44

Chylee POV

HINDI MUNA ako pumasok sa fastfood dahil masama ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit parang masakit ang ulo ko ngayon. Paggising ko kanina, pakiramdam ko binibiyak na ang ulo ko.

"Ate!" Kumatok sa pinto si Renzo.

"Bukas 'yan!" Sigaw ko. Hindi pa ako gaanong makabangon dahil masama nga ang pakiramdam ko.

Bumukas ang pinto at iniluwa si Renzo. "Ate, selfie naman diyan." Aniya saka nag-click ng picture. Grabe talaga 'tong kapatid ko. Walang pakundangan, e.

"Tigilan mo nga 'yan, Renzo. Nakita mo ng masama ang pakiramdam ko, e."

"I know, Ate. Posted. With caption, with the most gorgeous sick sister." Aniya saka tumawa.

Binato ko siya ng unan. "Ano bang kailangan mo?"

"Kasi, Ate. May bisita ka. Napakabilis. Paano niya nalamang may sakit ka. Tch. Iba talaga ang radar ni Kuya Miko."

Si Miko andito? Sa pagkakaalam ko si Phoenix lang ang sinabihan ko kanina dahil tinawagan ko siya na hindi ako makakapasok. Paano naman nalaman no'ng lalaking iyon?

"Papasukin ko ba, Ate? Pero tingin ko, bawal siya dito sa kwarto mo. Iba na ang panahon ngayon, e. Nauuso ang SPG. Masama 'yun, Ate."

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Shiro Renzo." Matigas na sabi ko.

"Hehe. Joke lang naman, Ate. Papapasukin ko na ba?"

"Bababa ako sa salas." Sabi ko. "Pakisabi nalang na sandali."

"Hayaan mo siya, Ate. Sanay naman si Kuya Miko maghintay." Sabi niya saka tumawa ng malakas.

"Umalis ka na nga!" Masungit na sabi ko. "Nakaka-stress ka."

Hindi na sumagot si Renzo bagkus ay nag-belat pa sa akin saka lumabas ng kwarto ko. Ang batang 'yon, isa ring maloko, e. Dinaig pa ang babae sa kadaldalan.

Huminga ako ng malalim. Sa halip na nakahiga lang sana ako maghapon, kailangan ko pa tuloy bumangon dahil andyan si Miko. Ayoko naman siyang papasukin dito sa kwarto ko. Awkward kaya.

Tumayo ako saka humarap sa salamin. Nagsuklay lamang ako saka napagdesisyunang lumabas na ng kwarto ko. Hindi ko naman kailangang mag-ayos or magpaganda para sa kaniya.

Pagbaba ko sa hagdan ay napansin ko agad si Miko na prenteng nakaupo sa sofa habang kausap si Kenzo. Ano namang pinag-uusapan nila? Masyado silang seryoso.

"Yeah. I really want to be a president someday. I hate corrupt, I hate..poverty. All. I really wanted to be the next president of the Philippines. At kapag nagawa ko iyon, babaguhin ko ang Pilipinas."

"Masisiguro mo bang hindi ka magiging corrupt?"

"Hell, of course. Mayaman ang pamilya ko. Wala pa akong pamilya pero may bank account na ang magiging anak ko. Bakit pa ako mangungurakot. I'm contented with my family's wealth. Hindi ko aagawan ng kayamanan ang mamamayan ng Pilipinas."

Hindi ko kinakaya ang conversation ng dalawa. Parang ngayon ko lang sila nakitang nag-usap ng ganyan ka-seryoso. At itong si Kenzo, manang-mana talaga kay Skyler, e. Dati, iyon din ang pangarap ni Sky---ang maging presidente ng Pilipinas.

Tumikhim ako para ma-agaw ang atensyon nila. Hindi na nila napansing nakalapit ako sa kanila.

"Hera.." Tumayo si Miko at ngumiti sa akin.

Si Kenzo naman ay tumayo din at sinakbit ang bag pack niya. Napansin kong naka-basketball uniform siya.

"Alis na ako, Ate." Paalam niya sa akin. "Kuya Miko, una na ako."

Tumango lamang si Miko kay Kenzo. Naiwan tuloy kaming dalawa dito sa salas. Hindi ko alam kung nakaalis na ang lahat dahil hindi ako nakasabay mag-breakfast sa kanila kanina. Dinalhan lamang ako ng katulong sa kwarto ko.

Naupo ako sa sofa. Naupo na ulit si Miko.

"Why are you here?" I asked him.

"You're sick. I want to take care of you. Wala naman akong gagawin ngayon."

