss."

"What? Mapapagaling niyan ang sakit ng mata ko. Come on, Hera. Kiss my eyes. Or else, I will kiss your lips." Sabi niya. "And I'm serious."

Pinandilatan ko siya ng mata. "What the hell, Miko?"

"What the hell, Hera?"

"Ginagaya mo ba ako?" Ang lapit pa rin niya sa akin. Titig na titig pa siya sa akin. Nakakailang na tuloy.

Umiling siya. "Gagayahin lang kita kapag hinalikan mo ako. Hahalikan din kita." Kumindat siya.

"Baliw!" Sigaw ko saka hinagis sa mukha niya ang maliit na towel ko na nakasampay sa balikat ko.

Tumawa siya. "Hera, bakit ka nagwo-walk-out? Kiss mo na ako. Pagkatapos mong saktan ang mata ko, hindi mo papanagutan?"

"Ano 'yang mata mo, nabuntis? Para panagutan?"

Humagalpak siya ng tawa. "Ikaw kaya ang buntisin ko, Hera?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bastos!"

Sa halip na sumagot ay kinindatan pa niya ako. Ako, 'di na natutuwa sa pa-cool niyang si Miko, ha!

"Miko naman!"

"What?!"

"Seriously?"

"I'm serious!"

I glared at him. "Sapak, gusto mo?"

"Yeah, basta kiss muna."

"Arghhh!" Nag-walk-out pa ako lalo papunta sa gilid ng court saka uminom ng tubig.

Nakatalikod ako sa gawi niya. Bahala siya diyan. Nakakainis na ang pagiging pranka niya. Hindi man lang naiilang sa paghingi ng kiss, e. Akala mo nanghihingi lang ng piso.

Nanlaki nalang basta ang mata ko nang maramdaman kong may malamig sa likod ko. Humarap ako kay Miko, only to find out na may hawak na pala siyang hose ng tubig at ang lalaking 'yan, binasa ako!

"What the hell?!"

Tumawa siya at lalo akong binasa ng tubig. "What, Hera?"

"Ano ba! Nababasa ako!" Sigaw ko.

Lalo siyang tumawa. "You're already wet, Hera."

Bwisit na lalaking 'to. Malay ko bang may ganyang side pala iyan. Akala ko, pagsusungit lang ang alam niya. Napakai-playful din pala.

"Give me the hose!" Sigaw ko. Binabasa pa din niya ako. Basang basa na ang suot kong damit. Pawis na pawis pa naman ako.

"Ayoko." Paiba-iba siya ng pwest habang pinapasiritan ako ng tubig mula sa hose.

"Iki-kiss kita kapag binigay mo sa akin ang hose na 'yan." Sabi ko.

Napatigil siya saka ngumiti. "Really?"

Ang walang'ya, adik ba sa kiss 'to? Tumango ako. "Oo nga! Akina 'yang hose."

Lalong lumapad ang ngiti niya saka lumapit sa akin habang hawak ang hose. Nakabukas pa rin ang tubig nito pero hindi na nakatapat sa akin.

He handed me the hose and looked at me cheerfully. "Kiss me now, Hera."

"It's payback time!" Sigaw ko saka itinapat sa kaniya ang hose ng tubig. Siya naman ang nabasa. Well, fair lang. Pareho lang kaming basa.

"Whoa! Fuck, Hera!" Sigaw niya habang tumatakbo paikot dito sa basketball court. Nababasa pa rin naman siya ng tubig galing dito sa hose.

Natatawa nalang ako habang pinapanuod siya sa pag-ilag sa tubig.

"Hera, stop it! Shit."

Lalo akong tumawa. Sarap ding makaganti, e. Pagkatapos niya akong basain.

Hindi ko siya tinigilang basain ng hose hanggang s diretso siyang tumakbo sa akin. He hugged me from behind. Napakahigpit para 'di ako makapalag. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Magka-dikit nga lang ng kaunti ang mga balat namin, ang lakas lakas na ng kabog ng dibdib ko. Ngayon pa na nakayakap siya sa akin mula sa likod ko.

No wonder. I really love him. Still.

"Ano ba!" Sigaw ko.

"We're both wet. I don't want you to get sick." Aniya saka inagaw sa akin ang hose ng tubig.

Nakayakap pa din siya sa likod ko saka itinapat ang hose sa aming dalawa. Pati ulo ko at mukha ay basa na rin.

"Miko!"

"What? We'll take a bath, Hera. Sweet, right?"

I rolled my eyes. Sweet na ba 'to? Pagkatapos niya akong basain. Abnormal talaga.

"Walang sweet dito! Ano ba, basa na ako!"

"Basa din ako." He answered. "Masarap magbasa kapag kayong dalawa ng taong mahal mo."

Napalunok ako. Etong si Miko, hindi ko talaga alam kung saan siya nakakakuha ng mga ganyang linya, e. Para kasing hindi siya. It's not really his personality. Kilala ko siya sa pagiging cold, masungit, tahimik at wala man lang kasiyahan sa katawan. Ngayon ko siya mas nakikilala. At iyon ang dahilan kung bakit parang mas umusbong pa ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kaniya.

