4
Chylee POV
"Mag-mo-move-on na ako.." Sabi ko sa kawalan. Katabi ko si Shanice, na siguradong nakakarinig ng pinagsasasabi ko.
"OMG! Tara, Chy! Dali. Bilis.."
Kumunot ang noo ko. Bigla akong hinila ni Shanice palabas ng room. Di ko alam kung saan nya ako dadalhin, basta nagpahila lang ako.
Hanggang makarating kami dito sa clinic. Bakit? May sakit ba si Shanice?
"Nurse, paki-check nalang po ng temperature niya, ECG, kuhanan nyo din po siya ng dugo. Pati na X-ray! Saka, ang vital signs niya po. Ang urine, ang liver, ang kidney, ang brain, lahat lahat po, paki-check-up!" Mabilis at dire-diretsong sabi ni Shan sa nurse na sumalubong sa'men.
Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to? Tumingin ako sa nurse. Nakatingin saken. Tapos si Shan, nakatingin din saken.
"Teka nga, ako ba yung ipapa-check-up?" Naku-curious kong tanong.
"Jusko, Chy! Syempre ikaw. Wala ka yata sa sarili. Nagde-deliryo ka!"
=_=
Anong sinasabi ng babaeng 'to?! "What? I can't understand you."
"Eh kasi, sabi mo, magmo-move-on ka na! Juice colored! Anong sumapi sayo, Chy?"
=___=
So, all this time, yun ang dahilan kaya bigla nya akong dinala dito sa clinic? Baliw talaga.
"Anong masama kung mag-move-on na ako?" Tanong ko.
"Walang masama, Chy! Syempre." Sabi nya saka tumingin s nurse. "Okay na po pala. Nasa matino pa pong pag-iisip ang kaibigan k---AWW! Bat ka naman nambabatok, Chy!"
Psh. Baliw talaga neto. "Baliw ka kasi."
"Psh. Pero 'di nga, Chy. Grabe ha! Magmo-move-on ka na talaga! Magpapa-misa na ba ako? Omg!" Di makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako. Hinila ko na si Shan palabas ng clinic at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa room namin.
"Oo nga. Kakasabi ko lang eh. Magmo-move-on na talaga ako."
"OMAYGAS! Naka-graduate ka na ba talaga sa Martyr University? Siguradong nasa top one ka! Bibilhan kita ng medal! Anong gusto mo? Gold, silver, bronze o pwede ring marmol! Ano na--AWW! Nakakadalawa ka na Chylee Hera ha!"
"Ikaw, 'yang bibig mo, papalsakan ko na ng isang buong tissue eh. Psh. Daldal mo." Pagsusungit ko.
"Di kasi ako makapaniwala, Chy. Sa tinagal-tagal mong nagpaka-martyr kay Miko na yon, bigla ka na lang magmo-move-on. Ano? Nauntog ka ba kaya natauhan ka na? San banda? May bukol ba?"
=_=
Hindi ko talaga alam kung paano ko naging bestfriend ang ubod ng daldal na babaeng 'to.
"Manahimik ka nga dyan." Sabi ko saka tuluyan ng pumasok sa room at naupo sa upuan namin.
"So, lalayo ka na talaga nyan kay Miko? Di ka na magpapapansin sa kanya? Minsan kasi, Chy. Kailangan nating lumayo sa isang tao para malaman natin kung hahanapin nila tayo, o hindi. Pag hindi, alam na! Wala talaga."
Tama siya. Ganyan naman si Shan. Daming alam na patama. "Oo. Titigilan ko na ang paglapit-lapit kay Miko." Di ko alam kung saan ko nakukuha ang mga sinasabi ko.
Kakayanin ko naman 'diba? Masyado na kasing masakit 'yung huling pag-uusap namin. Umiyak na ako, ibang usapan na 'yun. Ibig sabihin lang, nasaktan na talaga ako ng sobra.
"So, may pag-asa na sa'yo nyan si Phoenix? If I were you, bibigyan ko ng pagkakataon yung ibang lalaki na may gusto sa'yo. Palagi kana lang kasing Miko, Miko! May Phoenix naman dyan sa tabi tabi."
Phoenix. He's good. Yeah. Mayabang lang talaga at maangas pero sincere siya sa pakikipag-close saken, sa pagiging suitor nya saken kahit nire-reject ko lang siya. Samantalang si Miko, pinagsisiksikan ko na sarili ko sa kanya, pero nababalewala pa rin. Ako pa din ang nasasaktan.
