40

Chylee POV

NAKAHALUMBABA ako sa dining table habang hinihintay na mag-serve ang cook ng breakfast namin. Kanina kasi ay tinawagan ako ni Shanice at nagyayaya siyang mag-mall with baby Zia. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sinabi ko nalang na sasabihan ko siya kapag pwede ako.

Masama kasi ang loob ko sa kaniya at medyo inis ako dahil sa ka-bitchy-han niya kay Riana na naging dahilan kaya inatake si Skyler. Hindi ko siya mapapatawad kung may nangyaring masama sa ka-kambal ko kahit pa bestfriend ko siya.

"Chylee, anak. Masamang maghalumbaba sa hapag."

Agad akong tumunghay dahil sa sinabi ni Mom. She's smiling at me. Nakabihis na siya, at sa tingin ko ay handa na siya papasok sa SWU.

"Goodmorning, Mom. I'm sorry." Sabi ko.

Umupo siya sa tapat ko, sa tabi ng upuan ni Dad. "Goodmorning, too. It's fine. Huwag mo nalang uulitin. Is there something wrong?"

Umiling ako. "Nothing, Mom. Iniisip ko lang kung papasok ako sa work or not."

"Why? Are you not feeling well?" Nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako. "No, Mom. I'm very fine. Nagyayaya kasi si Shanice na mag-mall, so ayo'n, nagdadalawang isip pa ako kung sasama sa kaniya o papasok sa work."

"I see." Aniya. "But tell me right away if you're not feeling well or if you have a problem. Okay?"

"Yes, Mom."

"Goodmorning, anak!" Bati ni Dad na kakapasok lang dito sa kusina. Hinalikan niya sa ulo si Mom saka naupo sa tabi nito.

Nagse-serve na ang mga katulong ng pagkain sa mesa. Wala pa si Skyler at ang triplets. Sabay sabay kaming magbe-breakfast, e.

"Goodmorning, Mom and Dad! Goodmorning, Ate!" Halos sabay sabay na bati ng triplets na pare-parehong naka-jersey.

"You, three. Why are you not wearing your uniforms?" Tanong agad ni Mom sa tatlo.

"Mom, we have practice." Sagot ni Renzo.

"Yes, Mom. Malapit na ang game namin sa kabilang school." Sagot naman ni Enzo.

"I know that wearing of uniform inside the campus is one of the rules of SWU, Mom. But for now, just bear with us because we need to have a whole day practice. We need to prepare for our game next week." Paliwanag ni Kenzo.

Dudugo yata ang ilong ko sa paliwanag ni Kenzo. Siya na talaga ang matalino at nagmana kay Skyler.

"Alright, reasons accepted." Nakangiting sabi ni Mom.

"Goodmorning!" Bati ni Skyler saka naupo sa tabi ko.

"Kuya, can I borrow your books at your shelf? I am done reading all my books at my room. I can't sleep without reading a book." Tanong ni Kenzo.

Tumango si Skyler. "Of course. You can borrow all my books."

"Thanks, Kuya."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko yata kakayanin ang hobby ni Kenzo na gabi-gabing magbasa ng libro bago matulog. No'ng isang beses nga na pumasok ako sa kwarto niya, nakita ko pa iyong history book sa kama niya. Iyon talaga ang binasa niya? Dudugo lang ilong ko sa mga ganoon.

"Dad, hindi yata tag-bunga ng pakwan ngayon. Wala na raw sa planta. Tch." Sabi ni Enzo kay Dad.

"Kiro Enzo, you should try other fruits. Iba iba talaga ang mga prutas. May mga ka-buwanan ang mga iyan."

"No, Dad. Faithful ako sa pakwan ko. Pakwan lang." Sagot ni Enzo.

Napailing na lamang ako.

"Then you have no choice to buy watermelon at the supermarket." Dad said.

Naglagay na ako ng pagkain ko sa plato ko. Pati sila. At saka nagsimulang kumain. Talking while eating is bad. Pero gawain na yata naming mag-kwentuhan habang kumakain. Bonding nalang kasi namin ang pag-kain. Puro kasi mga busy.

Masaya naman ako, e. Masaya ako. Hindi man ako ganoon ka-swerte sa love life, ma-swerte naman ako sa pamilya ko.

-

MAS pinili kong pumasok sa work kaysa samahan si Shanice sa mall. Bestfriend ko kasi siya kaya hindi ko kayang samahan siya at makipag-plastikan lamang sa kaniya. Sa ngayon kasi ay wala pa akong balak sabihin sa kaniya ang nalaman ko. Ayokong pangunahan ang taong involved doon tulad ni Sky at Riana.

Iyon nga lang, naaawa ako kay Riana dahil sa kaniya ngayon galit si Skyler samantalang wala namang kasalanan 'yung tao.

I sighed. Tumayo ako mula sa table ko. Bababa ako para i-check ang customers and kung anong nagyayari na sa baba. Kanina pa kasi ako dito sa private office namin Phoenix.