Binitawan ni Miko ang hose saka ako iniharap sa kaniya. Magkalapit na magkalapit ang katawan namin. He's staring at my eyes. Gusto kong iiwas ang tingin ko, pero hindi ko magawa. Parang naka-magnet na ang mga mata ko sa mata niya.

"Hera.."

I bit my lower lip. Hindi ko makontrol ang pagkabog ng dibdib ko. Nakakailang, na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko, any minute from now dahil sa tindi ng epekto niya sa akin.

"Stop biting your lip, please." He said. He's so serious. Wala akong ideya kung bakit ganyan siya ka-seryoso ngayon. Parang kanina lang, napakakulit niya.

Tumikhim ako. "W-Why..."

"Alam kong bata pa tayo. Alam ko din na mas matanda ka sa akin, but I don't care. Age doesnt matter. Mahal kita, e. Mahal na mahal. And besides, isip bata ka naman kumpara sa akin. Tch."

Sinamaan ko siya ng tingin. Iniinsulto ba niya ako?

"Ik---"

"Hayaan mo muna akong magsalita, Hera. Patapusin mo muna ako." Aniya.

Magdikit pa rin ang mga katawan namin habang basa kaming pareho. Feeling yata ni Miko, nagshoshoot kami ng music video.

Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Ilang years, hihintayin ko bago kita pakasalan. Ga-graduate na din naman ako. You have your business. After I graduate, magkakaroon din naman ako ng business. Gusto mo, magpagawa ako ng Mcdo?"

Hinampas ko siya sa balikat niya.

"Just kidding." He chuckles. "Hera, seriously. Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa. Masyado nang maraming nangyari. Hindi ko sasayangin ang chance na binigay mo sa akin. A big thanks to tanda, dahil nag-give way na siya dahil kung hindi, ipapa-murder ko 'yong gago na 'yun."

Hinampas ko ulit siya. "Miko!"

Ngumisi siya. "I know how harsh I am. I'm a cold person, I'm rude. You can say that I almost have all negative attitudes you know. But in you, iba. Nag-iiba ako. Para akong naba-bakla na hindi ko maintindihan. I can laugh, do cheesy things and efforts, and I can be playful to you. You can change me, Hera. Because you're the one I love. All I want is to see you smile. All I want is to make you happy. Lahat naman, kaya kong gawin para sa 'yo. Sinabi ko na iyon sa 'yo. Everything. Just name it. Gagawin ko lahat, huwag na huwag mo lang hihilingin na iwan kita at layuan kita because that's the hardest thing for me to do. I just can't. I want you mine. I really want you in my life."

Hindi ko maiwasang makagat na naman ang ibabang labi ko. Pinipigilan ko kasi ang pagtulo ng luha ko. I'm being emotional right now. Nagso-sona kasi si Miko, e. Parang nabalewala tuloy 'yong pagkabasa naming dalawa. Para bang amin ang mundo ngayong oras na ito. Na parang walang ibang tao sa paligid namin kung hindi kaming dalawa lang.

Hinaplos niya ang pisngi ko, pati ang labi ko habang nakatingin sa akin. "I love you. At gusto kong malaman mo na nakapagdesisyon na ako. Ikaw ang papakasalan ko, soon. Ikaw, Hera. Kaya wala ka ng takas sa'kin." He laughed.

Baliw talaga. Nata-touch ako sa mga sinabi niya ang I could see it, he's sincere.

"Gagawin ko 'to habang andito ka sa mga bisig ko."

Ang sexy niya magtagalog. Bakit gano'n? Nasanay kasi akong englisero siya, e.

"I am proposing to you, Hera. I'm in my legal age. I can do this. Just please say yes to me."

Nanlaki ang mga mata ko. "A-Anong..."

"I don't have the ring, but I will buy for you. Just, not now. I'm not that fucking ready because I haven't planned it. I just realized na walang permanenteng bagay sa mundo kaya habang andyan pa, gawin na. Bago pa maging huli ang lahat."

Tumulo na 'yong luha ko. Hindi dahil nasasaktan ako, kung hindi dahil overwhelmed ang feeling ko ngayon. All my life, pinangarap kong magalin ako ni Miko. Nasaktan ako, lumayo at halos itaboy na siya at 'di na bigyan pang muli ng chance. But upon looking at him, masasabi ko nalang na, sana nuon pa ay binigyan ko na siya ng chance at taos puso siyang hinayaang makabawi sa akin at patunayan na mahal niya talaga ako.

He really love me. Ramdam ko.

"S-So, paano ka magpo-propose niyan. Wala kang sinsing.." Biro ko habang tumutulo ang luha ko.

His eyes widened. "You mean..."

Ngumiti ako. "I will marry you, Miko. Soon. Masyado ng mahaba ang panahon na nasasayang dahil lang sa pagkukulong ko sa sarili ko sa nakaraan. It's time to move on from the past, and start a new beggining." Sabi ko.

Iyon naman ang tama 'di ba? Totoo naman ang sinabi nila na, siya man ang nanakit sa akin, siya pa rin ang kasiyahan ko.

