47

Chylee POV

Ito na iyong araw na hindi ko inaasahang darating. Ang ihatid si Phoenix sa airport.. palayo sa akin.

Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Si Phoenix ang klase ng tao na hindi ka mabo-bore kahit maghapon mo siyang kasama. Si Phoenix iyong taong laging nakangiti na para bang walang problema. Si Phoenix iyong taong aalagaan ka ng walang hinihinging kapalit. Si Phoenix iyong definition ng 'tunay' na kaibigan.

I sighed. Ihahatid ko talaga siya sa airport. Ibig sabihin, totoong totoo na aalis na siya. Isa siya sa taong pinaka pinasasalamatan ko. Wala akong masabi sa ugaling mayroon siya. Wala akong masabi sa pagpaparamdam niya sa akin na dapat kong pahalagahan ang sarili ko.

Naaalala ko tuloy no'ng sumunod siya sa amin ni Skyler sa US. Hindi ako makapaniwala no'n. Inis na inis pa naman ako sa kaniya nuon hanggang sa nakasama ko siya at nakita ko ang tunay niyang ugali. At 'yun ang nagustuhan ko sa kaniya. Ang pagiging totoo niya. What you see is what you get.

Napaka-swerte ng babaeng mamahalin ni Phoenix. Isa siya sa mga lalaking totoo magmahal. Sana kapag nahanap na ni Phoenix ang taong para sa kaniya, sana naman, hindi siya masaktan tulad nang naranasan niya sa akin at maging masaya sila.

Oo, sa ngayon ako ang minamahal niya pero alam kong makaka-move-on din siya dahil iyon na ang desisyon niyang gawin. I felt bad. Kung sana siya nalang ang tinitibok ng puso ko, e' di sana hindi niya kailangang lumayo. At sigurado ako na masaya sana kami.

Kaso, si Miko pa din.

And I admire him for being 'the man' for talking to Miko about me. Alam kong para silang aso't pusa. Lagi nalang silang nag-aaway, nagpaparinigan o nagsasagutan na parang mga babae but then, he still managed to give way.

Tumunog ang cellphone ko. I checked it.

From: Bigas
I'm here. Are you ready?

Si Miko. Andiyan na pala siya. Kanina pa ako nakahanda. Nakabihis na ako at dala ko na rin ang isang paperbag na pabaon ko kay Phoenix. May kasamang napakahabang letter sa loob ng paperbag. Doon ko isinulat lahat lahat ng gusto kong sabihin--lahat ng dapat ipagpasalamat at dapat na ikahingi ng tawad.

Hindi pa rin ako makapaniwalang aalis na talaga siya.

Huminga ako ng malalim saka tumayo na mula sa pagkaka-upo sa kama ko. Lumabas ako ng kwarto ko saka sinalubong ako ni Miko na nasa living room.

"Are you okay?" Tanong agad niya.

Napapaisip tuloy ako kung kailan nagsimula itong parang normal na kaming nag-uusap samantalang iniiwasan ko pa nga siya. Ganoon nga siguro talaga kalag pinalaya mo na ang sarili mo sa nararamdaman mong hatred.

Tumango ako saka lumapit sa kaniya. "Tara na?"

Sabay kaming lumabas ng bahay. Inalalayan niya ako palabas ng gate namin dahil sa labas nakaparada ang kotse niya. Nang makalabas ay muli niya akong inalalayan na makasakay sa kotse.

Mabilis siyang sumakay sa driver's seat saka pinaandar na ang sasakyan.

"You looked sad. I understand you. Tanda is leaving. But I want to say sorry."

Kumunot ang noo ko saka siya tiningnan habang nagmamaneho. "Para saan?"

"Masaya kasi ako na aalis na siya. Maso-solo na kita, Hera." Ngumisi siya.

Kainis 'to. Sa lahat ng tao, siya lang ang masaya na aalis si Phoenix. Naalala ko tuloy no'ng tawagan ako ni Reiko kagabi.

