37

Chylee POV

Ilang linggo na ang nakaraan mula nang umalis si Miko. Nalaman ko nalang na wala siya no'ng narinig kong pinag-uusapan ng triplets. Nasa Japan na nga daw si Miko. May pagsisisi akong naramdaman kasi pakiramdam ko, ako ang dahilan kung bakit kinailangan niyang umalis ng bansa.

Funny. Nuon, ako ang umalis para makalayo sa kaniya. At ngayon, siya naman ang umalis para makalayo sa akin.

"Tulala ka na naman."

Inilipat ko ang tingin ko kay Phoenix na ngayo'y nasa harap ko. Narito kami sa private office ko sa fastfood ko. Kaninang umaga pa ako rito pero parang hindi ako productive. Bigla bigla nalang akong natutulala, bigla bigla nalang akong nalulungkot.

"Phoenix."

"Yes, baby ko?" Consistent talaga ang pagtawag niya sa akin ng endearment na baby ko. Hinayaan ko nalang.

Nakapagdesisyon na ako noong huli kaming mag-usap ni Miko. Pinili ko si Phoenix. Maybe I was rude to him last time but I'm just protecting myself.

Siguro sasabihin ng iba na ang tanga ko naman. Kasi mahal ko si Miko, e. Pero hindi ko siya mabigyan ng second chance kahit ilang effort na ang ipinakita niya sa akin. Wala, e. Hindi naman kasi ako katulad ng iba na kahit mabugbog sa sakit ng puso dahil sa love na iyan ay ayos lang.

Iba ako. May sakit ako. Sa puso pa. At bawal sa akin ang matinding emosyon dahil baka maapektuhan ang puso ko. Iniisip ko lang ang mga tao sa paligid ko na masasaktan, mag-aalala at magsa-sakripisyo para sa akin. Kung kasiyahan ko lang ang iisipin ko, baka kami na ni Miko ngayon. Pero hindi, I don't want to be selfish. Naging selfish na ako nuon kaya kinailangang magsakripisyo ni Skyler para sa akin. Sarili ko lang ang inisip ko nuon kaya buong pamilya ko, nag-alala sa akin.

Hindi ko naman kasi masisiguro na sa pangalawang pagkakataon, hindi na ako sasaktan ni Miko. Ayokong sumugal. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin. Lalo na kung nakatatak na ngayon sa isip ko iyong sinabi sa akin ni Skyler.

I can't lose you, Hera.

Inaamin ko naman na nasaktan ako no'ng umalis si Miko. Hindi ko naman kasi akalaing aabot pa sa ganoon---na aalis siya ng bansa. Though, hindi ko talaga alam ang exact reason niya. Ayoko din namang magtanong. Mabuti na rin siguro 'to.

"Kinakausap mo ba talaga ako o nag-iimagine ka, baby ko? Tulala ka na naman, e."

Iwinaglit ko 'yung mga bumabagabag sa akin saka tiningnan si Phoenix. "Gala tayo." Yaya ko.

Namilog ang mga mata niya. "Oh, damn. Are you asking me on a date?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Niyayaya lang kitang gumala. Hindi 'yon date."

"Tch. Lakas mo mang-real talk. Saan mo gusto gumala?"

"Anywhere?"

"Hindi ko alam kung saan 'yang anywhere na 'yan. Amusement park ba 'yan? Restaurant?"

Sinamaan ko na naman siya ng tingin. "Let's go to amusement park. I want to ride to extreme rides." Excited na sabi ko.

He sighed. "Baby ko. As much as I wanted to grant your wish, I can't. Extreme rides? You know you can't. Hindi pwede sa iyo ang mga gano'n."

Nalungkot ako bigla. Oo nga naman. Bakit ko ba gustong sumakaya sa extreme rides? Alam ko namang bawal ako sa mga gano'n dahil sa sakit ko sa puso.

"Don't be sad. Ganito, let's go to mall. Quantum, let's play there. Hindi 'yun kapareho ng extreme rides na gusto mo pero masaya do'n."

Ngumiti ako. Phoenix always want to comfort me. Gusto niya lagi akong masaya. Ayaw niyang nalulungkot ako. At lahat ng bagay na gusto ko, ginagawa niya hangga't kaya niya.

Nag-thumbs-up ako sa kaniya. "Alright!"

Binitbit ko ang shoulder bag ko saka sumunod ka Phoenix palabas ng private office. Pwede namang iwan ang fastfood. Saka hindi rin naman kami sobrang magtatagal. Babalik pa rin kami mamaya pagkagaling sa mall.