Napaisip ako. "Shan, why do we love the people that ignore us and ignore the people that love us?" Tanong ko.
"Maybe..nabubulag na tayo sa pagmamahal natin sa isang tao. Na sa sobrang pagmamahal natin, kahit harap harapan ka na niyang ini-ignore, gora ka pa din kasi nga mahal mo."
She's definitely right. Nabulag na nga yata ako sa pagmamahal ko kay Miko. Since childhood days...hanggang ngayon. Parang nasayang lang ang pagmamahal na matagal kong iningatan.
"I'll try to give chance to others."
"Oh! So kasama na si Phoenix dyan? Bat di kayo magsabay pauwi mamaya? Yaaaa! Nakakakilig agad kahit iniisip ko palang. Ano? Sabihin ko sa kanya na sabay kayo pauwi mamaya?"
Ang kulit ng bestfriend ko. Halata naman sa kanyang mas boto sya kay Phoenix para sa'ken. Kesa kay Miko. "Oo na."
"KYAAA! Talagang nagbago ka na, Chy. Magmo-move-on ka na nga talaga at nagsisimula ka na ng bagong buhay. Nandito ka na sa Move-on University! Nawa ay maka-graduate ka! Hahaha!"
Leshe. Ang daming alam talaga ng babaeng 'to. "Psh. People always change after being hurt."
Her mouth form an 'O'. Mukhang nagulat. "So ngayon kalang nakaramdam ng sakit? Eh forever ka na nong sinasaktan. Manhid ka talaga, Chy. Buti naman, this time at natanggal na ang pagkamanhid mo sa katawan."
Inirapan ko lang siya. Isa kasi 'yan sa may gustong mag-move-on na ako, matagal na. Tama naman siya eh, masyado ako kung maghabol kay Miko. Lantaran. Walang paki sa iisipin at sasabihin ng iba. Kahit nga yung iba pinagtatawanan nalang ako kapag naririnig nila ang rejection na natatanggap ko mula kay Miko.
"Good morning, class!"
Fine. Here's the prof. What will happen kaya mamaya? Ayoko sanang makita muna si Miko. Gusto ko muna siyang iwasan ngayon dahil sariwa pa yung sakit dito sa puso ko. Alam ko namang hindi agad agad ay hihilom ang sugat na iniwan niya dito sa puso ko.
--
Miko POV
Hindi ako nakatulog ng ayos kagabi. Tch. Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Hera--na umiiyak. Hindi ko intensyon na paiyakin siya. Nagsabi lang naman ako ng totoo. Ayoko talaga sa lahat ng babae, naghahabol. Panget sa babae ang ganon.
"Mikoooo!"
Napalingon ako. Napailing nalang ako nang makita kong si Riana 'yun. I'm expecting someone. I'm expecting Hera..fvck! What happened to me?
Uwian na. At alam kong sasabay sa kotse namin ngayon si Riana. Mas matanda siya saken ng almost three years pero crush ko talaga siya. Ideal girl ko.
"Let's go?" Tanong ko. Tumango naman siya.
"Hm, Miko. Di muna ako sasabay. Sasabay lang ako hanggang sa parking. Kasi, kina Skyler na kotse ako sasakay. Mag-a-icecream kase kami sa mall. Sama ka?"
Oh. Skyler. Hera's twin brother. Okay naman kaming dalawa. Halos magka-ugali kami. Hindi nga lang kami masyadong nagkakaroon ng bonding dahil college na siya samantalang ako, highschool palang.
"No. I'm fine. Kayo nalang." Sabi ko kay Riana.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa cheeks. Sanay na akong ganyan siya. Ganyan siya sa lahat. Ki-kiss sa cheeks or yayakap kapag bagong kita kayo o magpapa-alam.
Napangiti nalang din ako.
"Bye, Miko. Ingat!" Sigaw niya habang patakbong umaalis.
Nag-wave lang ako. Yung babae na 'yon, clueless siya sa paligid niya. Wala siyang kaalam-alam na ang daming lalaking nagkaka-gusto sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Lagi namang sa quadrangle ako tumatambay habang naghihintay sa driver kaya dun ako dumiretso. Minsan kasi late talaga ang driver dahil nauunang ihatid si Reiko--kapatid ko. Mas maaga uwian niya compare saken.