"Ate Chylee! Totoo bang aalis na si Kuya Phoenix? Nagpaparaya na siya para sa Kuya kong supot? Huhu. Nabasa ko kasi sa facebook."

"Oo, Reiko. Aalis na talaga si Phoenix."

"Huhu. Shipper niyo pa naman ako. Ayoko yalaga sa Miko Abellano na 'yon, e. Napaka non! Waaa. Ate Chylee pigilan mo si Kuya Phoenix!"

"Kapatid mo si Miko 'di ba? Bakit parang galit na galit ka sa Kuya mo?"

"Ang pangit niya kasi Ate Chylee, kasingpangit ng ugali niya. Huhu. Ayoko talaga sa kaniya. He hurt you before! Si Kuya Phoenix na sana ang magpapayunay na may forever, e."

"Kailangan natin igalang ang desisyon ni Phoenix saka ano ka ba, magkaibigan kami ni Phoenix. Isa pa, forever. Haha! Well meron pala. Si Enzo."

"A-Ah... si Enzo ay may forever? Ah, ano, Ate Chylee may girlfriend na siya?"

"Haha! Wala. Siya at ang pakwan niya. Hindi ka pa ba aware? PakWen forever."

"Sana pakwan nalang ako.."

"Reiko, may sinasabi ka?"

"Ah! Ate Chylee, wala. Hehe. I'll hang up na! Aasa pa din ako na ipaglalaban ka ni Kuya Phoenix! Fighting!"

Natatawa pa din ako kapag naiisip ko iyon. Ayaw na ayaw talaga ni Reiko sa kapatid niya. Iba siya sa iba na kapag kapatid, mas ibu-boost kumbaga. Pero siya ay kabaligtaran.

"Hera, bakit ka tumatawa diyan?"

Napatingin ako kay Miko. Napansin pala niya. "Ah, naalala ko lang si Reiko. Kapatid mo. Tinawagan niya kasi ako kagabi."

"What did she tell you? That brat."

"Supot ka daw." Iyon ang totoo. Sinabi talaga ni Reiko iyon.

Biglang nagpreno si Miko. "What the fck! And you believe her? Do you want me to show you?"

Nanlaki ang nga mata ko. "Wala naman akong sinasabi. Bastos!" Iniiwas ko ang tingin sa kaniya. Kainis 'to.

Narinig kong tumawa si Miko. For the first time, kaming dalawa, magkasama at tumatawa siya. He really looks happy. Akala ko doon lamang siya nakakatawa sa kaibigan niyang hapon. Teka, nasaan na pala iyon?

"How's your japanese friend?"

"She's having fun exploring the Philippines. Our flight will be on next week."

I frowned. Aalis pa rin si Miko? With that japanese friend? "You'll go back to Japan?"

Ibig sabihin ay doon pa rin pala talaga siya. Akala ko titigil na siya dito sa Pilipinas lalo na't nagparaya si Phoenix at unti unti ko na siyang tinatanggap ulit.

"Yes. Of course. May mga kailangan akong ayusin doon. I know you'll gonna miss me, Hera."

I gulped. Ano ba 'tong si Miko. Mami-miss agad? "Anong aayusin mo?"

Natututo na akong magtanong ngayon. Normal nalang talaga jami mag-usap na para bang walang mga nangyari noon. Well, my mother is right. Forget about the past and think about the present.

"Inilipat ko iyong mga records ko sa school doon. Aayusin ko ulit para makapag-transfer ulit ako dito sa Pilipinas. Tutulungan mo naman akong makabalik ng SWU, right? Sa inyo iyon, e." He chuckles.

Napangiti na lang ako. "Bakit hindi mo ituloy sa Japan ang studies mo tulad ng original plan mo?"

"Hera, umalis na si Tanda. Pati ba naman ako aalis? No. I can't leave you. Dati, nakaya kong umalis dahil alam kong hindi ka naman pababayaan ni Tanda. Pero ngayon, solo na kita kaya hindi ko sasayangin ang bawat araw na pwede kitang makasama. I can kiss you everyday." He winks at me.