Binilinan ko lamang ang head crew ko saka kami umalis ni Phoenix. Kotse niya ang ginamit namin. May kotse din ako pero madalas, isinasabay ako ng triplets pauwi. Minsan naman, dinadaanan na ako ni Phoenix sa mansyon kaya hindi ko na kailangan magdala ng sasakyan kapag gano'n.

"Bakit pala bigla bigla kang nagyaya maggala?" Tanong ni Phoenix habang nagmamaneho.

Kung alam mo lang. Dina-divert ko lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Ayoko kasing mag-isip ng kung anu-ano. Lalo na ng tungkol kay Miko. I chose Phoenix and he left. I need to accept that.

"These past few days kasi, puro trabaho tayo, e. Kaya ayun." Pagsisinungaling ko.

"Umamin ka nga sa akin, baby ko."

Kinabahan ako bigla. Napapansin ba niya na nagkakaganito ako dahil kay Miko?

"A-Ano 'yon?"

"Moves mo ba ito para magpa-impress sa akin? Or para masolo mo ako? Kunwari gusto mo maggala tapos yayayain mo ako but the truth is, you really want to be with me. Ayaw mo lang sabihin directly kasi nahihiya ka." Aniya na ikinanganga ko. "Alam mo kasi baby ko, 'yang mga ganyang bagay hindi mo dapat ikinakahiya saka hindi naman kita tatanggihan, e."

"Phoenix."

Ngumiti siya. "Oh, aamin ka na niyan? Tch. Huwag gano'n baby ko. Kikiligin ako niyan."

What the hell? Lakas talaga mag-assume nitong si Phoenix, e.

"Masyadong malawak ang imagination mo. Psh."

"Bakit naman?"

"Mali ka sa iniisip mo. Assuming ka talaga kahit kailan, e."

Napakamot siya sa ulo niya. "Baby ko naman, panira ka, e. Masama ba mag-assume? Tch. Matagal na nga akong nag-a-assume na gusto mo din ako."

Gusto? Siya? Well, yes. I like him as a friend. I like him because he's a damn good friend. But I don't like him as a man or as a partner. Paano ako magkakagusto sa kaniya gayong iisang lalaki lang ang tinitibok ng puso ko mula pa noon?

Masaya ako kay Phoenix kasi lagi siyang nariyan para sa akin. Hindi niya ako sinasaktan o pinapaiyak bagkus, lagi niya akong pinapasaya. All he wanted to do is to make me happy.

Sinabi ko lang kay Miko na gusto ko si Phoenix para tigilan na niya ako. I chose Phoenix not because I hate Miko but because I know, Phoenix deserve to be chosen. Narito siya sa tabi ko eversince. Alam kong parang lumalabas na pinipili ko si Phoenix dahil sa utang na loob ko sa kaniya. But no, I chose him because I know I will be happy with him. He loves me, at sa tingin ko ay mawawala rin ang pagmamahal ko kay Miko at mapupunta iyon kay Phoenix. Kung madali lang sana gawin iyon.

"Mag-drive ka na nga lang diyan."

"Sungit. Meron ka ba?"

"What?"

"Wala." Tumawa siya. "Where do you want to eat? Kain muna tayo sa mall bago tayo maglaro sa quantum."

Nag-isip ako. Hindi pa rin pala kami nagla-lunch. "Jollibee?"

"The eff, baby ko. Magsawa ka naman, o! Sa araw araw nasa Jollibee tayo, hindi ka pa ba nagsasawa? Sa iba naman. Mcdo naman."

Sinamaan ko siya ng tingin saka kinurot sa tagiliran niya. "Walang'ya ka! Anong mcdo! Kalaban natin 'yun! How dare you!"

Tumawa siya ng malakas. Napakislot pa siya ng kurutin ko siya. "I'm just suggesting! Tch. E'di sa mga retaurant naman. Huwag tayo kumain sa fast food. Masyado ka kasing competent."

"I am not. Ayoko lang na kumain sa ibang fastfood kasi feeling ko nagtataksil ako kay Jollibee."

"Seriously, baby ko? Naiisip mo talaga na para kang nagtataksil kay Jollibee? Umamin ka nga sa akin. Bukod kay Miko, isa rin ba siya sa karibal ko?"

Nag-pokerface ako. "Of course not!"

"Sabi mo kasi para kang nagtataksil sa bubuyog na iyon. Grabe, baby ko ha. Nakakaselos 'yan."

"He's my first love."