Umupo na ako sa isa sa bench. Lagi akong may suot na headphone kahit minsan, wala naman talagang sounds. Para lang walang mang-abala saken. Tulad ni Hera. Tch. Pero makulit ang isang yon. Busy man ako o hindi, ginugulo nya ako.
"Hahahahahahah!"
"Lakas ng trip mo, Phoenix! Kita mo na, pulang-pula na si Chylee. Hahahah!"
"I didn't do anything! I just kissed her cheeks. Walang masama don. I'm his suitor. At binigyan na nya ako ng chance. Right, Chylee?"
Fvck. Naririnig ko ang pag-uusap nila. As if I can't hear anything? Dinaig pa nila ang mga bingi kung mag-usap. Si Chylee na nagba-blush? What the fvck. Inaasar siya nung bestfriend nya na lagi nyang kasama. Idagdag mo pa ang sigang si Phoenix. Fvck him. Talagang dito pa sila sa quadrangle kung nasa'n ako? Nananadya ba ang mga yan?
"Yeeeee! Bagay talaga kayong dalawa! Sagutin mo na siya, Chy! Para may love life ka na." Asar pa nung bestfriend niya.
Nakikita ko sila sa peripheral vision ko. Si Chylee na nakaupo sa bench. Tawa ng tawa habang katabi si Phoenix. Tch! FVCK.
Tumayo na ako. Lumapit ako sa kanila. "Hera." I said in my warning tone.
Natigil sila sa pagtawa. Tumingin ako sa gagong Phoenix na 'to na parang manununtok agad. Akala nya natatakot ako sa kanya? Tch.
"M-miko.."
"Let's go." Matigas kong sabi.
"H-ha? A-ano, Miko?"
Fvck! I don't know bakit kailangan kong gawin 'to. Hinila ko siya sa braso niya para mapatayo siya. "Let's go! Saken ka sasabay pauwi."
"Brad, nakaka-lalaki ka ah." Sabi no Phoenix.
"M-miko.." Kitang-kita sa mga mata ni Hera na naguguluhan siya.
Fvck. Ako din, naguguluhan eh! Basta gusto ko alisin siya dito!
"Hoy Prince Miko Abellano? Sino ka para basta nalang hilahin ang bestfriend ko?!" Sigaw nung bestfriend ni Hera.
Wala akong pakialam. Hinila ko pa rin si Hera palayo sa kanila.
"Chylee!"
"O-okay lang ako! Sige na! Hayaan nyo muna!" Sigaw ni Hera sa kanila.
Tch. Kailangan kong kausapin ang babaeng 'to.
--
Chylee POV
Nakarating kami dito sa may parking. Nandito na ang kotse nila. Kilala ko yon kasi stalker niya nga ako. Naguguluhan ako sa ikinikilos ni Miko. Kelan pa niya ako isinabay pauwi? Kelan pa niya ako nilapitan para hilahin? Never nyang nagawa nyo. Ngayon lang.
"What was that, Hera?!" Sigaw niya. Binitawan niya na ako. Magkaharap kami dito sa parking lot ng SWU.
"A-ano bang sinasabi mo?" Tanong ko.
"Wag ka ng magmaang-maangan pa, Hera! Fvck! Ano yon? Nakikipagmabutihan ka sa gagong Phoenix na yun ha?!" Sigaw niya.
Galit na galit siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya. Ano bang ginawa ko?
"Ano bang pakialam mo don, Miko? Hindi naman na ako lumalapit sa'yo eh!"
"Yun! Yun yun, Hera! Hindi ka na lumalapit saken pero nakikipagmabutihan ka sa ibang lalaki. Para ano?! Ha?! Fvcking shit! Alam mong tambayan ko ang quadrangle na 'yun tuwing uwian! Kaya ba naisipan mong don din kayo tumambay ha? Para ipakita mong may iba ka ng lalaking nagugustuhan o ano? Tell me, Hera?! Ginagawa mo ba 'to para pagselosin lang ako? Dahil, FVCK! Kahit ano pang gawin mo, hinding-hindi ako magseselos dahil wala akong nararamdaman sayo! Wala! Kaya tigilan mo na ang kahibangan mo! Tigilan mo na ang pakikipaglandian sa ibang lalaki sa harap ko!"