"Tigilan mo ako, Miko!" Sabi ko pero deep inside, para akong kinikilig na ewan. Ano ba 'yan! Ang arte ko.

"Ayoko ngang tigilan ka. Kukulitin kita hanggat makamit ko ang matamis mong oo."

So makata na siya ngayon? "Ewan ko sa iyo, Miko."

Napailing na lamang ako habang nakangiti. Ganoon din si Miko. In a moment, nakalimutan kong papunta nga pala kaming airport para ihatid si Phoenix. Kanina lang malungkot akk pero nang makasama ko si Miko, nakalimutan ko bigla ang lungkot at saya lang ang nararamdaman ko.

Ganito ba talaga ang tunay na pag-ibig?

-

NATANAW ko si Phoenix na nakatayo sa may departure area. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Gumanti naman siya ng yakap.

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. "Phoenix...."

"Sshhh. Huwag ka kasi umiyak, baby ko. Oh, ito na ang last time na tatawagin kita sa endearment na iyan kaya pagbigyan mo na ako."

Lalo akong naiyak. "B-Bakit kasi biglaan, e. Nakakainis ka..."

"Tahan na baby ko." Hinagod niya ang likod ko at saka kumalas sa pagkakayakap sa akin.

He cupped my face and wiped my tears. "Gusto kong makita iying mukha mong nakangiti bago ako umalis. Kaya tahan na."

Napahagulhol lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi talaga inaasahan na dadating ang araw na ito. Nasanay na ako na laging andyan si Phoenix. Mamimiss ko talaga siya.

"Mamimiss k-kita..."

Ngumiti siya pero kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Huwag mo naman akong pahirapan ng ganito, baby ko. Kapag ganyan ka na umiiyak, para tuloy ayoko ng umalis."

"Pwede bang huwag ka nalang umalis?" Tanong ko habang umiiyak.

"Baby ko, kailangan kong umalis. Magmo-move on ako, e." Ngumiti siya pero alam kong malungkot siya. "Pero hindi naman ibig sabihin na magmomove on ako ay kailangan na nating putulin ang communication natin. Syempre, hindi ako papayag. Paano nalang kapag bigla kang sinaktan ng batang 'yan? E 'di hindi agad aki makaka-rescue."

"Phoenix naman, e.."

"Pero hindi naman ako aasa, baby ko. Kumbaga nakahanda lang akong saluhin ka, kapag sinaktan ka ulit niyang batang 'yan."

Nasa likod ko lamang si Miko at alam kong naririnig niya ang nga sinasabi ni Phoenix. Himala dahil hindi niya sinasagot.

"Phoenix mamimiss talaga kita, e."

"Mas mamimiss kita, baby ko. Kung alam mo lang." Napansin kong nanggigilid na ang luha niya. "Alam mo iyon, baby ko. Iniimagine ko na iyong future na tayong dalawa ang magkakatuluyan, e."

Lalo akong naiyak dahil tuluyan nang naiyak si Phoenix. Hindi siya ang klase ng tao na mapapaiyak mo lalo na sa public place.

"Naimagine ko pa nga na dalawa ang magiging anak natin. Isang babae at isang lalaki tapos kambal. At alam mo bang nakaisip na rin ako ng pangalan para sa kanila? Si baby Phoebe at baby Hero."

I bit my lower lip. Napakabuting tao ni Phoenix. Sobra.

"Tapos alam mo ba, baby ko. Ako daw ang kamuka ni baby Hero at ikaw naman ang kamukha ni baby Phoebe kahit kambal sila. Na-imagine ko kung gaano kasaya ang magiging pamilya natin..sana. kasi mamahalin ko kayo ng sobra sobra."

Pinahid ko ang luha niya at niyakap siyang muli. "Thank you, Phoenix. Thank you...."

Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin saka ako hinalikan sa pisngi. "Pabaon mo sa akin. Sa lips sana kaso may bantay." Sabi niya na nakangiti kahit may luha siya sa mga mata niya.