Napa-preno si Phoenix. "Tang'na, sino?! Hindi ba't si Miko ang first love mo?"

"Just drive. Psh."

Pinaandar naman niya ulit ang sasakyan. "Sino ngang first love mo?"

"Si Jollibee. Psh." Nakakahiya. Well, childhood days. "When I was a kid, I want to marry Jollibee."

Tumawa ng malakas si Phoenix. "Grabe baby ko, bigla akong na-insecure sa bubuyog na 'yon. Putspa, kagwapo-gwapo ko tapos hindi mo pa rin ako sinasagot pero 'yung bubuyog na bastos na iyon, gusto mo pakasalanan? Aba, aba!"

"Anong bastos?"

"What? Hindi siya nagsusuot ng pambaba. Kahit brief o shorts wala. Tch."

"Enough with Jollibee. Dami mong sinasabi."

Nagpatuloy siya sa pag-drive. "Chylee."

Oh, he's calling me by my name. He's serious.

"Do you miss him?"

Him? I know who is he pertaining to. It's Miko. Nami-miss ko nga ba siya? Indenial ako pagdating kay Miko, e.

"Why did you ask suddenly?"

Nagkibit-balikat siya. "I just want to know. Almost one week na rin siyang wala. Nakaka-miss din pala kaaway ang gago na 'yun."

"You like him?" I asked.

"What the fvck, baby ko? Si Miko? Aba, tingin mo sa akin, bakla? Tch. Sa ganda kong lalaki na 'to. Sayang genes ko."

"Nami-miss mo kasi, e." Biro ko. At least, maiba ang usapan.

"Nami-miss kaaway. Karibal ko 'yun, e."

"I see." Napansin ko ang malaking building. Narito na pala kami sa mall.

Ipinasok ni Phoenix ang sasakyan niya sa parking lot. "So kain muna?"

Tumango ako. "Let's eat."

"Okay, game." Aniya saka bumaba na ng kotse niya.

Ipinagbukas niya ako saka inalalayang bumaba.

"Let's go?"

Tumango ako saka humawak sa braso ni Phoenix. I hope this day would be fun.

-

Naka-crossed arms ako habang nakatingin kay Phoenix na hindi nagpapaawat sa paglalaro ng basketball dito sa quantum. Kelan pa siya na-adik dito? E, hindi nga siya marunong maglaro ng actual basketball sa court.

"Tama na kasi 'yan, Phoenix. Try naman natin 'yung ibang games dito."

"Wait lang, baby ko. Two tokens more. Kaya ko 'to!" Aniya habang abala sa pagpapa-shoot na bola na mas marami pa ang sablay sa shoot.

"Hindi ka ba napapagod diyan? Masyado mong sineseryoso 'yan, e." Napansin kong pinapawisan siya sa noo niya. But he didn't mind at all.

"No. I need to learn this game."

"Ano bang sinasabi mo?"

Nagpa-shoot pa siya ng bola hanggang tumigil na iyon. Tumingin siya sa akin.

"Isa ito sa bagay na kayang gawin ni Miko na hindi ko kayang gawin. Tch. Gusto kong matuto para maangasan ko naman siya kahit sa basketball lang." Pagkasabi niyon ay naghulog ulit siya ng token at naglaro.

Ginagawa niya 'to kasi marunong si Miko ng basketball? Likas ng magaling si Miko kase basketball player din ang tatay niya. Isa pa, dati pa, nagba-basketball na siya. E, si Phoenix ngayon lang saka hindi naman niya 'yan hilig. Badminton, tennis, bowling, iyan ang mga hilig niya.

Hinayaan ko na si Phoenix hanggang tumigil na ulit 'yung nilalaro niya.

"Let's try another game!" Sigaw niya habang nagpupunas ng pawis sa noo niya. "Woo! Napagod ako do'n. Pero feeling ko expert na ako sa basketball. Sali kaya ako sa mga liga ng basketball?"

Gusto kong tawanan si Phoenix. "Phoenix, no need. Tara laro nalang tayo no'n!" Itinuro ko iyong ulong lumalabas sa mga butas tapos pupukpukin.

"Okay! Let's go!"

Tuwang tuwa ako sa mga games. Halos lahat ay sinubukan namin. Pati ang pagda-drive sa car racing ay ginawa namin. Kung anu-ano pang games kaya nakaipon kami ng maraming ticket. Hindi ko nga lang alam kung gaano karaming token ang nagamit namin.