I gulped. "How did you know that I am sick?"

"Tinawagan ko si Tito Kyle kanina. I just wanted to ask him if it's okay to ask you on a date but he said that you're sick. That's it."

Kumunot ang noo ko. "Tinawagan mo si Dad? How did you know his number?" Kelan pa sila naging close para tawag-tawagan niya lang si Dad?

"Last time when we talked. Remember? He gave me his number and told me that I need to report to him everytime na makakasama kita."

Seriously? Napag-usapan talaga nila iyon? Paano nangyari iyon?

"Report? Ano ka estudyante? Reporter?"

He frowned. "Yes? I'm a student, Hera."

"Miko. Huwag mo akong pilosopohin. Bakit naman kailangan mong mag-report kay Dad? Hindi naman niya ginawa 'yan kay Phoenix ah." I can't help to compare them. Syempre kasi manliligaw ko din si Phoenix pero kahit kailan, hindi pa natawagan ni Phoenix si Dad.

"I don't know. And besides, kung may dahilan man, you don't need to know. Usapang lalaki 'yun, Hera. What I want is to court you and prove to you that I am deserving to be your boyfriend."

I gulped again. Naging madaldal na talaga si Miko. Vocal pa siya sa feelings niya. Gusto kong kapain sa dibdib ko 'yung galit ko kay Miko dahil sa pagtataboy niya sa akin noong mga bata pa kami, pero hindi ko na alam kung nasaang banda iyon. Wala na akong makapa. Dahil ba iyon sa mga words of wisdom ni Mom sa akin? Handa na nga yata talaga akong pagbigyang muli ang something na mayroon sa amin ni Miko.

"That's unfair." Sabi ko.

"Hindi iyon unfair, Hera. Malay mo, sa akin lang talaga nakita ni Tito Kyle ang tunay na pagmamahal na dapat ibigay sa iyo."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Totoo lang ha. May ganyan ka pang nalalaman ngayon." Sabi ko. "Anyway, wala akong balak makipag-date sa 'yo ngayon. Masama ang pakiramdam ko at umaayos palang kaya mag-stay lang ako dito sa bahay."

"I'll stay here, too. With you, Hera."

"H-Ha? Seryoso ka? Gusto ko kasing matulog maghapon para mawala na talaga 'tong sama ng pakiramdam ko."

"Then, I will stay at your room while you were sleeping."

Seriously? Sigurado ba siya sa sinasabi niya? "Miko."

"What? Do you want me to call Tito Kyle to ask permission?"

"Miko."

"Wait, I'll call him."

Pipigilan ko pa sana siya nang maitapat na niya ang phone niya sa tainga niya. Seryoso talaga siya na magpapaalam siya kay Dad? At seryoso talaga siyang sasamahan niya ako sa kwarto ko?

"Yes, Tito Kyle. I just want to ask permission. Hera wants to sleep. Gusto ko po sana na bantayan siya, para in case na may kailangan siya, maibigay ko. I want to stay at her room while she is sleeping."

Napalunok ako. Jusko, ano naman kayang reaksyon ng tatay ko sa pagpapaalam na 'yan ni Miko? Basta basta lang, e. Feeling close talaga sa tatay ko.

"Yes Tito. Of course. Hindi ko sisirain ang tiwala mo, Tito Kyle. Thanks."

He ended the call and smirked at me. "He gave me his permission to stay at you room. So what now, Hera? Let's go to your room."

Jusko seryoso nga. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Hindi mo naman kailangang gawin iyon, Miko. I can manage. I can---"

"No. You're sick. And I want to take care of you. Hayaan mo akong gawin iyon, Hera. Gusto kong unti-untiin na mapatunayan sa 'yo na deserving ako sa'yo."

Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Ano ba 'yan. Bakit ba kasi, heto na. Heto na talaga, 'yung tumitibok na naman ang puso ko para sa kaniya.

"Anong gagawin mo habang tulog ako? Maboboring ka lang. Madami ka namang pwedeng gawin. Saka 'di ba itinu-tour mo 'yung japanese friend mo habang andito kayo for vacation?"

"She's with her new friends here. And she's already exploring the Philippines. She's my friend but you're my priority, Hera."

Jusko, Miko. Tama na 'yan. Sasabog na ang dibdib ko. Iyong mga tingin niya, para akong tutunawin, e.

Ganito pala ang pakiramdam kapag nagbigay ka ng panibagong chance sa isang tao at wala na 'yung galit at hinanakit sa dibdib mo. Parang natural ng lumalabas iyong kilig, iyong unexplainable feelings. Ah, basta!