"Mag-iingat ka do'n. Huwag mo akong kakalimutan saka tatawagan mo ako." Sabi ko.

"I will. Kahit hindi mo sabihin, baby ko. Huwag ka ng iiyak ha? Isipin mo nalang na may malaking opportunity para sa akin kaya ako aalis. Huwag mong sisisihin ang sarili mo kaya ako aalis. This is my choice. This is my decision. Alright?"

Tumango ako habang nakahawak sa kamay niya.

"Enough. Nasosobrahan na ng pag-iyak si Hera." Pumagitna sa amin si Miko.

"Ikaw na bata ka, parang hindi mo pinapaiyak lagi si Chylee nuon, ah." Sabi ni Phoenix habang pinupunasan ng panyo ang mga mata niya.

"Tang'na mo. Hoy tanda napaka-bakla mo. Ang tunay na lalaki hindi naiyak." Asik ni Miko.

"Gago ka bata. Ang tunay na lalaki, hindi mahihiyang umiyak sa haral ng babaeng mahal nila. Ano? Boom panes ka." Sabi naman ni Phoenix.

Hanggang sa huling pagkikita ba naman nila, masasagutan sila?

"Oo na. Tch. Ingat don, brad." Sabi ni Miko at tinapik si Phoenix sa balikat.

"Nagparaya lang ako bata. Hindi pa tayo close kaya huwag ml nga akong matatawag-tawag na brad. Tch. May patapik tapik ka pa. Umuwi ka na nga! Hindi ko naman sinabing sumama ka dito ah." Sabi ni Phoenix.

Inambaan ni Miko si Phoenix. "Fck you! Mabuti ng sigurado. May pahalik-halik ka pang gago ka."

Huminga ako ng malalim. Humupa na ang pag-iyak ko, nagsasagutan pa din sila.

"Pabaon, e. Aba! Walang pakialamanan. Ikaw na bata ka,ipapakuha talaga kita sa DSWD, e."

"Ikaw? Dalhin kaya kita sa Home For The Aged?"

"Gago!"

"Gago ka din!"

Pumagitna na ako sa kanila. Nakakaagaw atensyon na sila. "Kayong dalawa, tigilan niyo na nga ang pag-aaway. Pwede naman kayong maging magkaibigan."

"FRIENDS? NO THANKS!" sabay nilang sabi at nag-ingusan pa. Parang mga babae talaga, e.

Hinila ako ni Phoenix at niyakap. "Aalis na talaga ako, baby ko. Kailangan ko ng pumasok doon." Itnuro niya ang pasukan ng nga paalis ng bansa.

Nalungkot na naman ako. "Ingat, Phoenix. Once you get there, tawagan mo ako kaagad ha?" Sabi ko at muli din siyang niyakap.

Nagbitaw na kami. Saka niya tinanguan si Miko.

"Ayan na brad, magsaya ka, solo mo na si Chylee. Pero huwag kang magsaya dahil supot ka pa din." Tumatawang sabi ni Phoenix at mabilis na lumayo sa amin. Kumaway siya.

"Fck that guy." Komento ni miko pero itinaas naman niya ang kamay niya bilang pamamaalam kay Phoenix.

This is it, Phoenix is leaving. Having a friend like him is like a chair. Iyong kapag pagod ka na sa pagtayo, o pagod ka at kailangan mong magoahinga, nariyan ang upuan para makapagparelax. Parang si Phoenix. Kapag pagod na akong umiyak, andyan siya bilang sandalan ko. Pero hindi habang buhay ay matibay ang upuan, may oras ding masisira ito kaya hindi na ulit masasandalan. Parang si Phoenix, darating ang araw na bibigay siya at aalis.. magpaparaya. At hindi na ulit siya masasandalan pa.

Pero alam ko na sa tamang panahon, may isang taong magtityaga na ayusin ang upuan na iyon upang muling masandalan at sana, iyon ay ang taong magmamahal kay Phoenix.


Take care, Phoenix. Goodbye.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top