Nasa baba si Phoenix at dahil lunch time ay maraming taong kumakain ngayon.

Pagkababa ko ay hinanap ko agad si Phoenix. Napansin kong nakatayo siya sa may gilid ng counter. Masama ang tingin niya at hindi ko alam kung sino ang sinasamaan niya ng tingin.

"Phoenix." Tawag ko sa kaniya.

Nang tumingin siya sa akin ay parang nagulat pa siya. "Bakit bumaba ka pa, baby ko? Doon ka nalang sa taas." Sabi niya.

Umiling ako. "Kanina pa ako doon. Saka mas gusto ko dito sa baba para makita ko ang nangyayari. Ang daming tao." Sabi ko.

Inikot ko ang tingin ko sa paligid.

"Tch. Kaya ko na naman dito." Sabi pa niya.

May isang taong hindi nakaligtas sa paningin ko. Babae at lalaki na masayang kumakain sa isa sa table dulo.

"Who's that girl? Saka, akala ko ba nasa Japan batang 'yan?" Tanong ni Phoenix nang mapansin niyang nakatingin ako sa gawi nila Miko at iyong kaibigan niyang haponesa.

"Ah. Friend yata ni Miko. I don't know. Hindi naman kami close para mag-kwentuhan." Sabi ko.

"Tch. Dito pa talaga kumain. Ang dami daming kainan. Papansin talaga 'yang bata na iyan."

"Phoenix hayaan mo na sila. Hindi naman nanggugulo, e. Saka kahit naman sino ay pwedeng kumain dito." Sabi ko na lamang.

Hindi ko maiwasang magtaka kung paanong madaling napapangiti ng babae na iyon si Miko. Sa sungit niyon, hindi iyon ang klase ng lalaki na napakadaling patawanin.

Mas lumalim ang pagbuntong-hininga ko. "How's the sales? Okay ba? Nag-inventory na ba ang mga naka-assign doon?" Tanong ko kay Phoenix. Iniba ko na lamang ang usapan.

Ayokong itutok ang pansin ko kay Miko.

"Yes. They are done, baby ko. Wala ka ng dapat isipin pa. Ako pa ba?"

"Thank you, Phoenix." Sabi ko.

"Hi, Chylee!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ko si Riana sa harap ng counter. Nginitian ko siya.

Friends na kami. Wala na akong hard feelings sa kaniya. Iyong dati ay away-bata lamang iyon saka mas nakikilala ko na siya. Isa pa, masyado siyang mabait para tarayan ko at hindi kaibiganin. Samantalang mag-bestfriend ang mga nanay namin.

"Hi, Riana!" Bati ko rin sa kaniya.

Mukhang nakakita ng multo si Phoenix. Alam kasi niyang hate na hate ko nuon si Riana kaya malamang nagtataka siya dahil nagbabatian kami. Pinuntahan pa niya ako dito.

"Kwento ko sa 'yo mamaya. Ikaw muna ang bahala diyan." Bulong ko kay Phoenix saka siya nilampasan at nilapitan si Riana.
Nakangiti siya sa akin. Ngayon ko mas napatunayang mabait talaga siya at madalas siyang nakangiti.

Buti nga wala siyang sama ng loob sa akin dahil kahit noon pa ay lagi ko siyang sinisimangutan at sinasamaan ng tingin.

"Kakain ka?" Tanong ko sa kaniya.

"Actually, hindi. Dumaan lang ako dito para ibigay 'to." Inabot niya sa akin ang isang paperbag na kulay pink.

Kumunot ang noo ko. "Teka, ano ito?"

"Cookies. Nag-bake kasi kami ni Mom last night so I brought some for you. I still wanna thank you for being my friend now." Sabi niya.

Napangiti naman ako. Napaka-thoughtful niya. "Thank you. Saka, ano ka ba. Wala iyon." Sabi ko. "Kain ka. You can eat all you want. My treat."

"Naku, hindi na. I'm full. Kakakain ko lang ng lunch kanina sa cafeteria ng SWU. Saka may class pa ako mamayang 2pm."

"Ah, I see." Sabi ko. "Well, thank you dito."

"No problem." Nakangiti pa ring sagot niya. "Oh, that's Miko?"

My gosh. Ayan na naman si Riana na minsan ay manhid. Bakit ba lagi niyang nakikkita si Miko, at talagang tatawagin pa niya.

"Oo, si Miko nga." Alanganin akong ngumiti.

"Tara lumapit sa kanila!"

Patay na. Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa table nila Miko at ng kaibigan niya.

"Hi, Miko! Narito pala kayo ni Hannah. Hindi ka na ba papasok sa SWU?" Tanong ni Riana.

Napaka-awkward ng feeling. Si Riana kasi, e.

"Hi. No. I'm just here for two weeks vacation. Sa Japan na ako mag-aaral." Sagot ni Miko.