"Ano ngang gagawin mo s kwarto ko?"

"I can clean your room."

"Malinis ang kwarto ko. Araw araw na nililinis ng katulong 'yon."

"I can organize your room."

"Walang dapat ayusin sa kwarto ko."

"I can clean your bathroom."

"Malinis din iyon."

"I can be your electricfan. Papaypayan kita habang natutulog ka."

"Miko, may aircon ang kwarto ko."

"I can...answer calls for you. Para hindi maistorbo ang tulog mo."

"Naka-airplane mode ang phone ko kapag tulog ako."

"I can count your hair."

Naningkit ang mata ko. "Ginagago mo ba ako, Miko?"

Natawa siya. Ayan na naman, natatawa na siya. Dati lagi lang siyang seryoso. "What? I'm just kidding. Lahat nalang ng sabihin ko, may sagot ka. What to do? I'll just stay at your room."

"And?"

"And stares at you all day."

Dug, dug..

Gosh. Tama na. Sasabog na talaga. Ano ba 'yan! Bakit kasi ganito siya magsalita, e. Nananadya yata ang lalaking 'to, e.

"Seryoso kasi."

"I'm serious, Hera."

Tumayo na ako. "Bahala ka nga diyan! Basta ako, tutulog. Bahala ka."

He laughed again. Nakakapanibago talaga ang mga kilos ni Miko. Nag-e-effort naman siya dati, pero hindi ganito ka-vocal at basta something is changed. Baka kaya iba 'tong Miko na 'to? Baka clone niya lang 'to?

Hay, nasisiraan na ako ng tuktok.

Umakyat ako sa taas. Ramdam ko na nakasunod si Miko sa akin. Ano pa bang magagawa ko? E, mapilit siya. Bahala nga siya. Nakakainis. Siguradong hindi agad ako makakatulog nito lalo't kasama ko siya sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko saka pumasok. Natigilan pa ako at nilingon si Miko.

Nakatigil lamang siya habang nakapamulsa. Nakatingin siya sa akin. "Can I come in?"

I rolled my eyes. Sumunod na nga siya sa akin hanggang dito sa kwarto ko, e. Nagtanong pa siya. "Bahala ka. Basta sabi ko, tutulog ako."

Ngumisi pa siya bago ko siya tinalikuran ulit. Naramdaman ko lamang na sinarahan na niya ang pinto. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Una, kaming dalawa lang dito sa kwarto ko ngayon, at pangalawa, matutulog ako at siya maiiwang gising. Baka mamaya bigla niya akong gawan ng masama. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko.

Naupo ako sa kama ko. Muntik pa akong mahulog kasi kinakabahan ako at naiilang.

"I'll just sit here." Tinuro niya ang couch saka umupo doon. "Pwede ba akong bumaba mamaya sa kitchen kapag nauhaw ako or nagutom? No'ng nalaman kong may sakit ka, pumunta agad ako dito. I havent eat my breakfast yet."

'Yung totoo? "Ikaw ang bahala. Basta ako, tutulog."

"So I can do everything?"

"Everything good, Miko."

He smiled at me. "What if I kiss you while you're sleeping?" He teased.

"Prince Miko. Hindi ako natutuwa sa mga biro mong ganyan. Isa. Palalabasin kita sa kwarto kong 'to!"

"Tch. Hindi na. Ang sungit mo, Hera. Go on, I'll be good. Sleep."

Humiga na ako sa kama ko. Ang lakas lakas pa din ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin kay Miko. Nakasunod kasi ang tingin niya sa bawat galaw ko. Grabe, awkward. Bakit kasi, andito pa siya. Sa halip na makapagpahinga ako ng maayos, lalong sasama ang pakiramdam ko, e.

"Sleep now, my Hera."

My Hera. He called me like that again. Nagre-react ang...puso ko. Nakakainis.

"Kailangan mo ba talagang mag-stay dito? Baka kasi ma-distract ako." Sabi ko.

"Hindi ako gagawa ng kahit anong ingay. Kung kailangang hindi ako huminga para wala ka talagang marinig, gagawin ko."

"Hindi ako mapakali kapag may ibang tao dito sa kwarto ko."

"Hindi mo mararamdaman ang presensya ko."

"Baka..."

"Hera, just sleep." He ordered.

Sumimangot ako. Whatever.

Tumalikod ako sa pwesto niya saka pumikit. Pinilit kong makatulog kasi masakit talaga ang ulo ko kanina pa. Tahimik ang buong kwarto. Hindi nga siya gumagawa ng ingay. Wala akong ideya kung anong ginagawa niya ngayon dahil nga nakatalikod ako.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko habang nakapikit. Paunti-unti ay gumagaan ang pakiramdam ko. Lumuluwag.