Dalawang oras rin ang tumagal. Lumapit kami sa mga may display ng prices na pwedeng ipalit sa tickets. Pinabilang namin ang ticket at nakakatuwa dahil nasa one thousand plus iyon. Sa tagal ba naming naglaro na halos laruin namin lahat, e. Nakatama pa ako kanina ng 300 ticket sa game na i-press 'yung button tapos malalaglag ang bola sa mga butas na may mga price. Kung saan masho-shoot ang bola, iyon ang bilang ng makukuha mong ticket.

"Ano pong gusto niyong ipalit, mam?" Tanong no'ng babaeng bantay dito.

Tumingin ako sa mga display.

"Anong pipiliin natin, Phoenix?"

"Choose whatever you want, baby ko. That's yours." He smiled at me and I smiled back.

Dumako ang pansin ko sa stuff toy na bee. "I want that!" Tinuro ko pa 'yung stuff toy.

"Ito po ba mam?"

Tumango ako. "Yes, yes!"

"Baby ko, hanggang dito naman bubuyog pa din. Tch."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Phoenix. Inabot sa akin ng babae ang stuff toy na inilagay niya sa plastic.

"Napakasaya mo ah." Puna ni Phoenix.

"Syempre. Thank you, Phoenix." Hinarap ko siya. "I had fun."

"Lagi ka talagang sasaya sa piling ko."

"Sa quantum ako nasiyahan." Ngumisi ako.

"Tch. Real talk mo talaga, baby ko, e. Tara na nga. May gusto ka bang bilhin?"

Umiling ako. "I'm tired. Let's go back to fastfood." Sabi ko. Nakakapagod din doon pero enjoy naman. Bigla akong napahawak sa bandang puso ko, parang biglang may sumipa, ganon. Pero nawala din naman.

"Are you okay? May masakit ba sa 'yo?"

"Wala. Okay na. Napagod lamg siguro."

"Okay. Tell me kapag may masakit sa 'yo."

Tumango lamang ako. Lumabas kami ng mall. Habang naglalakad patungong parking lot ay tumunog ang phone ko.

It's Kenzo. Bakit kaya?

"Hello?" I answered it while walking.

"Ate si Kuya, isinugod dito sa hospital. Mom is crying."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Si Sky? Anoing nangyari?!" Napatigil ako sa paglalakad.

"Oo, Ate. Sabi, inatake daw si Kuya. Hindi pa alam kung bakit. Naka-confine ngayon siya dito sa St. Lukes."

"Pupunta na ako diyan, okay?" Ibinaba ko ang tawag saka tumingin kay Phoenix na bakas sa mukha ang pag-aalala.

"St. Lukes." Sabi ko saka kami mabilis na tumakbo sa sasakyan niya at sumakay.

"Anong nangyari?" Tanong niya saka nagsimulang magmaneho.

Bigla nalang akong naiyak. Nag-aalala ako kay Skyler. Ang tagal na no'ng huli siyang atakihin. Sa aming dalawa, noong bata kami, siya ang mas malala. Natatakot ako. Sigurado akong may nangyari kaya inatake siya. Hindi 'yung basta basta aatakihin lang. We're done with surgeries. At alam kong maingat si Sky dahil ayaw niyang mag-aalala sina Mom and Dad.

"Chylee..."

"Inatake si Sky." Umiiyak na sabi ko. "Natatakot ako. Please bilisan mo ang pagpapatakbo ng kotse, Phoenix. Please."

Binilisan niya ang pagda-drive. "Calm down, okay?"

"I can't. Paano kung malala? Natatakot ako..." Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama kay Skyler. Ka-kambal ko siya, he's always there for me, he's always taking care of me.

"Trust to God, Chylee. We're almost there." Aniya na hindi ko na pinansin.

Nang makarating kami sa St. Lukes ay agad akong bumaba. Hindi ko na nahintay si Phoenix na tumatakbo kasunod ko. Pagpasok ko sa loob at dumaan ako sa reception.

"Skyler Shinwoo. Where is his room?"

"Wait po, mam. I-check po namin."

Kinakabahan ako lalo at hindi ako mapakali. Katabi ko na si Phoenix na hiningal pa sa pagtakbo.

"Room 405 po sa 4th floor."

"Thank you."

Mabilis akong lumapit sa elevator at sumakay doon.

"Hey, calm down."

"I can't! Si Sky 'yun. Kakambal ko 'yun. I can't calm down!" Umiiyak na sabi ko.

Nang tumunog ang elevator senyas na magbubukas na ito ay agad akong lumabas at hinanap ang room ni Sky.