T_T
All I can do now is cry while listening to him. Masakit? Hindi. Kundi, sobrang sakit. Eto na nga eh. Binibigyan ko na nga ng chance ang sarili ko na ibaling sa iba ang atensyon ko tapos iisipin niya na ginagawa ko 'to dahil sa kanya?
"Now what Hera?! Ha? Sa dinami-dami ng lalaki, sa gagong Phoenix na yun pa! Di mo ba alam kung gaano ka-tarantado yun?!"
T___T
"T-tapos ka na? Ha? Tapos kana Miko? Tapos ka na ba sa pagpapamukha saken na patay na patay ako sayo kaya naiisip mo na ginagawa ko 'to para subukang pagselosin ka? Ha? Ang sakit na, Miko oh. Lumalayo na nga ako eh! Umiiwas na ako! Binibigyan ko na ng pansin ang mga taong nasa paligid ko dahil ilang taong umikot ang mundo ko sayo! Nagmo-move-on na nga ako eh. Simula na! Pero bakit ka ganyan? Bakit kahit nagmo-move-on na ako, patuloy mo pa rin akong sinasaktan?"
T_T
Ang sakit sakit na. Wala akong pakialam kung humahagulhol na ako. Wala akong pakialam kung nagtitinginan na ang ilang estudyanteng napapadaan dito sa parking. Masakit eh!
Tumingin ako sa mga mata niya. "Miko, mahal kita. Mahal na mahal kita pero tapos na ako sa pagka-martyr sayo! Pinamukha mo na saken na wala akong pag-asa diba? Ibinaba ko ang pride ko para sayo! Kahit nakakatawa ako, wala akong pakialam! Pero ibang usapan na ngayon, Miko. Iba na! Gusto kong burahin na ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo! Kung pwede nga lang na utusan ang puso ko na i-delete agad yung feelings ko para sayo, e'di sana nagawa ko na! Kasi ako ang nasasaktan dito! AKO, MIKO!"
"Hera.."
Pinilit kong pigilan ang paghagulhol ko. "Hindi ba pwedeng tulad nalang ng dati, Miko? Yung wala kang pakialam saken? Yung para lang akong hangin na nadadaanan mo. Yung parang anino lang ako? Ganon? Ganon nalang, Miko! Para mapabilis yung pagmo-move-on ko! Dahil di mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko! Kinakalimutan na kita oh. Unti-unti ko ng tinatanggap na wala eh, walang pag-asa dahil hindi ako ang ideal girl mo. Because I'm such a childish! I'm a living mega phone! I'm..."
T___T
"Hera.."
"Yung kanina, sorry. Pero di ko talaga sinasadya. Hayaan mo, sa susunod. Hinding hindi ako magpapakita sayo para di ka na magalit. Hinding hindi ako pupunta sa mga lugar na tinatambayan mo para di ka maabala. Hinding hindi.."
T_T
"....hinding-hindi ako titingin sayo. Hinding hindi ko hahayaang marinig mo ang boses ko para di ka mairita. Lumalayo na ako, Miko. Medyo mahirap kasi nasa iisang school lang tayo but I promise I'll do my best na hindi magtagpo ang landas natin. I'm sorry. I'm sorry for loving you. I'm sorry for..."
T__T
Hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya. Ang sakit sakit na talaga. Ilang heartbreaks ba ang dapat kong maranasan kay Miko?
Pinunasan ko ang luha ko. Tumingin ako sa kanya at pinilit kong ngumiti kahit tumutulo pa rin ang luha ko.
"Mauna na ako, Miko. Ito na ang huling pagkakataon na kakausapin kita. Sorry sa abala, ha? Ingat pauwi."
Mabilis na akong tumalikod at tumakbo pabalik sa loob ng campus. Umiiyak na naman ako. Si Miko..
Bakit ba parang wala siyang puso? Bakit ang sakit sakit nya magsalita? Bakit kailangan niyang ipamukha saken na wala lang ako sa kanya?
T__T
Kung pwede lang sanang buksan ko ang puso ko at tanggalin siya sa loob nito, e'di sana nagawa ko na at di na ako nasasaktan ng ganito.
I already gave up. I'm moving on. Dahil ngayon, mas susundin ko ang isip ko kesa sa puso ko.
*
A/N : Sorry baby Chylee. Nasaktan na naman kita. Hashtag #MPMMNCL
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top