"I love you, my Hera."

Napangiti ako sa narinig kong iyon. Hindi ko alam kung nasa tamang huwisyo pa ako hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng antok.

-

NAALIMPUNGATAN ako sa ingay na naririnig ko. Ano ba 'yon? Parang ang bigat pa ng pakiramdam ko at ayaw ko pang magmulat ng mata pero maingay, e.

"Pinagsamantalahan mo si Ate! Huhu. Walang malay si Ate! Punukpok mo ba siya ng martilyo sa ulo?!"

"Pinagsamantalahan mo siya. Buntis na si Ate. Huhu. May pamangkin na kami."

"I trusted you! Why did you do this?!"

Nagkusot ako ng mata saka pinilit na bumangon. Bumungad sa akin ang triplets na may kanya kanyang hawak habang nakaharap kay Miko na naka-pokerface.

Si Enzo may hawak na sandok. Si Renzo may hawak na kawali. At si Kenzo may hawak na sword ng star wars. At lahat ng hawak nila, nakatutok kay Miko.

"Anong palabas 'yan, triplets? Ang iingay niyo." Tanong ko.

Tumingin ako kay Miko. He even rolled his eyes and sighed. Ano bang ginawa ng tatlo?!

"Ate, okay kalang? Anong ginawa niya sa 'yo? Kenzo! Tingnan mo kung may internal bleeding si Ate." Sabi ni Enzo.

Naglapitan ang triplets sa akin at nakapalibot na sila ngayon sa akin.

"Ate, umamin ka sa amin. Anong ginawa niya? Huwag kang matakot. Sinabi ba ni Kuya Miko na papatayin niya kami kapag nagsumbong ka?" Sabi naman ni Renzo.

"Looks like we're wrong." Sabi naman ni Kenzo.

Tiningnan ko silang tatlo, isa isa. "Ako, masakit pa ang ulo ko. Ngayong nakikita ko kayo, nahilo pa ako dahil iisa ang mukha niyo. Para pa kayong mga babaeng putak ng putak. Walang ginawang masama si Miko sa akin. Binantayan niya lang ako kasi natulog ako." Paliwanag ko.

"Bakit ka niya binantayan, Ate? Preso ka ba?"

"Oo nga, Ate. Maglalayas ka ba kaya ka niya binantayan?"

"Idiot. Tch. Hey, Renzo and Enzo. Let's go. Wrong accusation. Sorry, Kuya Miko." Sabi ni Kenzo.

I massaged my temple.

"Pero Kenzo ipaglaban natin si Ate." Pagpipilit ni Enzo.

"Sige, uubusin ko ang pakwan mo sa baba." Sabi ni Kenzo.

"Pero okay naman si Ate. Hindi na kailangang ipaglaban. Kaya mo na 'yan Ate. Hehe. Go go!" Sabi ni Enzo at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto ko.

Napailing nalang sina Renzo at Kenzo na sabay na ring lumabas ng kwarto.

"Those three eggs, they're unbelievable." Sabi ni Miko.

"Gano'n lang talaga sila."

"They're being overprotective."

Tiningnan ko ang oras. Higit apat na oras din pala akong tulog. "Pwede ka ng umuwi, Miko. Baka hindi na din ako matulog. Nawala-wala na din naman ang sakit ng ulo ko."

"No. I'll stay. Sasamahan kitang maglunch. It's already four, hindi ka pa daw nagla-lunch sabi ng katulong niya. I asked them a while ago no'ng kumuha ako ng bottled water sa kitchen."

Tumango-tango ako. "Pero.."

"No buts. Let me do this, Hera. Alright?"

"Bahala ka nga." Sabi ko. Bumangon na ako sa kama saka umupo. "Ano nga palang ginawa mo habang tulog ako?"

"Do you want me to be honest?"

Nanlaki ang mga mata ko. "What do you mean? May masama ka bang ginawa?"

"Wala. But, I still want to ask you if you want me to be honest."

Napalunok ako. "Ano ba 'yon."

"I kissed your cheek. I kissed your forehead. I took a picture of you while sleeping. I stared at you for almost an hour. I went to kitchen for water. I took a nap here at the couch. And..."

"And?!" Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakakainis 'tong lalaki na 'to. Pa-thrill pa.

He smiled at me. "I kissed your lips. For about ten seconds."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Ano daw, ano daw?!

"ANO?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top