Nakita ko sa labas si Dad na nakaupo habang nakatungo. Naroon din ang triplets na tahimik na nakamasid kay Dad.

"Dad."

Nag-angat siya ng tingin. "Chylee."

"Si Sky po? Okay lang ba siya?"

Yumakap ako kay Dad at lalo akong naiyak. "Ssshhh. Your twin is a fighter. He'll be fine."

Kumalas ako ng yakap saka pinahid ang luha ko. "Pupuntahan ko po siya sa loob."

Tumango siya. "Nasa loob ang Mom mo."

Pumasok ako sa loob ng kwarto at naabutan ko si Sky na nakahiga sa kama, he's maybe sleeping dahil nakapikit siya. Nakita ko agad ang mga aparatong nakakabit sa kaniya at lalo akong naiyak.

"M-Mom.."

Agad na tumayo si Mom at sinalubong ako ng yakap. "Anak..."

"Si Sky po. Ano pong nangyari. Is he okay?"

She wiped my tears and smile at me, kahit may luha rin sa mga mata niya. "He'll be fine, anak. Malakas ang kakambal mo. He's a fighter since childhood. Bata pa nga lang kayo nuon, nalabanan niya, e. Ngayon pa ba? He's stronger."

Lalo akong naiyak. Alam kong sa aming lahat, ang nanay namin ang pinaka-apektado. Dahil bata palang kami, nasa tabi na namin siya. Sa paglaban namin sa sakit namin nuon ay kasama namin siya. My parents, they never leave us. Hindi nila kami pinabayaan. Kahit sobrang abala sila sa business or what, they still choose us, pamilya. Family first. That's what I saw to my parents. Kaming mga anak nila ang priority nila that's why we're lucky to have them. Si Dad, kahit pinaka-makapangayarihang tao pa ang kailangang niyang i-meet, kung may mangyari sa amin, mas pinipili niya kami.

"A-Ano po bang nangyari?"

"I still don't know. Basta ang alam ko, nasa kompanya siya at bigla na lang siyang inatake. Wala pang makapagsabi kung bakit. Mabuti na lamang at nakita agad siya ng secretary niya at naisugod siya rito."

"Pero mom, bakit gano'n? He's done with multiple surgeries. Bakit inatake pa din siya. Maingat si Sky. Mas maingat siya sa akin."

"Anak, tahan na. Hindi ba't sabi ng doctor, kahit dumaan na kayo sa surgery, hindi pa rin maiiwasan na atakihin? Si Skyler ang makakapagsabi sa atin kung bakit siya inatake. Alam kong may dahilan, anak."

Gusto kong malaman ang dahilan. Ano ba? Bakit ganito...

"Mom..." Niyakap ko ulit ang nanay ko.

"Ssshhh. Ayaw ni Sky na umiiyak tayo. We need to be strong for him, okay?"

Tumango ako pero hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ang luha ko. "I am strong. For him.."

Lumapit ako kay Sky. Naupo ako sa upuan sa tabi ng higaan niya. He's sleeping.

I held his hand and kissed it. "Be strong, my twin. Lagi mong sinasabi na dapat ingatan ko ang sarili ko. Ang daya mo naman, e. Bakit ikaw, inatake? Pinapabayaan mo yata ang sarili mo, e. Magagalit ako sa 'yo."

Umiyak ako lalo habang hawak ang kamay niya.

"You said you can't lose me." I bit my lower lip to stop myself from crying. "I can't lose you too, Sky. K-Kambal tayo, e. Hindi ba...hindi ba may string na nag-uugnay sa atin na tayo lang ang may alam? Kaya dapat gumising ka na diyan at maging okay. Kasi paano ako? Paano ako magiging okay kung hindi ka okay? Laban ha? I'm here. Ikaw 'yung laging narito sa tabi ko, ngayon ako naman ang narito sa tabi mo. I won't leave you. Dito lang ako. Gusto ko ako ang unang sasalubong sa 'yo pagmulat ng mga mata mo, Sky."

Naramdaman ko ang paghawak ni Mom sa balikat ko.

Lalo akong naiyak. "You owe me a date, twin. Kaya gising na."

"Ssshhh. Chy, baby." Inaalo ako ni Mom. I know she's just being strong but she's worried, too.

Mariin akong pumikit. So this explains why I felt something in my heart a while ago? Ito ba 'yon? Kambal kami, e. Mararamdaman ko 'yon. Aalamin ko kung ano ang nangyari. Aalamin ko..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top