Hindi ako tumitingin sa kaniya. Hindi ko na nga alam kung saan ako titingin. Nakakailang kasi.

"Hello childhood friends of Miko!" Bati no'ng haponesa. Childhood friends talaga ang natandaan niya. Psh.

"Hi." Alanganin pa akong ngumiti. Ito daw ang tinatawag na plastik na ngiti.

"Hello! So, kumain kayo dito because it's Chylee's fastfood?" Tanong ni Riana.

Jusko, Riana. May ugali ka pala talagang kadaldalan.

"No! We went to Shinwoo University. Then I got hungry. I saw this fastfood, and I asked Miko if we could eat here. Actually, I didn't know it's yours. Wow! You're so young but you already have your own business." Sabi ni Hannah.

Sa kanila kaya 'yung hanabishi appliances? Okay korni ko.

"Oh I see." Sabi ni Riana. Tumingin siya sa relo niya. "I gotta go, I still have class. Nice seeing you both!" Sabi ni Riana saka hinila na ako palayo sa mesa na iyon.

Buti naman. Nakahinga na ako ng maayos.
"Chylee, thank you ulit ha! Basta enjoy that cookies." Sabi ni Riana. "May class ako kaya kailangan ko ng bumalik sa SWU."

Tumango ako saka nginitian siya. "No problem. Thank you din! Take care."

Nang makaalis siya ay napangiti ako sa paperbag na binigay niya. Na-appreciate ko naman siya rito.

"Baby ko, may hindi ka sinasabi sa akin."

Nagitla ako sa biglang pagsasalita ni Phoenix sa likod ko. "We're already friends." Sabi ko saka naglakad patungo sa may counter.

"Kelan pa? Saka paano? E, pangarap mo nga nuon na masabunutan si Riana."

Pinaningkitan ko siya ng masama. "Past is past, Phoenix. Saka minsan may mga bagay talaga na hindi natin inaasahang mangyayari."

"Tch. Anong dahilan at bigla kayong naging friends? Care to share, baby ko?"

"Basta. Mahabang istorya. Saka siguro, na-realize ko lang na hindi ko dapat siya ayawan dahil wala naman siyang ginawang masama sa akin."

"Naks! Upgrading ka na, baby ko. Bumabait ka na." Tumawa pa siya.

"Tse!" Pagsusungit ko nang lumapit sa amin si Hannah na hila-hila si Miko.

Super close, ah.

"Hi, Chylee! I just want to tell you that the food here are delicious." She said.

Jusko ang babaeng 'to. As if npakagaling ng cook dito. Samantalang pare-pareho lang ang lasa ng lahat ng branches ng Jollibee.

"Thank you." Plastik lang.

"Is he your husband?" Tanong niya habang nakaturo kay Phoenix.

"Ah, no no!" Tanggi ko.

Si Miko ay tahimik lamang at nakapamulsa na nakatayo sa tabi ni Hannah. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Naiilang na naman tuloy ako.

"No, but soon. We're preparing for our wedding , actually." Sabi ni phoenix na ikinagulat ko.

"Oh. Wow! Well, congratulations!" Aniya. Naaptingin ako kay Miko na mukhang nagulat sa sinabi ni Phoenix.

Ako nama'y parang na-pipi at hindi na tinama ang sinabi ni Phoenix.

"Let's go, Hannah." Rinig kong yaya ni Miko.

"Alright!" Sagot ni Hannah saka nakangiting tumingin sa amin. "We have to go! Bye!" Paalam niya.

Nang makaalis sila ay hinampas ko ng malakas sa braso niya si Phoenix.

"Aw--w! Baby ko. Ano ako, battered husband?"

"Feelingero ka talaga! Saan mo naman nakuha ang idea na magpapakasal tayo? Psh."

"Tch. Sinagip lang kita. Alam ko namang nagseselos ka do'n. At least, masagip ko man lang ang ego mo doon sa new girlfriend ni bata."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baliw! Hindi siya girlfriend ni Miko. Kaibigan lang. Psh." Sabi ko saka siya nilampasan.

"Baby ko naman! Akala ko lang. Tch saka hindi pa ba tayo magpe-prepare sa kasal natin?"

Kumunot ang noo ko habang paakyat sa hagdan pataas sa private office namin.

"At bakit?! Hindi pa nga kita sinasagot, kasal agad! Psh. Ewan sa 'yo, Phoenix!"

"Awww! Hindi na mabiro, oh. Tch. Baka lang naman makalusot. Woo!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya bagkus ay binilisan kong umakyat.

E'di iisipin na ngayon ni Miko ay magpapakasal na nga kami ni Phoenix? Bakit parang labag sa loob ko 'yon? Hindi naman 'yon totoo pero bakit parang bigla akong nangamba sa kung anong reaction ni Miko?

Hay, ewan ko sa 'yo Phoenix. Assumero ka na, feelingero ka pa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top