Ano pang silbi para pahirapan ko pa siya. Tama na 'yong mga nagawa niya para patunayan ang nararamdaman niya sa akin. Saka sa halip na sinusuyo niya ako, ba't di nalang namin ilaan ang oras na iyon ng magkasama kami na nagsasaya?

"Fuck it. This is real." Para siyang 'di makapaniwala. "I thought you'll give me a hard time. But..."

"Madami ka ng nagawa, Miko. You deserved this." Sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. This time, ako na ang humalik sa kaniya. Ikinawit ko ang dalawa kong kamay sa batok niya saka bahagyang tumingkayad para maabot siya. Hinalikan ko ang labi niya. He's stuck. Hindi siya gumagalaw pagkatapos ko siyang halikan pero ilang segundo lamang ay natauhan din agad siya at tinugon ang halik ko.

Ang sarap sa feeling ng ganito. Yung puso mo na free from worries. Mas masarap isipin ang present and future kesa sa past. Hanggat hindi ko kinakalimutan ang past, hindi talaga ako sasaya. Ako din lang talaga ang makakatulong sa sarili ko.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Miko sa bewang ko. Mas inilapit niya ako sa kaniya at diniin ang paghalik sa akin. He's a damn good kisser. Nakakainis! Ilang babae na ba ang hinalikan nito? Para tuloy gusto kong linisin ng acetone ang labi niya.

Kusa kaming napabitaw sa isa't isa nang makarinig ng malakas na pagtikhim. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sila...

Gosh, nakakahiya!

Si Tito Lance at Tita Yumi na karga pa si Yuan. Pagkatapos ay si Reiko at Rance nakakasunod lang. Ano 'to? Buong angkan?

Napakamot sa ulo si Miko pero hawak niya ang kamay ko. Ako naman ay nakatungo. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Rance Yul, ipahanda mo sa driver ang sasakyan. Mamamanhikan tayo." Seryosong sabi ni Tito Lance.

Napatunghay ako na nanlalaki ang mga mata ko. Mamamanhikan agad? What the?

"Dad!"

"What, Prince Miko? May CCTV tayo. Kitang kita kung paano kayo naghalikan ni Chylee. Kung maghalikan kayo para kayong mag-asawa na. Then, we'll do that. Gagawin namin kayong mag-asawa."

Nanlaki lalo ang mata ko. Seryoso ba si Tito Lance?

"Dad! Sinisira niyo diskarte ko!" Sigaw pa ni Miko. Hindi niya binibitawana ang kamay ko.

Para pa kaming tangang nakaharap ngayon sa pamilya niya na basang basa.

"Hubby! Sinisindak mo si Chylee. Ikaw nga diyan, hinahalikan mo na ako noon kahit hindi naman kita gusto." Sabi ni Tita Yumi.

"What the fuck, wife?"

"Ano? Totoo naman, ah. Tapos ngayon kung sabihan mo ang mga bata parang napakalinis mo. Huwag ako, Lance Reid. Umayos ka."

Hindi ko naiwasang matawa. Nakakatuwa silang mag-asawa. Parang sina Mom and Dad lang.

"I was just kidding, Chylee. Nagulat lang kami na itong si Yuan ay tumakbo sa akin sa living room." Sabi ni Tito Lance na nakangiti.

"Oo nga, Ate Chylee! Sabi ba naman ni Yuan, 'si tuya mito, nikakain ang bibig ni tita chylee' kaya kami napatakbo lahat dito." Singit ni Reiko.

Nasapo ko ang noo ko. Nakakahiya talaga! Tumingin ako kay Miko pero ang cool pa din niya. Parang wala lang sa kaniya, e.

"Dad, Mom. Kayong lahat. You ruined our moment. Tch." Reklamo ni Miko.

Hinila niya ako papasok sa bahay at basta na lamang sila nilampasan.

"Miko!"

"What? Tch. Doon tayo sa kwarto ko para walang istorbo." Sabi niya.

"Ano? Teka.."

"Hera, you need to take a bath. Basa ka. Don't worry, hindi kita sasabayan. Next time na kapag kasal na tayo." Kumindat siya sa akin saka ako mas hinila paakyat sa kwarto niya.

Pakiramdam ko ay nag-blush ako.

"Pero kung gusto mo, sabay tayo." Sabi niya nang makarating kami dito sa kwarto niya.

"No!" Sigaw ko.

Tumawa siya. "Dumiretso ka na sa CR. Iaabot ko nalang ang spare clothes na pwde mong gamitin. Go on, Hera hangga't nakakapagpigil pa ako."

Nag-init ang pisngi ko. Baliw talaga 'tong si Miko. Naiisip niya 'yon? Nakakahiya. Hindi man lang siya nailang, e.

"Ewan ko sa 'yo!" Sigaw ko saka dumiretso sa CR. Pagkapasok ko ay isinara ko agad ang pinto at ini-lock iyon.

Kinapa ko ang dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Siya lang ang tanging taong nakakagawa nito sa akin.

Pero..

What the hell, nakakahiya pa rin sa pamilya ni Miko! Huhu. Nakita nila kami. Nakakahiya!

---
Last chapter and epilogue left..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top